Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

Paiba-iba yung scene sa chapter na to, so please bear with me. Enjoy reading!!❤️

It’s already midnight, and Yana is laying on her bed. Kaninang 9 P.M dapat ang date nila ni Ryker pero hindi ito sumipot. Ilang oras siyang naghintay sa harap ng cinema pero ni anino nito’y hindi niya nakita.

Pero umaasa siya, umaasa siya na sana’y may nangyari lang o di kaya nama'y may inasikaso lang ang binata sa kanilang kompanya.

Maghihitay pa ba siya? Andaming katanungan ang pumapasok sa isipan niya.

Hindi na niya alam, pero sigurado siya na natanggap ng binata ang 15 missed calls at 20 messages niya.

Inabot niyang muli ang cellphone niya. Should she text him? Call him again? O baka naman dead batt na ang phone nito?

She sighed. Baka ito na ang karma niya noong iniwan niya si Ryker sa kanilang kasal. Siguro’y pinlano ito ng binata, na kunin muli ang loob niya at ngayong hulog na hulog na siya’y ito naman ang mangiiwan sa kaniya.

Iniling iling niya ang ulo upang maalis iyon sa isipan niya, she doesn’t want to think, matutulog nalang siya!

She closed her eyes, at hinihintay na datnan siya ng antok. But it’s so hard, lalo na’t andaming pumapasok na katanungan sa isip niya.

Hinawakan niya ang kaniyang dibdib kung nasaan ang puso niya, she can feel it tightening. “It hurts” mahinang usal niya.

Umupo  siya mula sa pagkahiga “No!” suway niya sa sarili.

Wake up Yana! Kilala mo si Ryker, he has never failed you! Mayroong rason kung bakit hindi siya nagparamdam sayo ngayong araw! You need to know the reason first before acting like a high school student na kagagaling lang sa break up!

Since he’s not picking up her calls and texts… ako na ang pupunta sa kaniya.


‘AM I too early?’ tanong ni Ryker sa sarili. Tinignan niya ang orasan sa kaniyang pambisig, Oh god! Yes he is. It’s only 7 P.M. at ang date nila ay 9 P.M.

Masisisi niyo ba siya? He’s just too excited for their date.

He’s holding a bouquet of flowers for Yana. At ngayon iniisip niya kung ano ang susuotin ni Yana para sa date nila.

Marahan niyang  Ipinilig ang kaniyang ulo, eh kahit pa siguro magsuot pa ng basahan ang dalaga’y hindi maalis ang pagtingin niya rito. D-mn!

Tinignan niya ang mga available na movie sa cinema, ano kaya ang papanoorin nila? He doubted, kahit pa ano ang panoorin nila sigurado naman siyang hindi naman siya manonood dahil si Yana lang ang papanoorin niya. Since katabi niya ito sa upuan.

Wow he’s so cheesy at maging siya’y nakokornihan na sa sarili. Pero anong magagawa niya? Kusa nalang itong lumalabas sa sarili niya. He’s so da-mn inlove with Nayana.

Ilang sandali pa'y narinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone, abot tenga ang ngiti niya nang maisip na baka si Yana na iyon.

But… his face became sour when he saw Daniel on the line.

“Anong kailangan mo?” inis niyang tanong sa sekretarya.

“Hello to you too, boss!” puno ng sigla at sarkasmong sagot ni Daniel. “Habang busy ka sa date mo, narito ako sa office para ayusin yung mga guest list para sa Thompson’s Anniversary Ball.”

“So tinawagan mo ako para magreklamo?” tanong ni Ryker.

“Half yes” he said frankly “Pero may importante akong sasabihin sayo, habang binabasa ko ang profile ng ating mga guest list. May nalaman ako...”

“What?” Ryker asked in his bored tone. Bakit ba siya nakikinig sa kaniyang Seretarya? He was about to end the call when Daniel spoke.

“Birthday ngayon ni Yana boss! Alam mo ba?” Daniel asked.

Ryker on the other line was shock, he doesn’t know!

“I bet it’s a no since bouquet lang yung dala mo para sa kaniya... So my boss since utang mo sakin yan, siguro naman ay bayad na ako sa utang ko. Iyong nangyari sa condo mo? You know? Me with that girl and Yana?”

Yes, biruin mo. Isang milyon ang singil sakaniya ng boss niya sa kadahilanang inakala ni Yana na babae ni Ryker iyong kasama nya sa condo nito. Ilang buwan na ang nakalilipas pero laging pinapaalala ni Ryker iyon sakaniya.

Hindi nakarinig ng kahit anong response si Daniel “You’re welcome boss” may sarkasmo pa rin sa boses nito.




F-CK! Bakit hindi niya alam iyon? Bakit hindi niya alam na kaarawan pala ni Yana ngayon? Tinignan niya muli ang kaniyang orasan. It’s 7:30 at mayroon pa siyang isa’t kalahating oras bago dumating ang dalaga.

May plano siya, hindi niya hahayaang matapos ang araw na ito ng hindi na susurprise ang dalaga.

“I need your help” anito kay Daniel at tuluyan na niyang binaba ang tawag. Lakad takbo ang ginawa niya hanggang sa makarating siya sa kaniyang sasakyan.




AN HALF HOUR has passed, at nasa daan pa rin si Ryker. “You gotta be kidding me!” inis niyang tinampal ang kaniyang manobela. He’s stuck!

Muli niyang tinawagan si Daniel upang itanong kung mayroon pang ibang branch sa dapat sana niyang pupuntahin ngayon, it’s impossible for him to make it on time. Lalo na’t sobra ang traffic.

“Sige boss ako na bahal—“Hey yung mga ilaw pakiayos damnit!” sigaw ni Daniel.

“Anyways boss, bumalik kana at dumaan ka sa kabilang route hindi ganoong katraffic roon.”




FINALLY, he’s here at the cake shop. Binuksan niya ang kaniyang cellphone and to his surprise it’s already 8:55 P.M.

Idadial na niya dapat iyong numero ni Yana ng biglang may humablot sa kaniyang phone, a f-cking snatcher!

“PERFECT!” amusement filled in Daniel’s face. He grab his phone to take a photo and send it to Ryker. Paniguradong matutuwa ang kaniyang boss kapag nakita niya ito.

Minutes has passed pero wala pa rin siyang natanggap na reply mula kay Ryker.




IT’S ALREADY 9:30 P.M, at walang makontact na kahit sino si Ryker. Nasnatch ang cellphone niya at hindi na niya nakuha iyon dahil naging mabilis ang snatcher sa pagtakbo.

Nang makuha niya iyong pinasadya niyang cake ay pumasok na siyang muli sa kaniyang sasakyan. Suddenly, he heard sh-t sound on his car. Lumabas ito upang tignan iyon at bagsak ang balikat niya nang makitang umuusok ang harapan ng kaniyang sasakyan. “F-ck!” mura nito.

He groaned in so much frustration. Sa lahat ng oras bakit ngayon pa? His surprise for Yana is turning into a disaster.

He tried to fix the car, pero hindi niya ito magawa. F-ck! Hindi siya mekaniko! At sa kamalasmalasan pa'y walang sasakyan ang dumaraan kung nasaan man siya ngayon.

To his suprised, nakarinig siya ng busina. Nag angat siya ng tingin. “Need a lift?” nakahinga siya ng maluwag ng makita si Daniel. Life saver!

“Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ni Ryker ng makasakay siya sa Passenger.

“Hindi ka kase sumasagot sa tawag ko kaya’t naisipan kong may nangyari sayo, and I’m right… You know boss? Nakikita ko talaga sa hinaharap na tataas ang sweldo ko at mayroon pa akong bonus.” he chuckled.

Ryker just rolled his eyes. Okay, he’ll think about it. “Pahiram mo ako ng cellphone!”

Dinial niya ang numero ni Yana, but he’s unlucky enough today at hindi iyon sinasagot ng dalaga. He tried calling her many times, pero hindi ito sumasagot.




DAPAT BA AKONG NANDITO? Yana asked herself. Nandito siya ngayon sa tapat ng condo unit ni Ryker.

Baka naman ayaw na talaga sakaniya ng binata? She breathe, no! hindi dapat siya nagisiip ng kahit ano.

Pinindot niya iyong door bell, “Ryker, andiyan ka ba?!” sigaw niya. Hoping that he might hear her.

Lumukot ang kaniyang magandang mukha, “Diba may date tayo kaninang 9P.M? Sa may cinema? Baka maling lugar ang pinuntahan mo? Tinawagan kita pero hindi ka sumasagot, nag iwan din ako ng mga messages sayo.” God! She sounds really pathetic right now.

She can feel her heart pounding so fast. Her visions became blurry. Natatakot siya, na baka tuluyan na siyang sinukuan ni Ryker. “Ryker, kung wala na talaga ako para sayo. Please lumabas ka diyan at sabihin mo iyon sa akin ng harap harapan” nakaramdam siya ng mainit na likido sa kaniyang pisngi.



“YANA! NANDIYAN KA BA?” habol hiningang sigaw ni Ryker mula sa labas ng condo unit ni Yana. “I’m so so so sorry!”

“Alam ko galit ka sakin ngayon, pero pwede mo bang buksan ang pintuan? I have explanation for this, I’m so sorry! Hindi ka makakapaniwala sa mga nangyari sa akin ngayong gabi”

First, hindi niya alam na kaarawan ng babaeng importante sa  kaniya. Second, nastuck siya sa traffic. Third, nasnatch ang phone niya. Fourth, nasira ang sasakyan niya. He is very unlucky today. And its unbelievable!

“Yana” pagtawag niyang muli sa dalaga ng hindi pa rin siya pinagbubuksan nito.


Minutes has passed, pero walang lumabas sa condo unit sa kanilang harapan so they both moved away, looking so defeated.



KALAHATING minuto na ang nakalipas at nakauwi na din si Yana. She’s now in front of her unit and about to enter her passcode, when a warm hand holds her wrist.

Pinaharap siya ng binata sakaniya at niyakap ng mahigpit. “Saan ka galing?” puno ng pagaaalalang tanong ni Ryker sakaniya.

Ryker embrace her like there’s no tomorrow. He hug her tightly, na para bang ayaw na niya itong pakawalan pa sa mga bisig niya.

Ipinapadausdos nito ang kaniyang daliri sa mahabang buhok nito. “I’m so sorry. Naghintay ka ba ng matagal?” he asked again.

“May nangyari kase tapos...Yana?” Nanatiling walang imik ang dalaga.

“Say something please.” May pagmamakaawa sa boses ni Ryker. He wants to hear her voice!

“Galit ka ba sa akin?” he asked again. “Can you look at me?”

“Paano ako makakatingin sayo kung yakap mo ako ng  mahigpit, you're literally smashing me in your chest”

Maraang umiling si Ryker, “No, natatakot lang ako na baka kapag binitawan kita ay aalis ka at iiwan mo ako.” he sound so vulnerable.

“Promise me that you won’t leave me?” para itong batang naghihintay ng promise.

“Promise”

Dahan dahang binitawan ni Ryker si Yana. There’s no emotion in her eyes, and it’s making him insane. “Say something, mas natatakot ako kapag ganiyan ka. Be mad at me, shout at me.” He’s pleading, he wants to know kung anong nararamdaman ni Yana ngayon.

“Hindi ako galit. I’m just scared.” Lumabas ang emosyong kanina pa niya tinatago, her eyes looks so sad and empty.

“Nagsawa na ba saakin si Ryker? Ayaw na ba niya sa akin? I have trust issue, at umaalis ako kapag natatakot ako. I don’t face my problems at hindi ko alam kung anong meron tayo.” takot ang namayani sa mukha nito.

“I know I’m not easy to love.” She breathe heavily “Noong hindi ka nagpakita kanina akala ko wala na, akala ko iniwan mo na ako. At aminado akong kasalanan ko iyon, kase ako yung unang nangiwan sayo.”

She faced him, showing her real emotions. “I was scared, Ryker. I felt alone again.”

Ryker hugged her tightly again, then he kissed her on the forehead. “I’m so sorry, my love. You’re not alone, I am here. I won't leave you again.”

“Bakit hindi ka dumating?” tanong ng dalaga. She wants to know.

Tumingin ang binata sakaniya saka siya nito ngintian “Sumama ka sa akin sa rooftop.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro