•MMP 16•
"Nay gising na po. Nandito na po ako."
Umiiyak na wika ko kay nanay habang nasa tabi nya ako. Nakasuot ako ngayon ng protective gown na ibinigay ni Doctor Mondragon para malapitan ko si Nanay. Nasa labas naman si Apollo dahil kapamilya lang ang pwedeng pumasok sa loob ng kwarto.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay nya. Ayoko iyong bitawan dahil pakiramdam ko kapag binitawan ko iyon ay mawawala sya sa akin. Naramdaman kong gumalaw ang daliri ni Nanay.
"Nay?"
"N-Nazli?"
Halos pabulong na tawag nya sa pangalan ko.
"Nay. Nandito na po ako. Di ko na po kayo iiwan ulit."
Tinanggal ni Nanay ang oxygen nya at ngumiti.
"Nazli anak. Gusto nang magpahinga ni Nanay."
Nanghihinang wika nya sa akin na lalong nagpaiyak sa akin. Umiling ako.
"Hindi Nay. Hindi pwede. Hindi ko kaya. Tsaka diba manonood pa kayo ng graduation ko?"
"Mapapanood naman kita. Kasama ng tatay mo. Hindi ka namin iiwan, lagi ka naming babantayan."
"Nay naman. Wag kayong magsalita ng ganyan."
"Nazli anak, mahal na mahal ka ni Nanay. Lagi mong tatandaan yan."
"Nay."
"At alam kong magiging masaya ka sa piling ni Apollo. Mabuti syang tao. Mahalin mo si Apollo anak. Katulad ng pagmamahal mo sa amin ng tatay mo."
"Patawarin mo ako Nay. Ang totoo nyan--"
"Kung ano man ang nagawa mo Nazli, pinapatawad na kita. Alam mong hindi kita matitiis."
Pagpuputol ni Nanay sa sasabihin ko. Kahit nanghihina ay pinunasan nya ang luha ko.
Tumingin si Nanay sa labas ng bintana kung saan nakadungaw si Apollo.
Makahulugang ngumiti si Nanay kay Apollo. Tumango naman si Apollo.
Kasunod niyon ang pagtunog ng heart rate monitor ni nanay at nagflat line iyon. Nataranta ako at napahagulhol.
"Nay!!"
Nagsipasukan ang mga nurse at si Doctor Mondragon sa ICU room. Pumasok din si Apollo upang daluhan ako. Parang nasa isang pelikula ako ngayon kung saan nagslow motion ang paligid ko. Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Niyakap ako ni Apollo. Pinalabas kami ng nurse habang nirerevive nila si Nanay.
"Apollo, si Nanay. Ang nanay ko."
Humahagulhol kong sabi.
"I know my love. The doctors are reviving her."
"Hindi ko sya kayang mawala."
Halos ilang minutong nirevive ni Doctor Mondragon si Nanay pero bigo ang mga ito. Nanlambot ang mga tuhod ko. Ang tanging alam ko lang ay humahagulhol ako at nagwala. Kasunod niyon ay may tumurok sa braso ko at saka nawalan ako ng malay.
***
Halos dalawang linggo na nang mawala si Nanay. Walang araw na hindi ako umiiyak. Hindi ako lumabas ng kwarto. Pinupuntahan ako ni Majho para icheck ang kalagayan ko pero hindi ako nagsasalita. Nakatulala lang ako.
Binigyan naman ako ni Sir Albert ng pampatulog upang makapagpahinga ako pero hindi ko iyon iniinom. Hindi na din ako nakakapasok sa mga klase ko. Mabuti na lang ay inexcuse ako ni Majho sa mga professor namin. Naiintindihan naman nila daw ang kalagayan ko.
Isang linggo lang ibinurol si Nanay. Nagpuntahan ang mga kamag-anak ko pero wala akong lakas na mag-entertain sa kanila kaya sila Grace at mga kapitbahay ko ang umasikaso. Nandoon si Apollo sa tabi ko at hindi ako iniwan. Hanggang sa mailibing si Nanay. Hindi nila ako iniwan. Nang araw ng libing nya ay hindi na ako umiiyak. Nasaid na ata ang luha ko sa ospital pa lang.
Matapos ang libing ay pinaayos ni Apollo ang gamit ko dahil lilipat na ako sa bahay nya. Gusto ko sanang tumutol dahil lalo akong malulungkot. Maramin kaming alaala ni Nanay sa bahay. Ang mga lambingan namin, pag-aaway paminsan-minsa. Pero masyado akong nanghihina para tumutol pa.
"Nazli."
Narinig kong kumatok si Apollo. Hindi ako umimik. May dala itong pagkain na nasa tray.
"You have to eat my love. Lalo kang manghihina kapag hindi ka kumain."
"Ayoko."
"Nazli."
"Sinabing ayoko!"
Sigaw ko at kasunod niyon ang matinding pag-iyak. Lumapit sa akin si Apollo at niyakap ako.
"Si Nanay, Apollo, ang Nanay ko."
"I know. Hush now. I'm sorry that I didn't keep my promise. I'm really sorry Nazli."
Gusto ko syang sisihin sa nangyari kay Nanay, na sana hindi ako pumayag sa pagsama sa kanya sa Las Vegas. Na hindi sana ako pumayag sa proposal nya. Na sana hindi ko sya minahal...
Pero sino ba ako para manisi ng ibang tao. Hindi naman si Apollo ang pumatay kay Nanay kundi ang sakit nya. Tumakbo ako papuntang veranda, hinabol naman ako ni Apollo.
"Nazli!"
Nahawakan ako ni Apollo sa bewang.
"Bitawan mo ako Apollo! Hayaan mo na ako!"
"No Nazli! You will not kill yourself!"
"Wala na si Nanay, wala ng dahilan para mabuhay pa ako!"
"No Nazli! Sa tingin mo ba gugustuhin ng Nanay mo na nagkakaganito ka?"
Natigilan ako. Lalo akong napaiyak sa sinabi ni Apollo. Ano bang iniisip ko.
"I know this is difficult Nazli, but you have to be strong. At huwag mong sasabihin na wala ka nang dahilan para mabuhay. Nandito pa kami Nazli, na nagmamahal sayo."
Humigpit ang pagkakayakap ko kay Apollo. Muli ay binuhos ko ang mga natitirang luha ko. Tama si Apollo. Hindi gugustuhin ni nanay na saktan ang sarili ko.
"I'm sorry Apollo. I'm sorry."
"I know it hurts so much Nazli. But you have to endure it. Malalagpasan mo din ito. I'm here Nazli. You are not alone. I'm here and Red. Kami ang magiging pamilya mo. Hindi ka mawawalan ng pamilya."
Naramdaman kong hinalikan nya ako sa ulo. Kahit papaano ay kumalma ako. Naramdaman kong may batang yumakap din sa akin. It was Red.
"I'm sorry Red."
"N-Nazli."
Parehas kaming natigilan ni Apollo. Nagsalita si Red.
"Red? Did you just--"
"Nazli."
Banggit ulit nya sa pangalan ko.
Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Iniwan man ako ni Nanay ay nagkaroon naman ako ng panibagong pamilya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro