Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

"Paano ka nakapasok dito?" takang tanong niya sa dalaga.

Napakamot ito sa kaniyang batok, "Pinapasok ako ni Daniel" nahihiya nitong sabi, "Aalis na dapat ako, kaso nakita niya ako saka hinabol"

"May nasabi siya saakin tungkol sa mga masamang nilalang?" There's a glint in her eyes as she looks to Ryker.

Napailing ang binata. "Seriously, that guy needs a brea-Wait! Sabi mo paalis kana? Bakit?"

Yumuko si Yana upang hindi magtagpo ang kanilang mga paningin, "Ayoko na sanang makaistorbo, sabi kasi ni Natalia busy ka."

Ryker holds her soft hand, saka nito inangat ang kaniyang mukha. He look straight to her eyes "Hinding hindi ka magiging istorbo sa akin."

Parang may kung anong nagtatambol sa puso niya. Ghad! Why is he always like this? Mamamatay talaga siya sa sakit ng puso.

Biglang lumamlam ang mga mata ni Yana, "Narinig ko na ang nangyari tungkol sa Mega Star franchise. Alam kong ginawa mo ang lahat para makuha iyon."

Bumuntong hininga si Ryker, "Mayroong nagtraydor sa akin, pero hindi ko pa alam kung sino iyon... Sorry kung hindi ko nasagot yung mga tawag mo saka hindi ako nagparamdam sayo ngayong araw." He paused "Pero masaya ako na nandito ka, namiss mo ba ako?" may naglalarong ngiti sakaniyang mga manipis na labi.

"Oo" mahinang sabi ni Yana pero sapat na upang marinig niya.

He was taken aback by her answer. She can't blame him, maging siya ay nabigla sa sagot niya.

Mabilis na nagbago ang kaniyang reaksyon, maloko siyang ngumisi sa dalaga. "Come here"

Biglang nakaramdam ng kaba si Yana. "N-nasa opisina tayo, Ryker. K-kumalma ka"

Amusement filled his eyes as he looks to her. Humiga siyang muli at ginawang unan ang hita ni Yana.

"Kapag natapos na ito, sinisigurado ko sayo na ilalock kita sa kwarto natin."

Imbis na matawa si Yana, mas naisip niya ang sitwasyon ni Ryker ngayon, "Sigurado ka bang ayos ka lang?" seryoso nitong tanong.

Tumitig si Ryker sa puting kisame ng kaniyang private room. "Sana masabi kong hindi, pero ako yung CEO ng kompanyang ito. Maraming empleyado ang umaasa sa akin, isama mo na ang mga stakeholders, pati na ang isang matandang sumasakal sa leeg ko." He close his eyes and sighs. "Kailangan kong maging matatag."

Pinadausdos muli ni Yana ang kaniyang mga daliri sa malambot na buhok ni Ryker. "Mmm, I like it when you touch my hair like that." He said while his eyes shut.

TTTA is important to Ryker, pinapahalagaan niya ito ng lubos dahil ito ang dahilan kung ano siya ngayon. And he can't afford to lose this company to him.

Sa lahat ng mga achievements niya na nagawa sa kompanyang ito, hindi pa siya naaapreciate ng kaniyang ama. He can't gain his respect to him. Panigurado siya na hindi na siya kailanman pagkakatiwalaan ng kaniyang ama dahil dito, he screwed up!

Parang kinakabisado ni Yana ang bawat detalye ng mukha ni Ryker, he's handsome as always pero sa ngayon nakikita niya ang pagod rito. Kung mayroon lang paraan para matulungan niya ito, gagawin niya.

Everything's fine with Lopez Entertainment Agency, everything is smooth with their plan.

Napagpasyahan ni Yana na pumunta muna sa isang coffee shop upang magpahinga, she needs to charge.

"Java chip frappuccino" order nito.

Nakarinig siya ng malakas na halakhak mula sa kinatatayuan niya, the voice was quite familiar to her.

"Hindi ka maniniwalang may bago nanaman akong recording sa Amaze studio! Nang nalaman ni Papa na gustong gustong makipagcollab sa akin nung babaeng iyon, binigyan niya ako ng offer at syempre hindi ko kayang tanggihan iyon."

"Konting impormasyon lang kapalit ng bonggang studio? Damn!" masaya nitong wika.

"Para siyang bata na mabilis utohin gamit lang ang isang candy" natatawa nitong sabi. "Pinapasok niya pa talaga ako sa condo nila, syempre ginrab ko iyon para makuha yung impormasyon na kailangan ko. Mabuti nalang at walang password iyong PC ni Ryker kaya hindi na ako nahirapan na hanapin ang bidding offers nila." She sips her coffee.

"Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na siya ang dahilan kung bakit natalo ang fiancé niya sa malaking project na yon?"

"Mariz?" tawag niya rito, pagkaharap ng dalaga sa kaniya'y binigyan niya ito ng malakas na suntok sa mukha. How dare her?

"Doc, nabalitaan mo na ba? May dalawang pasyente tayo na isinugod ngayon lang, cat fight raw e. Mukhang tinamaan ng husto yung isang babae, kailangang tahiin iyong sa bandang pisngi niya." Usisa ng nurse kay Dr. William.

"Fiancé daw ni Ryker Thompson iyong isa ron" namilog ang mga mata ni William. "Anong room!?"

Patakbong pinuntahan ni William ang silid ni Yana, he's worried as f-ck! Sana'y ayos lang ang lagay nito.

"Seryoso ka Yana? A cat fight?" nakapameywang na tanong nito.

"Sana nakita mo yung mukha ng babaeng iyon!" nanggigil na sabi nito.

Bumuntong hininga si William, at proud pa siya sa ginawa niya? Mabuti nalang at hindi ito ang napuruhan. "So dito ka pala nagttrabaho?" tanong niya sa binata.

"Binaliwala ko na yung hindi mo pagtawag sa akin noong gabing iyon, pero ngayon hindi mo alam kung saan ako nagttrabaho?" nagkunwari itong parang nasasaktan, "It hurts, Yana" hinawakan niya ang dibdib sa may tapat ng puso.

Nagseryoso ito ng mukha ng hindi natawa ang dalaga, okay waley! "Anong nangyari? Ilang araw kitang hindi nakita tapos ngayon makikita pa kita dahil nakipagaway ka?"

Nanliit ang mga mata ni Ryker, "Huwag mong sabihing nakipagaway ka dahil sa womanizer na iyon?"

Napahawak si Yana sakaniyang sentido, "In my silly attempt to prove myself, I just screwed up someone who's important to me. Anong gagawin ko Wil? I f-ck up!"

Kung sanang hindi na niya kinontact si Mariz ulit edi sana hindi nalaman ng kanilang agency iyong bidding offers nina Ryker. Sana'y hinayaan nalang niya ang matandang Thompson na maliitin siya. Kasalanan niya ang lahat ng ito.

Lumapit si William sakaniya saka siya niyakap, "Hey, magiging ayos din ang lahat."

Naghiwalay sila ng makarinig ng tikhim mula sa lalakeng pumasok sa silid. Kunot ang noo nito at matalim ang tingin.

Dumako ang mga mata ni Yana sa kasama nito, Natalia.

"Hintayin nalang kita sa labas" ani Natalia pagkatapos ay lumabas na.

"Hm, I'll give you two some time." Lumabas na rin William sa silid at naiwan silang dalawa ng binata.

"So si William pala ang doctor mo?" inis na tanong ni Ryker.

"Oh, kasama mo pala si Natalia para puntahan ako." inis ding bulalas ng dalaga.

Huminga ng malalim si Ryker bago nagsalita, "May lunch meeting kami, at nagoffer siya na ipagdrive ako rito nang nalaman ko na yung fiancé ko ay nakipag away kay Mariz." Pinagmasdan ni Ryker ang bawat sulok ng katawan ni Yana.

May konting galos ito sa kaniyang braso, masuyo niya iyong hinaplos. "Now, can you explain me kung bakit ka nakipag away sa babaeng yon? Pagkatapos ay nakita pa kita na yakap ng ibang lalaki?" hindi alam ni Yana kung matatawa siya sa reaksyon ng binata. Nagaalala ba siya sakaniya? Or is he jealous?

Bigla niyang naalala kung bakit siya nakipagaway kay Mariz, hinawakan niya ang kamay ni Ryker "I'm so so so sorry"

Nagtataka siyang tumingin sa dalaga, "Ako yung nagbigay kay Mariz ng opurtunidad para makuha iyong mga detalye para sa bidding offers niyo. Ininvite ko siya sa condo para masign iyong collaboration kay Jerald. Siguro noong nagpaalam siya para magCR ay nagtungo siya sa kwarto at pinakialaman ang PC mo." Pagpapaliwanag nito. "Kasalanan ko ang lahat ng ito. I'm so sorry"

Umawang ang bibig ni Ryker sa narinig, "I need a minute." Lumabas si Ryker sa silid.

Minutes turned into hours and then nothing... Umalis si Ryker at hindi na bumalik "Ayos ka lang ba?" tanong ni Daniel sakaniya ng maramdamang tahimik ito. "Sinabi sa akin ni Ryker na sunduin kita sa hospital."

"I f-cked up Daniel, Ako yung may kasalanan kung bakit hindi niyo nakuha iyong malaking project na yon. Hinayaan ko si Mariz na makuha yung impormasyon."

Gulat na napatingin si Daniel sa kaniya, "P-paano?"

"She tricked me, oo nga't tinulungan niya kami pero hindi ko alam na may iba pa pala siyang pakay sa akin."

"E kung sabihin kaya natin kay Natalia para makasuhan si Mariz?" suhestiyon nito.

Mabilis na umiling si Daniel, "No, don't tell this to her, she might use this against you." Nagtatakang tumingin siya kay Daniel anong ibig nitong sabihin?

"Ay ewan ko sayo Yana, no offense pero may pagka tanga ka din minsan e no? Natalia wants to steal your man."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro