Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

"Gwen?" tawag ni Alas doon sa babaeng yumakap sa kaniya.

"I missed you, Lewis" malambing na sabi nito. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Napaka sopistikada niya. Mataas siya ng kaonti sa akin at masasabi ko din na ang ganda niya. Sht my insecurities. Naghiwalay naman sila sa pagkayap.

"Gwendolyn? What are you doing here? Akala ko bang sa Pasko ka pa dadating?" tanong ni Alas.

"That was my original plan but I rushed back when I heard about your engagement" lumukot yung mukha nung Gwen. Hinaplos naman ni Alas ang kaniyang buhok na siyang kinakunot ng aking noo.

"Ah right!" Mukhang excited si Alas nang makita niya ito at hindi na niya napansin na nandito ako. Like hello? Im yo' fiancé give me attention!

Aalis na sana ako dahil baka nakakaistorbo lang ako sa kanilang dalawa pero bigla niya akong hinigit malapit sa kaniya at hinawakan ako sa bewang "Gwen, this is my beautiful fiancé, Abcidii"

"You're not going anywhere Princess" bulong nito sa akin. At nginitian niya ako ng napakatamis. Anong satinigin niya ang ginagawa niya? Gosh Im melting!

Tinignan ako nung Gwen ng masama. Wth? "Ah yes, I've heard a lot about her" sabi niya at tinignan niya ako na mukhang bored na bored.

She suddenly crossed her arm. Tinignan niya ako na para bang sinusuri ang aking kabuuan. Nakakaconcious lalo nat ang ganda at sexy niya pa. "She's cute" ngisi niya.

"Gwen, Gwendolyn Markinswell Brighton" inilahad niya ang kaniyang kamay at tinanggap ko naman iyon. Pero wait Markinswell? "Magka mag anak kayo?" takang tanong ko.

Tumawa naman ng mahina si Gwen "You may heard my Mother, Mhilescent Markinswell Brighton. The Head of Royal Office. She's the sister of King Philipp. Unfortunately for you I was adopted into the family . So no, were not related" ngumiti siya na para bang nangaasar. Wait sinabi niya bang unfortunately?

"She's my cousin and my childhood friend too. We grew up together with Timothy but she had to go abroad for her studies" dagdag ni Alas. Magsasalita pa sana siya pero biglang nagring ang kaniyang cellphone.

"Excuse me for awhile" lumabas si Alas sa ballroom at naiwan kaming dalawa ni Gwen dito. Huh! I hate her. She seems nice though, pero may something sa kaniya na parang hayyyy ewan. Relax Abcidii

Kapansin pansin ang kaniyang kuwintas, napaka ganda nito. Heart shaped ang kaniyang pendant at may isang malaking bato ito sa gitna, ang ganda!

Napansin niya atang nakatingin ako dito. Nagkatinginan kami at ngumisi nanaman siya ulit sa akin.


"Ang ganda naman ng necklace mo, Gwen" sabi ko. Okay I need to be friendly.

Tumawa siya ulit "It's funny how I got it" sabi niya.

Flashback

5 Years ago

Hinatid ni Alas si Gwen sa airport dahil aalis na ito papuntang America. Magaaral ng medisina si Gwen sa ibang bansa dahil ito ang utos ng kaniyang ina na si Mhiles at wala itong magagawa kung hindi sundin iyon.

"I can't believe that Aunt Mhiles is sending you abroad to study" lumukot ang mukha ni Alas dahil mamimiss niya ito, ganundin si Gwen.

"Iniisip niya lang ang mas makakabuti sa akin" malungkot na tugon ni Gwen. "Oras na kailangan ko nang umalis" sabi niya at naluluha na. Niyakap naman siya ni Alas. Lumayo ito ng kaonti sa kaniya at kinuha ang isang maliit na box sa kaniyang bulsa.

Isinuot niya ito sa dalaga. Isang napakagandang kuwintas, heart shaped ang pendant nito at may malaking kumikinang na bato pa. "It's beautiful" masayang sabi ng dalaga.

"I hope you always remember me" nahihiyang sabi ni Alas at napakamot pa ito ng ulo.

Niyakap siya ni Gwen "I'll wait for your return" bulong ni Alas sa kaniya. Tumango naman si Gwen.

End of flashback

"He's so sweet, isn't he? Lagi kong suot ang necklace na ito kahit saan ako magpunta. It's the symbol of his promise to me. Ikaw ba Abcidii? Anong regalo na ang natanggap mo saka niya?" panunuya niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ako. Nagseselos ba ako? Ni minsan hindi niya nasabi si Gwen sa akin... hindi kaya may tinatago siya tungkol sa kanilang dalawa? Hindi kaya lahat lang ng mga pagsasama namin ay dahil lang sa Arranged Marriage? Andaming mga katanungan ang naglalaro sa aking isip.

Nabasag ang aming katahimikan ng magsalita siya.

"Akala ko ay may something special sa iyo Abcidii pero wala naman pala. Akala ko lang pala iyon dahil ang totoo ay kailangan ka lang pakasalan ni Lewis dahil sa testamento ng dating hari at para mapanatili kay Alas ang trono. Hindi ba?" tumawa siya ng bahagya. Gusto ko siyang sampalin! Gusto ko siyang sumbatan! Pero anong magagawa ko? Totoo naman ang kaniyang sinasabi.

Tama siya wala namang special sa akin ako lang ay isang hamak na babae na kailangang pakasalan ng Prinsipe para lang mapanatili ang kaniyang trono. At hindi naman totoo yung mga lahat ng to dahil palabas lang namin ito ni Alas, Oo tama. Ngumiti ako ng bahagya kay Gwen bago nagpaalam upang umalis.

Nagkasalubong kami ni Alas pero hindi ko na siya pinansin, tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya nilingon. Di ko siya kayang tignan sumisikip lang ang aking dibdib.

Kinulong ko ang aking sarili sa kwarto, iniyak ko lahat ang aking mga hinanakit. Nagsimula ang lahat sa kontrata na pinagkasunduan namin ni Alas pero bat ganoon? Bat parang para sa aking nagiging totoo na? Nahuhulog na ako sa kaniya na hindi naman dapat. Nalilito ako dahil baka ako din ang masaktan sa bandang huli.

"Bahala kayo! Magusap na kayo buong magdamag! Mukhang namiss nyo naman ang isa't isa!" asar na sabi ko. Para akong timang na umiiyak dito hays! Feeling ko ay napakahina ko at hindi ko man lang nasagutan ang babaeng iyon!

"Abcidii?" Napabalikwas ako ng upo.

A/n: Hello guys sorry for the long absence! Salamat din sa mga naghihintay na mag update ako. I really appreciate u guys. :)

So andito na si Gwen. Naipasok ko din siya sa story after ng ilang chapters hehe.

Enjoy reading my beshywap! ♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro