Chapter 44
This chapter is dedicated to wookiewrites 🌸
~
Minsan sa buhay natin ay nakikilala natin yung special na tao, yung mapapasabi ka nalang na 'siya na'. Ang swerte natin kapag yung taong iyon ay nakasama natin. hanggang sa ating pagtanda. At kapag mabait ang kapalaran maaring maaasam mo din ang happily ever after na iyong hinahangad.
Iminulat niya ang kaniyang mga mata "Hindi, hindi, hindi!" sigaw niya. Nandito na naman siya sa hospital.
"Anak" tawag sakaniya ng kaniyang ina habang umiiyak. Tumingin siya sa puting kisame at bumalik sa kaniya ang mga nangyari noong gabing iyon.
Naramdaman niya ang malamig na baril na nakatutok sa kaniyang ulo at parang naging slow motion ang mga pangyayari, pinagpalit ni Alas ang kanilang pwesto niyakap niya ito ng mahigpit at prinotektahan niya ang buong katawan nito. Sa isang iglap ay narinig ko ang
Putok ng baril
Iyak
Sigaw
At bigla nalang akong nawalan ng malay.
Mabilis akong tumayo sa aking higaan at pumunta sa kabilang kwarto narinig ko pa ang pagtawag ng aking ina pero hindi ko na iyon pinansin. Ang mahalaga ay si Ala! Sana ay nasa mabuti siyang kalagayan.
Mabibigat na hakbang ang nagawa ko bago ako nakapasok sa isang silid. Nanlaki ang aking mga nata. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Parang nanigas ang aking mga paa sa aking kinatatayuan. Hindi! Hindi ito pwedeng mangyari!
Isang bangkay ang nakatakip na ng kumot ang aking nadatnan binaling ko ang tingin kay Timothy na ngayon ay naluluha na din. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kusang kumawala ang mga luha sa aking mata. Ang sakit! Sobrang sakit! Walang ibang makakapagsabi kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Patuloy lang ako sa aking paghagulgol, ang sikip sa dibdib. Ang hirap huminga.
Nagulat na lumingon sa akin si Timothy ng mapansin ako "Gising kana! Ayos ka lang ba?" tanong nito. Parang gusto ko siyang sapakin. Gago ba siya?
"Paano ako magiging ayos kung ang aking pinakamamahal na lalaki ay nakahiga ngayon diyan at malamig na bangkay na?!" sigaw ko. Muli akong humagulgol ang sakit! Sana ako nalang. Sana hindi nalang niya ako prinotektahan. Sana buhay pa siya ngayon!
"Did you say aking pinakamamahal na lalaki?" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses na iyon. "Alas?!"
"Kung nakatayo ka diyan eh sino yon?" turo niya doon sa bangkay na may halong pagtataka. Bakit parang malungkot si Timothy kung hindi naman pala si Alas yon? Bigla nanamang tumulo ang kaniyang mga luha at pinagsusuntok ito sa dibdib "Akala ko p..patay ka n...na!" mabilis siyang inalo ng Prinsipe at niyakap ng mahigpit "It's okay I'm here"
Huminga siya ng malalim bago magsalita "Gwen pulled the trigger... pero ipinutok niya ito sa sarili niya. Pinatay niya ang sarili niya sa harap ko." halos manlumo ito sakaniyang sinabi.
Flashback
Hinarang ng binata ang kaniyang katawan sa dalaga hindi niya hahayaan na masaktan ito hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama dito. "B-bakit? B-bakit ang bait niyong lahat sa kaniya?!" biglang bumuhos ang kaniyang luha. Ibinaba niya ang kaniyang hawak na baril inalalayan naman ni Alas ang katawan ni Abcidii, nawalan ito ng malay, Oh god! Sana ay walang nangyaring masama sa kaniya.
"Ako yung mas nakakakilala sayo Lewis! Bata palang tayo magkasama na tayo. Bakit hindi nalang ako?! Anong mali sa akin?" patuloy lang ito sa paghagulgol "Bakit ako yung masamang tao? Gusto ko lang naman na maranasan na mahalin gaya ng nakukuha niyang pagmamahal sa ibang tao" tumigil siya sa pagiyak at bumuntong hininga.
"Tama nga siya, Wala akong kwenta, I'm a failure" bago pa maagaw ng Prinsipe ang baril na itinutok niya sa kaniyang ulo ay pumutok na ito. No Gwen!
End of flashback
Nanlaki ang kaniyang mata "P-pinatay ni Gwen ang s-sarili niya? Oo hindi siya ganoon kabait pero... hindi niya diserve na mamatay. Ng ganoon. Hindi dapat siya nagpakamatay." Sabi niya. Niyakap niyang muli si Alas at naramdaman niyang basa na ang kaniyang balikat. Is he crying? Heck he is!
"T..this is all my fault. Siguro kung hindi ko siya binigyan ng false hope hindi ito mangyayari. Siguro kung nakausap ko si Auntie Mhiles tungkol sa kaniya ay hindi ito mangyayari. Siguro lung kinausap ko siya lang siya ng maayos ay hindi ito mangyayari. Oh Gwen" hinagod naman niya ang kaniyang likod. "Princess, she is my friend" humagulgol na ito. Kaibigan niya ang dalaga noong bata pa sila kaya hindi niya maiwasang hindi maging emosyonal dahil kahit papano ay may pinagsamahan naman sila.
Kakatapos lang ng libing ng dalaga. Nasa harapan ni Abcidii ang puntod nito. "Gwen, hindi man tayo naging matalik na magkaibigan. At hindi man tayo matatawag na kaibigan. Nalaman ko na ikaw yung nagdrugged kay Alas para makita ko kayong naghahalikan, pinagtangkaan mo din ang buhay ko at muntik mo na akong mapatay noong sinagasaan mo ako, kinidnap mo ako at tinutukan ng baril. Pero Gwen nakahiga ka ngayon sa ilalim at isang malamig na bangkay na.." biglang tumulo ang kaniyang luha "Paano ako magagalit sa iyo?" huminga ito ng malalim "Hindi ka dapat ganito nagtapos. Dapat ay kinamumuhian pa kita! Pero ayokong mangyari ito sa iyo. Sana ay mapatawad mo ako kung nafeel mo ay inagaw ko ang lahat sa iyo, pinapatawad na kita sa lahat ng kasalanan mo sa akin. Hindi ikaw yung Gwen na sinasabi sa akin nila Alas at Timothy pero sana nakilala ko ang dating Gwen na masayahin at palakaibiganin. Siguro naging magkaibigan pa tayo. Rest in peace Gwen."
Nakakalungkot na isipin pero bakit ganoon? Kung kailan wala na ang isang tao doon palang natin marerealize yung halaga nila? Hindi na muling nakita si Mhiles sa Apethorpe katapos ng libing ni Gwen. Mukhang pinagsisihan niya ang mga nangyari sa dalaga. Kung minahal lang niya ito hindi ito mangyayari sa kaniya.
One month later
"Welcome back to school everyone!" masayang bati niya sa kaniyang mga estudyante. "Sana ay nagkaroon kayo ng isang masayang summer vacation! Alam ko yung akin ay nakakabaliw!" medyo natakot naman ang mga estudyante "Anong problema?" tanong nito sa kanila.
"Hindi ba maganda ang bakasyon niyo?" takang tanong niya. "Oh right" napairap siya. "Please, wag niyo nalang pansinin ang mga bodyguards sa likod ko, pero maari ko rin silang magamit sa inyo kapag hindi kayo gumawa ng assignment okaya naman ay naging pasaway kayo." Pananakot niya. Bumaling naman siya sa kniyang pitong bodyguards na pawang malalaki ang mga katawan "Anong masasabi niyo?" mukhang natakot nga ang mga estudyante niya at sabay sabay silang naglaabas ng notebook at libro. Natawa naman siya sa anaging reaksyon ng mga ito. Simula ng nangyari ang araw na iyon ay inutusan ng Prinsipe ang mga ito upang bantayan siya. Nasanay na din siya dahil halos isang buwan na silang bumubuntot sa kaniya. Sobrang takot ang Prinsipe na may mangyaring masama ulit sa kaniya.
Akala ko bang magkikita kami ni Abcidii ngayon? Tanong ni Maddy sa kaniyang sarili. Kararating lang niya sa coffee shop na napagusapan nila. Asan na iyon? Hay nako kahit kailan talaga late siya!
"Hey Maddy?" lumingon siya sa nagsalita. "T-timothy?" ngumiti naman ang binata sa kaniya.
"Ako nga haha! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Sabi kasi ni Abcidii ay maguusapan kami rito." Napapantastikuhan namang ngumiti si Timothy. "Mukhang sinadya ito. Sinabi naman ni Alas na maguusap kami dito. So let's have a date?" biglang namula ang mukha ng dalaga. Sino ba namang hindi? Ang gwapong si Timothy Redmond ay nasa kaniyang harapan lang naman?! At magiging date pa niya ito.
Kararating lang ni Alas galing ng Royal Office at mukhang pagod na pagod na ito. "I'm so tired!" daing nito. Mabilis naman niyang hinalikan ito sa labi. "Hm Alas? Nagugutom ako." walang sabi sabi ay bigla nalang umalis ang prinsipe. Oh my gosh? Galit ba siya?
Kalahating oras na ang nakalipas pero hindi pa din ito bumabalik sa kanilang silid. Galit nga siguro siya. Sana hindi ko nalang sinabing gutom ako baka akala pa niya pinapagluto ko siya, pagod pa naman iyon. Hays
Dumating si Alas ng may dala dalang cupcakes, mainit init pa ang mga ito at mukhang kakabake lang. "Wahh cupcake!"
"Pakiss nga ulit napagod ulit ako e, nakakapagod kaya magbake" nailing siyang lumapit kay Alas, tumingkad siya para maabot ang mga labi nito. Bat ba kasi ang tangkad niya?
"Bat mo pa ako pinagbake? Pagod kana sa trabaho sana nagpabake ka nalang" sabi nito kumuha naman siya ng isang cupcake at tinikman ito. Wow ang sarap!
"Because I love you and I will do anything for you."
"Siguraduhin niyong malinis ang buong palasyo para sa Royal Wedding" sigaw ni Gina, ang secretarya ng Royal Family. Abala ang mga tauhan sa palasyo dahil gusto ng Reyna na maging bonga ang kasalanan ng Prinsipe at ni Abcidii. Kasalukuyan siyang nasa may Wine Room kung saan nakalagay ang ibat ibang brand ng wine galing sa iba't ibang bansa.
Tumatakbong luamapit sa kaniya si Erica, ang personal assistant ni Abcidii "Anong problema?" nagtatakang tanong nito.
"May nakita po akong mga gamit ng dating Hari na si King William! At tungkol poi to sa kaniyang mga testamento!"
A/N: Enjoy reading! Please vote if you like this chapter. Comments are highly appreciated!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro