Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33


"Kailangan ng prinsipe na makasal sa isang totoong Harridan para mapanatili ang kaniyang pagiging Prinsipe, Paano na ang pagmamahalan nila ni Abcidii? Iiwan niya ba si Abcidii para sa totoong Harridan?" napairap ang reyna sa mga tanong ng mga reporter sa kaniya.

Wala na siyang pakialam ngayon sa testmaneto ng dating hari dahil ang tanging gusto niya lang ngayon ay ang mawala ang Abcidii na iyon sa pamilya niya.

"We're looking for the true descendant and I'm sure my son..." lumingon siya sa lugar kung nasaan ang prinsipe ngunit wala na ito. "Nasaan siya?!"

Iginala niya ang paningin niya at nakita niyang pinuntahan si Abcidii. Nagaapoy ang kaniyang mga matang tinignan ang mga ito.

Abcidii Pov

"Alas? Anong nangyayari? Totoo ba iyon?" tanong ko sa kaniya. Nakatingin ang lahat sa amin pati na rin ang hari at reyna.

Bigla niya akong niyakap at tumitig sa aking mga mata. "I love you" bulong niya. Nanlaki ang aking mga mata, hinalikan niya ako sa aking noo. "I'll give up the throne!" nagulat ang lahat maging ako sa kaniyang sinabi. Nagsimulang magbulungan ang mga tao.



Andito kami ngayon sa kaniyang sasakyan. Tahimik lang siya sa pagddrive at hindi kumikibo. "Sabihin mo sa akin na hindi totoo yung sinabi mo kanina at umaarte ka lang! Hindi mo iiwan ang trono para sa akin. At teka lang paanong naging ampon si Papa?!" this is too much! Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari! Paanong naging ampon si Papa? The last time I check hindi naman.

Naloloka na ako, kamusta kaya si Mama? Sigurado ako sa mga oras din na ito ay naguguluhan na din siya dahil wala namang nabanggit si Papa sa amin na ampon lang siya.

Huminga ako ng malalim "Huyy! Sumagot ka naman" bwiset na sabi ko. Paano kaya kanina pa ako nagsasalita dito ni isang response galing sa kaniya wala. Ts.

"I know what I'm doing Princess" sagot niya ng hindi ako binabalingan. "Trust me" dagdag pa niya.

"Wag mo na akong tawaging 'Princess' hindi na ako magiging ganon. At ayaw kong maging ganon"

"Nonsense" tumingin siya sa akin "You'll always be my princess no matter what." Bwiset! Ganyan na nga ang sitwasyon namin nagagawa niya pa akong pakiligin. Gusto kong malaman ang totoo!

"Nasaan tayo?" tanong ko kay Alas. Ilang oras din ang biyahe namin at napadpad kami sa isang resthouse. Hindi ito gaanong malaki at isang palapag lang ang meron ito.  Malayo din ito sa mga tao. Nakapalibot sa bahay ang mga punong kahoy kaya relaxing ang ambiance nito.

"This is my grandmothers' rest house. Pinamana niya ito sa akin bago siya mamatay. Nobody knows about this place. With that announcement? It'll be safer to keep you here. " hinawakan ko ang aking ulo. Ano ba itong mga nangyayari?!

"Pwede ba? Bago mo ako itago dito sabihin mo muna kung anong nangyayari?" inalalayan niya akong umupo sa isang malambot na sofa.

"Aunt Mhiles did a background check on you behind my back. Your father was adapted to the Harridan family. Your grandfather probably kept it from him so no one of you would have known about this. Since you're no longer a true 'Harridan' that means the marriage between us is off. And I don't want that happen, Princess. I won't marry anyone if it wasn't you" malumanay niyang sabi.

Pati ako ayaw ko din makasal sa iba, inaamin ko oo nahuhulog na ako sa lalaking kaharapan ko ngayon. At ikakamatay ko kung makita ko siyang maikakasal sa ibang babae.

"Kaya natin ginagawa ito para sa trono mo bakit ngayon ginigive up mo na iyon para sa akin?" tanong ko sakaniya. Medyo nakakagulo diba? Una nagpanggap kami para maging safe ang trono sa kaniya tapos biglang igigive up niya na dahil sa akin? Anong kalokohan yon diba?

"I'm no saint princess. I'll be honest with you." huminga siya ng malalim. "As much as I'd like to be the noble prince who gave up his throne for love, there's much more to this" Ow "Napagkasunduan namin ni Bernard na makikilaro kami sa plano ni Auntie Mhiles. We will trick her by doing this" parang nadissapointed ako sa sinabi niya. Asa pa Abcidii! Hindi niya basta basta igigive up ang trono para lang sayo! Ano ka sinuswerte? Ha ha ha.

Sanang hindi na siya naging honest sa akin dahil parang nasaktan lang ako. Sino nga naman ba ako kumpara sa trono hindi ba? Truth hurts nga naman talaga medyo nalungkot ako sa sinabi niya.

"Ah, akala ko para sa .. akin. That's a relief I guess" ngumiti ako ng pilit. Lumapit siya sa akin at tinignan niya ako ng may pagaalala. "I don't really want to be with anyone else but I need to be honest with you as well. You're important to me just like the throne" hindi ko siya kayang tignan sa mata kaya iniba ko ng direksyon nito

"I don't want to be the man you'll fall in love with if I were to just walk away from my people. Maayos din ito." Lumayo ako ng kaonti sa kaniya.

"Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko" niyakap niya ako ng mahigpit "Noong nakaraang araw lang isa akong selosang fiancé na nagalit sa kaniyang fiancé dahil nakita niya itong may kahalikang ibang babae. Tapos ngayon hindi ko kayang magalit kase may masamang tao ang gustong kumuha ng trono"

"I'm so sorry Princess if you're feeling this. I will prove my innocence to you about me and Gwen, but for now I need to keep you safe"

"His majesty went into shock after that announcement. Were doing our best, pero ngayon hindi pa po namin alam kung kailan magigising ang hari" nanlambot ang reyna sa mga nangyari. Pinagmasdan niya ang Hari na ngayon ay nakahiga sa isang hospital bed at walang malay. 

"Una si Alas tapos ngayon i..ikaw" nagsimula ng umiyak ang reyna "Anong gi..ginawa k.ko?" lumapit si Mhiles sa kaniya upang patahanin.

"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa mahal na hari at pati na rin sa Prinsipe tuluyan na siyang nilamon ng pagmamahal sa Abcidii na iyon" sabi nito habang pinapatahana ng reyna.

"Ano na ang ma..mangyayari sa A..apethorpe ngayon?" tanong niya. Alam niya kasing hindi niya kayang pamahalaanan ito.

"Hindi ito kasama sa plano natin Mhiles!" sigaw niya "Gusto ko lang naman mawala ang Abcidii na iyon kaya ako pumayag!"

Nagbow si Mhiles sa kaniya "Nawala naman siya mahal na reyna gaya ng iyong kagustuhan" huminga siya ng malalim at tumingin ng deresto sa reyna "And it was 'MY' wish to get rid of Philipp and Alas" ngumiti ito ng nakakaloko. Nagulat naman ang reyna sa sinabi nito. "Pasensya na at hindi ko iyon nasabi sa iyo" tawa niya. "Now if you'll excuse me, I have a kingdom to run"

Abcidii Pov

Abcidii: [Opo Mama, Nakakaloka ito pero kailangan muna naming mag lay low ni Alas. Lagi ka pong mag iingat diyan Mama. I love you] binaba ko na ang tawag. Sana nasa ayos lang sa Mama, siguro pati din siya naguguluhan sa mga nangyayari. Sino ba naman hindi diba?

Ikaw kung sayo mangyari to? Di ka ba maloloka?

Huminga ako ng malalim nadatnan ko si Alas sa kusina at abala sa pagaayos ng mga gamit doon . Suot ko ngayon ang kaniyang tshirt na para ng dress sa akin dahil sa laki.

"Bagay mo" sabi niya sabay ngiti. Nakakainis! Pero hindi ko pa din siya pinapatawad sa ginawa niya. Hello! Hindi ganon kadaling kalimutan yung nakita ko silang magkahalikan nung Gwen na yon!

"Sasabihin mo lahat sa akin ang totoo katapos nito" sabi ko sakanya. Gusto kong malaman kung totoo nga na hindi ako isang tunay na Harridan.

"Yes princess I will tell everything I know once I figure it out. But we do have a little problem right now. There's nothing for us here. No food, no necessities. No nothing." Napakamot siya sa kaniyang ulo "We need to go to the grocery"

Napailing nalang ako. Kung may plano pala siyang ganito bakit hindi niya agad inayos to? "Hindi tayo pwedeng makita ng mga Paparazzi panigurado akong sandamakmak ang ipupukol nilang tanong sa atin" paano kami makakapunta ng grocery ngayon?

"I have a plan" 


-
Don't forget to vote if you like this chapter. ♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro