Chapter 11
“Ryker?” takang tanong ni Yana ng yakapin siya ng mahigpit nito. Sinundan ba siya nito? Hindi na kasi niya nagawang magpaalam kanina dahil naiihi na talaga siya.
“Para ba sa camera ulit to? Nalaman ba ng mga paparazzi na nandito tayo?” naguguluhang tanong niya ng hindi pa din humihiwalay sa pagkayakap ang binata.
He hugged her tightly, “No” simpleng sagot nito. He just want to hug her, sobra siyang nagaalala ng hindi niya makita ang dalaga, ang akala niya ay nasa dagat ito at nalulunod na. Mabuti nalang at naisipan niyang pumasok muna sa beach house bago pumunta sa may dagat.
Hindi rin sila nagtagal sa pagsasalong iyon dahil nagaya ng umuwi si Yana. May iba pang gumagambala sa isip niya “R-ryker a-about the kiss” huminga siya ng malalim. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nila napaguusapan iyon.
Without a word, his muscular arms frame her and pinned her on the wall as his lips crashed to her. Walang wala ito kumpara sa halikan nila kagabi. This kiss is filled with passion and desire.
Yana can’t think straight, hindi nga siya makatayo ng maayos dahil nanlalambot siya. Gusto niya itong itulak ngunit ang lahat ng lakas niya ay nawala. His tongue explores hers then his lips brushed against the nape of her neck. Namilog ang mga mata niya, she’s not ready for this.
Mahina niyang tinulak ang binata dahilan para magkaroon ng distansya sa pagitan nila.
Habol nila ang kanilang hininga. Ang mga kamay ni Ryker ay nasa kaniyang beywang pa rin. Biglang tumalikod ang binata sa kaniya at nagkamot ng ulo, “H-hm m-mag papahangin lang ako” anito bago tuluyang lumabas ng kanilang silid.
A-anong nangyari? Nanghihinang napaupo si Yana sa isang wooden sofa.
Napabalikwas ng higa si Yana. Hinilot niya ang kaniyang sentido dahil sumasakit iyon. Hindi siya nakatulog ng maayos at iniisip niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Ryker. Ngayon, hindi niya alam kung paano niya ito haharapin.
Huminga siya ng malalim ng makaamoy ng masarap na pagkain. Napilitan siyang tumayo upang sundin kung saan iyon nanggagaling. Nagugutom na siya at nagwawala na din ang mga bulate sa kaniyang tiyan.
Nadatnan niya ang binata sa kusina na abala sa pagluluto, humarap ito sa kaniya ng maramdaman nito ang kaniyang presensya, “G-goodmorning” nauutal na bati ni Ryker. “Nakatulog ka ba ng maayos?” tanong nito
Dumako ang mga mata ni Yana sa katawan ng binata. Nakasuot lang ito ng isang urban short at walang pang itaas na damit. Ke aga aga, nagkakasala ang kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang marunong din pala itong magluto.
“Look, I’m so sorry about last night.” Puno ng sinseridad na saad nito. “It was a mistake, sinisigurado ko sayo na hindi na mauulit iyon. Pinagluto kita ng almusal.” Pagkasabi niya non ay nilagpasan na siya ng binata at naiwang magisa sa kusina. Yes, a mistake. Yun lang iyon. Bulong ni Yana sa sarili.
Nakita nito na may nakahain na dalawang pinggan ng pancakes sa coffee table. Umupo siya rito at pinagmasdan ang pagkain na nasa harap. Paborito niya ito! “Hindi mo gusto ang donut, kaya pancake nalang” halos mapatalon siya sa gulat ng magsalita ang binata sa likod niya.
Umirap ito, “Hindi naman sa ayaw ko sa donut, p-pero niluto mo ba t-talaga ang mga pancakes na ito para sa akin?” hindi makapaniwalang tanong ni Yana. She’s just too overwhelmed na pinagluto siya ng nagiisang Ryker Thompson.
Tumango tango ito bilang sagot. “I’m not a womanizer for nothing Yana, Of course I also know my way to woman’s heart. Anito sabay kindat sa kaniya.
Pinagmasdan ni Yana ang kislap sa mga mata ng binata, he’s back with his annoying self. Umaakto ito na para bang wala lang yung nangyari kagabi. Siguro ayos na ito.
Nagumpisa na itong kainin ang kaniyang pancake. Damn! This is too delicious! “Hm, pagkatapos mo diyan itutuloy na natin ang ating swimming lesson… sa dagat”
She frozed, “Itutuloy pa ba n-natin iyon?” Tumango si Ryker “Hindi ako sumisira ng deal, saka tama lang iyon para mas makilala kita. You know the rule.” Anito saka ngumisi.
Umirap si Yana, “N-no hinding hindi ako pupunta sa dagat!” mataray na sabi nito.
Ryker smiled, “I have my ways”
“Paano mo ako napalabas ng bahay?” naiinis na tanong ni Yana sa binata. Yes, nasa labas na sila ng kanilang beach house. At hindi niya malaman ang dahilan kung bakit tumapak siya sa labas ng pinto. D*mnit!
Tumawa ng malakas ang binata, “Told yah, I have my ways”
Ilang sandali pa ay may lumapit sa kanila na isang batang babae na sa may pitong taong gulang. “Bumili na po kayo nito” ipinakita ng batang babae ang mga hawak nitong flower crown na may iba’t ibang kulay.
Lumuhod si Ryker upang magpantay ang mukha nila, “Magkano ba ito?” tinuro nito ang kulay asul. Binigay nito ang isang libo, “Sayo na ang sukli bata” Ngumiti ng abot tenga ang bata “Salamat po kuya! Bagay po kayo ng girlfriend mo!”
Nasa may tabing dagat na silang dalawa. Nakalublob na ang mga paa ni Ryker samantang nasa may buhangin pa rin si Yana. “Can you try to dip your feet from the water?” masuyong pakiusap ni Ryker.
Lumapit siya sa dalaga at hinawakan ang magkabilang kamay nito. Iginiya niya ito papunta sa tubig.
Ngumiti ng malapad si Ryker, another achievement for him. Pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga na parang natataranta ito. Hinaplos niya ang kaliwang pisngi nito, “I’m right here, I won’t let any bad things happen to you” bulong nito sakaniya. Dahan dahang kumalma ang ekpresyon ni Yana.
She’s safe with him. Nakalimutan nito panandali ang nakakatakot na dagat. Namula ang mga pisngi ni Yana. She bit down her lower lip as she feel a betraying smile escape on it.
Patuloy lang ang pagtitig sa kaniya ng binata at medyo naiilang na din siya, why? May dumi ba siya sa mukha? And now she can smell his perfume. Nanunuot ang amoy nito sa kaniyang ilong. Naadik na siya rito.
May malaking alon ang papunta sa kanila but she doesn’t mind as along as Ryker is with her. Only beautiful memories from now. Mahinang bulong ni Ryker.
Hirap si Yana na pumili sa kaniyang susuotin. Niyaya siyang mag dinner ni Ryker, ewan niya ba pero gusto niyang magmukhang presentable sa harap nito.
Suot niya ang isang blue sundress na abot hanggang sa ibabaw ng tuhod niya. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin, ngumiti siya ng bahagya ng makuntento na siya sa kaniyang itsura. Sht why is she doing this? Umiling iling siya, ilang sandal lang ang may nagdoorbell na. Siya na siguro iyon.
Mabilis siyang naglakad papunta sa pinto. She opens the door revealing the handsome face of Ryker. He’s wearing a light blue polo and jeans. He smiled to her at lumapit sa kaniya “Suot ko lang itong flower crown na ito dahil binili mo to at ayaw ko namang masayang lang” masungit na sabi niya.
Ryker chuckled, “Wala naman akong sinasabi ah?” With a silly grin on his face. Ryker closed the distance between them. Hinawakan niya ang flower crown na suot ni Yana at inayos ito. He tucked a loose strand of hair behind her small ear. He smiled again to her, he’s satisfied now on how she looks. Natural and beautiful.
Habang naghihintay sa kanilang inorder na pagkain nagpaalam muna si Ryker upang pumunta sa men’s comfort room. “Ikaw iyon!” masayang bati ng babae sa kaniya. The girl is only wearing two piece with a confident in her face. She should be dahil ang ganda ng katawa nito.
“Hi! I’m Laurice!” pagpapakilala nito sabay upo sa harap niya. Napakamot ng ulo si Yana, sino ba to? “Victoria Secret, Bazaar, Cavin Klein?” nakangiting sabi ng babae sa kaniya. Naguguluhang tumingin si Yana rito. “Model ka?” tanong nito. Pumalakpak naman ang babae at tumango tango.
“Anong maitutulong ko sayo?” pilit na ngiting tanong nito. Hindi pa rin maalis ang tuwa ng babaeng kaharap niya, “Ah wala naman, nakita ko lang si Ryker kanina rito at… bumalik lang sa akin yung mga memorya namin sa lugar na ito” nakangiti pa rin nitong saad.
“Alam mo ba lagi kaming nagpupunta rito para magtago sa mga paparazzi, lagi din kaming nagpupunta sa dagat para ienjoy ang view” ngumiti ito na para bang inaalala ang mga araw na iyon “Tapos ngayon yung fiancé na niya ang dinadala niya rito.” Ibinaling nang babae ang tingin sa ulo niya. “Binilhan ka rin niya ng flower crown na binibili niya sa akin dati!” hindi mawala ang ngiti sa mukha nito, nang aasar ba siya? Agad niyang inalis ang crown sa ulo niya at tumitig ng masama sa babaeng kaharap niya.
“Kung may sasabihin ka pa, save it. I don’t want to hear your stories” Tinuro ni Yana ang pintuan sa kaniya. Laurice smirked, “You’re funny” mataray na sabi nito bago umalis.
Heto na iyon! Nagiging isa sa mga babae na niya ako! Hindi makapaniwalang bulong ni Yana sa sarili niya. He knows his way to a woman’s heart and she’s actually falling for it!
—🎀
A/N: Don't forget to vote this chapter and leave a comment. I really appreciate that. 🖤
K B L U E S C R I P T
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro