Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

"Sino iyon? Familiar siya sakin pero hindi ko matandaan kung sino" tanong ni Ryker, nakita niya kasing magkausap ang dalawa.

Padabog na tumayo si Yana sa kaniyang upuan at inayos ang kaniyang damit, "Hindi na ako gutom" masungit niyang sabi at iniwan ang binata.

It was raining hard. Malakas ang hangin at rinig na rinig din ang hampas ng alon mula sa dagat. Habol hiningang sinundan ni Ryker ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang itong nawalan sa mood at nagwalk out sa kalagitnaan ng date nila.

Hinigit niya ang kamay ni Yana at pinaharap sa kaniya "Anong nangyayari?" Takang tanong nito. Basang basa na sila dahil sa ulan.

Ngumiti ito ng peke, "Wala" tipid na sagot nito. Tumalikod siya rito, she doesn't want to see his face, naiirita siya! Ginagawa niya sakaniya yung mga ginawa niya sa babaeng iyon! Parang naiinsulto siya.

"Iyan ang problema sayo, why don't you say what's bothering you? Hindi naman ako manghuhula!" inis na sabi ni Ryker. He's frustrated kanina ang saya pa nila. Hindi niya ito maintindihan.

"My problem? Atleast hindi ako nagdadala ng mga babae kung saan saan, ang corny!" buwiset na sambit nito.

Shock is written on Rykers' face. Ilang saglit lang ay sumilay ang ngiti sa kaniyang labi, "Wait, nagseselos ka ba?"

Namilog ang mga mata ni Yana "Hindi! Bat ako magseselos? Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I'm just saying that, ayoko na ng ganito! Don't walk in to my life na para na bang wala lang sayo. Nakakainis iyang pagpapasaya mo sa akin pati na rin yung pagtulong mo para harapin yung mga kinatatakutan ko na para bang concern ka! Alam mo kung anong malala? Nakakainis dahil nahuhulog na ako! Nahuhulog na ako sa taong gaya mo! At ayaw kong maging isa sa mga laruan mo. Hindi kita kailangan sa buhay ko!" tumulo ang luha niya kasabay ng pagtulo ng tubig sa mukha niya "S-stop being so nice to me, stop making me feel ... things! Nagpapanggap lang tayo!" buong lakas niyang sigaw.

Humalukipkip si Ryker at matiim na tinitigan ang dalaga, "Are you done?" inip na sabi nito. He pulled her closer to him and kiss her on the lips. Mabilis naman niyang tinulak ang binata. "No! Kailangan na din matigil ito! Nagkasundo tayo na walang ganito!"

Masuyong hinaplos ng binata ang mukha ni Yana, "Let's date, for real."

"Engaged na kayo, at ikakasal na. Pero bakit niyaya mo pa siya ng ganoon?" takang tanong ni Daniel, hindi niya ito magets. Ikakasal na din naman sila bakit pa sila magdedate? "So fiance mo siya o girlfriend?" Ngiti lang ang sinagot ni Ryker habang inaalala ang nangyari kagabi.

"Nababaliw ka naba? Satingin mo laro lang ito?" Inis na tanong ni Yana.

Seryoso niyang tinignan ang dalaga sa mata, "I'm serious. The kissed we shared last night meant everything to me. At akala ko, ang kalimutan iyon ang tamang gawin. But I can't. I can't pretend that it didn't happen. Hindi ako naglalaro lang, kung ayaw mong maniwala sa akin puwes magdate tayo. For real this time."

Umiling iling si Yana, hindi siya magpapaniwala sa mga sinasabi ng binata "This is nonsense." Tumalikod ito.

"Alam ko pangit yung pagkakakilala mo sa akin. I am a womanizer. But why can't you give me a chance? Ipapakita ko sayo kung gaano ako kaseryoso. At kung hindi mo iyon nakita then tama ka, hindi na ako mag babago pa."

Humarap ito muli, "Okay. Papatunayan ko na isang laro lang ito para sayo"

Ipapakita ko sayo. "Hindi kapa uuwi? Oras na. Kailangan mo ng magpahinga" paalala sa kaniya ng kaniyang sekretarya na si Riz. Kabalik nila galing beach house ay dumiretso na siya sa trabaho. Hindi niya alam kung paano haharapin ang binata.
"Ayos ka lang ba?" tanging tango lang ang sinagot niya rito. "Thank you, you may now rest. See you tomorrow" nakangiting wika niya sa sekretarya.

Hindi niya napansin na naroon pala ang kaniyang ina, kanina pa ba siya dito? "Mom? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

Lumapit ito sakaniya, kitang kita ang lungkot sa mga mata nito "Hindi mo pa kami kinakausap, Nayana."

Huminga ito ng malalim, "Wala naman akong dapat sabihin. Hindi naman ako galit."

"Gusto lang namin ang mas makakabuti sayo, Tignan mo successful kana." Napahawak si Yana sa kaniyang sentido. "Umalis ka na Mom"

"Ayaw mo bang bisitahin ang iyong Dad-" dumako ang mga mata ni Yana sa taong iniluwa ng pinto. "Ready na ako para sa ating dinner date!" masayang saad niya. Kunot noong tinignan siya ni Ryker. Huh? Dinner date? Bakit parang walang matandaan ang binata na may date sila ngayon? Susunduin niya sana ito upang sabay na silang umuwi. Though a dinner date sounds good to him.

Dali daling lumapit si Yana rito at tinulak siya palabas ng opisina.

"Ang sakit non Yana, parang ginamit mo lang ako." kunyaring nasasaktang wika ni Ryker. "Pwede mo naman akong yayaing magdate e. Pero ang gamitin ako para iwasan ang iyong Mama? That's lame" Natatawang sabi nito. Inirapan lang siya nito.

Pinagmasdan ni Ryker ang mukha ni Yana habang malayo ang tingin sa bintana ng sasakyan. Nilalamon na naman ng kalungkutan ang maganda nitong mukha. He wants to light up her mood. Ayaw na ayaw niyang nakikita siya ng ganito. "So... dinner date? Saan ang gusto mo?" Nakangiti nitong sabi. Humarap naman ito sakaniya.

Ayaw nitong pinaguusapan ang kaniyang sarili pati na din ang kaniyang pamilya. At nakikita niya lang itong nakangiti at nakatawa kapag nasa miserable siya.

Yana smirked, at mukhang may maitim itong binabalak. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo.

Ito na ang chance niya upang makabawi sa pangaasar nito. Saan kaya ang pinaka worst na lugar na pwedeng mapuntahan ni Ryker sa isang date?

Tumingin si Yana sa itaas at nagisip.

—🎀

A/N: Don't forget to vote this chapter and leave a comment. I really appreciate that. 🖤

K B L U E S C R I P T

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro