Chapter 25
Galit na galit ang matandang Thompson kay Ryker sa nangyari. Nagmartsa ito paalis pagkatapos siya nitong sermonan.
"Scotch?" inabot ni Natalia ang shot glass kay Ryker. Tinggap naman niya iyon at mabilis na nilagok.
He wants to get numb, maraming masasakit na salita ang narinig niya sa kaniyang ama na para bang wala itong nagawang tama sa buong buhay niya.
"Akala ko nakakatakot na ang aking Dad, mas nakakatakot pala si Senior Thompson." Nailing na sabi ni Natalia saka sumimsim ng alak.
Patuloy lang sa pag inom si Ryker, he wants to get wasted to forget those hurtful words came into his dads mouth.
"Sinabi mo ba sakaniya na mayroong tumraydor sa atin?" tanong ng dalaga. "Hindi mo kasalanan na natalo tayo sa bid"
"About that-" bumuga ito ng hangin "Hindi ako sigurado roon, wala akong ibidensya para malaman kung sino ang may gawa non. Hayaan nalang natin."
He can't say that Yana is the one who's responsible for it, lalo na ngayon na galit ang kaniyang ama. Baka kung ano pa ang gawin niya sakaniya.
"We can't move on to that, Ryker. Iyon lang ang tanging ekplanasyon! Sigurado din ako na mayroong nagtraydor sa atin, at gagawin ko ang lahat ng kaya ko upang malaman kung sino iyon!"
Nilagok muli ni Ryker ang isang baso at tumingin sa kawalan, "May pinoprotektahan ka ba Ryker?" usisang tanong nito sa binata. "Kilala mo ba kung sinong may gawa non?"
Matalim niyang tinitigan ang dalaga, "Stop this nonsense!" bulyaw nito na ikinatahimik niya.
Tumayo siya at inayos ang nagusot niyang suit, "Kailangan ko ng umalis, hindi ako komportable na iniwan ko si Yana pagkatapos kong makatanggap ng tawag mula kay Dad"
He rushed back to the office for the emergency meeting at pagkatapos non ay sinermonan pa siya ng kaniyang ama, today is exhausting! He needs the warm embrace of Yana to recharge for this tiring day.
Hinawakan siya ni Natalia sa kamay para pigilan, "W-wait, w-wag kang umalis." There's sadness in her eyes, "Ngayong araw dapat ang kasal ko."
Mabilis na inalis ni Ryker ang kamay ni Natalia sa kaniyang braso, "I'm sorry about that."
"Ngayong araw dapat ang pinakamasayang araw para sa akin. But it turns miserable now, lalo na't nagfailed ako bilang legal head sa inyong kompanya."
Nilagayan niya muli ng scotch ang shot glass ni Ryker at inabot ito sakaniya, "just a few more drinks? I really need someone by my side."
"Please?" anito ng hindi gumagalaw ang binata.
Marahan itong bumuntong hininga at kinuha ang shot glass, "Konti nalang, okay?" tumango naman ito.
He really needs to get back, baka mamisunderstand ni Yana ang hindi niya pagbalik.
Pero satingin niya'y kailangan niya munang samahan si Natalia kahit sandaling oras lang, besides naging malapit naman siya sa dalaga at may pinagsamahan naman sila.
"So kamusta kayo ni Yana?" tanong nito sakaniya, "Alam ko sinabi mo sa akin na ikakasal kayo dahil mahal niyo ang isa't isa, pero iba yung sinasabi ng mga magulang mo noong dinner."
Alam ni Ryker na alam na ni Natalia ang tungkol sa kanila kaya hindi na ito nagtaka na iopen niya ito sakaniya, "It's complicated, pero seryoso ako sakaniya. Hindi siya tulad ng iba, she's different." There's a sparkle in his eyes while he said that.
"Eh ako? hindi ba ako iba sa mga naging karelasyon mo?" nakangiting tanong ni Natalia.
Ryker chuckled, "Come on Talia, mga bata pa tayo non, we were only fooling around. Pero iba yung kay Yana, you know it feels so right." He smiled again.
Only her can make him feel this way. Para siyang sinasapian ng kung ano at napapangiti nalang siya ng kusa kapag sumasagi ang dalaga sa isip niya.
"Ang tagal ko nang hindi narinig ang palayaw ko na iyan." Wala sa sariling sabi ni Natalia. Tanging si Ryker at ang kaniyang ina lang ang tumatawag sa kaniya ng Talia.
Inabot muli ni Ryker ang kaniyang inumin saka iyon inubos, "I'm really sorry about your wedding pero masasabi ko na masaya ako dahil hindi iyon natuloy."
Namilog ang mga mata ni Natalia, "Talaga? Masaya ka dahil hindi pa ako ikakasal?" masayang tanong nito na ikinatango ng binata.
"Sana ay makahanap ka ng lalaking mamahalin ka ng totoo, katulad ng pagmamahal ko kay Yana." Natalia rolled her eyes, hindi siya makakahanap ng ibang lalaki. Dahil si Ryker lang ang gusto niya. At gagawin niya lahat para magbalik siyang muli sakaniya.
"Sana kahit papaano ay napagaan ko ang loob mo. Kailangan ko na talagang umuwi" Tumayo ito, he was about to take a step when a sudden pain strikes his head. Napahawak siya sa sofa upang hindi mawalan ng balanse.
"Ayos ka lang ba? Mukhang hindi mo kayang magdrive." Nagaalalang tanong ng dalaga.
"Yeah" he frankly said, kinuha nito ang kaniyang cellphone at hinanap ang pangalan ni Daniel sa kaniyang contacts saka iyon dinial. Unfortunately, his line was unattended.
"Ako na ang maguuwi sayo." Natalia insisted.
"No, hindi masaya si Yana kanina nang nakita niya tayong magkasama sa hospital, ayokong magkaroon ng misunderstanding sa aming dalawa." Bigla itong tumawa "P-pero m-masaya ako dahil mukhang n-nagseseslos siya."
"Papatawag na lang ako ng taxi sa baba."
Tumango si Natalia, "Okay magpahinga ka muna diyan ng konti lasing na lasing ka, ako na ang tatawag."
Isinandal ni Ryker ang kaniyang likod sa sofa saka ipinikit ang kaniyang mga mata. Nahihilo siya ng sobra. He needs to take a nap.
He smiled when he saw the face of Yana, lumapit ang dalaga sakaniya at hinawakan siya sa kaniyang magkabilang pisngi saka siya nito masuyong hinalikan. "Yana" he said between their kisses.
"I miss this" he frozed when he heard Natalia's voice, f-ck! It wasn't Yana!
"I'm sorry Natalia! Akala ko ikaw si Yana. F-ck! I have to go!"
Kanina pa tinatawagan ni Yana ang kaniyang fiancé, anong oras na at hindi pa ito umuuwi. Siguro nga ay galit iyon sa kaniya, she swear hinding hindi na siya magpapapasok ng kahit sino sa kanilang condo!
Nakababad ang kaniyang mga paa sa pool, hihintayin niya si Ryker kahit anong mangyari.
Ilang sandali pa ay nakita niya ng binata na pumasok sa pool area. There's always confidence in him, but now? His eyes look so defeated and guilty. Hindi siya makatingin sa mga mata ni Yana. Parang may kung ano itong gustong sabihin sa kaniya na hindi niya mawari.
He step towards her, tanging mga yabag lang ni Ryker ang naririnig sa pool area. Then it stops when he's near her.
He suddenly hug her tightly, niyakap niya ito na para bang aalis siya. "Yana" his voice was broke as he whispered her name.
Pinulupot nito ang kaniyang mga braso sakaniyang beywang, at mas lalo pa siya nitong niyakap ng mahigpit. He buried his face on her neck. She hugged him back, she can sense that Ryker's having a tough day.
"I'm sorry" he whispered again. Yana placed his hand to his chest and push him lightly to see his face. Bumuntong hininga ito ng malalim saka kusang humakbang paatras
"I'm sorry kung iniwan kita sa hospital kanina. Tinawagan ako ni Dad dahil nagpatawag siya ng emergency meeting kasama ang mga board of directors, kinailangan kong umalis."
Ngumiti ng bahagya si Yana ang akala niya ay ano na, akala niya'y galit siya rito kaya hindi na ito bumalik, "Sana sinabi mo bago ka umalis."
"Sorry, kinalma ko muna ang sarili ko bago sana kita kausapin satingin ko'y mas ayos iyon. Hindi ako magsisinungaling sayo, hindi talaga ako okay sa nangyari tungkol kay Mariz. Kaya umalis ako ng walang pasabi baka may masabi ako sayo na pagsisisihan ko bandang huli."
Huminga muli siya ng malalim, "Masama ang loob ko kaya't uminom ako sa office. Gusto kong umuwi agad sayo pero nahilo ako kaya't nagpahinga ako saglit habang hinihintay yung taxi na pinatawag ko. Akala ko nananaginip ako tungkol sayo, but the next thing I knew..."
"I was kissing Natalia."
Parang tumigil ang mundo ni Yana sa narinig, parang tinutusok ang kaniyang puso ng libo libong karayom.
"I'm so sorry, Yana. I was so drunk, akala ko talaga ikaw iyon. Agad ko siyang tinulak palayo sa akin ng mapagtanto kong hindi ikaw iyon. Humingi ako ng tawad sa kaniya saka umuwi ng bahay." Nahihirapang sabi nito. "I know I f-cked up so bad, at wala akong karapatan para humingi ng tawad sayo pero I'm so sorry" he said sincerely.
Mabilis na nawalan ng emosyon ang dalaga, she doesn't look mad, sad or anything. "Yana?" pagtawag niya rito.
“So I screwed up a deal pagkatapos ay umalis ka para halikan ang ibang babae?” malamig nitong tanong.
"Yana" pagsusumamo nito.
"Anong deal ang kailangan kong sirain para gumalaw ka ng ibang babae? Tell me!" sigaw nito.
Ryker felt a pang in his heart, "It hurts'"
Umiling iling ang dalaga, "Wala kang karapatang masaktan! Hindi ko nga alam kung anong mararamdaman ko ngayon kasi sabi ko sayo dati na ayos lang kung mambabae ka habang nakatalikod ako!"
Napahawak siya sakaniyang ulo, "Alam mong hindi ko iyon sineryoso, diba? Simula ng nakilala kita nagbago ako, I didn't look any other woman than you. I wanted you... only you"
"Yet you kissed another woman tonight" ramdam ni Ryker ang kalungkutan sa boses ni Yana.
"Akala ko nagiba ka n-"Yana" he hugged her again. "Bitawan mo ako." Walang emosyong sabi nito na agad namang sinunod ng binata.
Tumalikod siya kay Ryker at naghanda para umalis "Please don't go"
"I won't... I can't... I have to marry you this weekend."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro