Chapter 22
Kunot ang noo ni Ryker habang nakikinig sa opinyon ng mga board of directors. "We will have a bid for Mega Star movie"
"Iyon ba yung may superheroes?" tanong ni Daniel. Malaki ang epekto non kapag nakuha nila ang bid sa nasabing pelikula.
"Best Hit would be submitting a bid as well." Seryosong sabi ni Ryker. "Kasama nila ang Artiste Agency kaya't ineexpect ko na malaki ang bid na iaalok nila."
Hinawakan nito iyong folder bago nagsalita muli "I won't let them steal this project from us. Make sure that we bid higher offer than them" " sabay sabay na sumangayon ang mga taong nasa conference room.
"Pasensya na Jerald, pero siguro maghanap nalang tayo ng ibang songwriter maliban kay Mariz." Anito "Sinisigurado ko sayo na makakahanap tayo ng mas magaling pa sakaniya."
Tumango si Jerald pero bakas sa mukha niya ang pagkadismaya sa narinig, Mariz would be the perfect fit. Ang kaso ay hindi ito pwede.
"Anong nangyari?" takang tanong ni Riz.
Maraan siyang umiling, "Wala e, hindi ko siya nakumbinsi." Napakamot siya sa kaniyang ulo.
Okay lang kay Ryker kung makipagcollaborate siya kay Mariz, pero para sakaniya ay mali. Hindi niya ito kayang ipahamak.
Riz let out a heavy sigh, "Osige, maghahanap nalang ako ng iba boss"
Mamaya ay susunduin siya ni Ryker para sabay silang pumunta sa Mansion ng mga Thompson. Pagpaplanuhan na kase nila iyong nalalapit nilang pagpapakasal.
Kailangan na nilang maghanda sa mga kakailanganin gaya ng kaniyang wedding gown, mga pagkain at iba pa.
Honestly, naeexcite siya na kinakabahan. It's her wedding after all at sana maging ayos ang lahat. Para sa kaniya ayos na iyong simple lang, pero iba ang kagustuhan ng stepmom ni Ryker. Julia wants extravagant wedding just like Prince Alastair and Abcidii.
"Mabuti nalang at nakasama ka" nakangiting wika matandang Thompson kay Yana. "Hinihintay ka na ni Julia sa garden para mamili ng design sa iyong wedding dress."
Bumaling ang atensyon nito kay Ryker. Mabilis nagiba ang mukha nito at bigla siyang nakaramdam ng takot, "I'd like to discuss some business matters with you son." Malamig nitong sabi.
Tumingin muna siya kay Ryker bago umalis roon.
"Ano itong narinig ko na nagbabalik ang Artiste Agency?" may diing tanong nito. Matalim ang titig ng matandang Thompson pero matapang na sinalubong ni Ryker iyon. "Ang malala pa, nakuha nila iyong project na dapat ay para saatin!" sigaw nito na umalingaw ngaw sa buong living room ng mansion.
"Dad, I have this under control. At nagsampa na ako ng kaso patungkol roon."
Umiling iling si David saka humalukipkip, "This is not about our loss! Ano nalang ang iisipin ng Artiste Agency? Na kaya nila tayong kalabanin pagkatapos nilang makuha iyong project na iyon sa atin?!" muli itong umiling "Hindi ko hahayaang malamangan nila tayo!"
Napahawak si Ryker sa kaniyang sentido, "Dad, you left the company to me and-"You disappoint me" walang emosyong sabat nito sa kung ano man ang sasabihin niya. He's really disappointed to Ryker.
"Ayoko ng maulit ito! Prove me wrong. Pakita mong tama lang ang desisyon ko na iwan sayo ang kompanya."
"Anyways, naghire ako ng bagong head para sa legal department. I think she's here." Sabay silang lumingon sa double door ng mansion at iniluwa nito ang babaeng may kulay blonde na buhok.
"Natalia?" gulat na tanong ni Ryker.
"She graduated top on her class at Yale University. And most importantly, her father was a friend of mine." Nginitian niya ang dalaga habang papalapit ito sakanila, "Kung agad ko lang nalaman na hindi pala natuloy ang kasal nila ng kaniyang fiancé edi sana siya yung magiging daughter-in-law ko ngayon."
"Besides, she knows our secret. And I trust her." Ryker rolled his eyes.
"Mabuti nalang at nagbalik kana ija" masayang bati sakaniya ng matandang Thompson, "Ikaw na ang bahala kay Ryker. And please stay and join us for dinner." Anito saka sila iniwang dalawa sa sala.
Lumapit si Natalia kay Ryker "Gusto ko sanang humingi ng tawad sayo , hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko tungkol kay Yana. Siguro nainggit lang ako." Lumukot ang mukha nito "Sana'y ikakasal na din ako gaya niya."
Tipid na ngumiti si Ryker sakaniya. "It's okay. Wag mo nalang ulitin."
Masayang nagtatawanan sina David, Julia at Natalia sa hapagkanan at mukhang aliw na aliw ang ang magasawa sa dalaga, samantalang tahimik naman si Yana habang kumakain. She felt so out of place, talaga sigurong kaclose niya ang pamilya ni Ryker. Nakaramadam siya ng kaonting inggit rito.
"So magtatrabaho kana pala kasama si Natalia?" bulong niya kay Ryker. Ngumiti naman ito sa kaniya saka tumango.
Pinagmasdan niya si Natalia. Her insecurities eating her.
"She seems nice, and elegant, and beautiful and perfect and-" Ryker cut her out "And she's not my Yana."
Bigla itong namula, how can he say that? Kumakain sila, muntik pa itong mabulunan sa biglaang banat nito.
"Kamusta naman ang Lopez EA?" biglang tanong sakaniya ni Natalia. Ang buong atensyon ay nasa kaniya na. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba sa harapan ng mga magulang ni Ryker pati na rin kay Natalia.
Hinawakan siya ni Ryker sakaniyang kamay at masuyong pinisil iyon, "Alam mo humahanga ako sayo, pinapatakbo mo yung kumpanya niyo para sa Daddy mo." Nakangiting puri nito sakaniya.
"Ambait mo naman, Natalia" mapaklang ngumiti ang matandang Thompson. "Kung wala kami paniguradong wala na ang Lopez EA" he states it just like a matter of fact.
Nakaramdam siya ng panliliit sa harapan ng mga ito, "Hindi din maglalaon ay bibitawan na niya ang Lopez EA pagkatapos niyang ikasal." Umawang ang kaniyang bibig, anong ibig nitong sabihin?
Lumingon siya kay Ryker at mukhang wala din itong alam sa kung ano man ang sinasabi ng kaniyang ama.
"Anong ibig niyo pong sabihin?" naguguluhan niyang tanong kay David.
"We had an agreement, tutulungan namin ang Lopez EA. Pero pagkatapos nang kasal niyong dalawa ay iiwan mo na iyon at hahanap ako ng ibang mamahala roon."
"Ayaw ko man, pero isasama kita kapag may lakad kami ng mga amiga ko." maarteng sabad ni Julia.
"Dad!" suway ni Ryker sa kaniyang ama.
Bored na lumingon ang matandang Thompson sa anak. "Excuse me, I need some fresh air." Tumayo siya, hinawakan siya ni Ryker sakaniyang kamay. "Sasama ako"
"No! Stay!" Maawtoridad na utos ni David. "May importanteng sasabihin si Natalia patungkol sa kaniyang trabaho. You should listen, it's for the company"
"I'm not you f-cking dog!" sigaw nito sa ama.
Hinawakan naman siya ni Yana sakaniyang braso, "Stay here, magpapahangin lang ako saglit."
Wala na itong nagawa kung hindi ang manatili sakaniyang kinauupuan, muli siyang bumaling kay Yana. Ngumiti ito sakaniya, at sumenyas na ayos lang siya pero alam nito sa kaloob looban niya ay hindi ito okay. He wants to comfort her so badly!
Dinala siya ng kaniyang mga paa sa may pool area. She doesn't know what to feel.
She felt so suffocated. Bakit hindi niya alam iyon? Bakit hindi niya alam na may kasunduan palang ganoon? Alam ba ito ng kaniyang ama? Napailing siya. Siguro alam niya iyon, pero bakit hinayaan niya na gawin iyon ni David?
Parang balewala lang pala ang kaniyang pagsasakripisyo para sakaniyang ama. Hindi na nila ito mapapamahala pagkatapos niyang ikasal kay Ryker.
"Hello" isang maliit na tinig ang nagpatigil sa kaniyang pagiisip. "Lagi po kitang hinihintay dito, mabuti nalang at nandito ka" nakangiting wika ni Rylie sakaniya.
Lumuhod ito para magpantay ang mukha nila "Gabi na bakit nasa labas kapa? Hindi kaba mapapagalitan ng Mama mo?" tanong nito.
Mabilis namang umiling ang bata, "Narito kaba para pagahanin ang problema ko?" natatawang tanong niya kay Rylie. "Ang cute mo talaga!" anito saka ito kinurot sakaniyang pisngi.
"Hm, ano pong problema mo? May pinapagawa po ba sila sayo na ayaw mo?" Luminga linga ito sa paligid at parang may hinahanap, "Nasaan po si Kuya Ryker? Bakit ikaw lang po magisa dito? Diba po ikakasal na kayo?" sunod sunod na tanong nito na siyang nakapag pangiti sa kaniya.
"Mukhang close kayo ni Ryker ah" nangigigil na kinurot niya ulit ito sa psingi "Kilalang kilala mo ba siya?" nakangiting tanong niya saka inalis ang pagkahawak sa pisngi nito.
Pinagmasdan ni Yana ang mukha ng bata, "Alam mo, sa tuwing tinititigan kita parang nakikita ko sayo si Ryker, magkamukha kayo. Parehas kayo ng mata at ng ilong, pinagkaiba niyo lang ang kulay ng buhok" ginulo nitong ang buhok ni Rylie.
Mukhang nagulat ang bata sa sinabi niya kaya't mabalis itong kumaripas ng takbo at umalis sa lugar na iyon.
Kumunot ang noo niya, anong nangyari don? May nasabi ba siyang mali?
Napahawak siya kaniyang ulo, muli niyang naisip ang dahilan ng pagpunta niya sa lugar na ito.
Hindi niya hahayaang maliitan siya ni David Thompson, ipapakita niya rito na kaya niyang patakbuhin at palaguhin ang kanilang kumpanya ng wala itong tulong galing sakaniya.
At may kilala siyang tao na pwedeng makatulong sakaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro