Chapter 45
I dedicate this chapter to lovemorinako and MakulitNaPatatas enjoy reading 🍂
~
“Sigurado ka bang ayos ka lang? dapat ay nagpapahinga ka” nagaalalang sabi ng reyna sa hari.
“Ayos lang ako, my queen” ngumiti ito sa kaniya.“Kailangan nandito ako para marinig ang ang testamento.” Ito ay ang nakita ni Erica sa wine room, kung hindi ako nagkakamali ay ito ang unang bahagi ng testamento ng hari.
At ngayong araw ay ibabahagi ng royal family ang nakasulat sa testamentong ito, madaming taga media ang nasa palasyo upang abangan ang nilalaman nito. Huminga ng malalim ang Prinsipe bago niya ito basahin.
Para ito sa aking magiging angkan. Sa isang capsule nakalagay ang isang mahalagang kasunduan na aking ginawa. Kasunduan sa pagitan ng angkang Markinswell at angkan ng Harridan.
Napakagandang araw iyon, kasama ko si Anton Harridan sa labas ng palasyo at naglilibang. Si Anton Harridan ay isa sa aking matapat na tagapag lingkod. Inutusan ko siya noon upang bilhan ako ng isang pagkain ng makilala ko ang isang dalagang ubod ng ganda ang babaeng iyon ay nagngangalang Emerald Harridan.
Lumipas ang taon at buwan at kami’y nag-ibigan. Mahal na mahal ko si Emerald ngunit tutol ang kaniyang ama na si Anton sa aming pag iibigan kaya patago kami lagi kung magkita. Isang gabi, ay dapat magkikita kami malapit sa may parke, ilang araw din kaming hindi nagkita dahil ipinagbabawal siyang umalis ni Anton kaya sabik na akong makita ang kaniyang maamong mukha. Pero mukhang huli na ang lahat dahil nakita ko siya na puno ng dugo at nakahandusay sa malamig na daan. Nandilim ang aking paningin at binunot ko ang aking baril pinaputok ko ito sa taong pumatay sa pinakamamahal kong Emerald. Sa sobrang galit ko ay napatay ko ang lalaki. Dumating si Anton at para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng makita ang kaniyang anak na babae. Ipinagtapat niya din sa akin na kaya siya tutol sa aming dalawa ay hindi daw karapat dapat si Emerald para sa akin dahil mahirap lang sila. Kapag nalaman ng mga tao na nakapatay ako ay paniguradong mawawala ako sa trono at ayaw mangyari ni Anton iyon kaya inako niya ang aking kasalanan. Simula noon ay nagkaroon ako ng utang na loob sa kaniya kaya bilang kabayaran at para matuloy ang pag iibigan namin ni Emerald ninanais kong———
Putol ang sulat dahil ang katuglong nito ay ang kasunduan na nakita nila sa capsule. Nilapitan ni Abcidii ang Prinsipe. “Nakakalungkot naman ang nangyari” sabi nito.
Tumango naman ang prinsipe sa kaniya. “Oo, pero sa tingin ko ay ayos na din iyon dahil kung hindi nangyari iyon ay wala tayong dalawa.” Ngumiti naman ito. Tama siya kung hindi naging masaklap ang pag iibigan nina Emerald at Haring William ay hindi siguro magtatagpo ang kanilang landas.
Bumuntong hinga ang prinsipe “I won’t let a tragedy like that happen to us, Princess.” Bigla itong lumuhod sa harapan niya. Oh my God. Lahat ay nakatutok sa kanila pati na din ang mga taga media. Kinakabahan siya at nanlalamig “Abcidii Smith Harridan? Would you do me the honour of making me the most happiest man alive?” natawa siya ng kaunti “Hindi bat nagpropose kana dati saakin?” tanong nito.
Nagtama ang kanilang paningin. “But this is different, Princess. I mean my feelings for you has never changed but this time wala ng pagpapanggap at wala na ding kasunduan. Mahal na mahal kita Abcidii kaya gusto kong gawin ito ng tama” biglang tumulo ang luha sa kaniyang pisngi, tears of joy.
“Alas, mayroon na nga tayong wedding preparations e! At kahit anong mangyayari hindi mag iiba ang sagot ko sa tanong mo. Yes Alastair Lewis Markinswell I will marry you!” biglang naghiyawan ang mga tao sa sobrang saya. Tumayo siya sa pagkaluhod at mabilis na sinakop ang kaniyang mga labi.
“Hindi ako makapaniwala na ngayon na ang iyong kasal” naiiyak na sabi ng ina ni Abcidii. Hinaplos naman niya ang pisngi ng ina upang punasan ang luha nito, “Mama naman e pinapaiyak mo din ako!” pagbibiro niya. Heto na, ang pinakahihintay ko.
“Hindi ko mapigilan anak e, ang aking nagiisang prinsesa ay ikakasal na ngayong araw at ang ganda ganda niya pa! kung andito lang ang iyong ama paniguradong maiiyak din iyon sa sobrang saya.” Mabilis niyang niyakap ang kaniyang ina. “Maraming salamat sa lahat Mama!”
“Knock knock!” sigaw ni Alas sa labas ng kaniyang silid. Sabay naman silang natawa ng kaniyang ina. Silly. “Who’s there?!” sigaw niya pabalik.
“Your Prince Charming!” he said proudly.
“Hindi ba hindi pwedeng magkita ang ikakasal habang hindi naguumpisa ang seremonya? Bat nandiyan ka?” sigaw nito. Para silang tanga na nagsisigawan. Bat ba kasi malas iyon? Iyan tuloy hindi sila magkakitaan.
“Technically, we’re separated by a closed door right now Princess” natawa naman siya. “Gusto na kitang makita Princess hindi na ako makapag hintay! Shit alam ko korny to pero marinig ko lang yung boses mo ayos na ako!” bigla siyang namula sa sinabi nito, srsly Alas?
“Hay nako! Makakasama ko ba talaga sa buong buhay ko ang isang napakakorning lalaking ito?” pagbibiro niya.
“Hey! Wala ng atrasan!” natawa naman si Abcidii sa sinabi niya. I can’t wait to be your wife. “Kinakabahan ka ba? Wag mokong iiwan sa altar ah? I’ll be waiting you at the end of the aisle, Princess”
Nasa dulo na ako ng aisle natatanaw ko na ngayon ang aking gwapong groom. Kinakabahan ako! Papakasalan ko ba talaga ang Prinsipeng ito? Wow ang swerte ko naman!
What day is it?
And in what month
This clock never seemed so alive 🎶
Parang kailan lang noong nagkita ang nagkakilala kame. Ang bilis ng panahon. Nagsimula na akong maglakad sa aisle. Dahan dahan ang aking paglakad.
I can’t keep up
And I can’t back down
I’ve been losing
So much time 🎶
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kinkabahan ako na excited! Kitang kita ko ang mga ngiti sa mukha at mata ni Alas. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang aking bff na si Maddy na nagpupunas ng luha. Loka loka talaga tong babaeng to!
Cause’ its you and me
And all of the people
With nothing to do
Nothing to lose 🎶
Ang dami ng mga pagsubok na dinaanan natin pero heto tayo ngayon at magiisang dibdib na.
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya. “You look beautiful, my love” bulong ni Alas sa akin. Parang umakyat lahat ng aking dugo sa aking ulo. Shocks!
Nagsimula ng magsalita ang pari. “We are gathered here today to celebrate the union between Abcidii and His Highness, Alastair Lewis, as they pledge their love and commitment for one another.”
“Do you, Alastair Lewis Markinswell, take Abcidii Smith Harridan as your lawfully wedded wife from here on, to be by her side forever and always?” nakatitig lang siya sa akin habang nagsasalita ang pari. “Yes, I do”
“Do you, Abcidii Smith Harridan, take Alastair Lewis Markinswell as your lawfully wedded husband from here on, to be by his side forever and always?” nginitian ko si Alas bago sumagot “Yes, I do”
Ngumiti si Alas sa akin. “To my loving Princess, Abcidii. I’m so lucky that I met you, I know it was fate, it was fate na magkita tayo sa stock room kung saan ka nagtuturo and it was fate na sa henerasyon pa natin nakita ang kasunduan na ginawa ng Hari though kahit wala iyon panigurado naman na sa iyo pa din ang bagsak ko dahil una palang kitang nakita ay nabihag mo na ang aking puso. As I stand here before you, I see all the things I fell in love with. As I stand here before you, my heart beating so loudly in my ears, I find myself so lost for the right words to say.
As I stand here before you, this ring in my hand, it makes me remember how complete you make my life. With every smile, every embrace, every tear you’ve ever wiped from my face. It makes me remember how blessed I really am. How I can’t ever thank the Lord above enough, for allowing me into your life. It makes me remember every laugh we’ve shared, every hard time we made it through together, and every beautiful moment there is to come.” ngumiti siya sa akin ng pagkatamis tamis. Makalaglag panga bessy!
“Abcidii, I give you this ring, my heart, my soul. I give you the everything I am today as I stand before you.
I promise to love you, protect you, be with you forever, and cherish every moment as if it were the last moment on earth.
Abcidii, I love you. With this ring, let it be known, that over every other person in the world I could be with, I chose you. Let it be known, that with this ring, I'm promising to be here for you for all eternity, 'til death do us part.” sinuot niya sa akin ang singsing.
“Alas, I can't believe that now I am Marrying the Prince. It feels like a dream to be with you and to be married by you sino nga ba naman ako? Isang hamak lang na babae na ipinagkasundo sa iyo. Masasabi kong napakaswerte ko dahil hindi ka lang gwapong prinsipe kundi napaka mapagmahal mo pang lalaki at wala na akong hahanapin pa. Sa lahat ng mga pinagdaanan natin nanatili pa din tayong matatag at sana sa mga sa darating na mga pagsubok sa ating dalawa ay makayanan pa natin ito. Because of all of these things, I want with all my heart, to be the best person I can be for you. I will love you forever. I will laugh with you when times are good, and I will lift you up when times are hard. I will be the joy of your heart, and I will be the food of your soul. I promise to wash away your tears with my kisses, and hold you with passion. My affection will know no bounds. With this ring I give to you my body, my mind, my soul, my entire life” sinuot ko na ang sing sing sa kaniya.
“I now pronounce you husband and wife! You may now kis–” hindi pa natatapos sa pagsasalita ang pari ng hinalikan niya ako. Atat much? Hahaha.
Ipinikit ko ang aking mga mata. I am now Abcidii Harridan Markinswell
A/N: Ayieeeee kasal na sila! 😍 Epilogue next chapter!
Thank you for reading! Don't forget to vote if you like this chapter. Comments are highly appriciated! 💙
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro