•MMP 7•
Kahit pinipigilan kong umiyak ay tumulo pa din ang mga luha sa mata ko nang makita ko si nanay na nakahiga sa kama at nakaoxygen. Inabutan ako ni Sir Albert ng panyo. Kinuha ko iyon at pinunasan ang luha ko.
"I'll be outside Nazli."
"Salamat Sir Albert."
Naglakad ako palapit kay nanay. Akala ko tulog ito, pero itinaas nito ang isa nitong kamay na para bang kinakawayan ako palapit sa kanya.
"Nay."
Lumapit ako sa kanya at yumakap. Lalong bumuhos ang luha ko. Tinanggal ni nanay ang oxygen mask nya.
"Bakit ka umiiyak Nazli. Lalo kang papangit nyan."
Pagbibiro nya sa akin. Palagi kasi nya akong sinasabihang papangit kapag umiiyak ako simula pa noong bata pa ako. Likas na kasi kay nanay ang pagiging mapagbiro.
"Nay naman eh."
Ngumuso ako. Kahit nanghihina ay pinunasan nya ang mukha ko. Malamig ang kamay ni nanay. Kinuha ko iyon at hinawakan ng mahigpit.
"Magpagaling ka nay. Di ba magmamartsa pa ako sa PICC?"
Wika ko. Kung tatamaan man ako ng kidlat ngayon ay wala akong pakialam, ang mahalaga ay mapasaya ko ang nanay ko.
"Kaya nga magpapagaling ako. Makikinig ako sa doktor ko kasi makikita pa kitang aakyat ng entablado. Hindi ba iyon ang pangarap namin ng ama mo."
"Opo. Kaya magpagaling ka nay ha? Ipangako mo yan sa akin."
"Pangako anak, makikinig na ako sa doktor ko."
Niyakap ko nanay. Hinintay ko syang makatulog bago ako lumabas ng kwarto nya upang kumuha ng gamit.
Nagulat ako nang lumabas ako ay nandoon pa din si Sir Albert, nakaupo ito sa bench sa labas ng ICU. Nag-angat ito ng tingin nang mapansin ang presensya ko.
"Sir Albert, hindi pa po kayo umuuwi?"
Tanong ko sa kanya. Napansin ko na wala na sila Grace at ina nito sa labas.
"Kung hinahanap mo ang kaibigan mo, she already left, hindi na sila nakapagpaalam dahil ayaw nilang makaistorbo sa inyong mag-ina."
Paliwanag ni Sir Albert na tila bang nabasa ang nasa isip ko. Tumango na lang ako.
"Uhm, I talked to your mom's doctor, he said that lumalala ang kalagayan ng nanay mo, kailangan nyang sumailalim sa coronary artery bypass surgery."
Wika ni Sir Albert sa akin at pinaliwanag ang ibig sabihin niyon. Nagtaka naman ako kung bakit alam nya ang bagay na iyon, gayong isa lang naman syang Psychology professor sa university namin.
"Teka sir, bakit alam nyo po ang gagawin kay nanay?"
"Oh, uhm, I'm actually a doctor here Nazli."
"Po? Doktor kayo?"
Hindi ko makapaniwalang sambit. Seryoso? Doktor si Sir Albert? Napakamot ng ulo si Sir Albert. He looks apologetic.
"Yeah, I'm a resident psychiatrist here. So yeah, pasensya na kung di ko nasabi sayo kaagad."
"Ahh, okay lang po. Uhm, salamat po pala sa paghahatid sa akin dito."
"It's fine Nazli. You're like a sister to me, so no worries."
Bahagya nitong ginulo ang buhok nya.
"How's your mom? Tulog na ba sya?"
"Opo. Nakatulog din sya. Saan ko po makikita ang doktor nya?"
"Oh, uhm, I'll accompany you to him."
Tatanggi sana ako pero sadyang makulit ito. Nagpatawag pa ito ng nurse na syang magbabantay sa nanay ko. Sinamahan nya ako sa doktor ni nanay. Dinala nya ako sa clinic nito. Nang pumasok kami sa clinic nito ay kaagad na fistbomb ang dalawa na para bang mga teenager. Mukhang bestfriend nito ang doktor ni nanay. Dumako ang tingin nito sa akin nang mapansin nito ang presensya ko.
"Who's with you Albert? New date?"
"Loko, she's one of my student. And she's the daughter of one of your patient. The one in the ICU."
"Oh sorry, my bad. I'm Doctor Alexander Mondragon. Pleasure to meet you."
"Same here doc. Salamat po sa paggamot nyo sa nanay ko."
"She wants to know more about her mom's condition. I already told her about what you said to me earlier."
"Oh I see. Maupo muna kayo. Coffee?"
Pag-aalok nya. Tinanggihan ko iyon. Masyado na akong kabado sa maririnig ko mula sa kanya.
Sinimulan na nito ang pag-eexplain sa akin ang tungkol sa sakit ni nanay. Bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay sya namang pagsikip ng dibdib ko. Hanggang sa mabanggit nga nito ang surgery na tinutukoy kanina ni Sir Albert. Malaki-laking halaga ang kakailanganin ko maoperahan lang si nanay.
May kaunti naman kaming ipon ni nanay, hindi ko alam kung magkakasya iyon. Pero desidido akong mapaoperahan sya. Ayokong mawala sa akin si nanay. Matapos ang naging pag-uusap namin ay iisang tao lang pumasok sa isip ko. Nagpaalam ako kay Sir Albert na may pupuntahan lang ako. Gusto pa sana nya akong samahan pero hindi ako pumayag.
Bumalik ako ng campus namin at dumiretso sa opisina ni Sir Apollo. Hindi na ako kumatok at dire-diretsong pumasok sa office nya. Mukhang nagulat ito sa bigla kong pagpasok.
"Nazli."
Sambit nito sa pangalan ko. He adjusted his glasses.
"What can I do for you?"
"A-about your offer."
Napalunok ako. He stood up and close the door behind me. Napalukso ako nang marinig kong nilock nya iyon. Dinig na dinig ko ang tunog ng sapatos nya papalapit sa akin. Bawat lagutok ay sya namang pagtibok ng puso ko. Pumikit ako at nagsalita.
"I will take it."
"Are you sure with that Nazli?"
"Yes sir."
"So what's your proposition?"
Ramdam ko ang presensya nya sa likuran ko. I can sense his breathe against my skin.
"Gusto kong makita ng nanay ko na gagraduate ako. Ayokong mawala sya--"
Hindi nya tinuloy ang sasabihin.
"Mawawala? What do you mean?"
"Wala. Wag mo nang pansinin iyon."
Umiling ako. Umupo ulit si Apollo sa swivel chair nito and he took off his glasses and put it on the table.
"I can sense that there's something wrong, you can tell me about it."
Hindi mapigilang tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Apollo. His forehead wrinkled.
"Tell me Nazli."
"Nothing. Aalis na ako."
Bubuksan ko na sana ang pintuan nang humarang si Apollo.
"Not so fast Nazli."
"What do you want? Pumayag na ako sa offer mo hindi ba? Gagraduate ako at may kapalit iyon. Ano pa bang gusto mo?"
Naluluha kong sabi sa kanya. His facial expression softens.
"I want to help kung ano man ang problema mo."
"Problema ko na iyon Sir Apollo, wala ka nang pakialam doon."
Matigas kong sabi at lumabas na ng opisina nya.
Pinunasan ko ang luha ko. Bakit nga ba ako umiiyak? Matapos kong makipag-usap sa damuhong iyon ay umuwi ako upang kumuha ng gamit. Ilang damit lang ang kinuha ko dahil hindi ko pa alam kung hanggang kailan magtatagal si nanay sa ospital. Kinuha ko din ang mga passbook namin kung saan nakalagay ang halaga ng naipon namin sa bangko. Tiningnan ko iyon. Mag-iisang daang libo ang laman niyon. Kasama na doon ang ipon nila nanay at tatay noong wala pa ako. Nilagay ko iyon sa bag. Pinailaliman ko iyon ng mga damit. Isinara ko ng mabuti ang bahay namin. Nagpaalam din ako sa kapitbahay na tingnan tingnan ang bahay namin.
Bumalik na ako ng ospital. Nagjeep na lang ako. Habang nasa byahe ay naramdaman ko ang pagkalam ng tyan ko. Hindi pa pala ako nakain sa oras na iyon.
Nang makarating ako ng ospital ay dumaan muna ako ng convinient stor upang bumili ng makakain. Dinala ko iyon papuntang ICU. Nagitla ako sa nakita ko nang makarating ako ng ICU. What the hell is he doing here?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro