Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

“Yana!” habol ni Ryker sakaniya matapos niyang lampasan ang mga Thompson.
Hinawakan siya ito sakaniyang kamay upang pigilan “Wait, ano iyon?” takang tanong nito.

Tama ba ang narinig niya? Anak siya ni Lady Berkshire? Pero paano nangyari iyon?

Ngumiti ng kaonti si Yana sakaniya. “Tama ang narinig mo”

She heaved a deep sigh “Nakilala ko siya sa Daku pagkatapos mong umalis. Siya ang tunay kong Ina.”

Maging siya’y hindi makapaniwala na nanay niya ang Ginang na nag ngangalang Helena Berkshire.

“Wow” amusement dance in his eyes. “So you’re out of my league now” mahinang wika nito, pero sapat na para marinig niya.

Natawa siya ng kaonti sa sinambit niya, but she remained silent.

Slow music filled the room, sunod sunod na nagpunta ang mga tao sa gitna at dahan dahang nagsayaw.

Tumikhim si Ryker na ikinalingon niya, “M-may I have this dance?” he asked.

Ryker extend his hand to hers. Ngumiti siya sakaniya saka buong pusong tinanggap ang alok nito. He kissed the back of her hand before leading her to the dancefloor.

Ang mga kamay ni Yana ay nakapulupot sa balikat ni Ryker, habang ang mga kamay nito’y nasa kaniyang maliit na beywang.

Sinasabayan nila ang malamyos na musika. They sway slowly. Her heart is pounding so fast and she can’t control it. She knows that she’s madly in love with this man.

She can’t help herself but to adore him. He’s so handsome wearing this suit. Minsan naiisip niya na ang swerte niya at mayroong Ryker Gunn Thompson na nagmamahal sa kaniya.

“I am more than happy to see you happy.” Mahinang saad nito sakniya. In an instant, her cheeks flushed.

Happy? Yes she’s happy pero parang may kulang at hindi niya mawari kung ano iyon. Kumbaga sa isang puzzle may isang piraso na nawawala.

“Ikaw ang una kong naisip noong nalaman kong si Helena ang tunay kong Ina” she said honestly.

Tumingin ito sakaniya, his eyes were asking if that’s true and she nodded. “I want yo—“Nayana” sabay silang lumingon sa baritonong boses.

“Ano ka ba David! You’re interrupting their lovely dance!” suway ni Julia at mukhang kinikilig.

Mukhang nagiba ata ang ihip ng hangin. Kung hindi siguro nila nalaman na anak siya ni Lady Berkshire malamang kinaladkad na siya ni Julia palabas sa lugar na ito. Somehow it makes sense now, people like them only wants power and money.

“Hindi ko alam na adopted ka pala, Yana” Julia said with her fake sad face. “Masaya kami para sayo at nahanap mo na sawakas ang tunay mong pamilya.”

Ibinaling ni Yana ang tingin kay David, this is new to her. David is genuinely smiling… to her? Wow

“Look whose kind now” Ryker says in a rude tone.

“Pasensya na sa sinabi ko kanina Yana.” Her apologetic face doesn’t buy her. “C-can you forgive me?”

Naglalaro ang isip ni Yana sa maari niyang sabihin at gawin kay Julia. Kaya niyang ipakaladkad sa labas ang dalawa sa isang iglap lang, kaya niyang paluhurin si Julia sa harap niya at ipahiya sa mga taong narito. Pero hindi niya iyon gagawin dahil hindi siya ganon, she can’t use her power just to seek revenge to anyone. “Ayos lang, naiintindihan ko. Kasalanan ko naman iyon dahil nagwalk out ako sa kasal.” She smile.

Ayaw niyang maging katulad nila, she will remain Nayana Lopez. Simple at hindi mapagmataas. Minsan na siyang nakatanggap ng pangaalipusta galing sa kanila and she doesn’t have the guts to do the same.  Dahil alam niya kung ano ang pakiramdam nang inaapakpakan ang pagkatao mo.

“Kalimutan na natin kung anong nangyari dati” she said.

With Ryker beside her she feels so strong. Umawang ang bibig ng magasawa, hindi siguro nila ineexpect na sasabihin niya iyon.

Lumapit si Julia sakaniya at niyakap siya “Maraming salamat, Yana.”

Dumiretso si Yana sa bahay ng mga Lopez pagkatapos ng pagtitipon. Parehas na nagulat ang magasawang ng makita siya sa pintuan. They didn’t expect her, dahil alam nilang may galit siya sa mga ito.

“Nayana!” she can see longing to her Mother as she say her name “Ilang beses na kitang tinataw—“hindi nito natapos ang sinasabi dahil dumako ang tingin nito sa kwintas na suot niya. Na kapareho ng kaniya.

“Bakit mo ginawa iyon?! Bakit ka nagwalk out sa kasal?! May deal tayo sa mga Thompson! At sinira mo iyon! Nagyon ay nawala na sa akin ang Lopez EA” sigaw ng kaniyang ama. Ramdam niya ang galit sa bawat pagbigkas nito.

She’s hurt. Ito ang bungad nito sakaniya matapos nang isang buwang hindi siya nakikita? Mapakla siyang ngumiti.  Ang akala niya’y yayakapin siya ng mga ito. But no, she assumed too much. “Satingin ko’y hindi niyo pa narinig ang balita”

“Y-your necklace?” nauutal na tanong ng kaniyang ina. “Bakit may ganyan ka?”

“Galing ito sa tunay kong ina.” Pagmamalaki niya. “And I believed, sa akin iyang suot mong kwintas” turo niya sa suot ni Dianne.

“N-no way.” Kinakabahang saad nito.

“Anong pinagsasabi mong sayo ito?!” nag iba ang tono nito. Ni minsan ay hindi ito nagtaas ng boses sa kaniya.

Biglang siyang nakaramdam ng matinding sakit sa ulo, para itong pinupukpok ng matigas at malaking bato. Napasabunot siya sa kaniyang buhok. She’s seeing memories… memories from that day. Nilabanan niya ang sakit na nararamdaman niya upang mas matandaan ang mga pangyayari.

Just like that, everything came back to her.

Her mom is shouting loud, but not to her. But to her father. Nagtatalo ang mga ito dahil sa kakulangan nila ng financial at dahil rin sa umpisang pagbagsak ng Lopez EA.

She saw herself running away from them. Yana only wants a happy family. She doesn’t ask for more. Iyon lang ang gusto niya. Gusto niyang maging masaya kahit minsan lang sa buhay niya, pero mukhang pinagkakait ito sakaniya.
Titig na titig siya sa kulay asul na dagat ng maramdaman niyang may tumabi sa kaniya. Nanoot sa ilong niya ang panlalaki nitong pabango.

“May problema ba?” tanong nito sakaniya. Lumingon siya sa lalaki. He has a tanned skin, he’s tall and he’s also handsome.

She shares her problems to him, at hindi niya namamalayan sa paglipas ng oras ay napapatawa na siya nito.

Nagbalik siya sa kanilang tinutuluyang bahay at narinig niyang masinsinang naguusap ang mga magulang niya. They were talking about the Sapphire necklace on her mothers’ hand.

Sinasabi nilang sakaniya ito at nakuha nila iyon noong ampunin siya ng mga ito. Gusto iyong ipagbili ni Noel dahil sa kakulangan nila ng pera but her mother refused to. The necklace looks so unique at walang katulad. That necklace is her greatest possession.

“S-sa akin p-po ba iyang kwintas? Binigay po ba iyan ng aking totoong magulang?” Umaasa siya, umaasa siya na baka sa pamamagitan nang kwintas na iyon ay mahanap niya ang kaniyang totoong ina.

“Anong pinagsasabi mo?” mataray na tanong ni Dianne. “Narinig ko po kayo! Sa akin ang kwintas na iyan!”

Sinubukan niyang kunin ang kwintas sa mga kamay ni Dianne, pero naging mabilis ito at tumakbo palabas ng kanilang resthouse. Hinabol niya ito hanggang sa dumako sila sa tabi ng dagat. Itinaas ng kaniyang ina ang kaniyang kamay upang hindi niya ito maabot ngunit ng malapit na niya itong makuha ay nakabig niya ang kamay nito at aksidenteng tumilapon ang kwintas sa dagat.

Tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Iyong kwintas nalang na iyon ang tanging pag asa niya upang makilala ang kaniyang tunay na mga magulang.

Pinigilan siya ni Dianne pero desidido na siyang makuha iyong kwintas. Lumusong siya sa dagat upang hanapin iyon. Sinubukan siyang patigilin ng kaniyang ina pero naging malakas ang pagbayo ng alon at natangay siya sa malalim na parte ng dagat.

She saw herself slowly drowning in the cold water of the sea.

Iyon ang dahilan kung bakit tuwing tinatanong niya ang kaniyang mga ito sa nangyari ay hindi sila umiimik o di kaya nama’y iniiba nila ang usapan. Ayaw nilang malaman niya na sakaniya iyong kwintas at galing ito sa kaniyang tunay na mga magulang.

“Bakit hindi niyo sinabi sa akin?” nagbabadyang pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

“We love you, Yana. At ayaw ka naming mawala sa amin. Ayaw naming iwan mo kami kapag nakilala mo na ang tunay mong mga magulang.” Nakayukong saad ni Dianne.

“No! You didn’t love me! Ang gusto niyo lang iyang kwintas na iyan!”

Naramdaman niya ang mainit na likidong dumaloy sa kaniyang pisngi. “Ayaw ko na ngang makilala ang tunay kong mga magulang noong dumating kayo sa buhay ko. Akala ko kayo na ang dahilan ng kasiyahan ko, pero hindi. You lied to me! Pinagkatiwalaan ko kayo. You never really cared for me.” Pain flashes to her eyes.

“Pero kung hindi dahil sainyo wala ako ngayon sa kinatatayuan ko.” She smile bitterly. “Thank you.”

“Binili ko na lahat ng share ng mga Thompson sa Lopez EA, at tinransfer ko iyon sa pangalan ninyo. Sainyo na muli ang kompanya. Iyon ang bayad ko sa utang kong hindi pagpapakasal kay Ryker.” Saad niya sa kaniyang ama.

They were all shock when she leaves the house.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro