Chapter 43
I dedicate this chapter to whtsnw enjoy reading po 💙
~
“H..hindi ako makapaniwalang n..nangyayari i..to” hagulgol ng Mama ni Abcidii. Kasalukuyang kinukuhanan siya ng pahayag ng mga pulis. Nasa tabi naman niya si Alas na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Sobrang nagaalala siya kay Abcidii at sana naman ay walang nangyaring masama sakaniya dahil kung hindi sisisihin niya ulit ang kaniyang sarili.
“H..hinihintay namin si Abcidii na n..nagpapalit ng damit tapos may mga l..lalaking pumasok sa boutique at n..nagpaputok ng b..baril.” Patuloy pa rin ito sa pag hagulgol, inalo naman siya ni Alas.
“Y..yung isa sa kanila ay may pinaamoy sa akin bigla nalang a..akong nawalan ng malay at paggising ko ay nandito na ako sa bahay magisa. A..ang anak ko n..nasaan na kaya siya?!” nagbow naman ang Pulis kay Alas bago ito umalis.
Humarap ang ginang kay Alas. “A..ayos lang k..kaya siya?” tanong nito. Maging siya ay hindi alam ang sagot. Sana nga ay ayos lang siya. Dapat ito ang nagpoprotekta sa kaniya pero heto nanaman nasa panganib nanaman ang buhay ni Abcidii at wala siyang magawa kung hindi maghintay ng impormasyon.
“Sana nga po, hinahanap na din po siya ng aking mga tauhan. Ang mahalaga po ngayon ay safe kana.” Niyakap naman niya ang umiiyak na ginang.
“Nasaan siya?!” sigaw ni Timothy. Sabay silang napalingon sa lalaking nagsalita. “They’re trying to trace her phone to get a location” sabi ni Alas.
Nakatali ang kaniyang dalawang kamay habang nakaupo sa may wooden chair, binabantayan siya ng mga lalaking malalaki ang katawan. Napailing nalang siya, ano bang ginawa ko at nangyayari sa akin ito ngayon? Ayos na kaya si Mama?
“Hey Princess, what’s up?” sabi ng dumating. Hindi siya makapaniwalang kaya nitong gawin ito sa kaniya. Ganun na ba siya kagalit sa kaniya at nagawa niya pang kidnapin ito? “What’s up your face! Ganiyan ka na ba ka obsess sa trono at kay Alas?! At nagawa mo pa akong kidnapin?! Pathetic!” sigaw nito.
“Ang tapang mo naman Princess” sabi nito at humalakhak. Bigla itong nagseryoso at tinutok muli ang baril sa kaniyang ulo. Bigla siyang nanigas.
“Yes I am! I’m obsessed with Lewis! At gagawin ko ang lahat para lang mawala ka! Nang sa ganoon ay ako na ang mahalin niya!”
*ring ring ring
Mabilis niyang sinagot ang tawag ng kaniyang ina. Gwen: [Yes, Mom?] sabi niya habang nakangiti.
Mhiles: [Nababaliw ka na ba Gwen?! Huh?! Kung nasa matino kang pag iisip ay hindi mo siya kikidnapin! Hinahanap ka ng lahat! At ako ang napapahamak ng dahil sa iyo! You’re always be a failure! Bakit ba kita inampon?! Wala kang kwe–”] hindi na niya pinatapos ang sinasabi ng kaniyang ina at pinatay na niya ang tawag. Nawala ang mga ngiti sa kaniyang mga labi, ang akala niya ay masisiyahan ang kaniyang ina sa ginawa niya pero mukhang nagkamali ito. This is too much for her! Gusto lang naman niya ay maging proud ang kaniyang ina sa kaniya kahit minsan.
“Abcidii!”
“Abcidii!” sabay nilang sigaw. Kasalukuyan nilang hinahanap si Abcidii sa isang tagong East part ng kakahuyan ng Apethorpe.
“Sigurado ka bang dito iyon?” tanong ni Timothy kay Alas.
“N-no. The last time we came here was when we were 9 and Gwen first discovered her Mother had a secret cabin in the woods.” Malakas ang kutob niya na dito niya dinala si Abcidii dahil walang ibang nakakaalam rito pero ang problema niya ngayon ay hindi niya kabisado ang daan papunta roon dahil bata palang siya noong pumunta siya rito.
“At nasaan naman kaya iyon?” sabi ng kasama niya. Mabilis niyang tinawagan si Bernard. Alas: [Bernard, please check on the properties of Auntie Mhiles own, here in the East part of Apethorpe.]
“Tulong! Parang awa niyo na! Ang sakit sakit na niyang tiyan ko! Natatae na ako!” sigaw niya. Walang tao sa silid kung nasaan siya. Panigurado niyang nasa labas lang ng pinto ang mga ito.
“Ayaw niyo naman sigurong maglinis dito ano? Malaki laki to guys! And it might be watery” pananakot nito.
Umirap na lumapit si Gwen at pumasok sa silid kung saan naroon si Abcidii. Napakawalang kwenta ng mga tauhan niya! Ang lalaking mga tao takot sa tae!
“Anong kailangan mo?!” anito at inirapan si Abcidi.
“Cr, kailangan ko ng cr!” namimilipit na ito at mukhang taeng tae na.
Lumapit naman sa kaniya si Gwen upang kalagin ang pagkakatali niya. “Narinig ko ang usapan niyo ng Mama mo.” Sabi nito. Medyo naaawa siya kay Gwen dahil ganoon siya pakitunguhan ng kaniyang ina.
“Wala ka nang pakealam doon!” huminga siya ng malalim. “Bakit mo ba tinutulungan ang Nanay mo?” tanong nito.
Ngumiti siya ng mapakla “Hindi lahat tayo ay biniyayaan ng isang napakabait na Ina na tinuturing tayong prinsesa.”
Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Gusto niya itong icomfort pero wala siyang magawa dahil mailap ito sakaniya at baka lalo pa siyang magalit dito dahil sa panghihimasok niya sa kaniyang pamilya. Inampon lang siya nito at ni minsan ay hindi siya nito tinurin na anak at malamang ginamit niya lang ito para makuha ang trono. Ganun siya kasakim at kasamang ina.
“Alam ko gusto mo lang ay ang mahalin ka ng iyong ina.”
Biglang nagbalik ang mga alaala sa dalaga noong bata pa siya. Tama siya gusto niya lang naman ay ang mahalin siya ng kaniyang ina, wala siyang ibang hinagad kung hindi iyon dahil simula ng inampon siya nito ay hindi niya ito kinakitaan ng pagmamahal sa kaniya.
Inampon siya nito noong namatay ang kaniyang asawa dahil hindi na ito makakapagbuntis at hindi na magkakaroon ng anak upang kunin ang trono. Sa loob ng mga taong iyon hindi niya ito tinuring na mahalaga sa kaniya bagkus ginawa nito ang lahat upang matuto siyang maging isang Prinsesa.
Ipinakilala ng kaniyang ina si Alas sa kaniya at doon na siya nagsimulang magkagusto rito, inaamin niyang napakagwapo at napakabait ng binata sa kaniya. Siya lang ang nagpadama sa kaniya na importante siya na hindi naiparamdam ng kaniyang ina. Lihim niya itong minahal dahil maling magkagusto siya sa kaniyang kamag anak kahit na ampon lang siya. Pero ngayon handa na siyang mahalin ito kahit na mali e ano naman kung magkamag anak ang tingin ng mga tao sakanila? Ang mahalaga naman ay hindi sila magkadugo. Pero ang pagasa na iyon ay nawala dahil dumating si Abcidii at alam niyang hindi siya mamahalin ng Prinsipe hanggat nabubuhay siya.
Ipinikit niya ng mariin ang kaniyang mga mata “Wala kang alam!” lalabas na sana siya ng silid ng pigilan siya ni Abcidii. “I’m sorry” tama siya wala nga siyang alam tungkol sa kaniya.
“Hindi mo ako madadala sa ganiyang mo Abcidii! Hindi kita papakawalan dito hanggat ikaw pa ang mahal ni Lewis!” mabilis nakuha ni Abcidii ang baril sa tabing mesa at itinutok ito sa dalaga.
“Pasensiya na at kailangan kong gawin ito pero sawa na akong maging isang damsel in distress na hinihintay ang kaniyang prinsipe upang sagipin siya. Sasagipin ko ang sarili ko!” mabilis niya itong sinuntok sa may mukha. Dumaing naman ang dalaga
“Para iyon sa pangdadamay at pagtatangka mong saktan ang aking ina!” sinuntok niya muli ito sa tiyan “At para naman ito sa pangingidnap mo sa akin!” iniwan niyang namamalipit sa sakit si Gwen.
Lumabas siya sa kwarto at nadatnan niya ay tatlong tauhan ni Gwen na nagiinuman sa may sala. Shit kailangan kong makatakas dito!
Dahan dahan siyang naglakbay inalis niya ang kaba na bumabalot sakaniya kailangan niyang nakaalis dito! Mabuti nalang at medyo madilim kaya hindi siya nila ito mapapansin.
Nagpapasalamat siya na nakalabas siya doon. Pagod na pagod na siya pero lakad takbo ang ginawa niya sa kakahuyan kung nasaan siya.
Nasaan ako? Kanina pa ako tumatakbo sa busit na kakahuyan na ito! Sana ay hinahanap ako ni Alas. Lumukot ang kaniyang mukha. Nagaalala kaya siya sa akin ngayon? Hinahanap niya kaya ako? yun ang mga tanong na umiikot sa kaniyang isip.
Ipinikit niya ang kaniyang mata habang tumatakbo, pagod na ako sabi niya sa kaniyang isip. “Aray!” sigaw niya ng mabunggo siya ng– nanlaki ang kaniyang mga mata “Alas?!”
Mabilis siyang tumayo at niyakap ito ng mahigpit “I swear after this we’re going to get married immediately” bulong nang prinsipe sa kaniya at mabilis na hinalikan sa labi.
“Fuck the preparations for a Royal Wedding. I need to handcuff you with me 24/7. Hinding hindi na kita iaalis sa aking paningin princess” napansin nang binata ang hawak niyang baril “Bat may dala ka niyan?” tanong nito.
Napakamot naman siya ng batok “Ayaw ko kasing walang gawin nalang doon. Kinuha ko nag baril para iligtas ang sarili ko kay Gwen” hinalikan niya ito sa kaniyang noo “You’re so brave my Princess. Buti nalang at walang nangyaring masama sa iyo. But we really need to get out here before–” hindi na nya natapos ang sinasabi niya ng biglang dumating si Gwen at tinutok ang baril sa ulo ni Abcidii. Biglang umalingawngaw ang tunog ng baril sa kakahuyan at dumanak ang dugo sa lupa.
—
A/N: Please support guys hehe. Don't forget to vote if you like this chapter. Comments are highly appreciated! Sorry sa mga grammatical errors I'm not fluent in english so I hope you'll understand.
Ilang chapters nalang sana support niyo pa din ✨
Kbluescript
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro