Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

I dedicate this chapter to NaiveBuzzNB thank you for reading my story! This chapter is for you 🌻


♡♡

Abcidii Pov

Pumunta ako sa garden ng palasyo upang makalanghap ng sariwang hangin. Masyado akong nasusuffocate sa loob ng palasyo. Nabadtrip ako dun sa Aunt Mhiles na iyon!



"Abcidii?" nabigla ako ng may nagsalita. Andito din pala siya.


Kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang kalungkutan. Anong nangyari sa kaniya? "T-totoo ba? Engange kana kay Alas?" malungkot niyang tanong.

Yumuko lang ako at tumango. "Hm O-oo. Alam ko biglaan to pero ikakasal na kami" ngumiti ako sakaniya ganoon din siya pero mukhang pilit.


Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat. May problema siya. "Ayos ka lang ba, Timothy?"


Tumingin siya ng daretso sa aking mga mata "Don't do it, Abcidii. Please" lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit na para bang hindi na kami magkikita "Huwag mo nang ituloy" bulong niya sa akin. Napapikit nalang ako. Anong ibig niyang sabihin?


Pagkatapos mag paalam ni Alas sa kaniyang Auntie na si Mhiles ay sinundan niya na si Abcidii patungo sa Hardin ng palasyo nadatnan niya sina Timothy at Abcidii na magkayakap.


"Abcidii?" agad kong naitulak Si Timothy ng narinig kong tinawag ni Alas ang pangalan ko. Tinignan niya ako ng walang emosyon sa kaniyang mga mata.





Magsasalita na sana ako ng may nagsalita sa gilid ko "Nandiyan ka lang pala!" nilingon ko yung nagsalita, si Gina pala. Nagbow siya sa amin "Your highness, anong ginagawa niyo dito?" takang tanong niya. "Gustong kausapin ng press si Abcidii kaya kukunin ko muna siya sa iyo mahal na Prinsipe" tinignan ko si Alas at ganun pa din ang ekspresyon niya. Tumango naman siya kay Gina.

Hinila ako ni Gina paalis doon at hindi ko na nilingon si Alas. Galit ba siya o ano? Sus Abcidii wala lang yan! Wag mo nang isipin.




Timothy Pov


Kinamot ko ang aking ulo at tumingin kay Lewis "Mag eexplain a-ako" tinignan niya lang ako ng walang emosyon. Damned! I know this! He's mad or maybe jealous?







"Damned! It's just a friendly hug..." tinaas niya ang kaniyang kaliwang kilay. "Okay, I'll admit. I like her" huminga ako ng malalim "Special siya sa akin, masaya ako kapag kasama ko siya. Iba ang nararamdaman ko pero wag kang magalala sa akin lang naman ito e" biglang nag iba ang ekspresyon ni Lewis. He looks confused "Hindi niya alam na may gusto ako sakaniya at yung hug na iyon I swear yun lang yung pinakamalapit ko sa kaniya" huminga ako ulit. Im fckd! "She's your fiance now! Hindi ako ganoon ka gago para agawin siya sayo" ngumiti ako sa kaniya.




"Tim..." hindi ko na siya tinapos "Masaya ako sa inyong dalawa, Congratulations"  sa totoo lang ang sakit.

"I–" i cut him again.


"Kalimutan na natin ito okay? Makakalimutan ko din siya" sana. Ngumiti ako sakaniya at tinalikuran ko na siya. Ang hirap! Ang sakit! Parehas silang importante sa aking dalawa.






Kasalukuyang nasa kwarto ang Reyna nakahiga at inaalalayanan naman siya ng hari.

"Philipp, sabihin mo panaginip lang ang lahat ng ito! Bangungot lang ito hindi ba? Ang aking pinakamamahal na Lewis ikakasal sa mahirap na iyon?! " padabog siyang tumayo sa kaniyang kama at sumigaw. Nabigla naman ang hari sa kaniyang ginawa.



Dumating si Alas sa kwarto ng Reyna. Nagbow ito sa kaniyang mga magulang. "Are you alright, Mom? I heard you passed out" tanong nito. Hindi makapaniwalang umiling ang reyna sa tanong ni Alas. "I take that as a yes" biro ni Alas at tumawa ng bahagya.



Bumuntong hininga si Alas. "Surprised! You just organized my engagement party!" biro ulit nito sa Reyna. Sa sobrang galit ng reyna ay nabato niya ang kaniyang unan kay Alas. Tumawa lang si Alas.








"Bakit hindi mo ipinaalam sa amin ito Lewis?" matigas na tanong ng Hari sa kaniya. Umayos naman si Alas ng tayo. "Hindi ko alam kung anong meron sa inyo ni Bernard na hindi ko alam pero Lewis! Prinsipe ka ng Apethorpe!" maraang sabi ng Hari.




"Akala mo ba ay ganoon na lang kadali ang magpakasal?! At hindi mo lang kami ininformed dito?!" sigaw ng Hari.




Yumuko si Alas "Im marrying her because of King William's will"





"Yun lang?! Papakasalan mo siya ng dahil sa testamentong iyon?!" sabi ng hari. "Akala ko bang gagawan natin ito ng ibang paraan Lewis?" tanong ng hari.





"Dad, Abcidii is different. Just trust me on this, I know what Im doing"




"Kailangan nating kausapin ang Royal Council tungkol dito" sabi ng Hari. Sumangayon naman ang reyna.






"No!" matigas na sabi ni Alas. "You need to stop believing the council so much! They're not always in our side! Especially Auntie Mhiles!" nabigla naman ang Hari at Reyna sa sinabi ni Alas.





Huminga ng malalim si Alas "I'm old enough I can now decide who I want to marry. And Abcidii will be my wife" hindi makapaniwala ang mag asawa sa kanilang narinig.








Abcidii Pov


"Heto na! Ang pinaka unang interview mo as the official royal fiance" sabi ni Gina sa akin. Shocks! Kinakabahan ako! Hindi ko alam ang sasabihin ko! Bahala na.


"Hindi ako makapaniwalang mangyayari ito. Hindi ito kasama sa plano" sabi ni Gina. Kumunot naman ang noo ko sa narinig konang bumaling ako kay Gina. "Anong plano?" tanong ko.




Nanlaki ang kaniyang mga mata "A-ah? W-wala i-iyon wag mo nang isipin yon. Magsisimula na ang interview mag ayos kana. Manonood ang Reyna" warning niya sa akin. Napressure tuloy ako.




Inayos ko ang aking sarili. Nagsimula na ang press andaming mga taga media as usual. Ang sakit na nang aking mata dahil sa flash ng mga camera.


"Sisirain niya lang ito panigurado! Ipapahiya niya ang Royal Family!" nagkibit balikat ang reyna. Nasa gilid lang siya at kasama si Gina.


"Parang kailan lang noong nakita ang testamento ng dating hari tungkol sa kasal at ngayon ay napakasaya namin dahil sa wakas ay magiging totoo na ang fairytale na sa libro lang namin nababasa" masayang sabi nang reporter. "Ang mahal na Prinsipe at ang kaniyang soon to be Princess, Abcidii" natawa ako dun sa sinabi niya pati siya.




"Ang buong Apethorpians ay gustong gusto ng marinig ito. Anong naramdaman mo noong nalaman mo na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo ganoong kakilala? Tapos ngayon parte ka na ng Royal Family? Kamusta naman?" tanong niya. Inilapit niya sa akin ang mic at kinuha ko naman ito.

Inhale exhale! Kailangan kong mapanalo ang puso ng mga tao. Chance ko na ito! "Nakakabaliw sa totoo lang!" tumawa ako ng kaonti, which is totoo naman. "Talagang nabigla ako sa mga nangyayari. Nagising lang ako tapos biglang malalaman ko ikakasal na pala ako? Syempre noong una hindi ko tanggap lalo na't hindi ko ganoon kakilala ang Prinsipe pero sa pagdaan ng mga araw ay natutunan ko na din siyang mahalin. Napakabait niya at napakamaalaga niya" naisip ko noong inalagaan niya ako, noong na sprained ang paa ko. Napangiti ako doon.



"Siguro ang umpisa palang ito pero sinisigurado ko sa inyo na magiging akong isang worthy princess of Apethorpe's some day! Ako at si Alas ay excited na sa mga mangyayari. Sa ngayon ay masaya kami dahil engage na kami." nagpalakpakan naman lahat ng mga taong nandoon.



Inalok naman ng reporter ang kaniyang kamay para makipag handshake. Tinignan ko naman siya sa kanyang mga mata at nakipagshake pero isa lang. Nginitian ko siya pagkatapos non.


Nagpalakpakan naman ang mga tao.


"That was actually quite good" komento ng reyna sa ginawa ni Abcidii.



"Nagbibiro ka ba mahal na reyna? Its very nice! The first rule of the Royal Handshake is that they need to make direct eye contact. Then they firmly grip the hand and shake them, but not more than twice. After the firm handshake, they pass on a Royal smile as a part of the Royal act. Everyone is going to love her!" sabi ni Gina. Tinignan lang siya ng masama ng reyna.






**

P.s galing ko yung Royal Act sa Millionaires Saying hehe. Reference 😅

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro