Chapter 41
Agad na hinanap ni Yana si Ryker sa washroom ngunit hindi niya ito mahagilap kung saan. Pinagloloko ba siya nito? "Ryker nasaan ka?" inis niyang tanong.
"Akala ko bang pinagkakatiwalaan mo ako?" pinagkrus niya ang kaniyang mga kamay sa tapat ng dibdib. "Akala ko bang ayos lang sayo ito?" tanong niya ulit. Wait, pinagdududahan ba siya nito?
Without warning, Ryker went out from the stall. He crushed his lips to hers. Pinangko siya nito sa may pintuan ng isang cubicle stall. He kisses her with burning desire, and he's demanding for more.
Yana can feel excitement, anger, lust and confusion pero biglang naglaho lahat ng iyon. She's giving up. She's giving her all to Ryker. Sinabayan niya ang paggalaw ng dila ng binata sa kaniyang bibig. She's so drunk with his kisses.
Huminga ng malalim si Yana ng maglayo ang kanilang mga labi, ngunit magkadikit pa rin ang kanilang mga noo. Then he smile to her.
Hindi nagkakamali si Yana, she knows that it was a branding kiss. He branded her using his lips.
Nang makabawi siya'y nag isang linya ang kaniyang kilay. "P-para saan yon?!" mahinang sigaw niya.
Naglaho ang ngiti sa bibig ni Ryker at napalitan iyon ng ngisi. "I told you, I'll claim what's mine."
Umiling iling si Yana, "Pero hindi mo dapat ginawa to! Hindi mo dapat ako sinundan dito!" sigaw niya. Wala na siyang pakealam kung may makakarinig man sakaniya sa labas.
"That blue eyes man doesn't want just to be friends with you!" kitang kita ni Yana ang pagtitimpi sa mukha ni Ryker. Dumako ang mata niya sa kamao nito at nakayukom ang mga iyon. Pinakatitigan ni Ryker ang suot niyang kwintas ng may halong pagkadisgusto.
"Wala sayo ang desisyon, Ryker. Ako ang makakapagsabi kung gustong makipag kaibigan sa akin ni Hugo o hindi."
Lumayo na siyang tuluyan kay Ryker, "I don't need a possessive boyfriend breathing down my neck."
Nagbaba ng tingin ang binata nang marinig iyon, anong magagawa niya? Hindi niya kayang makita ito na may kasamang ibang lalaki, gusto niyang siya lang ang nagkakapaghatid ngiti sa mga labi nito.
Nakaramdam ng guilt si Yana sa tinuran niya. "Ayaw ko iyon." Malumanay niyang sabi. Muli siyang lumapit kay Ryker.
"I'm sorry. Hindi ko lang mapigilan." Nakayuko pa rin nitong sabi. "This is new to me, Yana."
Yana rolled her eyes. "Parang hindi naman bago sayo yung pakipagmake out sa public restroom." Inis na sabi niya na nakapagpaangat sa tingin ni Ryker.
"Hindi iyon ang tinutukoy ko. What I'm saying is... I've ever felt so much for someone before."
Ito ang unang pagkakataon na makaramdam siya ng ganoong pakiramdam sa isang babae. He can't get enough of her at gusto niyang laging nakikita o nakakasama ito. Pag naman may nakikita niya itong may kasamang iba mabilis pa sa alas kwatro kung magselos siya. He can't help it, it's just naturally coming out from him. He's powerless when it comes to Yana at wala siyang laban rito.
Hinaplos ni Yana ang kaniyang pisngi at pinaharap siya sakaniya, "I love you." she said.
"And I love you too" he smiled.
Pinagmasdan ng binata ang kabuuan ni Yana at parang sinusuri kung mayroon bang masakit sakaniya. "Sorry kung natakot kita, nasaktan ka ba?" may pagaalalang tanong nito. He slammed her on the door baka kung napano ito.
"N-no." mabilis na sagot ni Yana. Alam niyang pagsisisihan niya ang susunod niyang sasabihin pero.. "I actually like it." Mahinang bulong niya. She likes the way he kissed her a while ago.
Nararamdaman niyang umaakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha niya. "Wag lang sa ganitong lugar."
Tumawa ng malakas si Ryker sa tinuran niya, He's amused! "Nayana Berkshire, you're naughty" malakas na hinampas ni Yana ang kaniyang braso. Goodness!
"Anyways, would you like to have dinner with me tomorrow?" tanong nito.
"Dinner sounds good but..." she stopped. Nakalimutan ba nito na hindi sila pwedeng lumabas na magkasama sa public? They need to make their relationship private.
"Someone really wants to have dinner with you." May paglalambing sa boses ni Ryker. Pagkatapos ay niyakap niya ito.
Biglang kumalabog ang puso ni Yana ng sobrang lakas, anong pinang gagawa ng lalaking ito sakaniya?
"I know you're handsome as hell but, can you stop speaking in third person? It doesn't suit you." Natatawang sabi ni Yana. Naweweirduhan lang siya sa binata.
Binaklas niya ang pagkayakap ni Ryker sakaniya at matalim niya itong tinitigan.
"Ahh.." amusement filled his eyes "So you think that I'm handsome as hell?" he smirked.
Napakamot nalang ng ulo si Yana, iyon talaga ang mas napansin niya? Ikakabaliw niya talaga ang lalakeng ito!
"Sorry to disappoint you miss but... when I say someone, I mean a cute little blonde boy who has a major crush on you."
Namilog ang kaniyang mga mata, "Rylie! Pero paano?" ang alam kasi niya'y hindi pwedeng ilabas si Rylile, muntik pa nga niyang hindi mapapayag si David noong mag Enchanted Kingdom sila.
"Naalala mo ba iyong sinabi mo sa akin sa hospital?" tanong nito sakaniya. "Tama ka, hindi solusyon ang pagkukulong kay Rylie sa mansion para magkaroon ng normal na buhay niya."
"Dadalhin ko siya sa condo ko para sa dinner, at gusto niyang kasama ka." He smiled to her.
Tumango tango si Yana, namimiss na niya si Rylie. Ilang araw pa lang ang nakakaraan pero gusto niya ulit makita at makurot ang pisngi nito. "It's a date then! Babalik na ako roon." turo niya sa loob.
Ayaw man ni Ryker pero wala itong magagawa, ayaw niyang magtalo sila ng dahil lang sa lalaking iyon.
"Are you alright?" tanong ni Hugo ng makabalik si Yana sa kanilang mesa. "What took you so long?" he asked again. "Your lips look a little swollen."
Oh my gosh, mabilis na tinakpan ni Yana ang kaniyang labi. Hindi dapat nito malaman na nakipaghalikan siya sa may restroom. Nakakahiya!
"Look, Hugo. I appreciate your gift to me. But..." hinubad niya iyong kwintas at binalik iyon sa box na nasa mesa, pagkatapos ay inabot niya iyon sa binata. "I can't accept this."
Sadness is shown in his blue eyes. "I am really sorry, I'll take the necklace back if it makes you uncomfortable. But... I really want to be friend with you, nothing more. You're so charming and kind." He looked so sincere.
Ngumiti naman si Yana sa kaniya, of course hindi naman niya iyon tatanggihan. Wala naman sigurong mali kung makipagkaibigan siya rito, hindi ba? He's nice.
--
"Hindi ako makakapaniwalang sasabihin ko to, but I missed this" malambing na sabi ng babae ng matapos itong makapagbihis.
"You know the way out, you can leave." Walang emosyong wika ni David.
"Wala kang kupas, senior Thompson." She gave him a peck on his lips before leaving the room.
Galit na mukha ni Julia ang sumalubong sa babae ng buksan nito ang pintuan sa kwarto. "Hi, Mrs. Thompson." Ngumiti ito ng sobrang tamis na animo'y nang iinis saka niya ito nilagpasan at tuluyan na itong bumaba.
Padabog na lumapit si Julia kay David. "Pwede ba wag mong dalhin ang mga babae mo sa mansyon!" sigaw nito. "At sa kwarto pa talaga natin?! Ilang taon na iyon? E parang anak mo na yung babaeng yon!" sigaw nito.
Tumawa ng malakas si David na nagpahatid ng kilabot kay Julia. "Stop talking nonsense, Julia." matalim niya itong tinitigan.
"Wala naman akong naging problema ng makita ka ng Mama ni Ryker noong mahuli niya tayo sa mismong kwartong ito."
--
Sinigurado ni Ryker na wala ng tao na naglilibot sa mansion. It's already 9:00 PM kaya't nasa mga maid's room na ang lahat ng kanilang mga katulong. Sigurado din siya na nasa kwarto na ang kaniyang ama kasama ang asawa nito.
They're free now!
"Come on kid. Let's go" anito kay Rylie. Lumabos si Rylie sa kaniyang pinagtataguhan at patakbong hinanap ang daan patungo sa labas ng mansyon.
He's running too fast at hindi niya napansin na mayroon palang babae sa kaniyang dinaraanan. Nabunggo niya ito napasalampak siya sa marbled tiles.
"Tumingin ka sa iyong dinadaanan, little boy." Malumanay na wika ng babae.
Patakbong pinuntahan ni Ryker ang kinaroroonan ni Rylie, "Are you alright, kid?" tanong nito ng makita niyang nakasalampak ito sa sahig. Hindi niya agad ito agad naabutan dahil sa bilis nitong tumakbo.
Nang mangat siya ng tingin ay nakita niya iyong blonde'ng babae na hinding hindi niya makakalimutan sa buong buhay nya. Kusang kumuyom ang kaniyang mga kamao.
Yumuko iyong babae upang magpantay ang mukha nila ni Rylie. "Hello kid." masayang bati nito. Hinawakan niya ito pagkatapos ay tinayo. "Ikaw si Rylie hindi ba?' nakangiting tanong nito.
Anong ginagawa ng babaeng ito sa mansyon? It's been years at ngayo'y nagpakita siyang muli? Para ano? Anong kailangan niya? Kumunot ang noo ni Ryker.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro