•FINAL•
Now playing: Thousand Years by Christina Perri ft. Steve Kazee
"Doc tuloy-tuloy na po ba ang paggaling ng asawa ko? She already wake up yesterday, ibig sabihin po ba noon pwede na sya ilipat sa regular room?"
Tanong ni Apollo sa doctor ni Nazli kinabukasan nang bisitahin nito ang pasyente.
"Well, it's a good sign Mr. Diaz but still can't assure that she's out of danger. Kailangan pa din namin syang imonitor."
"Okay doc, I understand. Thank you."
"You're welcome Mr. Diaz."
Nagpaalam na ang doktor kay Apollo at lumabas na ng kwarto. Naupo si Apollo sa tabi ni Nazli. Hawak hawak pa din nya ang kamay nito. Muli syang naiyak sa sitwasyon ng asawa.
"Nazli, I know you can here me. I have to tell you something. It's about Red."
May kung anong bumara sa lalamunan ni Apollo. He cleared his throat. Nazli needs to know that Red is gone.
"He's already gone. Red is gone."
Masakit man sa kalooban nya ang pagkawala ng pamangkin pero kailangan nyang tanggapin na kinuha na ito sa kanila.
His in laws charged Stephanie murder because of what she did. Ngayon ay hawak na ito ng NBI. Batas na ang bahala dito. Gusto man nyang maghiganti sa dating kasintahan pero hindi naman maibabalik ng paghihinganti si Red. Pinaubaya na ni Apollo sa in-laws nya ang burol kay Red. They agreed na icremate na lang ang labi nito upang hindi na sila masaktan pa. Habang si Thorn muna ang nagtake over ng kompanya nya pansamantala. Hindi kasi makapagconcentrate si Apollo sa trabaho kung nasa ospital si Nazli. So Thorn voluntereed.
"A-apollo."
Narinig nya na umungol si Nazli. Muli itong nagising.
"Nazli, I'm here."
"Apollo."
"Yes my love. I'm here, i'm here. I miss you so much."
"T-totoo ban iyong narinig ko? Wala na si Red?"
Mahinang wika ni Nazli kay Apollo. He nodded. Nangilid ang luha sa mga mata ni Nazli. Niyakap ito ni Apollo.
"But our baby is safe. You will be fine Nazli. We will be fine."
Nang sandaling iyon hindi mapigilan ng mag-asawa na umiyak at ilabas ang sakit na nararamdaman nila. Kailangan nilang maging matatag para sa batang nasa sinapupunan ni Nazli.
Ilang araw matapos magising si Nazli ay naging maayos na ang lagay nito. Nilipat na din sya sa regular room katulad ng gusto ni Apollo. Pinangako ni Nazli na magpapalakas sya upang mapuntahan ang kinahihimlayan ni Red. At para na din sa anak nila ni Apollo.
Maybe Red saved their child dahil sa alaala ni Nazli, nakayakap si Red sa tyan nya bago sumalpok ang sasakyan nila noong tinambangan sila. Nalaman din nya na si Stephanie ang may pakana ng lahat ng iyon. Hindi nya aakalain na gagawin iyon ni Stephanie, na mag-utos ng tao upang ipapapatay sila.
Dahil naging mabilis ang recovery ni Nazli ay binigyan na din sya ng clearance ng doktor. Pero may mga follow up check up pa din sya upang makasigurong nasa maayos na syang kalagayan.
"Apollo, gusto kong puntahan si Red."
Nazli said to Apollo while packing their things. Ngayon na kasi ang labas nya.
"Are you sure?"
"Oo, gusto kong makita kung saan sya ngayon."
Apollo nodded.
"Okay, let's go together."
Nagpaalam na sila sa mga nurse at doktor na nag-alaga kay Nazli noong nasa ICU sya. Habang nasa byahe ay tahimik lang si Nazli. Kinuha ni Apollo ang kamay nito at hinalikan.
"Nazli."
"Tahimik ka."
"I'm just thinking about Red."
"I know this is hard for us. You love Red so much like your own child. And I thank you for that Nazli."
"Sya ang bumuo sa akin noong nawala si nanay. Lagi syang nasa tabi ko kapag umiiyak ako. Ngayon wala na sya Apollo. Wala na si Red."
Napaiyak si Nazli habang sinasabi iyon. Tinabi ni Apollo ang sasakyan sa sidewalk. He pulled Nazli into his arms.
"Hush now my love."
"Sana hindi na lang kami pumunta sa opisina mo noong araw na iyon. Sana umuwi na lang kami."
"It's not your fault Nazli. It was all Stephanie. She's the one to blame."
"I'm sorry Apollo. Dahil sa akin nawala ang pamangkin mo."
"No Nazli. I don't blame you. I love you so much. At mas lalo akong mawawala sa sarili kung pati kayo ng magiging anak natin ay mawawala sa akin. Baka tuluyan akong mabaliw. You are my life Nazli. You and our child, and Red. Kayo ang buhay ko. Pero kailangan nating tanggapin na wala na si Red. But he will be in our heart forever."
***
"Hi Red. Nazli is here, and I bought candies for you."
Nilapag ni Nazli ang maliit na box ng candies na binili nila ni Apollo sa nadaanan nilang candy store. Hindi mapigilan ni Nazli na muling mapaluha. She touched Red's grave. Nakaukit doon ang pangalan ng bata at birthdate at edad nito. Napakabata pa nito para mawala sa mundo.
"I'm really sorry Red, hindi kita naprotektahan. But don't worry, habang buhay ka nasa puso ni Nazli. Ikaw pa din ang baby boy ko."
Apollo wrapped his arms around Nazli's shoulder.
"And we will take care of your baby sister or brother. Be our guardian angel kiddo, okay?"
Nazli and Apollo smiled as they felt a cold wind as if Red was there and waved a goodbye. Marahil tanggap na nito ang pagkawala nito sa mundo. Mananatili ito ss puso nila habambuhay.
Bago sila umalis ay nagdasal sila at nagtirik ng kandila para dito. Aalis na sana sila nang pigilan ni Apollo si Nazli.
"Nazli wait."
"Ha? Bakit?"
"Alam kong nasa sementeryo tayo at hindi ito kasing romantic ng mga napapanood mo sa movies. But I want Red to see this, kung nandito man sya."
"Anong ibig mong sabihin Apollo?"
Napasinghap si Nazli nang lumuhod si Apollo at naglabas ng singsing.
"Marry me again Nazli Torres Diaz."
"A-Apollo."
"I know sana dati ko pa to ginawa. I love you so much Nazli. And I want to marry you again in church, in front of God. Dahil binigyan ka nya pangalawang buhay. Gusto kong mangako sa kanya na mamahalin kita at poprotektahan habang buhay. So again, Mrs. Nazli Diaz. Will you marry me again?"
"Yes Apollo! I will marry you again!"
Walang kaabog-abog na sagot ni Nazli. Apollo screamed yes as he carried Nazli in excitement and joy. They both look at Red's grave.
"Thank you Red."
Nazli whispered. She faced Apollo and cupped his face. She was the one who kiss him first.
"I love you forever Apollo."
"Until my last breath Nazli."
=END=
A/N: I know maraming mabibitin dito sa chapter na ito. Pero kailangan na nating tapusin ang kwento ni Nazli at Apollo, masyado na ako nasaktan sa pagkawala ni Red. Huhu. Sorry kung nawala sya sa story. Pag-iisipan ko po kung gagawan ko ng Epilogue ito. We'll see, okay? Sa mga nagbasa, sumubaybay, nagvote, at nagcomment sa story na ito. Maraming maraming salamat po! Nakakataba po ng puso ang pagsuporta nyo sa akin. Alam kong maraming loopholes, grammatical errors, etc ang gawa ko pero nandyan pa din kayo. Labyu all!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro