Chapter 16
"Get out of here Abcidii. I'll be fine" nahihirapang sabi ni Alas. Nasisiraan na ba siya?!
"Hindi ako aalis dito ng hindi kita kasama!" bumuntong hininga ako "Alam ko hindi moko pinagkatiwalaan last time, pero please kahit ngayon lang! Aalis tayo dito ng ligtas. I'm not leaving without you, Alas"
"Abcidi-" "Shhhhhh"
Tumingin ako sa aking paligid kailangan kong makahanap nang kung ano mang bagay para makatutulong saamin upang maligtas kami.
May nakita akong lumang babasaging vase sa may mesa. Pwede na siguro iyon?
Tinignan ko si Alas na nakahiga parin sa sahig at nakapikit ang kaniyang mga mata. Lumapit ako sa pintuan hawak ang vase.
Itinaas ko ito. Ready na ako para pukpukin sa ulo si Jonas oras na pumasok siya sa pintuang ito. Myghaaaad kinakabahan ako mama help!
Nakarinig ako ng yabag galing sa labas hudyat na nandito na sila! This is it Abcidii!
Bumukas ang pinto. Pinikit ko ang aking mga mata para makakuha ng pwersa upang ipukol ang vase na ito kay Jonas.
Binuksan ko ang aking mga mata at nakitang si Daniel ang napukol ko. Wait? Eto yung bodyguard ni Alas na kasa kasama niya!! Ohh myyyy
Tumakbo papalapit sa akin si Timothy. "May narinig akong nabasag!" lumingon ito sa ilalim at nakitang nakahiga si Daniel habang hinihimas ang kaniyang ulo "What the hell?! Abcidii si Daniel iyon! Ang head ng Palace Security!" tarantang sabi niya.
Nahuli na si Jonas kasama ang kaniyang girlfriend. Nasa labas na kami ngayon noong bahay kung saan dinala si Alas.
Kasama ko si Timothy pati na din si Daniel.
"Sorry talaga Daniel. Akala ko kase ikaw si Jonas" sabi ko sakanya. Hindi ko naman kasi alam na siya pala iyon, ang pagaakala ko ay siya si Jonas. Tumawa naman ng malakas si Timothy. Wth? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko diba?
Napatingin ako sa ulo niya. Sht dumudugo iyon! "D-dumudugo pa din yung ulo mo!"
"Natrained si Daniel para labanan ang kahit na pinaka masakit na sakit. Kaya wala lang sakanya iyan. Kahit na saksakin mo siya ngayon ay wala lang ito sakanya" sabi ni Timothy habang tumatawa. Huh? May ganon ba? Napakamanhid naman yata nitong si Daniel?
Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Timothy. "Sorry talaga Daniel"
"You just got hit by a girl, Daniel. First time?" saka siya ulit tumawa. Nababaliw na talaga siya. Umiling naman si Daniel at tumatawa na din. So seryoso talaga iyon? Napaka manhid naman niya. Penge nga Daniel para kahit masaktan ako di ko rin maramdaman. Hehe
..
Pero naiinis na talaga ako kay Timothy "Manahimik ka nga hindi ka nakakatulong!" bulyaw ko naman sakanya at timahimik din siya.
"Sige na, mauna na ako at dadalhin ko na sa prisinto sina Jonas. Ang prinsipe ay nadala na sa may pinakamalapit na hospital para gamutin siya. Ikaw na bahala dito Master Timothy" saad ni Daniel. Tumango naman si Timothy at tumawa ulit. Crazy
Nakokonsensya pa din ako kay Daniel kahit na wala lang sakanya iyon. "Hindi ako makapaniwalang nabasag ko ang vase sa ulo niya" napakamot ako ng ulo.
"Hahaha, maaayos din yon kailangan lang ng konting tahi sa kanyang ulo then wala na"
"Abcidii, hindi ko nagustuhan yung ginawa mo kanina! Napakamapanganib ng ginawa mo, pede kang mapahamak! At hindi mo din sinasagot ang mga tawag ko" sabi niya. "Im sorry" sabi ko at tumingin sa baba.
"Please lang wag mo nang gawin ulit iyon Abcidii. Hindi ko alam ang gagawin ako kapag nasaktan ka"
Third Person Pov
"Ano?! Nakidnap si Lewis?!" sigaw ng hari sa sa kaniyang kausap sa Telepono.
"Naospital siya?! Osige ikulong niyo ang mga kriminal na iyon! At ako mismo ang pupunta para harapin sila!" sabi nito.
"Geneva!" tawag niya sa Reyna. Lumapit naman ito sa kaniya. Humugot siya ng lakas para sabihin ito sa Reyna "Nakidnap si Lewis at-" hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang mahimatay ang kaniyang asawa.
"Gina nahimatay ang Reyna! Tumawag ka ng Doctor!" tawag niya kay Gina.
Maraming bodyguard ang nakabantay sa labas ng kwarto ng Prinsipe.
Nakadating na ang Reyna at Hari kung saan dinala si Prince Lewis.
Agad namang lumapit ang doctor sa kanila at nagbigay ng paggalang. "Your highness"
"Kamusta ang prinsipe?" tanong ng hari. Umiiyak naman ang reyna
"Ang prinsipe ay nagkaroon ng sprain sa kaniyang kaliwang paa at mayroon din siyang mga sugat at pasa sa mukha. Ayos naman ang prinsipe" sabi ng doctor.
Napanatag naman ang hari ng marinig iyon "I demand for the best medical attention available in this hospital for the Crown Prince! Hindi issue ang pera dito!" sabi ng Reyna. Tumango naman si Doctor Yuzon. "Oh my poor prince" nagsimula namang umiyak ulit ang reyna.
"Thank you Dr. Yuzon" sabi ng Hari. "We would like to see our Son now" iginaya naman ni Dr. Yuzon ang Hari at Reyna sa kwarto ng Prinsipe
"Siguraduhin mong walang makakapasok dito kundi kame lang at ang mga medical team ng ospital na ito" maawtoridad na utos ng Hari sa mga nagbabantay kay Alas.
Nakahiga si Alas at tahimik na natutulog "My baby!" hagulgol ng Reyna. Hinaplos naman ng Hari ang likod ng Reyna upang pakalmahin ito.
Iminulat ni Alas ang kaniyang mata agad naman siyang niyakap ng Reyna. "Muntik akong atakihin sa puso ng sinabi ng mahal na hari na nakidnap ka! Akala namin ay mawawala kana sa amin!" tumawa naman ng mahina si Alas "Im alright now, Mom"
Umiling ang Reyna. "Sa oras na makita ko ang may sala nito ipapapatay ko sila!" matapang na banta ng Reyna.
.
It seems as if she doesn't know the identity of the kidnapper. Sabi ni Alas sa kaniyang pagiisip. Napailing nalang siya
"How dare they lay a hand on the Crown Prince! Sana mabulok sila sa impyerno! Sana-" sigaw ng Reyna. Nagulat naman si Alas doon. Biglang nagring ang telepono ng Reyna.
Queen Geneva: [Im middle of something, Gina]
Gina: [Your highness, may mahalaga akong sasabihin sa iyo]
Queen Geneva: [Ano iyon?] takang tanong nito
Gina: [Baka gusto niyo pong humanap ng ng lugar na walang tao]
Nagpaaalam naman ang reyna para lumabas ng kwarto. Natawa naman ang mag ama sa inasta ng Reyna "Drama Queen din iyang Mama mo Lewis"
"Natatandaan niyo pa po ba noong nahulog ako sa isang swing noong bata palang ako?" tanong ng Prinsipe sa hari. "She ordered for the entire playground to be demolished" sabay naman silang natawa doon.
"Masaya ako at nakakapagbiro ka na ng ganyan Son, hindi man ako kasing drama bg iyong ina pero nagalala din ako"
"Im sorry I made both of you so worried"
"Hindi ko pa nakakausap si Daniel tungkol dito pero paanong nakuha ka ng mga kidnapper na iyon? The palace guard are supposed to be protecting you 24/7"
"Timothy and I ditched them...."
"Timothy Redmond, hindi ko gaanong gusto ang lalaking iyon. Napakabad influence niya sa iyo. Tinuruan ka niyang magcut ng klase noong highschool pa kayo at hindi lang ito ang unang beses na iniwan mo ang iyong mga bodyguards dahil sa kaniya."
Queen Geneva: [Ano ba iyon Gina?]
Gina: [Ang taong kumidnap sa mahal na Prinsipe ay si Jonas Gonzales, yung lalaking hinire mo para papagpanggapin na boyfriend ni Abcidii"
Nagulat ang Reyna sa sinabi ni Gina
Queen Geneva: [S-sigurado ka?]
Gina: [Yes...]
Queen Geneva: [At bakit naman niya kikidnapin si Alas? Hindi iyon kasama sa plano! Wala dapat makaalam dito Gina! Hindi niya dapat ako isumbong sa mga pulis! Siguraduhin mo lang kung hindi tatanggalan kita ng trabaho!] sa sobrang inis ng Reyna ay pinatay na niya ang tawag.
Lumapit ang Hari sa kanya "My Queen"
Nanlaki ang mata ng reyna sa gulat. "K-kanina ka pa ba diyan?!"
**
Dont forget to vote, if you like this chapter :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro