Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10


"Ansaket ng ulo ko" daing ni Ryker habang hawak hawak ang ulo. Natawa ng bahagya si Yana. "Bat mo ako pinagtatawanan?" masungit na tanong niya. So, the way to make her smile is his misery? Nailing na tanong ni Ryker sa sarili niya. 

"Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover. Pero bakit may pasa ako sa mukha?" takang tanong ng binata. Nakipagbugbugan ba siya kagabi? Bakit parang wala siyang matandaan?

Kinamot ni Yana ang kaniyang ulo, it was her fault. Nang mahimasmasan kase siya kagabi naitulak niya ang binata palayo sa kaniya at sinuntok sa mukha. Sobra siyang nabigla nang naghalikan sila, she doesn't want to admit but she liked it. "A-ahm b-baka pinagdiskitahan ka kagabi ng mga basagulerong lalaki sa daan? Hehe"


Tapos na silang nagalmusal kaya't tumayo na ang binata at isinubsob ang mukha sa sofa. Ryker groans, ansakit talaga nang ulo niya para itong binibiyak  "Gusto ko lang linawin, wala ka bang natatandaan na nangyari kagabi?" biglang tanong ni Yana habang nagliligpit ng pinagkainan. "As in wala?" 

Ryker groans again, "What did I do this time?" hirap na tanong niya habang nakasubsob pa rin ang mukha. "N-nothing.. nakita mo na ba yung article? You're cheating on me with some actress" pag iiba ni Yana sa usapan.

Bumuntong hininga si Ryker, "Daniel will deal with that" tumango tango si Yana at naghanda na para pumasok sa trabaho.


"Sigurado akong hindi iced cream coffee ang lulutas sa problema mo" saad ni Daniel na kadarating lang.

"Yeah, it's not. I kissed her." Napabalikwas ng higa si Ryker at hinarap ang sekretarya.


Nayana kiss lang yon, hindi iyon big deal. At hindi na din niya iyon natatandaan. Pagpapaalala niya sa sarili niya. Hindi siya makafocus sa trabaho dahil laging sumasagi sa isip niya yung halikan nila ni Ryker.

Galit na ipinakita ni David sa dalawa ang article tungkol kay Ryker. "Hindi ka naengaged para lang sa wala Ryker! Headline nanaman ang pambababae mo! May beach house ako na pwede niyong puntahan para naman magkaroon kayo ng time para sa isa't isa." Galit na sabi nito.

"B-beach house?" kinakabahang tanong ni Yana. Matalim siyang tinitigan ni David, "Yes, may problema ba Miss Lopez? Gusto mo bang ipaalala ko kung paano niyo nakuha si Nadine Soberano bilang female lead niyo? Alam mo kung bakit ka ikakasal kay Ryker, kung gusto mong makinabang sa apelido namin, work for it" bumuntong hininga si Yana. Ano pa bang magagawa niya?

Napansin ni Ryker ang reaksyon ng dalaga, "Hm what about the rest house in Baguio? Malamig roon Dad, at tama iyon para magpainit kami" pilyo siyang ngumiti. Nagmartsa paalis ang matandang Thompson.

"Sorry pati ikaw nadamay sa ginawa ko" puno ng sinseridad ang boses nito. "Ako ang gumawa ng gulong ito, kaya dapat—"No, we're in this. Pumayag ako sa kasal na ito, ibig sabihin kailangan ko ding sundin ang Daddy mo. Tama siya I need to work for it. Kaya gagawin ko ang lahat ng kaya ko." Malungkot na sabi ni Yana. She has no choice either. 

Kahit na takot siya sa dagat kailangan niya itong sundin. Malaki ang utang na loob nila sa mga Thompson, dahil sa kanila muling nakikilala ng mga tao ang kanilang agency. 

"Pero beach house yon, Yana. At ayaw mo sa beach" kunot noo siyang lumingon rito "Natandaan mong sinabi ko iyon?" takang tanong niya.

Huminga ng malalalim si Ryker, "Yes"


Just days after the news of Ryker's cheating scandal broke out, the couple we're spotted spending the weekend at the Thompson's beach house. Ito ba ang paraan para masagip nila ang engagement nila? O ito ang way ni Nayana Lopez para sabihing pinapatawad na niya si Ryker? We'll bringing you the latest scoop so stay tuned!

"Ayos ka lang ba? Bakit parang namumutla ka?" tanong ni Ryker ng mapansing hindi maganda ang pakiramdam ng dalaga. "Yeah.. H-hm naririnig ko lang kase yung malakas na alon galing sa dagat." Mahinang sabi nito.

"Oh my god! Zoom in on that! She looks sick! Buntis ba siya? Ito ba ang dahilan kung bakit ikakasal sila? Kaya ba pinatawad niya si Ryker?" A smile plastered on the paparazzi's face. 

"P-wede na ba tayong pumasok?" tanong ni Yana sumangayon naman si Ryker. 

Biglang lumapit si Ryker kay Yana "A-anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong nito ng bigla siya nitong yakapin.

"Napapaligiran ng salamin ang buong beach house, ang akala ba ng mga paparazzi ay hindi ko sila makikita? They like intimate photos like this. Stay still, papabilisin ko ito para makaalis na tayo rito at para mapaniwala natin sila na ayos tayo" ani Ryker. Tumango tango si Yana.

Bumaba ang mga kamay ni Ryker mula sa bewang ni Yana, "Hand" sita nito, chansing e.


Kasalukuyang namimili ang dalawa sa may isang supermarket ng makita nila sina Maggie at Claire na kaklase ni Yana noong highschool. Nginitian sila ng mga ito, "Kaibigan mo?" bulong ni Ryker. 

"Oo, sila yung mga sinabi ko na pinuntahan kong kaibigan nung isang araw, baka dito yung beach na tinutukoy nila" nakangiting wika ni Yana at lumapit na sa mga kaibigan at nakipag beso. 

"Hindi ako makapaniwalang nandito ka!" masiglang sabi ni Maggie. "H-hi Ryker?" nahihiyang baling naman ni Claire sa binata. 

Tumaas ang kaliwanag kilay ni Maggie, "Ano ka ba Claire? Siya yung lalaking nanloko sa kaibigan natin" masungit niyang sabi. Sumangayon si Claire at sinimangutan ang binata. 

Sabay na natawa ang dalawa, "I didn't cheat on Yana. Maling camera angle ang nakunan nila kaya't nagmukhang naghahalikan kami ni Rhian" pagpapaliwanag ni Ryker. "Tulungan mo naman ako sa mga kaibigan mo" bulong pa nito sa dalaga. Mukha kasing kakainin siyang buhay ng dalawa. 

"He's a womanizer!" panlalaglag ni Yana, lalong nagiba ang ekspresyon ng mga kaibigan niya at akmang susugurin na nila si Ryker pero mabilis na pinigilan niya ang mga ito, "Pero sa tingin ko ay nagbabago na siya, at sa tingin ko ay hindi siya ganoon kasamang tao gaya ng iniisip niyo" pagtatanggol ni Yana sa kaniyang fiance. 

"Nilalanggam na tayo Claire!" ani Maggie, sabay silang natawa. "May party mamaya sa may tabing dagat. Sana makapunta kayong dalawa. Hindi siya ganoon kalapit sa tubig hehe" dagdag nito. 

"Pagiisipan namin" ani Yana. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang dalawa dahil kailangan pa raw nilang maghanda para sa party na gaganapin. 

"So nagbabago na pala ako?" tuksong tanong ni Ryker. Hindi nito sinagot ang binata at iniwan itong tatawa tawa. 


"Yana hindi mo naman kailangan gawin to" nagaalalang tanong ni Ryker kay Yana 

"Hindi ayos lang ako" nakangiting saad nito. "Tama lang ito, maraming makakakita sa atin at mapapaniwala natin sila na ayos lang ang lahat sa pagitan natin."

Ibinaling ni Yana ang tingin sa kabuuan ng event, may isang bonfire sa gitna at may mga nagkalat na malalaking unan sa may buhanginan. Nagsisilbi ding liwanag ang mga lampara ng nakasabit sa may puno. Hindi maiwasang hindi mamangha ni Yana sa kaniyang mga nakikita. 

"Sigurado ka ba? Walang kabang nararamdaman na kakaiba? Hindi ba masakit ang pakiramdam mo?" sunod sunod na tanong ng binata. 

Biglang naisip ni Yana ang sinabi ng matandang Thompson. Tama ito hindi siya pwedeng umupo upo nalang at walang gawin. Kailangan nilang ipangalandakan sa ibang tao na masaya silang magkasintahan. 

"Papakalasan kita para maisalba ang aming kompanya at kailangan ko itong gawin." ani Yana. Nagdilim ang ekspresyon ni Ryker. "Right, it's just pure business" naramdaman ni Yana ang lungkot sa boses ng binata. Nagflashback sa utak niya ang nangyari kagabi, ang halikan nila. 

"Dito ka lang. Huwag na huwag kang aalis, kukuha lang ako ng maiinom natin" walang emosyong sambit ni Ryker. Tumango tango si Yana. 

Ilang sandali pa ay bumalik na ito kung saan niya iniwan ang dalaga. Ngunit halos maitapon niya ang kaniyang dala ng makitang wala roon si Yana. Nagumpisa na siyang kabahan. No! Hindi kaya? 

Nilingon niya ang kaniyang paningin sa buong paligid ngunit hindi niya ito maagilap kung saan. "Yana!?" 


—🎀

A/N: Don't forget to vote this chapter and leave a comment. I really appreciate that. 🖤

K B L U E S C R I P T

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro