•MMP 13•
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may pares ng mata na naka titig sa akin. Pagmulat ko ay nakadukwang sa harapan ko si Red. Nakatitig ang nga inosente nitong mata sa akin. Tinakpan ko ang bibig ko upang maghikab.
"Hi Red. Pasensya na nakatulog ako. May gusto ka ba?"
Sinuklay ko gamit ang daliri ang buhok nito. Umiling lang ito at bumalik sa paglalaro sa ipad.
Bumaling ang tingin ko sa upuan ni Apollo. Tulog na din ito. Napansin ko namang may naka balot sa aking kumot. Impossible namang si Red ang naglagay niyon. Pasimple akong napangiti at inamoy ang kumot. Shet! Kinikilig ba ako?
Bakit ka nga ba kinikilig bruha to?!
Tumayo ako at lumapit kay Apollo. Binalot ko sa katawan nya ang kumot na kanina ay nakabalot sa akin. Bahagya akong tumigil nang gumalaw ito.
"You know, ngayon ko lang syang natulog sa flight. Karaniwan kasi ay gising sya at nakaharap sa laptop nya."
Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. It was Thorn, Apollo's friend.
"Teka. Diba ikaw ang piloto? Pwede ka ba lumabas ng cockpit?"
Tanong ko sa kanya. Bahagya naman syang natawa.
"I have a co-pilot, don't worry."
"Ahh."
"So you're Apollo's girlfriend."
"Ah, ano kasi. Mahabang kwento."
Nagkakamot ulo kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung pwede ko ba sabihin sa kanya ang set-up namin ni Apollo.
"Hey chill, I know what's going on between the two of you."
"Alam mo?"
Di ko makapaniwalang sabi.
"Yes."
"Oh okay. Pero teka? Paano mo nalaman?"
"Sikretong malupit."
"Hala sya."
Iyon lang maging reaksyon ko. Nagulat kaming parehas nang magsalita si Apollo.
"Thorn, stop messing with Nazli."
Teka? Kanina pa ba ito gising?
"Opps. Gotta go kids."
Natatawang wika ni Thorn at bumalik na sa cockpit. Naiwan naman akong nakatayo sa tabi ng upuan ni Apollo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Babalik na sana ako sa pagkakaupo nang hawakan ni Apollo ang kamay ko.
"Did you slept well?"
"Ah ano. O-oo. Okay naman."
Nauutal kong sabi sa kanya.
"Babalik na ako sa upuan ko."
Wika ko. Binitawan naman nya ako. Pinilipit kong itago ang kabang nararamdaman ko. Pasimple akong tumingin sa kanya at laking gulat ko nang makita kong nakatitig sya sa akin. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagkikipag laro sa ipad ni Red.
Halos disisyete oras ang flight namin papuntang Los Angeles. Nang makalapag ang learjet ni Apollo ay sya naman katutulog lang ni Red kaya karga karga ko sya. Gusto sana syang kunin ni Apollo ngunit ayaw kumawala sa akin ng bata.
Nang lumabas kami ng eroplano ay malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa balat ko. Tinanggal ni Apollo ang suot nyang coat at ibinalot sa akin.
"You might catch colds. Hindi ka pa sanay sa klima dito sa Amerika."
"Salamat."
Pagkababa namin ay may nakastand by na na private car. Sumakay kami doon. Isusunod na lang daw ang gamit namin sa suite kung saan kami mamalagi ng dalawang araw.
Nang makarating kami sa hotel ay kaagad kaming nagcheck in. May reservation na si Apollo doon kaya dumiretso na kami sa suite. Halos malaglag ang panga ko sa pagkamangha sa sobrang engrande ng hotel suite na pinili nya.
"Kailangan ba ganito ka engrande ang pagtutuluyan natin?"
Hindi ko mapigilang tanong kay Apollo.
"Don't mind the price Nazli. I can afford it."
Iyon lang ang sinabi nya at pumasok na. Sumunod naman kami ni Red sa kanya, buhat buhat ko pa din si Red.
"You can put Red on the bed. Kanina mo pa sya buhat-buhat. I'm sure you are tired."
"Okay."
Hinanap ko ang kwarto, sa laki ng suite na iyon ay feeling ko maliligaw ako. Inilapag ko si Red sa kama ng unang kwartong nakita ko. Bahagya kong hinilot ang balikat ko. Okay. Tama nga sya, nakakapagod magbuhat. Lumapit ako sa glass window ng suite na iyon. Hindi ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa Amerika. Sa tanang buhya ko ay hindi ko aakalaing makakarating ako dito.
"Are you okay Nazli?" napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Apollo sa likod ko.
"Sorry if I startled you."
"Uhm, kailan ba ang ano. Ang kasal natin?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Tomorrow. I already arranged it. It's only a civil wedding. My attorney will be our witnessed, and Thorn and Red of course."
"Kinakabahan lang kasi ako."
"You have nothing to worry about. I'm here. I will protect you."
"Pero sa papel lang tayo kasal Apollo. Hindi ba may kontrata tayo?" Pagpapaalala ko sa kanya. Parang may kumurot sa puso ko nang sabihin iyon sa kanya. Well iyon naman talaga ang totoo. Ikakasal lang kami sa papel, at para kay Red.
"I know."
"Pero wag kang mag-alala, I'll be faithful wife to you. I'll help Red. Iyon man lang ay makabawi ako sa ginawa mong pagtulong sa amin ni Nanay."
"Thank you Nazli."
I was stunned when Apollo pulled me into his arms and hug me. Napalunok ako. Nandoon ang kaba nang yakapin nya ako.
"You better rest Nazli."
Pinakawalan nya ako at lumabas na ng kwarto. Naiwan naman akong nakatulala. Hinawakan ko ang dibdib ko. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng pagkalayo-layo.
***
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sa tabi ni Red ako natulog. Pagkagising ko ay wala si Red sa tabi ko kaya naman lumabas na ako ng kwarto. Nadatnan ko ang magtito na nasa kusina at nagluluto. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na panoorin sila. Ngayon ko lang nakita si Apollo na ganoon kasaya. Napansin nya ata na nanonood ako kaya nag-angat sya ng tingin sa akin.
"Good morning. Pasensya na kung naabala ko kayo ni Red."
"No no. Tama lang ang gising mo. We made breakfast."
Nakangiting wika nya. Shet! Yung ngiti nya bes! Winner talaga! Lumapit sya sa akin at hinagkan ako sa pisngi. Lihim akong napasinghap sa ginawa nya. Did he just kissed me? Like for real? Iginiya nya ako sa dining table. Bakit parang ang saya naman at nya?
Lumapit sa akin si Red at hinagkan din ako sa pisngi. Gumantin din ako ng halik sa bata. Si Apollo ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Pancake, bacon at scrambled egg ang niluto nilang magtito.
"Thank you."
Wika ko at kumain na kami. Masayang kaming kumain na para bang iisang pamilya kami. Ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng pamilya. Nasanay kasi akong si Nanay ang kasama ko sa pagkain sa umaga.
Matapos naming kumain ay nagpresinta na akong maghugas ng pinagkainan namin. Ayaw sana ni Apollo pero bandang huli ay pumayag din ito. Matapos maghugas ay naligo na ako at nag-ayos dahil mamaya maya ay aalis na kami upang pumunta sa office of the Mayor ng Las Vegas. Doon kasi kami ikakasal ni Apollo.
Simpleng white dress lang ang suot ko na pinartneran ko ng doll shoes. Hindi kasi ako sanay ng nakastiletto at isa pa wala naman akong pambili. Habang nagsusuklay ako ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko iyon. Apollo was standing outside with a box on his hands.
"Wear this."
Sabi nya sa akin.
"May damit naman ako, okay na ito."
"Nazli."
Huming ako ng malalim. Hindi ba ako maganda sa suot ko? Teka? At saan naman galing iyon? Kinuha ko ang box sa kamay nya. Pumasok ulit ako sa kwarto ko. Nilapag ko ang box sa kama at saka iyon binuksan. Napanganga naman ako sa ganda ng dress na iyon.
It's beige maxi dress na may partner na one inch sandals and flower crown. Parang gusto ko iyong ibalik kay Apollo. Pero bahala na si batman. Kinuha ko ang dress at sinuot iyon. Isinuot ko din ang sandals at flower crown. Hindi ko na itinali ang buhok ko dahil baka matagalan pa. I put some make up like mascara and lipstick para naman hindi ako magmukhang haggard.
Lumabas na ako ng kwarto. Napatulala ako nang makita si Apollo na inaayos necktie nya sa sala. Napakagwapo nitong tingnan sa suot na navy blue 3 piece suit. Nag-angat sya ng tingin. His eyes widened. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman ako ng pagkailang sa tingin nya. Lumapit ako sa kanya.
"Let me help you."
Wika ko at tinulungan sya sa pag-aayos. Bahagyang dumampi ang kamay ko sa adam's apple nya. Napalunok ako. Bakit parang uminit ang paligid? He held my waist and whispered.
"You look beautiful Nazli."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro