Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Naging laman ng balita si Nayana dahil sa pagpapakilala sa kaniya ni Lady Berkshire bilang nawawalang anak nito. Everyone was shock with that news, kamakailan lang ay runaway bride siya ngayon ay long lost daughter na. What a twist in her life!

Halos lumuwa ang mga mata ni Yana ng makarating sa tinutuluyang mansion ni Helena. Triple pa ito sa laki ng mansion ng  mga Thompson.

Helena welcomed her with warm hug.“Pinaayos ko na ang iyong kwarto. Pwede ka nang pumunta roon para matignan mo.” Nakangiting wika ng ina.

“Kung may ayaw ka sabihin mo lang at ipapatawag ko si Celine ang aking personal Interio—“No!” putol niya rito. “Hindi na po kailangan, hindi naman po ako maarte. Alam ko naman pong maganda iyon kahit hindi ko pa nakikita” she smile.

Helena is at ease now, she finally found her lost daughter. Alam nang Diyos kung gaano niya kagustong makita at makilala ito. 25 years niya itong hinanap, hindi niya inaasahang ito mismo ang lalapit sakaniya. Siguro’y plano iyon ng Diyos.

Renantony purchased many properties in Desborough before he died, marami rin itong natayong mga negosyo. Sa daming pera na pumapasok sa kanila’y naisipan ni Helena na magdonate sa iba’t ibang charities.

“Nayana, can I ask you a favor?” tanong niya sa anak bago ito maka hakyat ng hagdanan papuntang kwarto na nasa ikalawang palapag.

Ngumiti muna ito sakaniya bago tumango, “Okay lang ba kung dumalo ka sa Masquerade Charity? Hm. Hindi kase ako makakapunta dahil may emergency sa kompanya. I need to go to Desborough.” May pagaalalang sabi ni Helena.

How can she say no? Ito ang unang favor ng kaniyang ina. 

“Anyways, being my daughter is not that easy. You need to help me since marami tayong negosyo na kailangang hawakan at patakbuhin. And I want you to meet your own secretary.”

As if a cue, a familiar woman appears in front of her. “Guess who’s sexy, slim and ready to work for her best friend again?”

Abot tenga ang ngiti niya ng makita si Riz, wala na itong baby bump dahil nanganak na ito. Dali dali siyang lumapit at niyakap ito ng mahigpit. “I miss you!”

“How was the company Daniel?” prente itong nakaupo at nakasandal sa kaniyang swivel chair. Today was tiring as f-ck! Ang dami nilang inasikaso at iba’t ibang producer din ang tumatawag sakanila para sa mga projects na ihahandle nila.

“TTTA is doing great boss! Lalo na ngayong alam nila na related tayo sa mga Berkshire.” Nakangiting sagot nito.

Kumunot ang noo ng binata, “Iyon naman pala, so bakit sinali mo ako sa mga taong ibibid sa Masqurade Charity na iyon?” matalim niya itong tinitigan.

Napakamot ng ulo si Daniel pagkatapos ay nag peace sign. “Actually three months na ang nakalipas noong inilista ko ang pangalan mo sa mga taong ibibid. I mean hello! Back then, You are the great Ryker Gunn Thompson hashtag The Womanizer of the Century. Naisip ko na magugustuhan mo iyon, di ko naman aakalaing magkakaroon ka ng Nayana.” Anito.

“Besides private ang event na iyon at walang mga paparazzi ang makakapasok. Plus, lahat ng mga taong dadalo ay nakasuot ng mask.” Ngiting asong sabi nito. “Kinky right?”

Matalim pa rin ang tingin niya sa sekretarya “Take my name off!” bulyaw nito. “Hindi ako pupunta roon! That's final!”

Anong akala nito sakaniya? Bayarang lalaki? Damnit! Ang katawan niya ay para lang kay Yana.

“I can’t! Mamayang gabi na ang event. At isa ka sa mga hinihintay nilang bid.”

Napahilamos ng mukha ang binata, bakit ba siya nagkaroon ng ganitong sekretarya? He swears! Kapag natapos ang gabing ito he will fire him!

“Wag ka munang magalit boss.” Hindi maalis ang ngiti sa mukha nito. “Magugustuhan mo ito pagkatapos mong makita ang guest list.”

Nayana wears a Two piece black lacey off shoulder. Tinignan niya ang kabuuan sa salamin, at napangiti siya ng makita ang itsura. Light make up lang ang nilagay niya since naka mask naman siya. Ang tanging nagpapatingkad lang sakaniya ay ang kulay pula niyang mga labi. Mahahalintulad niya ito sa kulay ng dugo dahil sa pagkapula nito.

Inabot niya ang kaniyang mask at sinuot iyon. “Done” mahinang wika niya saka umalis ng kwarto.

“Thank you for joining tonight ladies!”masayang bati ng baklang emcee. “Remember that all the money raised in this bid will go to the numerous charities we’re sponsoring for tonight.”

Nagsimula na ang auction. Una rito ang hindi pamilyar na lalaki. Naya blew a deep breath “This is crazy” mahinang wika niya. Hindi niya lubos na maisip na mayroon palang ganitong auction sa mga mayayaman.

Though friendly date lang naman ang gagawin nila, pero who knows kung anong gagawin nila katapos ng date. She shakes her head, ano bang iniisip niya.

Apat na lalaki na ang nabibid at nabobored na siya. Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari edi sana’y  hindi na siya pumunta. She was about to leave when the emcee speak “Last but not the least. I know you are excited for this, ladies.” the emcee giggled.

Her curiosity peaked, nanatili siya sakaniyang kinatatayuan habang hinihintay ang last bid sa auction. “A dinner date with the most eligible bachelor in town, Mr. Ryker Gunn Thompson”

Wa..wait. What did he just said? Literal na napanganga siya ng makita ang binata sa stage. He’s wearing mask, pero alam niyang siya iyon.

Wala itong pang itaas na damit at malaya ang mata ng mga kababaihan sa abs nito.

“Take your mask off Mr. Thompson” anang emcee.

Ryker slowly remove his mask. Kitang kita nito sa mukha ng binata ang pagkadisgusto.

Then their eyes met. Mukhang kilala siya ng binata kahit pa natatakpan ng maskara ang kalahati ng mukha niya.

He mouthed help to her. Oh God, what is he doing here?

“Opening bid for Mr. Thompson. 100,000 thousand.” Panimula ng emcee.

His eyes were only looking Yana. Hindi ito tumitingin sa iba, tanging sa dalaga lang. Naramdaman niyang parang nababaliw na naman ang puso niya.

“150,000 thousand.”

“500,000 thousand”

“1 Million”

“2 Million, hindi lang dinner ang kaya kong ibigay sayo pati na din ang dessert” malanding wika ng babae.

Her cheeks burned. Sunod sunod at pataas ng pataas ang mga bidding offers. Nagmamakaawang tumitig muli si Ryker sa kaniya.

He raised her hand at matapang na humarap sa emcee “5 Million.”

“I have 5 Million Pesos for Miss Nayana Berkshire. Going once.”

“Going Twi—”

A pretty woman raised her hand. “10 Million.”

She was about to bid higher than 10 million but Ryker mouthed “Its’s okay. You can stop now.” kumunot ang noo niya.

Nakita nang kaniyang dalawang mata kung paano ito tumingin sa babae pagkatapos ay kinindatan ito. Namula iyong babae sa ginawa ni Ryker.

Natapos ang auction, malapit sa lugar niya ang kinaroroonan ni Ryker at mayroon na itong suot pang itaas kasama nito iyong babaeng nakakuha sa kaniya na nagngangalang Sophia Delmond. They seems enjoy each other company. Panay ang ngiti ng dalawa sa isa’t isa.

She felt a strong pain in her heart. Sinapo niya ang kaniyang dibdib kung nasaan ang kaniyang puso. Hindi niya kayang makita ang dalawa.

She found herself at the rooftop. Loving the view of the city lights.

Hindi siya makapaniwalang muntik na siyang gumastos ng ilang milyon sa lalaking iyon para lang sa dinner date.

Take note, gamit pa ang pera ng kaniyang ina. Ano nalang ang iisipin nito pag nagkataon? Na abusado siya?

She heaved a deep sighed. She’s lost in her own thoughts. Seriously? ‘It’s okay. You can stop now.’ Akala ko bang gusto niyang tulungan ko siya?!

Augh, Porket ba maganda ang babaeng iyon kumpara sa kaniya? Umiling iling siya pagkatapos ay nagbuga muli ng hininga. Sh-t bakit ba ako naiinis?! He’s just a friend!

Stupid Ryker, Stupid Ryker, Stupid Ryker…

Suddenly she felt warm and strong arms on her back hugging her. “Hey” napaigtad siya dahil roon.

Hindi na niya kailangang lumingon para malaman kung sino yon dahil amoy palang alam na niya na si Ryker iyon.

Marahas niya itong itinulak “Anong ginagawa mo rito!?” matalim ang titig niya sa binata.

“Hindi ba’t dapat na kay Sophia ka? Anong ginagawa mo rito?” inis niyang tanong. “Nagbayad siya ng  10 Million para sayo.”

Tumawa ng malakas ang binata na siyang dumoble sa pagkainis niya. “Hindi ko alam na 5 Million pala ang halaga ko para makadinner date mo. Kung alam ko lang ay pinagbayad kita noon”

“Umalis ka na nga rito! Pumunta ka na sa kadate mo. Nandito na ang sundo ko.” She walks passing him.

In a swift move Ryker locked her, nakasandal siya sa pader na hanggang sa bewang lang niya. Nasa magkabilang gilid niya ang mga braso ng binata. “Lumayo ka nga sa akin!”sigaw nito.

“Nope” Ryker said with popping ‘p’

She could feel her heart pounding so fast. Her heart is about to explode inside her. Inilapit ni Ryker ang mukha sa dalaga at gahibla nalang ang pagitan nila.

She felt uneasy with their position. Maling galaw lang niya’y maari siyang mahulog mula sa rooftop.

Umihip ang malamig na hangin na siyang nagpataas sa kaniyang balahibo. Ryker is staring her, at para na siyang matutunaw sa mga titig nito. She’s trapped, “I refused to have date with her.” His voice was husky. Dumako ang mga tingin niya sa labi ng binata, binasa niya ang mga ito. She’s tempted to kiss him.

“I told her that I will donate the 10 Million, she offered.” 

He said 'It's okay' to her dahil ayaw niyang gumastos ang dalaga sa kaniya, it should be the other way around. Lumayo ng kaonti ang binata sa kaniya at hinawakan siya sa kamay pagkatapos ay inilayo siya sa may pader.

“Satingin ko’y mapupunta ako sa pangalawang may mataas na bid” sabi nito saka siya kinindatan.

“Plus, ayokong makasama ang ibang babae maliban sayo.”

•••

This chapter is dedicated to Ate_Sid and LynDonia 💙 Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro