Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Pagkatapos ng ceremony sa pagcut ng ribbon ay naglibot si Ryker sa buong hotel resort kasama ang kaniyang sekretarya pati na ang kaniyang mga shareholders at ilang mga staff ng resort.

Masaya sila dahil maraming tao ang dumalo sa kanilang grand opening, mukhang kahit malayo at tago ang lugar na ito ay dudumugin pa rin ito ng mga turista.

Pagkatapos nila sa lobby ay dumiretso sila sa may poolside ng resort, upang tignan kung mayroon pa bang kailangang ayusin at baguhin.

“Yana! Di ako makapaniwala sa ganda ng lugar na ito!” aligagang saad ni Rona habang nililibot ang paningin sa buong lobby ng Hotel Resort. Its screaming luxury.

“Nakapunta ka na ba sa mga ganitong lugar?” tanong nito sa dalaga habang pinagmamasdan pa rin ang disenyo ng lugar. She can't help but to stare the small bulbs above.

“Mabuti nalang at mabait ang ating boss, binigyan niya tayo ng pagkakataong makapunta rito!” kitang kita ang tuwa sa mukha ni Rona kaya napangiti na din si Yana.

“Pero ang daya ahh.” Bumaling ito sakaniya, “Ang ganda ko sa suot ko pero ikaw?” tinignan siya ito mula ulo hanggang paa, “Sanay ka bang sumuot ng mga mamahaling damit? Sobrang ganda mo ngayon! Tapos ang sexy mo pa.” wika nito.

Umiling iling lamang si Yana, “Saan ka pala galing bago ka pumunta rito sa Daku?” puno ng kuryosidad na tanong ng dalaga.

“Mahalaga pa ba iyon?” tanong nito, “Diba andito tayo para magrelax?” pagiiba nito sa usapan.

Tumango naman si Rona at nagpasyahan nilang pumunta muna sa may poolside kung saan mayroon silang libreng spa massage, sayang naman iyon kung hindi nila magagamit.

Ryker was impressed with the Resort. He’s blown away by the grandeur of this place. Pero kailangan niyang pumunta ng Hongkong para sa meeting. Wala siyang time para magrelax, he needs to work to forget her.

Para siyang nababaliw sa kaiisip kung nasaan ang dalaga, bigla nalang itong naglaho na parang bula. Tuwing wala siyang ginagawa ay naiisip niya ito kaya't hanggat kaya niya ay sinusubsob niya ang sarili sa trabaho. Work is his only escape.

“Hindi na ba magbabago ang isip mo boss? Tignan mo ang buong lugar, it screams vacation!” ani Daniel nang makapasok sila sa kanilang presidential suite.

Biglang nagring ang phone ni Ryker, “I need to answer this, make sure my private plane is ready, aalis na tayo katapos ng tawag na ito, excuse me.” Bumagsak ang magkabilang balikat ni Daniel habang pinagmamasdan palayo ang bulto ng kaniyang boss, mukhang kailangan niyang magdasal kung hindi goodbye vacation.

Hindi sinasadya ni Yana na mapunta sa may beach side ng Resort, mayroong kasal na ginaganap. Kinagat niya ang kaniyang pang ibabang labi. No, no, no. Maayos ka na, Yana. You’re doing so well. Bulong ng kaniyang isip

Kahit gaano niya pilitin at paintindi sa sarili niya na nagmove on na siya, na maganda na ang buhay niya dito sa Daku, kahit gaano niya ipilit na ibaon sa limot ang alaala kasama ang binatang iyon, sa huli, lagi pa ring sumasagi sa utak at puso niya ang binata sa kahit ano man ang gawin niya. Everything reminds of him.

She always remind herself that he’s a liar, thayt she will forget him someday. She's working on it. Pero nahihirapan siya, kung lahat nalang ng nakikita at naririnig niya ay nagpapaalala sa binata. It sucks really.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga ikinakasal, to her surprise he saw Ryker at mukhang may katawag ito sa cellphone.

Her breath become rugged, “Pinaglalaruan ba ako ng aking mga mata?” tanong niya sa sarili. She gently squeezed her eyes. At nang muling tignan niya ang lugar kung saan nakatayo ang binata, wala na ito. It must be her imagination. Marahan niyamg ipinilig ang kaniyang ulo.

Ugh what’s wrong with me?

“Ready na ang iyong private pla—“Postpone my meeting. We’ll stay here.” Abot tenga ang kaniyang ngiti. Mukhang dininig ng Diyos ang kaniyang panalangin, mabuti naman at nahipan ng magandang hangin ang kaniyang boss.

“May club malapit dito sa Grand Hotel Resort, tara punta tayo don?” yaya ni Rona.

Kumunot ang noo ng dalaga ng walang narinig na tugon mula kay Yana, mukhang wala sa sarili ang kasama simula ng bumalik ito sa kanilang silid, “Hoy, Yana. Nakikinig ka ba?”

“A-ah? Oo. Ano u-ulit yung sinabi mo?” napakamot ito ng kaniyang ulo. Augh!

Bakit niya ba kase iniisip ang lalaking iyon? Ayan tuloy mukhang nagahallucinate na siya at nakikita na niya ito. F-ck.

“Ang sabi ko, tutal ay nakaayos naman na tayo, mayroong club sa tabi ng Resort na ito, baka gusto mong sumama sa akin para mag aliw. Ayos ka lang ba? Anong bumabagabag sayo?” alalang tanong ni Rona.

“A-ayos lang ako. Sige sasama ako.” she need this. Kung ang paginom ng alak ang solusyon para kahit saglit ay mawala sa sistema niya ang binata ay gagawin niya.

Malakas na musika ang bumalot sa kaniyang tenga, para rin itong typical na club sa syudad. Maraming tao ang nagsasayaw sa dance floor at amoy na amoy ang usok ng sigarilyo sa paligid.

“Kukuha lang ako ng maiinom.” Bulong ng ksibigan, saka siya nito iniwan.

Huli siyang uminom ng alak nuong kina Riz, at dahil iyon kay Ryke—No! No! No! Brain stop thinking of him! Suway nito sa sarili. Seriously, what’s wrong with her?

Hindi niya namalayan na nasa tabi na niya pala si Rona, hawak ang kaniyang inumin na Vodka.

Patagal ng patagal ay tumatalab na ang alcohol sa sistema niya, she slowly move her hips. Sumasabay siya sa musika, she doesn’t know how to dance pero ng dahil sa alak ay nagagawa niyang sumayaw. She's having fun.

Maraming lalaki ang nakatingin sa kaniya. She’s like a goddess sent from above. May pagkarevealing ng kaonti ang kaniyang suot na dress. Hapit na hapit din ito sa kaniya kaya’t malaya mong makikita ang kurba ng kaniyang katawan. Her cleavage is slightly shown. “Alam mo kanina ko pa napapansin” bulong ni Rona sa kaniya, “May gwapo slash hot na lalaki ang nakatingin sayo kanina pa!” nakangiting sabi nito saka tinuro ang ang lugar kung saan ang lalaking sinasabi.

She frozed. Bumilis ang paghinga niya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso niya. Hindi ito nakasuot ng kaniyang business attire bagkus nakasuot ito ng simpleng kulay puting polo shirt, trouser and a pair of loafers.

Heck he’s extra handsome in this outfit, inilibot niya ang tingin sa paligid, maraming mga babae ang nakatingin din sa binata. Hindi niya maiwasang hindi mainis dahil parang pinagpipyestahan nila ang kagwapuhan nito.

He looked bored, yet his eyes were fixated on her with such disbelief. Para itong apoy na mapanganib, pero isa siyang gamo gamo na handang mamatay makalapit lang sa kaniya. She can’t stop her heart beating so fast, wala siyang marinig kung hindi ang tibok ng puso niya.

Is this imagination again? Hindi kaya nababaliw na siya sa kakaisip sa binata kaya’t nagahallucinate na siya?

Then she felt her heart ache. Lahat ng alaala na pinlit niyang kalimutan ay nanumbalik sa kaniya. He’s real. He’s here for real.

“Ryker” usal nito.

Unang nagiwas ng tingin ang binata, he’s now focused on the sexy and beautiful woman beside him. They seem happy while having a conversation. She felt a strong pain struck her heart.

“A-alis na ako.” paalam niya kay Rona at tuluyan nang lumabas sa bar ng hindi man lang lumilingon. Hanggang ngayon masakit pa rin.

Bakit siya andito? Iyon ang katanungan sa isip niya. Habang naglalakad sa madilim na daan, mayroong humila sa kaniya papunta sa isang sulok. Bigla siyang nakaramdam ng matinding kaba.

Nakakulong siya sa bisig nito habang nakasandal sa malamig na pader, “Leaving so soon? It’s been so long, my love.” He coldly said. She can’t say a word as he breathed against her skin, all her senses was gone with his touch.

“R-ryker” Lumapit pa ito ng bahagya at tumitig sakaniya. His eyes were like daggers.

He pulled back slightly, “You rejected me, and now you’re here in Daku doing some dirty dance on that club?! Is this what you want?!” sigaw nito. She can feel his anger,

Huminga ng malalim ang dalaga, she’s trying to calm herself. “A-anong ginagawa mo dito?”

“Does my presence annoy you? Kaya ba lumipat ka rito?” malamig na tanong ng binata. His voice was dangerously low as he towered her. He pinned her again on the wall, she can feel the cold bricks touching her back.

His eyes were narrowed and cold. His deadly glare sent shivers all over her body. Yet she’s not afraid. Wala siyang ano mang takot na nararamdaman rito.

Her mind says ‘Don’t do it’ but her heart refused to listen. She gently reach his face and slowly cupped it. All the rage in his eyes disappeared instantly. He leaned to her touch, as if it was the thing he craved the most. This is the Ryker she knew.

“Don’t” hinawakan nito ang kaniyang kamay at inilayo sa mukha niya. “You moved away without telling anyone. Ni hindi mo ako binigyan ng pagkakataon para magalit sayo.” Tumalikod ang binata sakaniya at nagmartsa paalis sa lugar na iyon.

•••
This chapter is dedicated to my parents. Thank you for the sacrifices you gave to me. 4 years to go, and I'll promise you to give you a better life.

This chapter is also dedicated to my bestfriend, Rona Guzman. Happy legal age dugs!❤️

Happy 4k reads!! No words can explain how much I'm happy right now! Thank you for  the love and support.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro