Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

This chapter is dedicated to MarianneLamban ❤️ Thank you for waiting. Sana magustuhan mo 🖤

Also, Happy 11.4k Reads MTW!!

•••

Nasa condo sila ngayon ni Ryker at masayang nanonood ng mga action movie na nirequest ni Rylie. Hindi mawala ang ngiti sa maninipis na labi ng bata.

Nagpadeliver ng dalawang box ng pizza si Ryker para sa kanilang dinner at masaya silang tatlong kumakain ng hapunan. Once again, Rylie felt free.

Pansin ni Yana ang pagka busy ni Ryker sa telepono nito kaya't sinita niya ito noong makatulog si Rylie sa kaniyang tabi. "May problema ba sa trabaho? Tutok na tutok ka kase sa cellphone mo." Nag aalalang tanong ni Yana, bumaling naman sakaniya ang binata na mukhang may malalim na iniisip.

"Paano mo po nalaman ang pangalan ko?" takang tanong ni Rylie sa babaeng nabangga niya.

Ngumiti ito kay Rylie bago sagutin ang tanong nito, "Kase ako yung Ma-"Don't you dare!" matalim na tinitigan ni Ryker ang babae.

Kumunot ang noo nito sakaniya, "K-kaibigan ako ni Ryker, narinig ko kaseng tinawag ka niya kaya nalaman ko ang p-pangalan mo." She lied. "Hello, my name is Marsha."

Itinago ni Ryker ang kaniyang kapatid sa kaniyang likuran. "Anong ginagawa mo rito?" may bahid ng inis sa boses niya. Walong taon na ang nakalipas at ngayon pa talaga siya nagparamdam? Para ano?

"Akala ko bang nagmigrate kana sa New York for good?" tanong ni Ryker.

"Hindi ko na kailangang sagutin yang tanong mo Ryker... Pero gusto ko lang na bisitahin ang aking mga kaibigan dito sa Pilipinas." Ngumiti ito pagkatapos ay sinulyapan ang batang si Rylie. So namana pala nito ang kulay ng buhok niya. They have the same blonde hair.

"At kabilang ba roon ang aking Ama?" hinawakan ni Ryker ang braso ni Marsha at pinisil iyon ng mahigpit.

"Nasasaktan ako ano ba! Wala akong ibang plano ang gusto ko lang ay ang makita siya." Dahan dahang lumuwang ang pagkahawak ni Ryker sa braso nito.

"Damn, bakit ba ang hot mo kapag nagagalit ka?" ipinadausdos ni Marsha ang hintuturo nito sa dibdib ni Ryker, mabilis namang inilayo ni Ryker ang kaniyang sarili sa babae. Wth

"Bye Ryker, malakas rin ang kutob ko na madalas na tayong magkikita simula ngayon." Pagkasabi ni Marsha non ay tuluyan na itong lumabas ng mansyon.

Dali daling dinial ni Ryker ang numero ng kaniyang sekretarya. Ilang ring lang ay sumagot na ito. "Daniel! Gusto kong tutukan mo si Marsha. Gusto kong malaman kung bakit siya nagbalik sa Pilipinas."

"Wala lang ito, wag ka nang mag-alala." ngumiti si Ryker kay Yana at niyakap niya ito ng mahigpit. He felt comfort with her warmth.

"Oo nga pala." Inalis ni Yana ang pagkayakap ni Ryker sa kaniya at hinarap siya nito. "Pwede ba nating ampunin si Rylie?" Tanong niya na ikinatanga ni Ryker.

She wants to adopt Rylie, napamahal na siya sa bata at gusto niya itong tuluyang magkaroon ng kalayaan sa kamay ni David. Wala naman sigurong pakealam si David kung aampunin nila ang bata since wala namang halaga si Rylie sa kaniya.

"N-natin?" dahan dahang sumilay ang ngiti sa mga labi ni Ryker.

Tumikhim si Yana. "K-kung gusto mo lang... Wala akong alam sa pagiging ina pero susubukan ko lahat ng kaya ko." Half of her says, ayaw nitong maranasan ni Rylie ang narasan niya noong bata pa lamang siya. Rylie deserves everything and she's willing to give that everything to him.

"G-gagawin mo iyon?" takang tanong ni Ryker. "Ayos lang ba sayo na magkaroon ng anak kahit na hindi siya galing sayo?" he asked again. Hindi lang siya makapaniwala, Yana wants to adopt Rylie with him. Lihim siyang napangiti, gusto ng dalaga na makasama siya at si Rylie.

"Oo naman, mahal ko si Rylie." Yana gave him an assurance smile.

Muling niyakap ni Ryker ang kasintahan, "Yana." he whispered her name. Abot langit ang saya niya. Mamumuhay sila ng magkasama kasama ang kaniyang kapatid, wala na siyang hihilingin pa kung ganon. His face saddened. Sana, sana ay ganoon lang iyon kadali.

Maraming mga tao ang nagsasaya kapag sobra silang minamahal ng kanilang mga mahal sa buhay. Pero minsan merong punto sa buhay ni Yana na ayaw niyang maramdaman iyon. Kase paano nalang kapag yung taong naghahatid ng saya sakaniya ay bigla nalang naglaho? Biglang umalis? Biglang hindi nalang nagparamdaman? Ang sakit non'.

Pero willing si Yana na sumugal ulit para kay Ryker.



"Nandito ka na naman sa condo ko, wala kabang sariling condo?" sita ni Yana kay Ryker dahil sa condo siya nito ulit tumuloy. Nasa kwarto sila ngayon at nakahiga sa kaniyang malambot na kama habang nakaunan ang mga braso ni Ryker kay Yana.

"Bakit nagsasawa ka na ba sa akin?" Ryker pouted.

"Siguro." Pagbibiro ni Yana.

"Oo nga pala nakita mo na ba ang restroom mo?" tanong ni Ryker. May pagtatakang lumingon si Yana sa binata.

"Dalawang toothbrush, dalawang towel, dalawa lahat." He chuckled. Mukhang balak na din niyang tumira sa condo ni Yana, he can't get enough of her. Gusto kase nito na lagi niyang nakakasama sa pagtulog at gusto din niya ang mukha ng dalaga ang una niyang nakikita pagising niya.

"Dito na ako titira." Seryosong sabi ni Ryker, pero wala siyang nakuhang kahit anong sagot mula kay Yana. Bumuntong hininga siya, seryoso ba si Yana noong sinabi niyang nagsasawa na ito sakaniya? "Fine, kung ayaw mo bukas din babalik na ulit ako sa aking con-"No stay here." Ngumiti si Yana sa kaniya at niyakap siya nito ng mahigpit. Lihim siyang napangiti, Yana is his strength, his weakness and his all.

This is so good, laying with the love of your love after an exhausting day at work. Wala nang iba pang hihilingin si Ryker. He is deeply in love with her. His heart, his soul it all belongs to Yana.



"Kamusta kayo ni Hugo?" nakangiting tanong ni Helena sa kalagitnaan ng kanilang dinner. Muli kase itong nagbalik sa Pilipinas galing Desborough. "He's really a nice guy. He's also a gentleman and faithful. I can see your future with him."

Helena can see her future with him? Dahan dahan siyang napailing. Hindi kaya iniisip ng kaniyang Ina na ipakasal siya kay Hugo? Mali ba ang inisip niya noon na magkaiba ang mga Lopez at ito? Ipapaarriange marriage din ba siya ng kaniyang Ina? Andaming katanungan sa kaniyang isip.

Hindi na siya makakapayag. Nagkamali na siya noon at hindi na iyon mauulit. May sarili siyang utak at puso para pumili kung sino ang makakasama niya sa kaniyang pagtanda.

Matapang niyang hinarap ang ina, "Kahit ano pa pong sabihin niyo. Hindi ko magugustuhan si Hugo. Hindi po ako magpapakasal sa kaniya gaya ng iniisip niyo." Anito, na ikinakunot ng noo ni Helena. "Naappreciate ko po ang effort niyo para sa akin, pero hindi ko po kayo hahayaang kontrolin niyo ako kahit na ikaw ang tunay kong ina. Wala na po sa akin kung mawala man lahat ng meron ako ngayon. Pero hindi po ako papayag na magpakasal sakaniya."

Helena smiled to her. "Okay." Anito pagkatapos ay muli itong kumain.

Nagisang linya ang kilay ni Yana. "O-okay?" takang tanong niya, "Yun na yon? Hindi mo man lang ba ako kukumbinsihin? Pahihirapan? Susumbatan?"

"No, why would I do that?" Helena pouted. "Saka wala naman talaga akong intensyon na ipakasal siya sayo. I can say na bagay kayo, but you don't like him kaya hindi ko na iyon ipipilit." Helena smiled again, inabot nito ang kamay niya saka niya ito pinisil. Wow.

Pero mayroon pa ring bumabagabag sa isip niya, "Paano kung isang araw mawala lahat ng pera natin? Tapos magiging desperado tayo para makabalik sa dati at ang arriange marriage ang tanging makakasalba sa atin, what will you do?" she asked. Paano kung maging iba ang sitwasyon? Mag iiba din ba ang desisyon ng kaniyang ina?

"Of course not ija!" tanggi ni Helena. "I told you before, galing din ako sa arriange marriage, at ayaw kong maranasan mo iyon sa kamay ko. I know the feeling kaya't naiintindihan kita, naiinis ako sa mga Lopez dahil pinaranas nila iyon sayo."

Muli nitong pinisil ang kaniyang kamay. "Child, kapag nangyari iyon. I will offer myself first. Look at me, I look younger than my age. Choosy pa ba sila?" Helena chuckled.

"And alam ko kung sinong boyfriend mo ngayon." Bulong nito sakaniya saka tumawa ng malakas.

"P-paano mo po nalaman? Sekreto lang po iyon." Aniya. Oh my gosh? Nakatunog na ba ang taga media?

"Are you happy with Ryker Thompson?" pag iiba ni Helena sa usapan.

Kusa siyang napatango, she's more than happy with him. "Very, and I love him."

"Love is a very strong word child, wag ka lang niya muling papaiyakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nangyari iyon." Sabi ni Helena pagkatapos ay sumimsin ng wine.

Yana phone beeped, mabilis niya itong tinignan. Speaking of the devil. Ryker texted her. Saying 'meet me on the pool'



Dali daling pumunta si Yana sa condo ni Ryker pagkatapos ng dinner nila ng kaniyang Ina, truth is she's happy. Masaya siya dahil hindi naging tutol si Helena sa kaniyang desisyon knowing na may past sila ni Ryker. Sinuportahan pa nga siya nito at ito na mismo ang nagsabi sa kaniya na puntahan na niya ang binata.

So here she is, at the pool room of Ryker. At nakababad ito sa tubig. Mukhang malalim ang iniisip ng binata dahil hindi man lang siya nito binigyan ng tingin ng makarating siya. "Ayos ka lang ba?" tanong niya. "Anong ginagawa mo diyan? Dito ka nga" pagtawag niya kay Ryker dahil nasa may malayo itong banda.

Ryker remained silent. Minutes has passed at doon lang siya bumaling sa kaniya. He has this blank expression in his face, biglang nakaramdam ng kaba si Yana. What's with him?

"I can't do this anymore." He said.

"Do what?" takang tanong ni Yana. Anong ibig nitong sabihin?

"This. Us." He said plainly.

Matapang na hinarap ni Yana si Ryker. "Kung prank na naman to, tigilan mo ako. Masaya ako at ayaw kong mabadvibes." Inis niyang sabi.

"It's not a prank. Hindi ko na kaya. Sawa na ako, hindi ko na kayang magpanggap."

"A-anong p-pinagsasabi mo?" nauutal na si Yana at nanginginig na din ang kaniyang boses.

"Nagsisinungaling lang ako sayo!" he exclaimed. "Galit ako noong nagwalk out ka sa akin noong kasal natin! I loved you, and you know it yet you left me. Napahiya ako sa maraming tao!" tumalim ang tingin ng binata sakaniya. "kaya noong nakita kita sa Daku sinabi ko sa isip ko na babalikan kita at ibabalik ko sayo yung sakit na pinaramdam mo sa akin noon!"

Napaatras si Yana sa kaniyang kinatatayuan. Totoo ba ang lahat ng mga naririnig niya? Hindi ba siya nabibingi lang o ano? Tumulo ang ilang butil ng luha sa kaniyang pisngi, heck! This is real! Pinakiramdaman niya ang puso niya at para itong napupunit sa sobrang sakit. She can barely breathe.

"Pinlano ko na makuha ulit ang loob mo at ngayon hulog na hulog kana, ako naman ang wawasak sayo! No one dumps me! At ikaw ang kauna unahang gumawa sa akin non! I just..." he stopped. "F8ck"

"Gusto kitang paglaruin, at satingin ko'y tama na ang paglalaro ko. You're falling with me harder everyday at hindi ko na kaya pang magpanggap na meron din akong nararam-"Stop! Please stop!" Yana cried. Masaganang bumuhos ang kaniyang luha sakaniyang pisngi. Enough! Hindi na niya kaya. Ganoon ba siya katanga at hindi niya naramdaman na niloloko lang siya ng binata? Naisip na niya iyon noong may movie date sila, sana ay pinaniwalaan nalang niya ang sarili niya.

Parang biglang tumigil ang kaniyang puso sa pagtibok. No! Hindi maaring pinaglalaruan lang siya ni Ryker. He proved himself to her. At hinding hindi magagawa ni Ryker ang mga bagay na ito sakaniya. Pinunas niya ang kaniyang luha sa mukha. "Lasing ka ba?" she asked as if nothing happened.

"Please don't make this hard on me." Ryker said.

"Hindi ako naniniwala sayo Ryker!" sigaw ni Yana. Muling namumuo ang tubig sa kaniyang mga mata. "Sabi mo hindi na ako mag iisa. Sabi mo hindi ako iiwan." She tried to stop her tears but she failed.

"Stop Yana. Ayoko na. Let's end this, hindi tayo pareho ng nararamdaman." Tumalikod muli si Ryker sa kaniya. "Minahal kita, pero noon yon. Hindi na ngayon"

Parang tumigil ang oras sa mga binitawang salita ni Ryker sa kaniya. It can't be! "No, Ryker please!" pagmamakaawa niya.

Hindi siya nagdalawang isip at tumalon siya sa pool. She waited, and waited for him to catch her, she was sinking into deep. But Ryker wasn't there to save her.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro