Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

She needs to find out the truth about what happened that day and she likes to go away for a while. Away from all this chaos and pain.

Malalim ang kaniyang iniisip habang pinagmamasdan ang magandang tanawin mula sa bintana ng eroplano, para siyang nasa langit dahil sa dami ng ulap na nakapaligid. She knows its coward to run away, pero kahit minsan ay umuurong din ang mga leon sa laban lalo na’t kapag alam nilang natatalo na sila.

We can’t always be brave, especially when everything is suffocating you to the point where escape is the only way to breathe, because sometimes it feels better to leave all the pain behind.

Kung nag ‘yes’ ito sa araw ng kasal nila ng binata, ay nagsisinungaling lang siya. Maraming mga katanungan na gusto niyang masagot, dahil puno ng pagsisinungaling ang kanilang relasyon. Hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan niya pa ba ito.

Pagod na siya sa mga taong ginagamit ang nakaraan niya bilang bentahe sa kaniya, at pagod na din siyang magpanggap na para bang hindi siya naaapektuhan sa pangyayaring iyon. Isa lang ang natutuhan niya, she can only trust herself. Kahit minsan lang, ay uunahin muna niya ang sarili niya.

Naging usap usapan ang balita tungkol sa kasalanan nina Ryker at Yana, it’s the talk in the city. Maraming hakahaka ang lumabas kung bakit humindi ang dalaga sa kasal, meanwhile The Thompson Talent Agency (TTTA) acquire Lopez Entertainment Agency. Sila na ang humawak rito dahil bigla nalang naglaho ang dalaga na parang bula, walang sino man ang nakakaalam kung nasaan siya maging ang kaniyang mga magulang.

“Ang sarap naman nito!” hindi mapigilang saad ni Rona nang matikman ang bagong inumin na gawa mismo ni Yana.

“Halos isang buwan ka palang dito pero shit! Mukhang master mo na ang pagiging bartender” anito saka muling sumimsim sa inumin.

It’s been a month since she moved to the small, quiet, Island of Daku. Dito siya mismo nalunod sa karagatan na ito. Nakakatuwang isipin na mukhang walang alam ang mga tao rito tungkol sa kaganapan kung saan siya nanggaling, they don’t even know the celebrity there. Napaka simple ng pamumuhay rito at tiyak na marerelax ka sa sobrang payapa ng paligid.

Pumunta siya rito, upang bigyan ng kasagutan ang mga katanungan sa isip niya, pero satingin niya’y hindi pa ito ang tamang panahon para roon. A part of her says that she’s still not ready to face the truth.

This place is like a safe haven for her, ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit siya dinala ng mga magulang niya rito eight years ago.

Ibinalibag niya ang kaniyang katawan sa malambot niyang kama pagkatapos ay mahinang minasahe ang kaniyang sentido. Biglang nagring ang phone niya at galing iyon sa kaniyang sekretarya.

“Yanaaaaa!” sigaw nito, muntik niya pang mabitawan ang kaniyang cellphone dahil sa gulat.

Tuwing sabado ay nagvivideo call sa kaniya si Riz ngunit ngayon ay nagtataka siya kung bakit tumatawag ito gayong Lunes palang, namiss ba siya nito?

Inilibot niya ang paningin sa kuwarto kung nasaan ang dalaga, nanlaki ang kaniyang mga mata nuong napagtantong nasa hospital pala ito, “Oh MY Ghad! Manganganak ka naba?!”

“Oo, malapit na!” sigaw pabalik ni Riz, she’s having contractions.

Napangiti si Yana sa balitang kaniyang narinig, sa wakas ay ilalabas na nito ang kaniyang baby girl “Diba sabi mo ilalabas mo ang baby mo ng puno ng positive vibes? Eh bakit nakasimangot ka?” pagbibiro niya rito.

“Satingin mo ba nakakatawa yon?” masungit na tanong nito, “Hihintayin kong magkaroon ka ng pakwan na malapit ng lumabas sa pagkababae mo, tignan ko lang kung puno pa ng positive vibes ang maiiisip mo”
Hindi maiwasang hindi matawa ni Yana, siguro’y dala lang ng sakit na nararamdaman ni Riz iyon.

Riz took a deep breath. She inhaled and exhaled slowly “Kamusta sa Daku? Maayos ba ang lagay mo riyan? Kamusta trabaho mo?” sunod sunod na tanong nito. “Nahanap mo ba yung mga sagot sa katanungan mo?”

Tumingin siya sa kisame pagkatapos ng tawag, mukhang kailangan na niyang ilabas iyong pakwan nito. Walang ibang nakakaalam na nasa Daku siya kundi si Riz lamang.

Gusto lamang niyang malaman ang katutohanan sa nangyaring aksidente walong taon na ang nakalilipas. She’s just plain Yana here, nakakuha siya ng trabaho bilang isang bartender sa isang local resto bar.

Tamang tama ang trabaho niya dahil nakakapaghalubilo siya sa mga taong narito at minsa’y nagtatanong siya sa mga costumer niya tungkol sa nangyaring aksidente eight years ago.

Sa mahigit isang buwan niya rito ay mayroon na siyang accomplishment na nagawa, iyon ay ang kaya na niyang makatagal ng mahigit limang minuto sa pool. She’s facing her fear with herself.

“Run me the schedule for today” he said with a stoic expression in his face.

Mabilis na tumango si Daniel saka binuksan ang hawak nitong Ipad, “The newest project Hotel Resort will having an opening, so you must go there.”

Tinignan rin ni Ryker ang kaniyang schedule, “So pagkatapos ng opening, ay kailangan ko nang pumunta ng Hongkong para sa meeting.”

Napakamot ng batok ang kaniyang sekretarya, “Sorry sa pangengealam boss, pero pinadelay ko nang three days ang iyong meeting, I think you need to rest for awhile.”

Matalim siyang bumaling rito, “And why did you do that? I have to work” malamig na tugon nito.

Humingan ng malalim si Daniel, “Alam kong may pinagdadaanan ka, but you can’t bury yourself in work, Ryker”

He didn’t take a break this past month, laging trabaho nalang ang ginagawa nito. Ni hindi na nga ito tumutuloy sa kaniyang condo dahil sa kaniyang Private room nalang ito natutulog.

“I don’t need a break.”

“You don’t, but I do.” Reklamo ni Daniel.

“Okay, rest then. Ako nalang magisang pupunta sa Hongkong. I don’t want to stay longer, lalo na’t sa Daku Island.”

Ayaw man niya ang ideyang pagpapatayo ng Resort sa islang iyon pero kagustuhan iyon ng kaniyang ama. Ni hindi nga niya alam na mayroon palang ipinagawang ganoong hotel resort ang kaniyang ama, nalaman na lang niya ito nuong malapit na itong matapos, days after that painful wedding.

“Bakit parang walang tao ngayon rito?” takang tanong ni Yana nang makitang walang tao sa kanilang resto bar na pinagttrabahuan.

“Ah, opening kase ng Grand Hotel Resort. Aligaga yung mga taong pumunta roo—“ hindi na natapos ang sasabihin ni Rona ng biglang sumabad si Tey, ang may ari ng kanilang pinagttrabahuan.

“At mayroon akong invitation para roon, they give me free one day experience in their hotel. Unfortunately,” lumukot ang mukha nito “kailangan kong pumunta ng America dahil nagkasakit ang aking ina, kung gusto niyo ay kayong dalawa nalang ang pumunta? You need to take a break.”

Umawang ang bibig ni Rona at parang batang pumalakpak “Waaaahh! Salamat po!”

“Mukang hindi ka excited?” tanong ni Rona sa kaniyang nang umalis na ang boss nila.

“Hindi naman sa ganoon”

“Balita ko maraming mayayaman ang pupunta roon para magbakasyon” pinagkrus ni Rona ng kaniyang mga daliri at animo'y parang nagdidaydream “Sana makita ko roon ang lalaking mayaman na mapapakasalan ko” kinikilig na saad nito.

Ngumiti ng bahagya si Yana, “Oh bakit parang wala lang sayo? Hoy girl! Sa ganda mong yan sigurado ako na maraming mayayaman na lalaki ang magkagusto sayo!”

“Hindi ko na iniisip ang mga ganyang bagay” nakangiting saad nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro