Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

“You’re getting married?!” gulat na tanong ni Daniel sa kaniyang boss. Usap usapan na ang engangement nila ni Yana. At bakit hindi? Ang nag iisang Ryker Gunn Thompson lang naman ay ikakasal na. Panigurado, maraming kababaihan na ang nagluluksa ngayon sa balitang iyon.

“You weren’t expecting me to meet the girl of my dreams and get on my knee to propose to her, were you?” naka taas na kilay na tanong nito. “Alam ko biglaan to, pero wala akong magagawa. Desidido na ang aking ama na ipakasal siya sa akin” kilala ni Ryker ang kaniyang ama, malaki ang tyansang hindi niya ibigay ang kumpanya sa kaniya kung hindi nito susunduin ang utos nito at ayaw naman niya iyong mangyari.

“So who’s the unlucky girl?” pangaasar ni Daniel. Unlukcy girl talaga, kilala niya ang kaniyang boss. Bukod sa pagiging sekretarya naging kaibigan na rin niya ito kaya’t alam niya ang ikot ng utak nito. Hindi siya tatawaging Womanizer of the Century para lang sa wala.

Umirap si Ryker sa pangaasar ni Daniel. “Nayana Lopez” pagkasabi niya ng pangalan na iyon ay sumilay ang ngiti sa kaniyang manipis na labi. 

Shock is written on Daniels face, “Hindi ba’t siya yung babeng iniligtas mo sa pool noong isang araw? At yung babaeng pinaimbestiga mo? What a small world. Wait. Alam ba niya na iniligtas mo siya?” takang tanong nito.

“Nope, mukhang hindi niya ako nakilala” sagot ni Ryker habang nagtitipa ng kung ano sa kaniyang laptop. “And I think it’s interesting” anito at ngumiti ng nakakaloko.

“Mukhang hindi ka tutol ah?” tanong ng kaniyang sekretarya. 

Yes, Daniel is right, hindi siya tutol. He thinks that Nayana is different. This is the first time na ayaw sa kaniya ng isang babae. And there was something to her that he can’t explain, he needs to figure it out. And he’s fixated on doing it.

“Are you ready, my love?” bulong ng binata kay Yana bago pa sila makababa ng sasakyan.

Ngayong kalat na ang engangement nila, inaabangan talaga sila ng mga taga media sa tapat ng building ng Grande Hotel kung saan gaganapin ang isang pagsasalo na dinadaluhan lamang ng mga kilalang artista, mga director at iba pang mga kilala at mayayamang tao sa industriya.

Sa totoo lang ay kinakabahan siya, hindi niya alam ang kaniyang gagawin at sasabihin. Andaming mga tao ang nagaabang sa kaniya at marahil marami din silang katanungan tungkol sa biglaang pagpapakal nila. “We need to make this convincing as possible, glaring at me all night isn’t very a lovey-dovey thing, my love” bulong muli ni Ryker sa kaniya.

“Totoo ba na engaged ka na Mr. Thompson?” tanong ng isang paparazzi. “Who is she?” “Kailan kayo nagkakilala?” “Buntis ba siya kaya magpapakasal kayo?” sunod sunod na tanong ang ibinato sakanila, lahat sila ay lito sa biglaang anunsyong iyon.

Ryker grab her waist making her closer to him even more and he looked with her brilliant brown eyes “It was love at first sight” anito habang nakatingin sa mga mata ni Yana.

“Love at first sight pala ah!” pangaasar ni Yana kay Ryker ng matapos silang tanungin ng mga paparazzi. “This is our first appearance together as a couple, and I came up with that idea. Brilliant right? I know” anito sabay kindat, napailing si Yana sa pagmamayabang ng binata.

“Kinabahan ako kanina, first time ‘yon mangyari sa buhay ko… ang paligiran ng mga paparazzi” madalas kasi ay nakikita niya lang ito sa mga ibang artista, at totoo palang nakakakaba iyon dahil nasa iyo ang lahat ng atensyon nila kaya kailangan mong maging maingat sa iyong mga kilos at sasabihin para wala silang masabi sa iyo.

Tumaas ang sulok ng labi ni Ryker, “Well, get use to it Mrs. Thompson-to-be” anito sabay kindat ulit sakaniya. Hindi niya alam kung maiinis siya o matutuwa.

“Ryker?” sabay silang bumaling sa babaeng tumawag sa binata. Kilala niya ito, isa siyang kilalang model at mahahalata mo naman agad iyon base sa panlabas nitong itsura. She has that beautiful eyes, a thin and kissable lips, a sexy curve body, mala porselana din ang balat nito at higit sa lahat may katangkaran kumpara sa kaniya na medyo nagkulang sa height.

“Hannah! Kailan ka pa umuwi?” nakangiting tanong ni Ryker sa babaeng nagngangalang Hannah, so close pala sila? Malamang, lahat naman ata ng mga model at artsista  ay close niya at naging babae niya.

Huminga ng malalim si Yana. Get use to it Mrs. Thompson-to-be, babaero ang magiging asawa mo kaya masanay kana.

“Is she your fiancé?” puno ng arteng tanong nito sabay turo sakaniya. “Totoo bang engaged kana?” nanghahabang ngusong tanong nito muli.

“Ah yes, meet Nayana Lopez my future wife” nakangiting wika ni Ryker. Naramdaman niya ang panghuhusgang tingin mula sa babaeng kaharap niya, ngunit hindi siya nagpatinag. Inirapan niya pa ito.

Mas lalong lumapit si Hannah sa binata, at may kung anong binulong ito “Alam natin sa isa’t isa that you don’t do commitments. Hanggang bukas pa ako sa Pilipinas, and you have my number” may halong pagtutuksong sabi nito.

Napairap si Yana sa ikinilos ng babae, wow para namang wala siya dito. Kung maka lapit parang linta, inis na bulong nito.

“So ano na? Do whatever you want. She’s gorgeous. Siguruduhin mo lang na walang makakakita sayo.” anito kay Ryker. Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya upang iwan ang binata ngunit naging mabilis ang mga kilos ni Ryker at agad niyang pinigilan ito at hinawakan sa kamay.

“Teka lang? That’s it? Hindi mo man lang sasabihin sa akin na mag stay ako?” kunot noong tanong nito.

Inalis ni Yana ang kamay ni Ryker na nakahawak sakaniya, “Hindi,bakit ko naman sasabihin iyon? Klaro sa ating dalawa na ikakasal lang tayo dahil sa kagustuhan ng mga ama natin—ikaw, para pagkatiwalaan ka ng mga shareholders niyo at ako, para matulungan ko ang aking ama. Wala akong pakealam sa kung ano man ang gagawin mo basta’t tutulungan lang ng ama mo ang aming kompanya” pagkasabi niya non ay umalis na siya at hindi na pinansin ang matalim na titig ni Ryker sa kaniya.

Nakapako ang mga tingin ni Ryker sa papaalis na bulto ng dalaga, Isn’t that woman a little to heartless? He’s expecting na pagbabawalan niya ito, but nah.

Mas lalo siyang nainis. Ganoon ba siya kawalang kwenta para sakaniya? Hindi ba siya kahit minsan naakit sa kaniya? She even said ‘Do whatever you want’.

Napailing siya dapat nga ay maging masaya siya dahil ganito ang magiging asawa niya kaya may laya siyang makapambabae pero bakit parang naiinis lang siya? Argh!

Ngumisi siya, Oh believe me I will buwisit na bulong niya. Inilabas niya ang kaniyang phone at nagdial ng numero roon.

This day is very tiring for her. Omg! Ikakasal ka kay Ryker ang swerte mo naman! I heard he’s a beast in bed! Ngumiti ka sa camera Mrs. Thompson-to-be! Ang swerte mo!

Iyong mga katagang iyon ang mga narinig niya kanina, humiga siya sakaniyang malambot na kama at nagtalukbong ng kumot, nababaliw na siya!

Inabot niya ang kaniyang cellphone sa may bandang paanan niya at binuksan ito, nanlaki ang kaniyang mga mata ng makatanggap siya ng maraming notification galing sa mga social media accounts niya. Mayroon pang nakatag na picture sa kaniya na kuha kaninang iniiterview sila. Gosh, bakit ang pangit niya sa kuhang iyon? Hindi naman iyon wacky pero bakit parang ganoon ang nakikita niya?! Mukha siyang patatas na ewan!

Dumako ang mga mata nya sa larawan ng kasama niya, ano pa ba ang ieexpect niya? Mukhang hindi ito magmumukhang pangit kahit na anong angulo pa. He’s Ryker Gunn Thompson after all, hindi niya maitatanggi ang magandang mukha at matipunong katawan nito. Totoong pinagpala.

Sumandal siya sa headboard ng kaniyang kama at pinagmasdan ang kaniyang itsura sa malaking salamin na nakatapat sa kaniyang higaan. Masasanay kaya siya sa ganitong pamumuhay? Masasanay kaya siya sa buhay may asawa?

Nakadapa si Ryker sakaniyang mahabang sofa, napadaing siya ng maalala ang mga nangyari kanina. He should be at the after party, and he should be spending the night with Hannah! Anong ginagawa niya ngayon sa kaniyang Condo? At ano ang naisipan niyang tawagan si Daniel upang magpasundo?! Damnit!

Do whatever you want’ napabalikwas siya ng higa ng maalala ang sinabi ng dalaga sa kaniya. Kailangan niya bang gawin iyon dahil sinabi niya? Napakamot siya ng ulo sa sobrang frustration “Anong ginagawa ko?” at anong kailangan kong gawin para makuha ang atensyon niya? Umiling iling siya at bakit naman niya gustong makuha ang atensyon ng dalaga?

Argh! Padabog na dumapa ulit siya sa kaniyang sofa. “What is she doing to me?”




—🎀

A/N: Don't forget to vote this chapter and leave a comment. I really appreciate that. 🖤

K B L U E S C R I P T

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro