Chapter 40
"You've been asleep for one week, Princess. Please wake up now." Sabi ni Alas na marahaang inahaplos ang mukha ng dalaga. Panaginip, panaginip lang pala ang lahat.
Tila parang dininig ng Diyos ang kaniyang panalangin at iminulat naman ng dalaga ang kaniyang mga mata.
Inipon lahat ng dalaga ang kaniyang lakas at malakas na sinampal ang Prinsipe. Nabigla naman si Alas sa ginawa nito at napahawak siya sa kaniyang pisngi. "T..totoo k.ka! Hindi ka p..panaginip!" hagulgol niya. Agad naman siyang dinaluhan ng Prinsipe. "Are you dreaming about me Princess?" tanong ni Alas. Tumango lang siya, niyakap naman niya ito ng mahigpit.
"A..kala ko h..hindi-" "shh it's okay Princess Im here."
Abcidii Pov
Bigla akong nagising sa pagkatulog, ako ngayon ay nakahiga sa aking malambot na hospital bed, at nasa tabi ko naman si Alas at natutulog.
Napansin ata ni Alas na nakatingin ako sa kaniya kaya iminulat niya ang kaniyang mga mata "Anong problema?" may bahid ng pagaalalang tanong nito.
"Wala akala ko wala ka, hindi naman ako nanaginip ulit hindi ba?" tanong ko. Baka panaginip nanaman ito?!
Hinaplos naman niya ang aking buhok "Im here, Princess. You're no longer dreaming. Matulog ka na ulit, get some rest." Tumango naman ako at muling ipinikit ang aking mga mata. "I love you" sabi ko. Yes! I love this man. I really do.
"I Love you more, Princess" naramdaman ko pa ang pagdampi ng kaniyang mga labi sa aking noo bago ako nakatulog.
"Yes! Sa wakas at makakakain na ulit ako ng Pizza!" sigaw ko. Ilang araw na ang nakalipas noong nagising ako, naghihilom na din ang aking mga sugat pati ang injury sa aking kaliwang kamay.
Agad naman ako kumuha ng isang slice at kinain ito. Kasama ko ngayon si Maddy sa aking silid. Namiss kong kumain ng Pizza! Dali dali kong tinawagan si Maddy para bilhan ako nito.
"Buti pa ikaw binilhan mo ako, si Alas ayaw akong pakainin nito" sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Maddy at mukhang gulat na gulat. Anyare?
"Sht! Mapapatay ako ni Prince Lewis kapag nalaman niyang pinakain kita ng Pizza!" sigaw niya, geez OA naman.
"Kailangan ko ito, maiintindihan naman niya siguro" haaaay nako, napakatalaga nung Prinsipeng yon andaming binabawal sa akin. Ts
"Princess? Bakit nakalock ang pinto? Teka lang... nakakaamoy ako ng Pizza" sabay naman kaming napatingin ni Maddy sa pinto. Nasa labas si Alas. Buti nalang at nilock ko yung ito hehe.
Aligaga si Maddy binigyan ko naman siya ng chill-ako-bahala-sayo look. Alanganin pa siyang tumango. "Doctor Yuzon said that you need to be put on a clean diet until your injuries are healed." Sabi naman niya. Blah blah blah bahala ka diyan. Sunod sunod ang kaniyang pagkatok sa pinto.
"I swear you're going to be in so much trouble once I get there" banta niya, the hell I care. Patuloy lang ako sa pagkain ko ng pizza.
Hindi naman mapakali si Maddy sa tabi ko, takot ba siya?
Okay "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" sigaw ko kay Alas, patay malisya. "Anong trouble ang ibig mong sabihin?" tanong naman ni Maddy. Bahala kayo ako kakain nalang ng Pizza!
"Maddy? You're in there too?" takang tanong ni Alas. "Open this door Maddy, I'll set up a date with Timothy for you" parang nangislap naman ang mga mata ng aking bestfriend. Wait? Don't tell me?
"Ako na ang bahala sa lahat!" dagdag pa ni Alas, oh gosh! No! "Access granted" napasapo naman ako ng aking ulo. Dali daling binuksan ni Maddy ang pinto.
"She's all yours, Your highness." Nginitian naman niya ako ng nakakaloko "It's Timothy Redmond for Pete sake! Hindi ko papalampasin ang pagkakataong makapagdate kami!" inirapan ko lang siya. Nagbow siya kay Alas bago umalis. Traydor! "I love you bff!" Pahabol niya.
Lumapit sa akin si Alas he's wearing all black, black shirt na pinatungan ng black din na coat pati sa kaniyang pangibaba ay black din. Ang gwapong kamatayan naman nito. Erase! Erase!
Tinitignan niya ako na para ang sobrang laki ng aking kasalanan sa kaniya. Am I in trouble? "Abcidii?" matigas niyang sabi. I need to do something!
"Nasabi ko na ba sa iyo na napakaganda ng mga mata mo? Para silang nagiispark" sabi ko with matching pa cute pa! Sana gumana kung hindi I'm a dead meat.
"Alam mo bang makita ko lang yung mga mata mo ayos na ako? Yang mga mata mo nga ang dahilan kung bakit lumaban ako e!" pambobola ko, pero wag kayo! It's half true.
"Parang kumikinang ang iyong mga mata? Tas ang cute pa chinito. Ayieee" gosh! I sound like a crazy fangirl right now. Tinitignan naman niya naman akong walang ka emo emosyon. Srsly?
"Where are those?" tanong nita. Wait? Ibig ba niyang sabihin ay yung Pizza? Mabilis ko namang tinakpan ang mga ito. No! He can't have my pizza!.
Lumapit ako sa kaniya niyakap siya. "It's not going to work, Prince---"
"I love you" . Ngumiti naman siya ng bahagya. Gumana!? "More than Pizza"
"How. Could. You. Let. Her. Have. Her. Way? You're the Crown Prince of Apethorpe for crying out loud!" napahilamos si Alas ng kaniyang mukha. He looks so frustrated. Natatawa naman akong nakatitig sa kaniya habang kumakain ng Pizza. Yes, pinayagan niya ako. Lakas ng charm ko no? Hihiz
Mabilis ko naman siyang hinalikan sa pisngi at nagiba naman ang kaniyang ekspresyon. So cute.
Tatlong araw na noong madischarge ako sa hospital, bumalik na ako sa Palasyo. Walang nakakaalam sa aking aksidente. Ang alam ng lahat ay nag lay low lang ako ng ilang araw matapos sinabing ampon lang aking ama at hindi ako tunay na Harridan. Sa totoo lang hanggang ngayon wala pa kaming alam tungkol doon, iniimbestigahan pa rin ito kung totoo nga o hindi.
Nasa ayos naman na kalagayan ang Haring Philipp pero nagpapahinga pa ito kaya naman sobrang busy ni Alas ngayon sa Royal Family duties niya.
Nagbabasa ako ngayon ng libro, salamat at summer vacation na kaya wala na akong klase.
*knock knock
Sino iyon? Agad ko namang binuksan ang pinto at laking gulat ko na ang Reyna pala ito. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa. "Oh my goodness, anong sinusuot mo?!" tanong nito. Huh? Anong masama sa suot ko? Naka sando ako at short. Ayos naman ah? Besides sa loob lang naman ako ng aking kwarto. "You look like a tambay, my dear" paghihisterikal niya.
"I'm sorry, Your Majesty. Hindi ko po inaasahang may bisita ako" sabi ko. Umiling lang ito.
"Kailangan natin ayusin ang iyong fashion sense, dear. Pero wala na tayong oras ngayon." Bumuntong hininga naman ang reyna.
"Alam ko na hindi maganda ang pakikitungo ko sa iyo pero gusto kong makabawi sa iyo." Sincere niyang sabi. Wait seryoso ba siya? O nahipan lang siya ng magandang hangin?
"Noong nasa hospital ka pinangaralan ako ng Prinsipe na dapat ay bigyan kita ng chance to impress me." Heck anong ibig niyang sabihin?
"Alam ko hindi natin gusto ang isa't isa, pero ikaw lang yung taong hindi ako nilinlang o ginamit ako." Malungkot niyang sabi. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Ginamit? Nilinlang? Nino?
"Tapos si Lewis laging busy ngayon tapos si Philipp.." hindi na niya natuloy ang sinasabi niya dahil naiiyak na ito. "Ikaw nalang ang kasama ko ngayon dito. Let's 'hang out. Magkikita kami ng aking mga amiga and I want you to come with me" bigla naman siyang ngumiti. OKAY? AM I IN TROUBLE?
A/N: Sunod sunod na update ba? Sarreh hahaha! Natambak drafts ko so eto na.
I dedicate this chapter to wookiewrites enjoy reading. If you like to read her story just check her profile. :)
P.s Ang ganda ko ♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro