Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOUGE

Avys sey's: Ayon, ang seryeng ito ay pangalawang serye ng Marrying Series. Ang nobelang ito ay mayroon din namang mga spoiler galing sa unang serye (MAS) na kung hindi niyo pa nababasa, feel free to read it.

Ang ibang characters sa MAS ay lilitaw din dito. Pero kahit gan'on, pwede mo parin ito basahin kahit hindi binabasa 'yon, kung nabasa mo na 'yon, may background ka na sa mga karakter na lilitaw dito. Ayon lang. (As of October 2021, and naunang bersiyon ng librong ito ay napalitan na ng bago.)

This is @Leanna_Avys, signing in as your writer. I own the copyright. Plagiarism is Crime.

Title: Marrying The Badass Princess

Sub-Title: His Lady Silver

Date Officially Started: April, 06, 2021

PROLOGUE

PADABOG na ibinagsak ni Sky ang baril sa mesa sa hapag-kainan. Naroon ang kaniyang ama at ang kaniyang bagong asawa. Wala pang dalawang taong mula ng mamatay ang dating reyna ngunit mayroon na agad itong kapalit na ikinagalit ni Sky sa kaniyang ama. Hindi sa hindi niya matanggap ngunit hindi maganda ang kutob niya sa bagong nobya ng ama.

“Sky! Ano na naman ito? Respetuhin mo naman kami ng Tita Elaine mo,” sambit ng kaniyang ama.

“Daddy, para saan pa? Bago mo ako turuang irespeto iyang bago ko, puwede bang tantanan niya muna ako?”

Bumuntong-hininga ang ama ni Sky. Simula ng manirahan ang bagong nobya ng ama niya ay hindi na nakatulog ng maayos si Sky dahil sa sunod-sunod na pambubulabog nito sa kaniya. Ang habol nito ay walang iba kung hindi ang mamanahin niya trono.

“You're being paranoid, Sky. Paano ko magagawang saktan ang pinakamamahal mong anak, Theodore?”

Inirapan na lang ni Sky ang madrasta at saka umalis sa dining hall. Dumiretso siya sa kaniyang silid upang magpalit ng damit. Una niyang tinanggal ang kaniyang makapal na jacket. Kitang-kita niya sa salamin kung paanong binasa ng dugo mula sa kaniyang sugat sa balikat. Habang siya'y nasa labas ng museo ay mayroong isang lalake ang nagtangkang patayin siya. Mabuti na lamang at mabilis siya at alerto kaya naman hindi siya napuruhan ng husto.

“Can't believe it's happening again,” hindi makapaniwalang aniya sa kaniyang sarili.

Nalilito na rin siya kung iyo bang mga nangyayari sa kaniya ay dahil sa pagiging agent niya o dahil sa pagiging tagapagmana niya. Halo-halo ang mga responsibilidad na nakapatong sa kaniya ngunit ang lahat ng ito ay para sa bansang ipinaglalaban niya and she knows that it is worth fighting for.

Maya-maya pa ay dumating ang kaniyang maid slash kaibigan. Bata pa lang siya nang dumating si Janna at sabay silang lumaki sa palasyo. May dala itong mga gamot.

“Magandang umaga, Lady Sky,” bati nito sa kaniya.

Marahang naglakad si Sky patungo sa sofa katapat ang veranda niyang bukas. Sinundan siya doon ni Janna bitbit ang medicine kit at first aid.

“Please excuse me,” ani Janna.

“Anong gagawin ko, Janna? Bakit para bang habang tumatagal lalong nagiging delikado? Paano kung sa susunod ay hindi na lang ako ang puntiryahin at pati na rin si Daddy? O kayo?”

“Huwag kang mag-alala, Lady Sky. May tiwala kami sa kakayahan mo, alam naming hindi mo kami pababayaan,” sagot naman ni Janna.

Tahimik na nililinis ni Janna ang sugat sa kaniyang balikat nang mag-ring ang telepono ni Sky. Iniabot iyon ni Janna dahil nasa likuran niya ito, sa may lamesa.

Incoming call. . .
Minister Julio

“Minister,” sagot ni Sky.

“Princess Sky! Nabalitaan namin ang nangyari sa 'yo mula sa hari, kumusta ka? Anong dahilan nito?”

Napapikit na lang siya. O kay bilis naman talaga kumalat ng balita.

“Ayos lang ako, Minister. Kaunting gasgas lang ito, it's nothing like life threatening. It's nothing like that.”

“Hindi kami papayag, Princess. Dapat ay nasa mabuti kang kalalagyan palagi. Dapat ay lagi kang bantay sarado. Lalo na ngayon at hindi ka pa opisyal na nakoronahan bilang opisyal na tagapagmana. Alam mong madami ang nagnanais ng trono. Huwag mo sana hayaan na mailagay sa peligro ang trono.”

These officials are nothing but hypocrites. Akala mo lang ay may pake sila sa 'yo ngunit pagdating ng sakit at karamdaman, hindi sila lilingon sa 'yo. They are after the throne like everyone else. Natuto na siya, sa loob pa lang ng palasyo ay magkakamatayan na para sa trono.

“Thanks for your concern, Minister. I will keep these in mind,” aniya at pinatay ang tawag.

“Tapos na po, Lady Sky.”

“Salamat, Janna.”

Janna then prepares her bath like always while Sky looks for her clothes. Kumuha siya ng na puting polo na may bishop sleeves, asul na sailor pants, at puting three-inches stilettos. Nang mailabas niya mula sa walked-in closet ang kaniyang damit ay tapos na rin si Janna.

“Find my moss agate ring and my crystal watch, the one that the late queen owns,” aniya kay Janna.

Agad naman sumunod si Janna. Nagtuloy na sa banyo si Sky. Inilublob niya ang kaniyang buong katawan sa bathtub habang nagiisip. Ang totoo niyan ay galing siya sa isang mission bilang isang secret agent. Dinala niya sa isang isla ang lalaking misyon niya at sa pag-uwi niya ay nangyari ang pambabaril sa kaniya. Between her life as a princess and a secret agent, she would choose the latter.

Siya bilang si Agent Silver ay hindi maitutumbas sa buhay niya bilang isang princesa ng bansang Trivinia. Bilang si Agent Silver, kaya niyang pabagsakin lahat, kilala niya ang kalaban, alam niya kung paano tapusin ang laban. Ngunit bilang Lady Sky, walang kahit isang nakapalibot sa kaniya ang alam niyang mapagkakatiwalaan niya, not even the King.

Everyone wants her dead, everyone wants her head, but she is Sky, she is above them. Kaunting tiis na lang, ang misyong isinagawa niya kanina ay ang huling misyong gagawin niya bago siya magretiro at resolbahin naman ang problema ng palasyo, ng trono, at ng bansa.

Hinihintay na lang niya ang tawag ng ahensiya sa kaniya. Pagkatapos nito ay pupunta siya roon para sa opisyal na pag-alis niya. Once this mission is marked as mission accomplished, she can now fully divert her attention to Trivinia. Lumabas siya ng banyo ng naka-towel. Wala roon si Janna at nasa kama ang kaniyang damit kasama ng singsing at relo. Isinuot niya ang mga ito saka nag-ayos ng mukha at buhok.

She looked at her self in the mirror. A princess whose one step away from the crown, one step away to be called the queen.

Ngunit bakas sa kaniyang mukha ang kaniyang pagkadismaya ng marinig ang galit na boses ng kaniyang senior mula sa ahensiya.

“What went wrong, Agent Silver? I told you to bring the leader! Not a random man from the street! Who the hell is this man, Agent Silv? You got the wrong guy!”

Fuck. Aniya sa kaniyang isip. WHAT THE FUCK!

To be continued. . .









🥀Before proceeding to the next chapter. Kindly, VOTE and leave a COMMENT OR A PURPLE HEART. For more updates you can follow me! Kamsahabnida!

Leanna Avys | Lady_Avys

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro