Chapter 20
Galit na pinatay ni Ryker ang tawag sa kaniyang telepono. “I can’t believe they just pulled out the agreement.” Hindi makapaniwalang saad nito. “The contract was already signed.”
“Best Hit intrudes them away from us for their network channel. They even offered to pay the termination damaged” ani Daniel habang hawak hawak ang iba pang mga dokumento tungkol roon.
Nakataas ang kaliwang kilay ni Ryker, “At sino naman iyang Best Hit na yan?” inis na tanong niya sa sekretarya.
Buti nalang at nagresearch si Daniel tungkol rito, kung hindi ay masisisante siya ng wala sa oras. Mukhang mainit pa naman ang ulo ng boss niya ngayon. “Bago palang sila sa industriya, pero mukhang kasama sila ng Artiste Agency”
Hindi maiwasang hindi mapairap ni Ryker sa narinig. Artiste Agency is their biggest competitors, but they edged them out of the industry years ago. Ang ama niya pa ang namamahala noon. At ngayon, mukhang nagbabalik sila para kalabanin ulit ang TTTA.
“Ilang million na ang ininvest ko para sa promotion, they can’t cancel us just like that” inis pa ring sabi ni Ryker.
Bumaling ulit siya kay Daniel, “I want all hands on deck from the legal department. Hindi natin sila basta bastang papakawalanan ng ganun ganun nalang.”
Ryker was furious, he needs to fix this as soon as possible, “Is this a game for them? Well, I’m ready to play!”
“O-on it” maging si Daniel ay natakot sa kaniyang boss. He knows him really well at gaya ng sabi nito talagang makikipaglaro siya sa mga iyon kung kakailanganin. Hindi siya papayag na basta basta nalang matalo nang walang laban.
Papaalis na sana si Daniel sa opisina ni Ryker ng may maalala ito, “May mga nakalap na akong impormasyon tungkol sa singer songwriter na si Mariz.”
Ilang tipa pa ang ginawa ni Ryker sa kaniyang laptop bago bumaling kay Daniel. “At hindi mo magugustuhan yung malalaman mo”
Kasalukuyang nasa recording station si Yana kasama si Riz, pinakikinggan nila iyong melody na binuo ni Jerald.
The melody, the beat and the harmony is perfect, tama nga ito at baka magkaroon sila ng tyansa sa billboard pag nagkataon. Ang problema lang ay ang lyrics nito, wala silang songwriter na gagawa para roon.
“Ako na ang bahala” nakangiting pahayag ni Yana. Kailangan niyang makausap si Mariz, at sana dumalo ito sa kasal ni Ceejay.
“Hindi ko talaga maintidihan kung bakit kailangan ko pang pumunta sa wedding na iyan.” Lukot ang mukha ni Ryker. Mabobored lang siya roon, isa pa hindi naman niya maituturin na talagang kaibigan iyong Ceejay na iyon.
Lumapit sa kaniya si Yana, napanganga siya sa sobrang ganda nito. May kaonting curl ang dulo nang kaniyang straight na buhok. Light lang ang make up nito pero hindi naging hadlang iyon upang hindi mapansin ang kagandahan niya. Her simplicity makes her elegant even more.
Dumako ang mga mata ni Ryker sa katawan ni Yana, She’s so sexy. Her curve was hugging her beautiful pink dress. Off shoulder ito at hanggang tuhod ang haba nito.
“Mas gusto ko pang magstay sa condo kasama ka habang nakasuot kalang ng two piece.” Pilyo itong ngumiti, kapagkuwan ay inirapan siya ni Yana. Kung ano anong kalokohan ang pumapasok sa utak nito. Napaka manyak!
“Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon” ani Yana. Para itong wedding sa isang fairytale.
Napakaraming bulaklak sa buong lugar iba’t ibang uri ang mga iyon pero lahat kulay puti at pink. Napapaligiran din ang lugar ng mga nakasabit na mga crystal chandelier. Ang isle naman ay isang kulay pink na carpet na napaliligiran din ng mga bulaklak at mga maliliit na crystal. Mukhang malaki laking pera ang nagastos sa kasalang ito.
“So iyon ba ang bagong laruan ni Ryker?” tanong ni Natalia sa kasama.
Umiling naman ang kasama niya, “Nope, he’s not just a plaything to him. They’re engaged”
Ngumisi si Natalia habang nakatingin sa dalawa na masayang naguusap. “Right, I think this is his parent’s plaything.” She’s sure of that, Ryker never loved someone, kung hindi siya lang. First love nila ang isa't isa.
Mabilis na natapos ang ceremony ng kasal, the two married couple looks so happy with each other. Ito ang kasalan na pinapangarap ng karamihan.
Hinanap ng mga mata ni Yana si Mariz, ilang sandali lang ay nakita naman niya ito sa di kalayuan ng pwesto nila. “Ayun siya!” hindi niya naitago ang excitement kaya’t naisigaw niya iyon ng mahina.
Kumunot ang noo ni Ryker, “Ikaw nagdala sa akin dito, wag mo sabihing iiwan mo ako”
Ngumiti ng napakatamis ang dalaga pagkatapos ay hinawakan siya sa may braso.
Dumako ang mga mata ni Ryker sa mapupulang labi ni Yana, Oh God! She’s pouting. He wants to kiss her badly. “Ryker, saglit lang to” malamyos ang tinig nito na para bang isang pusang maamo. Ano pa nga ba ang magagawa niya?
“Hello Mariz” masayang bati ni Yana. Nakuha naman niya ang atensyon ng babae at humarap ito sa kaniya. “My name is Nayana Lopez, from Lopez Entertainment Agency” pagpapakilala nito.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Daniel sa kaniyang boss. Namilog ang mga mata ni Ryker, “Ikaw anong ginagawa mo rito?” tanong niya pabalik.
Ngumiti ng mapakla si Daniel, “Inimbitahan ako ng aking ex girlfriend sa kaniyang kasal. Saklap ba?” There's sadness in his eyes.
“Wait, today is so special for you. Bakit andito ka? Don’t tell me?” Daniel paused, dumako ang mga mata niya kay Yana na nakikipagusap kay Mariz “Boss you’re whipped! You’re here for her?”
May inabot na earphone si Yana kay Mariz, tinanggap naman niya ito at pinakinggan ang tugtugin roon. Ngumiti si Mariz at mukhang nagustuhan nito ang naririnig. “Mukhang kinukuha niya ang loob nito, same goes to you Boss. Nakuha na niya din ang loob mo” Daniel chuckled. Matalim naman ang tingin ni Ryker sakanya.
“Hindi mo ba sasabihin sa kaniya ang tungkol roon?” tanong ni Daniel. Ang buong atensyon nila ay nakatuon sa masayang mukha ni Yana. It was priceless. “Ang ama ni Mariz ay ang may ari ng Best Hit, ang kumpanyang kumakalaban sa atin. Ano nalang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nila na yung fiancé mo ay nakikipagnegosyo sa kanila?”
Ryker crossed his arms. Iyon din ang iniisip niya, ayaw naman niyang sabihin ito sa dalaga dahil baka mabulilyaso ang plano at trabaho nito. Satingin niya'y labas na siya roon, problema na ng kanilang kumpanya iyon.
Napahawak si Daniel sa kaniyang ulo “Boss kailangan mong sabihin iyan sa ating mga board of directors sa sususnod na general meeting.”
Hindi na napansin ni Ryker ang mga sinabi ni Daniel bago ito umalis. Lumapit sa kaniya ang isang pamilyar na babae. He’s shock pero hindi niya ito pinahalata. “It’s been a while, pero seryoso ka? Ganito lang ang gagawin mo ngayong araw?” nakangiting tanong nito.
First love was really horrifying. It’s the first time you open up your heart and decide you want to let someone in. Marami kayong mga memoryang hindi makakalimutan. Ito yung unang pagkakataon na parang tumitigil ang mundo mo kapag nakikita mo siyang nakangiti at masaya. Ito din ang unang pagkakataon na nangako kayo na hindi niyo iiwan ang isa’t isa kahit ano man ang mangyari. It’s scary how you never forget them.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa dalaga. Hindi nito mapagkakaila na mas gumanda ito “Hindi ba’t ikakasal ka na sa isang mayamang business man na taga Germany?” takang tanong nito.
Ngumiti ito ng pilit, “Huwag mo nang paalala iyan. Hindi iyon natuloy dahil nalaman ko na may pamilya na pala ito. Sana’y hindi nalang ako umalis at sumama roon.” lumukot ang mukha nito.
“Ikaw kamusta?” sabay silang napabaling kay Yana. “Arranged marriage ba ang sa inyo?” tanong nito. Humarap si Natalia sa binata upang makita ang reaksyon nito “Dati sinasabi natin sa mga magulang natin na ipakasal tayo.”
Ryker laugh, “Dati pa iyon. But nope, we’re not arranged.” anito. Namilog ang mga mata ni Natalia.
Oo nga’t arranged marriage lang sila ng dalaga pero para sakaniya hindi na ito. This is so real for him, sana’y ganun din kay Yana.
“Sigurado ka ba?” hindi makapaniwalang tanong ni Natalia. Tumango naman ito saka ngumiti.
“Okay, ineexpect ko pa naman na mapapantayan o di kaya naman mahihigitan ako ng ipapalit mo sa akin.” May panunuya sa boses nito.
Humakbang palapit si Ryker kay Natalia. Her body tingled at the mere thought of his touch, para itong nanlambot noong nagtama ang kanilang mga paningin. She misses those two orbs of him. Mas lalong lumapit pa ito sa kaniya, pagkatapos ay hinawi nito ang ilang hibla ng kaniyang natural na blonde na buhok sa likod ng tenga. She can feel his warm breath to her neck up to her earlobe.
“Huwag mong pagsalitaan ng masama ang fiancé ko. Ako ang makakalaban mo.” May halong pagbabanta sa boses nito.
She frozed, hindi na namalayan ni Natalia na wala napala ang binata sa tabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro