Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36


Bernard: [Pumalpak ang ating plano, Your Highness. Pasensya na at hindi tayo nagtagumpay. Nawalan ng malay ang Hari matapos mong sabihin na igigive up mo ang trono at hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Nagtagumpay si Mhiles sa kaniyang balak at ngayon ay siya ang pumalit sa Hari. Alam ko ho na nagtatago kayo ngayon pero kailangan mong pumunta ng Hospital para bisitahin ang iyong Ama. Nagaalala na din ang Mahal na reyna sa iyo.] nagaalalang sabi nito.

Alas: [I’m on my way]

Pagkasabi niya noon ay agad siyang umalis, Mag aalas nuwebe na pero hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi si Abcidii, nagaalala na siya sa kaniya. Tinatawagan niya ang dalaga pero cannot be reach ito kaya nagiwan siya ng sulat sa isang sticky note na nagsasabing nasa Hospital siya para puntahan ang Mahal na Hari.

Pagkarating niya ng Hospital ay lakad takbo ang kaniyang ginawa para makapunta sa silid ng Ama. Nadaanan niya pa ang Emergency Room at nakitang abala ang mga Doctor at Nurses sa paggamot sa taong dinala doon. Bigla siyang kinabahan sa nakita niya.

NAKAPALIBOT ang mga Doctor at Nurses sa isang dalagang isinugod ngayon ngayon lang sa Emergency Room.

“She’s losing too much blood. We’re losing her” sabi ng Doctor. Nagsimula ng magpanic ang mga Nurses sa loob.

“Hindi ba’t familiar siya? Nakita ko na siya sa T.V dati” nagaalalang sabi ng isang Nurse na nagaasikaso  ng mga gagamitin sa opersayon.

“Saka na iyan, kailangan natin siyang iligtas!” sabi naman ng isang Doctor. Sinangayunan naman ito ng mga kasama niya.

Nahulog ang isang Candy na singsing na puno ng dugo sa kaniyang kamay.

“Nasaan ako? Wala akong matandaan! Anong nangyayari?” minulat niya ang kaniyang mata at nakahiga siya isang maduming kwarto.

“Anong ginagawa ko dito?” takang tanong niya. Nakasuot na din siya ng isang maduming damit.

Hinawakan nang Prinsipe ang kamay ni Abcidii na ngayon ay nakahiga sa isang pribadong silid ng hospital. Hindi pa siya nagigising pagkatapos nang kaniyang operasyon sinabi din ng Doctor na siya ay nasa Coma. Halos manghina siya nang malamang naaksidente ito. “How did this happen!?” mariin at pasigaw niyang tanong.

Lumapit naman si Bernard sa kaniya. “Pasensya na, mahal na Prinsipe” malungkot na sabi nito. “Hit-and-run ang nangyari at walang nakakita kung sino ang nakabangga sa kaniya” napapikit si Alas sa kaniyang narinig. Hindi niya dapat pinayagang umalis mag isa ang dalaga at sinisisi niya ang kaniyang sarili sa nanyari. Una ang kaniyang ama at ngayon ay si Abcidii!

Hinarap niya ang natutulog na dalaga at hinalikan ito sa noo.

Kasalukuyan siyang nakahiga sa kaniyang luma at maruming silid ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang Reyna Geneva. “Mananatili ka dito at simulan mo na ang paglilinis sa buong Mansion. Samantalang aalis ako kasama ang aking mga anak at dadalo kami sa isang engradeng ball sa Palasyo ngayong gabi.” Mga anak? Palasyo? Hindi ba’t siya ang Reyna? Kumunot ang kaniyang noo sa pagkalito. Yung totoo nasan ako?

“Hindi ba’t ikaw ang Reyna? Nasaan si Alas? Nasaan ang mama ko?” sunud sunod kong tanong sa kaniya. Pati siya ay nalito sa tanong ko.

“Anong reynang pinagsasabi mo? At anong Alas? Sino iyon? At nakalimutan mo na ba huh? Patay na ang iyong ina matagal na at ako ngayon ang bagong asawa ng iyong Ama!” binigay niya sa kaniya ang isang katerbang damit na lalabhan at inirapan bago umalis sa kwarto.

Oh my GOSH?! Anong nangyayari? Tanong nito sa kaniyang sarili at sinabunot ang kaniyang buhok. Nananaginip nanaman ba ako? Pinagsasampal niya ang kaniyang sarili para makumpira na natutulog at nananaginip lang siya pero walang nangyayari.

Biglang nagligaw ang kaniyang paligid at may isang Matandang babae na lumitaw na may hawak ng isang wand  “S-sino ka?!” tarantang tanong niya. Saan siya galing?

Tumawa ng bahagya ang matanda “S-sino ka? Nasaan ako?!” tanong niya muli. Pero hindi nito sinagot ang kaniyang tanong. Inilagay ng matanda ang kaniyang hintuturo sa tapat ng kaniyang labi na sinasabing wag siyang maingay. Napakunot nanaman siya ng noo.

“Daliaan mo at baka malate ka sa ball!” anong ball? Takang tanong niya sa kaniyang sarili. Itinaas ng matandang babae ang kaniyang wand at umilaw naman ito “Bibbidi bibbidi bobidi boo!”

Sa isang iglap lang ay napalitan ang kaniyang maruming damit sa isang kulay blue at magandang dress na katulad ng kay Cind---- “T-teka lang? A-ako s-si Cinderella?” takang tanong niya at kinindatan lang siya ng matanda.

Muli ay hindi siya sinagot ng matanda na marahil siya ang kaniyang Fairy Godmother. Huminga siya ng malalim. Bahala na just go with the flow! Sabi nito sa kaniyang sarili. “Nasaan po ang aking Pumpkin Carriage?” tanong niya sa matanda humaklahak naman ito sa kaniya. Pumalakpak naman ang kaniyang Fairy Godmother kuno “That’s the Spirit!” masayang sabi niya. “Lumabas sa at hinihintay ka na ng iyong karwahe”

Sinunod naman niya ang sinabi ng matanda. Tumambad sa kaniya ang isang napakagandang karwahe, literal na napanganga siya. Kulay ginto at kumikinang.

“Wag mong kakalimutan na kailangan mong umuwi mamayang alas dose ng medaling araw kung hindi-” tumango naman “Alam ko na po iyon!” masayang sabi nito sakaniya at nagpasalamat.

Alam na niya ang pangyayaring ito dahil madalas itong ikwento ng kaniyang ama noong bata pa siya. Sa totoo lang ay excited na siya sa mangyayari at excited na rin siyang makita ang Prinsipe, si Alas kaya iyon?

Bumaba na siya sa kaniyang karwahe at pumasok na sa Palasyo na gaya ng palasyo nina Alas.

Napanganga ulit siya dahil sa ganda nito. Andaming tao ang dumalo sa ball at halos lahat sila ay nakatingin sa kaniya. Napatingin naman siya kay Reyna Geneva na ngayon ay ang kaniyang Stepmother. Halos matawa siya ng makita ang kaniyang Stepsisters. “Maddy? Gwen?” masama ang tingin nila sa kaniya.

“Let’s give him a round of applause. Prince Lewis!” nagpalakpakan naman ang mga tao. Tama ang hinala niya si Alas ang Prinsipe. Ang gwapo gwapo niya talaga! Halos lahat ng mga kababihan ay nakatingin sa Prinsipe, gusto niyang isigaw sa lahat na pag aari niya ito ngunit tumahimik nalang siya dahil nasa isang Fairytale lang naman ito.

“Can I have this dance?” hindi niya namalayan na nasa harapan na niya pala ang Prinsipe. Ang gwapo niya talaga lalo na sa malapitan.

Tinanggap naman niya ang alok ng Prinsipe at dinala siya nito sa gitna ng ball. Parang nangyari na ito? tanong niya sa sarili niya. Naisip niya noong una silang nagsayaw sa Palasyo at makailang beses niya itong natapakan dahil hindi ito marunong sumayaw, tinapik niya ang kaniyang mukha. Patay hindi ako marunong sumayaw!

Hinawakan siya ng Prinsipe at nagsimula ng magsayaw. “You’re so beautiful” bulong ng Prinsipe na siyang ikinapula niya. Hindi niya namalayan na nakakasayaw siya. Wow! Marunong na akong magsayaw sabi niya sa kaniyang sarili.

Habang nagsasayaw sila ay bigla nalang tumunog ang malaking orasan. Tinignan niya ito at ilang minuto nalang at magaalasdose na ng hating gabi. Nagmadali siyang tumakbo at iniwan ang Prinsipe nagtatakbo lang siya at naramdaman niyang nakasunod ito sa kaniya.

Hindi niya namalayan na hindi na niya suot ang isang glass shoes niya. “Wow! It really happened!” Manghang sabi niya “Beautiful, wait! What’s your name?!” sigaw ng Prinsipe

Tumigil siya sa pagtakbo at tinignan ang Prinsipe. “Abcidii, my name is Abcidii.” Ngumiti itong muli at tumakbo.

“Abcidii!?”

-
A/n: Oh em gii! Abcidiirella? Hahaha

Ano na kaya ang mangyayari?

This story is dedicated to: @HazelPark03

Don't forget to vote! Comments are highly appriciated ♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro