Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Galit na hinarap ni Ryker si Sed, ang photographer sa araw na iyon. "You didn't even notice that there is someone drowning 'cause you're focusing on that f*cking phone?! You're so unprofessional." nagtiim bagang ito.

"I'm so sorry Mr. Thompson I didn't mea— "What the fck?!" malutong na mura nito.

Patakbong pumunta si Daniel sa lugar kung nasaan ang kaniyang boss. "Ayos ka lang Ryker?" tanong nito ng makitang basang basa ang binata.

"Yes, but please call the ambulance to che— hindi na natuloy ni Ryker ang dapat nyang sabihin, dahil ng lumingon ito sa lugar kung saan nakahiga ang dalaga kanina ay wala na ito.

"Where did she go?" takang tanong nito.

Kanina lang ay narito pa siya at nakahiga, nasaan na siya?

PATAKBONG pumunta ng dressing room si Yana, hindi na niya nagawang magpasalamat pa sa taong sumagip sa kaniya sa pagkalunod sa pool.

Her mind was so preoccupied, ang gusto niya lang ay ang umalis sa lugar na iyon.

She's crying and she feels so helpless. Once again, nangyari nanaman ito sa kaniya.

DUMIRETSO si Yana sa hospital kung saan nagpapagaling ang kaniyang ama.

Dinalhan niya ito ng mga prutas upang mas lalong mapabilis ang pagrecover nito. "Kamusta ang photoshoot?" bungad ng ama, pagpasok palang niya.

Ngumiti siya ng mapait, buti pa ang photoshoot kinamusta pero ang anak niya na muntik ng malunod at mamatay ay hindi niya kinamusta.

"Pinaghirapan kong makausap ang editor ng Fashion Time para lang sa photoshoot na iyan, so I'm expecting na naging succesful ang shoot" napailing siya, wala ng agency ang gustong makatrabaho ang Fashion Time at tanging sila nalang ang kumagat sa alok na iyon.

Yes, oo sikat ito at malaki ang tyansa na sumikat at makilala muli ng agency nila, iyon ay kung hindi lang kumalat ang issue.

"Sinong talent ang ipinadala mo? Si Hannah ba? Si Karen o si Jil?" tanong muli ng kaniyang ama.

Bakas sa mukha nito ang kasiyahan. Paano nalang kung sabihin niya ang totoong nangyari? At wala na ang mga talents nilang iyon dahil matagal na silang umalis, at si Jil kanina lang.

Ikinuyom ni Yana ang kaniyang kamao "Daddy! Kahit minsan lang! Please itigil niyo na ang tungkol sa agency na iyan!" hindi na napigilan ni Yana ang kanyang emosyon at maging siya ay nabigla sa pagsigaw sa ama.

Bakit lagi nalang ang Lopez EA? hindi ba pwedeng pagusapan naman nila kung kamusta ba ang araw niya? Kung anong nangyari sakaniya?

Ayaw na niyang muling sagutin ang ama kaya't minabuti nalang niya na umalis roon.

INABOT ni Noel ang kaniyang telepono. Kailangan niyang tawagan ang pinakamahalagang tao na maaring makatulong sa sitwasyon ng kanilang kumpanya.

And that's David, the owner of TTTA.

KASALUKUYANG nagdidinner si Ryker kasama ang isa sa mga sikat na artista.

The girl was beautiful, maganda ang hubog ng katawan nito at makikita ang karangyaan sa kilos at galaw nito. But he doesn't care. Dahil ang laman ng utak niya ngayon ay ang babaeng niligtas niya kanina.

Ang pinagtataka pa nito ay hindi naman ganoon kalalim ang pool at kaya naman niya itong abutin kahit na hindi ito marunong lumangoy. Pero bakit nalunod pa rin ito?

Hindi rin siya makapaniwalang umalis lang ang dalaga ng walang paalam at hindi man lang nagpapasalamat sakaniya.

Nabasa pa siya sa pagligtas sa babaeng iyon. Walang utang na loob, a simple thanks will do.

"Mr. Thompson?" malambis na tawag ng babaeng kasama niya.

"Just call me Ryker" anito sabay kindat sa dalaga na ikinapula ng kaniyang pisngi.

Lumapit ito sa binata at bumulong "Ah yes, The Ryker Gunn Thompson. Tell me what I can do for you. Malapit lang ang condo ko rito and you are welcome to go there"

"I would love to but unfortunately I'm not in the mood for that maybe some other night Miss...?" nakalimutan nito ang pangalan ng dalaga. Damnit!

Umirap ito sakaniya, "Lani is my name!" inis na pagpapakilala nito.

Tumango lang si Ryker at tumayo na sa kaniyang kinauupuan at nagpaaalam na sa dalaga.

Hindi na niya kailangan pang tandaan ang pangalan nito. He doesn't even care, makakalimutan at makakalimutan din niya iyon. So, why bother?

KUNOT ang noo ni Daniel ng makita si Ryker na papunta sa direction niya, dapat ay nagsasaya si Daniel ngayon kasama ang babaeng nakilala niya sa bar ngunit tumawag ang kaniyang boss upang magpasundo, wrong timing!

"Oh bat ang aga mo ata ngayon? Wala bang dessert?" tanong nito at ngumiti ng nakakaloko.

Ryker just rolled his eyes. "Not in the mood for dessert." bored na sabi nito. "Anyways, did you find any information about that woman?" seryosong tanong nito.

Tumango naman si Daniel at inilabas ang papel na nasa brown envelope, "Nayana Lopez, daughter of Noel Lopez the owner of Lopez Entertainment Agency. Ang kaniyang ama ay nagka mild stroke sa kadahilanang hindi nito nakayanan ang tuluyang pagbagsak ng kaniyang kompanya... at ngayo'y nagpapagaling sa hospital. Nayana Lopez took over the company pagkatapos non'" ani Daniel.

Umupo na si Ryker sa passenger seat. Ang daming katanungan ang gusto niyang malaman. Kung isa siyang agent bakit siya nakaswimsuit at hindi ang kaniyang mga model? Hindi naman sa nagrereklamo siya pero bakit?

Ganoon na ba kalala ang pagbagsak ng kanilang agency?

Muli niyang inalala ang pangyayari kanina. Ilang segundo lang iyon, pero parang tumigil ang mundo niya noong hawakan niya ito upang iligtas. It feels so familiar.

Nakita na niya ang mga matang iyon pero hindi niya alam kung saan. Napairap siya, at bakit hindi niya maalis sa isip niya ang babaeng iyon? Halos buong araw nitong ginugulo ang isipan niya.

He must be spending the night with that girl in the dinner, pero kusang pinipigilan siya ng kaniyang isip.

BUONG araw na naging abala si Yana sa paghahanap ng mga talents. Kung sino sino na ang mga tinawagan niya ngunit bigo siya.

Walang sino man ang gustong pumasok sa agency nila dahil laos na raw ito. At mas gusto daw nila ay iyong mga kilala sa industriya tulad nalang ng TTTA.

LAKING gulat ni Yana ng makita ang kaniyang ama sa kanilang bahay at bihis na bihis pa ito. "Dad, mabuti at pinayagan ka na ng doctor na umuwi?" takang tanong nito.

Pansin niya ding wala na ang wheel chair nito.

"Ah yes, ayos na ang Daddy mo. At may pupuntahan tayo ngayon!" masiglang wika ng kaniyang Mama na halatang excited na kung saan man sila pupunta.

"Magkakaroon tayo ng dinner kasama ang aking kaibigan” hindi maalis ang ngiti sa mukha ng ama.

“Umakyat kana doon at magbihis. Make sure to dress up and be beautiful."

Nagaalangan man ngunit sinundan na ni Yana ang gusto ng ama. Besides kakain lang naman sila ng dinner kasama ang  kaibigan nito pagkatapos ay uuwi na sila at matutulog. Simple as that.


HINDI akalain ni Yana na ganito pala kayaman ang sinasabing kaibigan ng kaniyang Ama. Napakalaki ng mansion nila at halos triple ito sa laki ng bahay nila.

Habang naguusap ang kaniyang ama at pati na din ang nasabing kaibigan nito sa malawak na hardin, napagdesisyunan niyang maglibot muna sa mansion.

She's just too amazed. Everything is so perfect in this mansion this is her dream house.

Modernong moderno ang pagkaayos nito at mahahalata mong mamahalin ang bawat kasangkapan na nakadisenyo rito.

Habang naglalakad ay muntikan na siyang matumba ng tumama siya sa isang matigas at mabangong ... bagay?

Nag angat siya ng tingin, at halos lumuwa ang kaniyang mga mata ng makita kung sino iyon. "S-sorry hindi ko sinasadya! Napakaganda ng mansion na ito kaya hindi ko na napansin na may tao pala rito" nahihiya niyang saad.

Ryker just smirked, "It's you!" in just a swift move, he pinned her on the wall locking her with his masculine arm.

Napakabilis ng pangyayari, she's shock.

"What are you doing here?" tanong nh binata habang nakatitig sa mga mata ni Yana.

Nagtama ang kanilang mga paningin, hindi maipagkakaila ni Yana na ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay ang pinakagwapong nakita niya sa buong buhay niya.

Dati ay sa mga magazines at monitor niya lang ito nakikita pero ngayon ay malapitan na.

Ngumisi si Ryker sakaniya,  His brown eyes look at her with anticipation na para bang alam na niya kung ano ang epekto niya sa mga taong nakakasalamuha niya. At sa totoo lang ay nakakalunod ang mga tingin nito. She doesn't want to look away.

Sobrang tangkad nito at halos malayo ang agwat nilang dalawa, but Ryker leaned until their faces were inches apart.

He looked again to her eyes, before settling his lips on hers.

Damnit! She's like a prey trapped by a predator. Sinasabi ng utak niya na hindi tama ito pero ang katawan niya ay tutol rito, para siyang naeexcite sa kung ano man ang mangyayari.

His warmth, his scent... She didn't understand pero para bang ligtas siya sa mga kamay nito.

No! She slightly shake her head, hindi siya papahulog sa patibong na ito!

Bago pa tuluyang magdampi ang kanilang mga labi'y, tinipon niya ang buong lakas  para itulak at tadyakan ang lalaki sa pang ibabang parte nito.

"What t-the fck?!" halos mamilipit si Ryker sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Yana just kicked his balls for petes sake!

"Ryker, you're home!" masayang bati ni David, na ama ni Ryker at kasama niya ngayon ang ama ni Yana na si Noel. "So you already met this gorgeous lady. Huh son? Nayana Lopez" saad nito habang nakangiti.

"Nayana meet Ryker Gunn Thompson, your fiancé" sabay na nanlaki ang mata ng dalawa sa anunsyo ng ama ni Yana.

Wtf is happening?!


—🎀

A/N: Don't forget to vote this chapter and leave a comment. I really appreciate that. 🖤

K B L U E S C R I P T

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro