Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Abcidii Pov

Papatunayan kong inosente ako, yun nalang ang dapat kong gawin. Binuksan ko ang aking laptop at nag log in ako sa aking facebook at sinearch ang pangalang Jonas Gonzales.





Hindi ko alam kung saan ito pero andaming mga iba't ibang abandonadong truck at sasakyan. Ito na siguro ang address niya. Tignan mo lang Jonas at ipapakita ko sa buong mundo ang kasinungalingan mo!


May nakita akong dalawang lalaki sa aking harapan. Nakalikod sila pero alam kong si Alas iyon. Anong ginagawa niya dito?


"Look Timothy! That Jonas douchebag is making out with other girls!" rinig kong sabi ni Alas. So si Timothy pala yung kasama niya?



"We can video that, so that Abcidii's reputation will be saved! Did you bring your phone?"


Nagulat namab si Timothy "Huh?! Akala ko dinala mo yung cellphone mo?" good timing ka talaga Abcidii! Nice one!



Lumapit ako sa kanila may maganda akong idea! Nagtataka nila akong tinignan pero binaliwa ko nalang iyon "May dala akong cellphone!" binuksan ko naman ito nag nagumpisang mag live stream.



Third person pov


"Maaari na nating iwan ang lugar na ito sa oras na magbayad na ng milyon ang babaeng iyon!" sabi ni Jonas sa kanilang girlfriend. "Nagpanggap lang ako bilang boyfriend kuno nung Abcidii na iyon at ngayon ay milyonaryo na ako!" lumapit siya ng kaunti sa babae "Tignan mo instant celebrity pa ako!" pagmamayabang nito. Sabay naman silang tumawa. "Lumapit ka nga dito, namiss ko ang totoo kong girlfriend!" hinila niya ang babae palapit sa kaniya at nagsimula na silang maghalikan



This is just in! Napatunayan na, na totoo ang sinasabi ni Abcidii Harridan! Nakatanggap kami ng live video na nagpapakita na ang Jonas Gonazales na iyon ay may kahalikang ibang babae at tinawag niya pa itong totoong girlfriend niya! Maraming nakapanood sa live video na iyon. Let's take at it now!




Kasalukuyang nakatutok ang Mahal na Reyna sa Television.



"Ahhhhhh!" nanggagalaiti siya sa galit. Dahil palpak ang kaniyang plano upang iframed up si Abcdii.


Abcidii Pov


"Nasend ko na iyon sa online" sabi ko sa dalawa. "Yesss!" sabay nilang sabi at medyo napalakas pa ito. Oh noes!




"May narinig akong ingay!" sabi nung girlfriend ni Jonas. Sht what to do?!




"Sinong nandiyan?!" sigaw ni Jonas.




"TAKBOOOOOO!" sigaw naman ni Timothy agad kaming tumakbo pagkasabi niya non.




"Sht nakita nila tayo!" hinabol kami ni Timothy.




Patuloy lang kami sa pagtakbo at nasa likod lang namin si Jonas! Napapagod na ako masakit na din ang aking mga paa! "Dali tara sa likod ng building!" tinuro naman iyon ni Timothy at sinundan ko lang siya.



Tumigil si Jonas sa pagtakbo. "Fuck, nasaan na sila?!" sigaw niya. "Siguro sa ibang daan sila pumunta!" buti nalang at hindi niya kami nakita!





"Ang bobo mo! Wala na siya!" sabay kaming tumawa ni Timothy. T-timothy?!




"T-teka?! Nasaan si Alas?!!" tanong ko. Sht wala siya! Nanlaki ng mata di Timothy. "Patay! Baka sa ibang direction siya pumunta!"



"kailangan natin siyang hanapin! Paano kapag nakita siya ni Jonas?!" natataranta na ako!



"Let's go!" tumakbo kami agad sa kabilang direction.



Makalipas ang ilang oras




"Saan kaya siya napunta?!" tanong ko kay Timothy. Ilang oras na ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay hindi pa din namin siya nahahanap.




Nagdidilim na din at napunta na kami sa may bandang masukal na lugar sa truck site. Kung hindi ako nagkakamali papunta na ito sa gubat
.
.





Nasapo naman ng ulo si Timothy "Hinanap na natin ang lahat ng sulok ng lugar na ito pero hindi pa din natin siya nakita! Kailangan natin siyang hanapin!" sabi ni Timothy. Kung ano ano na din pumapasok sa isip ko, paano kung nakuha na siya ni Jonas?




"Sa tingin mo ba ay nakita na siya ni Jonas?!" tanong ko. "Hindi ko alam"





Bumuntong hininga ako "Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" tanong ko. "Alam ko hindi ito ang tamang panahon pero....  Ako si Timothy Redmond. Anak ni Bernard Redmond, ang advisor ng hari ng Apethorpe. Gusto naming patunayan na inosente ka. IKAW anong ginagawa mo dito? No offense ah? Pero ikaw ang sumira ng plano namen" pinanliitan ko siya ng mata. So kasalanan ko pa pala ang lahat ng ito?

"Nalaman ko kung saan nakatira si Jonas kaya naisipan kong paaminin siya! Hindi ko naman alam–" napayuko ako. Siguro nga, siguro nga kasalanan ko ito. Kung hindi siguro ako dumating ay hindi magkakaganito ang sitwasyon ngayon.








Dinukot nu Timothy ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa. At may diniall na number.


Timothy: [Daniel, nawawala ang Prinsipe] sabi nito.



Daniel: [.............]


Timothy: [Tipunin mo ang mga guwardiya at pumunta kayo dito sa may truck site sa bandang west side ng Apethorpe] seryoso niyang sabi.

Daniel: [.............]



Timothy: [Kanina pa siya nawawala, sinubukan ko na din siyang hanaoin pero wala talaga]




Daniel: [.............]






Timothy: [Just cut the crap! Papuntahan mo na dito ang mga guwardiya ngayon na!] maatowridad niyang sabi. Pati ako ay natakot din. [Make sure na hindi maaalarma anh Hari at Reyna] pagkatapos non ay pinatay na niya ang tawag



Humarap siya sa akin at huminga ng malalim. "Abcidii, hahatid na kita sa inyo. Oras na hindi ka safe dito lalo na't gabi na. Ang mga guwardiya sa palasyo ang magpapatuloy sa paghahanap kay Lewis" nababaliw na ba siya? Hindi ko kayang gawin iyon!





"Hindi ako aalis hanggat hindi nahahanap di Alas! Pumunta kayo dito para tulungan ako, hindi ki naman siya kayang iwan dito lalo na't nasa panganib si Alas!" sht naiiyak ako!






Umiling naman siya "Tumawag na ako ng mga guwardiya sa palasyo. Wala na tayong magagawa kundi hintayin iyon. Kaya mas maganda kung hahatid na kita sa inyo para makapagpahing kana"






Bago pa siya makapag salita ulit ay tumakbo na ako ng mabilis. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy nalang ako sa pagtakbo.






Nagtatakbo ako hanggang sa makapasok ako sa gubat. Sht di ako familiar sa lugar na ito baka maligaw ako!






Sumasakit na ang paa ko pero patuloy lang ako sa paghahanap. Tumingin ako sa pagligid at may nakita akong isang bahay na sira sira. Pero imposible naman na may nakatira doon kase napakalayo na nito sa siyudad at medyo sira sira na din ito.

"NABABALIW KA NA BA?!" nakarinig ako ng sigaw mula doon sa bahay. Lumapit ako ng kaunti doon.




"Ayos pa kung gumawa ka ng krimen pero kikidnapin mo ang Crown Prince ng Apethorpe? Nasisiraan ka na ba Jonas?! Pede tayong makulong ng panghabang buhay!" nandito si Alas! Nasa loob siya ng bahay.






"Nagpanic ako babe! Hindi ko na alam ang gagawin ko kanina noong nanlaban siya kaya nasuntok ko siya ay ngayon ay wala na siyang malay" W-walang m-malay si Alas?





"P-p-patay na ba s-siya?"  tanong nung babae. No! Hindi pwede! "H-hindi ko a-alam!" sabi nung Jonas na mukhang kinakabahan din base sa tono ng pananalita niya.






"Anong gagawin natin niyan babe? Natatakot na ako!" sabi ng babae.




"Maraming taon ng abandonado ang bahay na ito. Walang makakahanap sa kaniya dito" natataranta ako sa mga pinaguusapan nila! Paano kung napatay nga nila si Alas?!




Lumabas sina Jonas mula sa bahay at agad naman akong nagtago "Umalis na tayo dito"




Kailangan kong iligtas si Alas! Pumasok ako sa bahay.



Pagpasok ko dito ay nakita ko si Alas na nakahandusay sa sahig at may pasa siya sa mukha "Alas!" sigaw ko. Lumapit ako sakanya. "Alas! Gising!" hindi pa din siya gumagalaw o gumigising man lang.




"Alas!" tawag ko ulit sa kaniya. Hindi ko alam kung humihinga pa siya!



Napagdesisyonan kong i mouth to mouth resuscitation siya. Bahala na!





Sht wala pa rin! Ginawa ko ulit iyon pero wala pa din! Naiiyak na ako. "Kasalanan ko ang lahat ng ito! Pasensya na ....  kung nagalit ako dahil hindi moko ......  pinagkatiwalaan. Bat ba ang tigas ng ulo mo?! Anong klase .......  kang prinsipe at gumawa ...... ka ng hakbang na ...... ganyan?! Wala ka bang bodyguard ..... para gawin iyon sayo?" patuloy lang ako sa pag iyak. "Hindi mo naman kailangang gawin..... iyon para sa akin, stupid!" doon bumuhos lahat ng emosyon ko.





Iminouth to mouth resuscitation ko ulit siya pero this time naramdaman kong gumalaw ang kaniyang labi. Nanlaki ang aking mga mata. Tatayo na sana ako ng hinila niya ako at nakahiga na din ako katabi siya, nakapatong ang kaniyang mga kamay sa aking tiyan kaya hindi ako makakilos.

Pinilit kong umiwalay sakaniya "A-alas g-gising ka?!" gulat na tanong ko. Napahawak ako sa aking labi.




"Let me lay down for a while" sabi niya. Hinang hina siya habang sinasabi iyon.




"Alas! Are you alright?! How could you trick me like that?!" sigaw ko. Nakakainis siya! Nagalala ako akala ko ano nang nangyari sakaniya!




"Sorry my princess, you looked too cute" hinampas ko naman siya ng mahina sa kaniyang braso. Nakakainis siya nakuha niya pang magbiro ng ganito!



Tumayo ako, kailangan kong tawagan si Timothy. Pagbukas ko ay may nakita akong 10 missed call galing sa kaniya. Agad ko siyang tinawagan.




Abcidii: [Timothy? Nakita ko na siya! Nandito kami sa may abandonadong bahay sa gubat]





Timothy: [Abcidii Harridan! Tinakot mo ako noong umalis at tumakbo ka! Daniel is here. Saan banda iyang Bahay?]




Abcidii: [Hindi ko alam. Nagtatakbo lang ako sa gubat hanggang sa makita ko ito.]





Timothy: [Okay... Papunta na kami]





"Nahulog mo ang hikaw mo sa abandonadong bahay na iyon?" rinig kong sabi nung lalaki sa labas. T-teka lang? S-si Jonas yun ah?!





Nakabalik na sila! Anong gagawin ko. Tumingin ako kay Alas.








"I can't move"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro