Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

"IKAW?!" Siya yung lalaking nakilala ko sa Palasyo! "Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin doon sa mga Paparazzi" Itinapat niya ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig sinasabing wag akong maingay.



Lumapit siya sa akin ng mgay tatlong pulgada. "A-anong ginagawa mo?" tanong ko, ngumisi naman siya at mas lumapit pa siya. T-teka? May balak ba siyag masama sa akin?!




"Abcidii" nilapit niya ang kanyang mukha at nagtama ang aming mga ilong. Diko alam ang gagawin ko kapag tinulak ko siya makikita kami ng mga Paparazzi sa ganitong sitwasyon at ayaw kong mangyari iyon.




"Wag kang malikot baka makita nila tayo" bat ang bango niya?! chill Abcidii! Wag kang humarot ngayon!


"Arggggh!! Nawala natin siya! Nakita mo ba siya?" tanong nung Paparazzi sa kasama niya.

"Hindi wala akong nakita kundi yung mga magshotang naghahalikan doon sa eskinita" naghahalikan talaga? "Get a Room!" sigaw nila sa amin at umalis na. Buti nalang!


Hindi pa din siya lumalayo sa akin. "Ehem! Mysterious Hero?" natawa naman siya at lumayo na, akala ko talaga hahalikan niya ako. Assuming lang Abcidii?




"O-oo nga pala anong pangalan mo?" tanong ko. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang pangalan niya makadalawang beses na niya akong tinulungan. "Mysterious Hero nalang ang itawag mo sa akin mas gusto ko iyon" sabi niya sabay tawa.



"Matanong ko lang. Iniistalk mo ba ako?" nagseryoso naman siya dang! anong pinagtatanong mo! "Ang cute mo diyan sa suot mo. Kumakain ako doon sa resto nang may nakita akong nagkukumpulan so lumapit ako at nakita kita, sorry to disappoint you but no. And hindi ako isang baliw na stalker mo" Oh ano Abcidii pahiya ka no? Tumawa naman siya.



"Tapos na ang trabaho ko dito sa alis na ako" Aalis na siya agad? So ayaw niya talagang sabihin yung pangalan niya?

Hindi pa siya nakakalayo ng tawagin ko siya "San ka pupunta?" tanong ko, lumingon naman siya pero imbis na sagutin niya ako e kinindatan nya lang ako. Geez





Nadatnan ko si Mama sa sala at nagbabasa ng Wattpad? Seryoso? Tumingin siya sa akin "Mukhang pagod ka ah? Anong nangyari sayo?" tanong niya.



"Bago pa ako makakain ay pinuntahan na ako ng mga Paparazzi. Ganito nalang ba lagi simula ngayon? Tama si Prince Alas wala akong pagpipilian ang buong Apethorpe ay nakatingin sa akin at hinihintay na magdesisyon ako ayoko ng magtago at ayoko nang tumakas nakakapagod na" gusto kong maiyak. Nagbago na ang lahat ang simple at tahimik kong buhay nawala na.


"Kung ayaw mo anak pwede naman tayong umalis ng Apethorpe, lilipat tayo sa ibang lugar... At magsisimula ulit" hinawakan ni Mama ang aking braso at hinaplos ito.





"Ang pagigigng Prinsipe ni Alas ang nakasasalay dito Mama, ayaw ko namang maging selfish" tinignan ko siya "Nakapag desisyon na po ako." Dali dali kong diniall ang  number ni Alas.


Prince Alas: [Abcidii?] ang gwapo ng boses niya sa call buset!


Abcidii: [Alas kailangan nating magusap]








Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant inayos niya ang upuan para makaupo ako. Gentleman naman pala "What do you want to say?" tanong niya lumapit naman ang waiter sa amin at nag bow "Your Highness. Can I get you anything?" tanong nito.



Binalingan niya ako "What do you want to eat Abcidii?" Aning kakainin ko? Tumingin ako sa Menu. Mukhang masarap lahat ng nandito ah? "Mongolian Beef sa akin" Hay ginutom, sinulat naman nung waiter yubg inorder ko.


"And I would like the Ribeye Steak Shrimp with Parmesan Sauce" nagbow naman ukit yung waiter bago siya umalis.


"Kailangan ba lagi silang nagbobow sa iyo bago ka nila kausapin?" natawa naman siya sa sinabi ko. That priceless smile again "Yeah, nakasanayan ko na din" tumingin siya sa aking mga mata at ngumiti.





"So kailangan pala sanayin ko na ang sarili ko sa ganito" nabigla naman siya sa sinabi ko. "I-is that a yes??" tanong niya. Mabiro nga hahaha! "Alam ko kung gaano ito kahalaga sa iyo, pero kailangan mo muna akong kumbinsihin bago ako pumayag" napakamot naman siya sa kanyang batok.

"You will engage to someone like" nginitian niya ako ng sobrang tamis "Sa tingin ko ay sapat na iyon para pakasalan mo ako" Taas din pala ng confidence ng Prinsipeng ito no? Pero kung sabagay tama naman siya.



"Sa tingin ko hindi iyon sapat na dahi–" "Wait!, Apethorpe needs a Princess as awesome like you" Sus pati pala Prinsipe marunong mambola hahaha! Napatawa naman ako don sa naging reaksyon niya "Okay sige, tinatanggap ko na ang kasal" Nanlaki ang maliit niyang mata cute mukhang hindi siya makapaniwala.


"Pero meron akong kondisyon, para manatili ka bilang isang Prinsipe, kailangan mo akong pakasalan hindi ba? Pero wala naman sa testamento na hindi pwedeng magdivorce" seryoso lang siya ng nakatingin sa akin at nakikinig "So are you suggesting that we we'll put on a show?"



Tumango ako "Magpapanggap tayong magasawa hanggang makalimutan na nila ang tungkol sa kasunduan doon sa testamento at pagkatapos non maghihiwalay na tayo" Napaisip naman siya "Okay if that's what you want"



"Alam kong kailangan nating magsama sa palasyo PERO hindi tayo magsasama sa iisang kwarto" lumagapak naman siya sa tawa. Okay wth?


Nang makarecover siya sa kanyang pagtawa ay itinaas niya ang kanyang kaliwang kilay at kinagat niya ang kanyang ibabang labi "Are you sure about the second condition?" tanong niya bigla nalang naginit ang aking pisngi. No, not again. "Andito na po ang inying pagkain, Your Highness" hay buti nalang save by the waiter! Nilapag na ang pagkain ko. Tinignan ko si Alas at tumatawa pa siya, tusukin ko kaya siya ng tinidor at kutsilyo?!




Hayyyy nakakapagod! Hindi ako makapaniwalanh pumayag ako sa kasunduang iyon. Ano bang pinag iisip ko?! Tama lang to Abcidii! Tama lang na pumayag ka. Abcidii kalma okay? Ay kahirap! Napahawak ako sa aking ulo. Sana naman may makausap ako.



*ding 1 message received

Hey, ito ang iyong nagiisang Mysterious Hero, game ka ba ngayon? Tara gala tayo.

Saan niya nakuha ang number ko?

Hey ka din! Saan mo nakuha nunber ko aber? Sent√

*ding 1 message received

Sasabihin ko kapag nagkita tayo.

Siguro nama ay kilala niya talaga ang Royal Family. Tinulungan niya pa ako kaninang umaga. Siguro naman ay mapagkakatiwalaan ko siya ngayon.

San tayo pupunta? Sent√


*ding 1 message received

I'll take that as a yes. I'll wait you in the park :)



Ay sht! Pupunta ba ako?

**
Dont forget to vote, if you like this chapter :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro