Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

•This chapter is dedicated to sweetiee_j thank you for reading my story :) Lovelots!

Third Person POV

Pumunta ang Prinsipe sa Royal Office dahil pinatawag siya ni Bernard.

"Your Highness" bati ni Bernard sa kanya. Yumuko ito upang magbigay ng paggalang. Si Bernard ang kanang kamay ng hari "How's your day Mr. Redmond?" magiliw na bati ng Prinsipe sakanya.



"Ayos lang po ako, Your Highness"


"When will you cut with the formalities, Bernard? Halos nasubaybayan mo na ang aking paglaki. You're like a second father to me" Nabigla naman si Bernard sa sinabi ng prinsipe. "Nako mahal na prinsipe! Kapag narinig kayo ng hari siguradong mawawalan ako ng trabaho" napailing naman ang Prinsipe sa sinabi nito saka tumawa.

"So why did you call me? What's the matter?" tanong ng prinsipe ng may pagtataka. Alam ng prinsipe na hindi niya ito papatawag ng basta basta sa Royal Office kung hindi naman mahalaga ang kanyang sasabihin.


Huminga ng malalim si Bernard "May balita ako tungkol sa kasal, at sigurado ako na hindi niyo magugustuhan"




Abcidii Pov

Hay kailangan ko nang pumunta ng skwelahan! Nagsuot ako ng shades na medyo malaki para kahit papaano ay hindi nila ako makilala at para hindi ako masundan ng mga paparazzi.

Nabigla ako ng biglang sumigaw si Mama "Sino ka?! Saan mo dinala ang anak ko?!" sigaw niya at agad na tumawa wews akala ko naman ano na. "Mama naman e!"

Lunapit siya sa akin habang tumatawa "Sa tingin mo ba anak walang makakakilala sayo niyan? Hindi sapat yang salamin" ayy sabagay may punto siya. Napahawak ako sa aking batok. "Paano po ako makakapunta ng skwelahan ng walang makakakilala sa akin?" tanong ko. Kawawa naman ang mga estudyante ko baka wala na silang matutunan.


"Alam mo anak nacucurious lang ako. Anong pinagusapan niyo ni Prince Lewis kagabi?" tanong niya bigla at mukhang kinikilig. Luh? Chismosa si mader! Hihi.


"Ganito kasi yon Ma– naisip ko naman yung napagusapan namin nung gabing iyon.

Flashback

"So gusto mong magpanggap tayo na mahal natin ang isa't isa?" tanong ni Alas. Napaisip naman siya sa sinabi ko.


"Alam kong kabaliwan lang ito pero sa tingin ko naman ay gagana tong plano ko" sabi ko. Tumingin naman siya sa akin ng may halong pagtataka. "Mananatili ka bilang prinsipe at makakamit ko din anh aking kalayaan pag natapos na ito..... Sana" natawa naman siya sa sinabi ko. Hala? Pangit ba yung plano ko? Nakakainis siya!

"Wala dapat makaalam na nagpapanggap lang tayo. Kailangan maging makatotohanan ito para maniwala sila." sabi niya. Tumango naman ako. Wow feeling ko exciting to!!

End of flashback

"So ano ngang nangyari?" tanong ni Mama.

"Tinanggap ko po ang kasal. Pero magpapanggap lang kami Mama" nagulat naman siya sa sinabi ko. Naks napaka bright talaga ng idea ko! Pati si Mama nashoshock! Hehe.



"Mukhang mabait namab si Prince Alas, kaya hindi siya dapat maalis sa kanyang trono nang dahil lang sa hindi ako pumayag na magpakasal sa kanya. Pero sa oras na mawala na ang issue ay gagawa kami ng paraan para maghiwalay" napaisip naman si Mama sa sinabi ko.

"So yun talaga ang gusto mo anak?" tanong nito ulit. Tumango naman ako. Sigurado na ako sa desisyon kong ito. "Gawin mo ang sa tingin mo ay tama anak, matanda kana nasa tama kanang gulang para magdesisyon sa sarili mo. Nandito lang ako" hinaplos niya ang aking braso. Ayieee nakakatouch naman. Niyakap ko naman siya. Buti nalang andito si Mama ang swerte ko dahil siya ang Mama ko.

May kinuha si Mama sa drawer. Sinuot niya sa akin ang isang malaking sombrero natakpan naman ang aking mukha. "Oh diba mas maayos" hinalikan ko sjya sa pisngi at nagsimula na akong umalis.


Nandito na ako sa skwelahan. Sht andaming mga taga media. Anong meron?! Hayyy sana makayanan ko ito!








At doon nagtatapos ang aming happily ever after!









(A/n joke lang hehe :v)

Third Person Pov

Kasalukuyang nasa isang showbiz interview ang Mahal na Prinsipe.

"Welcome back sa isang segment ng Apethorpe Talks! Na kung saan ibibigay namin sa inyo ang mga latest updates ng inyong mga paboritong celebrities!.... Ang ating super special guest ngayon araw ay ang nagpapatibok sa ating puso simula pa noong siya ay bata palang! Let's welcome the Crown Prince of our beautiful country! Prince Alastair Lewis Markinswell!"

Kumaway ang Prinsipe sa mga manonood. Nagsimula namang magtilian ang mga tao lalong lalo na ang mga babae.

"Your highness, ang buong Apethorpe ay nabigla noong lumabas ang isyu tungkol doon sa pagpapakasal mo. How are you and Abcidii dealing with this?" seryosong tanong nang interviewer sa Prinsipe. Tumawa naman si Alas.

"Me and Abcidii are friends for a long time ago and I think—"

"Anon pong ibig niyong sabihin, Your Highness?" tanong nito muli.



"She's a really nice girl so ... who knows what our future hold?" masayang sabi ng Prinsipe.


"Teka lang, Your Highness. Naguguluhan ang lahat. Is that a confession?" nagbulungan ang lahat sa set pati na ang mga manonood ng show. Ngumiti lang ang Prinsipe.

Abcidii Pov

Abcidii: [Anong ibig sabihin non?! Umamin ka sa akin?] sigaw ko sakanya sa kabilang linya. Pagkakita ko noong interview niya ay agad ko siyang tinawagan. Nababaliw na ba siya? Hays anong pinagsasabi niya?!


Alas: [Is it romantic?] Tanong niya. Romantic ba iyon? Jusko oo Abcidii! Biro mo isang tao ang umamin sa iyo sa isang national television! And take note! Ang prinsipe pa ng Apethorpe iyon. Haba ng hair

Abcidii: [Konti] naks Abcidii may pakipot effect ka pang nalalaman ah. Natawa naman siya sa sagot ko.

Alas: [Glad you like it] Sus mas mabuti sana kung totoo yun edi sana mas lalo akong kinikigin! hahhaa char! [... And It'd make our relationship believable] tama siya ginawa niya lang iyon para makumbinsi niya ang publiko na totoo ang aming relasyon, wag kang assuming Abcidii! Nakakamatay. May kung anong kumirot sa puso ko.

Alas: [Anyways let's date tomorrow] muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko. A-ano daw?! D-date?! Chill Abcidii! Wag kang Oa baka masaktan ka lang. Okaya baka mali lang narinig mo okay?

Abcidii: [D-date?] tanong ko. Para makasigurado diba?

Alas: [Yes.] agad niyang sagot. Seryoso ba siya? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sht ano ito?! Sa sobra kong gulat ay napatay ko ang tawag. Halaaaa

**
Dont forget to vote, if you like this chapter :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro