Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39


Abcidii Pov

Isa lang ang masasabi ko. NAKAKAHIYA! Inilayo ko ng kaonti ang aking mukha sa kaniya, awkward."I'm glad that you're feeling better now, Princess. You still don't remember me?" tanong niya. Umiling naman ako, Wala! Ewan ko ba bakit ganoon kahit anong gawin ko walang memorya niya ang pumapasok sa isip ko. Sumasakit lang ang aking ulo. Nakilala ko ba talaga siya?

Ngumiti siya ng kaonti "Its okay I'm contented that you still miss me despite that you don't have a memory of me." Seryoso siya? Ngumiti ako pabalik sa kaniya, pero parang hilaw naman. Buti pala andito siya?

"Hindi ba't busy ka?" tanong ko. Lagi nalang siya ang laman ng balita at mukhang ang dami niya ngang ginagawa.

Tumitig naman siya sa aking mata, gusto kong alisin ang tingin ko sa kaniya pero hindi ko magawa. Para bang inihipnotized ako ng kaniyang titig. "Yes I am, but I missed you so much. I know you're really bored here. Tara ipapasyal kita?" ipapasyal niya ako? "Malay natin baka mabalik ang memorya mo kapag nakasama mo ako" kinindatan naman niya ako. Srsyly?

"At saan naman kayo pupunta?" sabay kaming napalingon ng Prinsipe sa lalaking nagsalita. Si Timothy pala.

"Gusto din kitang ipasyal Abcidii. Kaya lang isa lang ang puwede mong piliin sa aming dalawa." Sabi ni Timothy. Nanlaki naman ang aking mata sa sinabi niya.

"Just kidding! Sige na Lewis ilabas mo na siya para naman makalanghap naman siya ng presko at sariwang hangin." Tulala lang ako, sigurado siya? Iiwan niya ako sa lalaking hindi ko kilala? Well, fiancé ko daw siya pero—hays okay!

"It's nice to just lay on the grass and watch the clouds pass by." Sabi ng Prinsipe na ngayon ay prenteng nakahiga sa aking hita. Tahimik lang siya, pinikit niya ang kaniyang mga mata na parang dinadama ang simoy ng hangin. . Dinala niya ako sa isang tagong park na may lawa sa tabi. Parang familiar yung lugar pero hindi ko lang matandaan. Nagpunta na ba ako dati dito?

Sa totoo lang ay hindi pa ako ganoon kakomportable sa kaniya. "Hindi kita kilala pero nakahiga ka diyan" masungit na sabi ko.

"I'm sorry Princess, I just missed us so much." sabi niya at minulat naman niya ang kaniyang mga mata. "I'll get up." Nakonsensiya naman ako doon. Baliw ka talaga Abcidii!

"Huwag!" pagpipigil ko sa kaniya. Wait bakit ko siya pinigilan? Hay nako Abcidii ano ka ba gusto mo iyan.

Pinikit niya muli ang kaniyang mga mata. "Thank you, Princess" biglang tumahimik. Tanging naririnig ko lang ay ang mga huni ng mga ibon. Ipinikit ko rin ang aking mga mata. Ang sarap ng simoy ng hangin, nakakarelax.

"I remember the first time I saw you in the store room at your school while I was sneaking the paparazzi." Tinignan ko siya, nakapikit pa din siya. Nakikita ko ang paggalaw ng adams apple niya. Oh gosh ang hot niya! Talaga bang fiancé ko ito?

"Hindi ko alam kung nasabi ko na sayo dati ito but when our eyes met, sinabi ko sa sarili ko --- damn! I want to marry her!" parang namula naman ako sa sinabi niya.

"Nagkita tayo sa sk welahan kung saan ako nagtuturo?" tanong ko sa kaniya. Minulat naman niya ulit ang kaniyang mga mata "Yes Princess, and I've never looked at anyone else since then." Eto nanaman tumititig nanaman siya sa aking mga mata, and I can't help it. "I love you so much Princess"

Gabi na nag makabalik kami ng hospital. "You need to rest, Princess" sabi niya habang nakangiti sa akin.

"Rest daw, e wala man nga kaming ginawa e" bulong ko. Hindi ko lang alam kung narinig niya o hindi, pero mukhang hindi naman?

Paano ba naman buong araw lang kaming nasa may tabi ng lawa, though maganda naman doon pero-- hays nevermind.

"Before I go, can I do something?" tanong niya. Kumunot naman ang aking noo. Bigla siyang lumapit sa akin. Take note, sobrang lapit. I can smell his mint scent. "Alam mo ba yung sa mga fairytale na kapag hinalikan ng Prinsipe nag kaniyang Prinsesa ay mawawala ito sa sumpa? O kung ano pa man?" napatango naman ako. "I want to try it" bago pa ako makapag react ay hinalikan na niya ako.

A-anong ginagawa ko? Hindi ko siya ganoon kakilala pero bakit ganoon? It feels so right. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.


Biglang nagliwanag ang paligid at ang oras ay huminto, hindi gumagalaw ang Prinsipe. Tumingin ako sa paligid at nakita ang isang paru-paro na nakatigil din sa paglipad. Oh my gosh! Anong nangyayari?! Nagstop ang lahat except sa akin.

Sa isang iglap ay mayroong matandang nakatayo sa tabi ng p-pinto. Wait kilala ko siya! "Fairy Godmother?! Anong nangyayari? Anong ginagawa mo dito?" sunod sunod kong tanong. Lumapit naman ako sa kaniya. Naguguluhan ako!

"Sorry Abcidii at inalis ko ang memorya mo sakaniya. Ginawa ko lang iyon para malaman kung talagang karapat dapat ka sa kaniya. At napatunayan mo naman ito. Oras na para gumising ka ng tunay


-

A/N: Oh em gee! Anong nangyayari? Well, let's proceed! Ilang chapter pa kaya? 

Enjoy reading! Pm me for dedication.

Don't forget to vote if you like this chapter! Comments are highly appriciated!

Comment inline your thoughts about this story :) 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro