Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Windang is Life


"So Jamie was right, you really broke up," komento ng matanda. Umangat ang ulo nito at iniba ang direksyon ng tingin bago muling nagsalita. "You know my rule Json and I won't bend. Not now, not ever," matigas na sabi ng matanda, bago patamad na sinipat ang mamahaling pambisig na relo. "Anyway, I have a plane to catch, I could not stay long. Expect a phone call from me in a day or two. I have to go," anito at nagsimula nang lumakad palabas ng mansyon,ngunit bago ito tuluyang lumabas ng pinto ay muli itong pumihit sa direksyon niya at nagsalita. "And nice meeting you...person."

Nanikip ang dibdib niya dahil sa insulto.

Person? Naipakilala na naman siya ni Json but the old woman opted to call her person instead of her name! Wengya! Maldita si Lola!

Hinintay niya ang tunog ng papalayong sasakyan bago niya marahas na ipiniksi ang kamay ni Json sa balikat niya at bigla itong tinulak.

"Uli-uli wag mo kong isama sa mga kabaliwan mo ha! Nakaka-leshe kayong mag-anak! Pare-parehas kayo! Matapobre! Manloloko! Talipandas!" aniya habang dinuduro-duro ang dibdib ni Json. Gusto niyang maiyak pero pinigil niya.

Mahirap man siya ay may dignidad siya. Dignidad na pilit inalis ng mga taong nakapalibot sa pamilya nya halos sampung taon na ang nakararaan.

Walang sabi-sabi siyang nagmartsa patungo sa pinto.

"Alexa!" si Jed na hinabol ang dalaga. "S-saang ospital nakaconfine si Maia? Hindi nya kasi sinasagot ang mga tawag ko."

"Malamang, sinungaling ka eh!" napairap na sabi Alexa, muling bumalik ang inis sa kaharap.

"Please..." pakiusap nito.

Napabuga  siya ng hininga. Mukhang tinablan na nga ito ng kunsensya. Mabilis niyang binigay ang impormasyong hinihingi nito at muli ay naglakad palabas ng bahay.

Ayaw na niya doon. Una pa lang naman kasi alam na niyang mali ang pagpunta nya doon, hindi siya dapat basta-basta sumusugod sa bahay ng may bahay. Pero nagtoyo kasi siya nadala sa mga iyak at hagulgol ng BFF niyang si Maia. Anong napala niya? Una, nagkita ulit sila ni Json, ang mortal enemy #1 niya na lalo pa niyang kinainisan ngayon dahil ginagawa siyang makasalanan ng kapogian nito. Pangalawa, isang bonggang insulto mula sa nagmamalditang Tandang Sora na tinawag siyang "person".

Wengya! Namumuro na ang kamalasan sa kanya ngayong araw, isang kamalasan pa bi-bingo na siya!

"Juskelerd..." kinakabahang bulong niya, tuluyan na siyang napatigil sa paglalakad sa portico ng mansyon. Wala sa sarili siyang napahawak sa leeg niya bago napalunok. Naalala niyang di siya nakapag-txt sa Kuya Rolle niya kagabi! Di rin niya nasabi kung saan siya natulog!

Jusko! Baka tinipon na ng Kuya niya ang kalipunan ng mga barangay tanod at baka pinaghahanap na siya saan mang sulok ng Pilipinas!

Madali niyang inilabas ang kanyang cellphone, upang mapamura lamang ng makitang tuluyan ng namaalan ang baterya ng gadget! Nyeta naman kasi naglaro-laro pa siya ng COC kagabi! Tsss!

Natampal muna niya ang noo bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

"Lexie, hatid na kita," habol ni Json sa kanya.

"Thanks but no thanks," matigas niyang sagot,habang mabilis na natatahak ang direksyon ng gate.

"Sige na, for old times sake, besides yung... yung eksena kanina..." pilit ng binata na alanganing ngumiti habang patuloy pa rin itong sumusunod sa kanya.

Naiinis na nyang hianarap ang binata dahil namumuro na talaga ito. "Manhid ka ba talaga or tanga-tangahan lang ang peg mo? Yan ba uso ngayon? In fairness, nakakairita ha! Tss.. Ayaw kitang kausapin period! At saka for your information Mr. de la vega, I'm big enough to take care of myself. Hindi man ako kasingyaman ninyo pero may pera ako pang-taxi. Nagtaxi ako papunta rito, magtataxi rin ako pauwi. Makinig kang mabuti sa sasabihin ko, hinding hindng hindi na ako muli tatanggap ng kahit na ano mula sa iyo," iyon lang at tuluyan na siyang lumabas ng gate.

___________________

INAANTOK na bumaba ng taxi si Alexa.  Didiretso na sana siya sa kanila ng malala si Jenna.  Pilit niyang ginising ang sarili, at dumiretso sa bahay ng kaibigan. Tutal naman ay Linggo, mamayang hapon pa ito pupunta sa pwesto nito.

"Pasok ka," sabi ni Jenna ng pagbuksan siya nito ng pinto.

"Hindi na, hindi rin naman ako magtatagal. Ibibigay ko lang ito. Inaantok ako eh," Inabot ni Jenna ang sobreng bigay niya-iyon ang kinita ng pwesto ng nagdaang araw. "Pasensya ka na ha, ngayon ko lang naibigay nagkaemergency kasi," paliwanag niya.

"Naiintindihan ko. Narinig ko nga rin ang nangyari sa mga kuya at nanay mo bes nung bumili ako kila Aling Agnes. Kagabi kasi mukmok galore ako, bumorlogs ng maaga kayo kaninang umaga ko lang nalaman yung nangyari."

Natigagal siya.

Anong nangyari sa mga kuya at nanay niya?

Biglang kumabog ang dibdib niya sa nerbyos. May masama bang nagyari sa bahay nila habang wala siya?

"A-anong nangyari sa mga k-kuya ko at kay n-nanay?"

Kunot ang noong sumagot si Jenna. "Aba'y binugbog daw ng mga kainuman niya si Kuya Lui kagabi tapos syempre umawat si Rollie kasama ang  mga friendships niyang tanod kaso hindi umubra, yun nauwi sa rambol. At nang  mabalitaan ni Tita Cion mo ang nangyari, inatake daw ng alta-presyon at nahirapang huminga. Yun tinakbo silang tatlo sa ospital. Bakit bes, hindi mo ba alam?"

Nawalan ng kulay ang mukha ni Alexa. Kung kanina ay inaantok siya, ngayon ay gising na gising na siya. Kailangan niyang makauwi agad.

Akma na siyang tatalikod nang pigilan siya ni Jenna sa kamay.

"Heto, iyo na ito. Dagdag pang-gastos sa ospital," sabi ni Jenna na pilit na isinisiksik sa palad niya ang isang libong piso. Nag-angat siya ng paningin.

"Hindi ko-"

"Sige na bes. Hindi naman na kayo iba sa akin, " nakangiting sabi nito. Napangiti na rin si ALexa. Likas namang matulungin si Jenna, mana sa namayapang ina nito. Nagpasalamat siya at madaling naglakad patungo sa bahay nila.

Nadatnan niya sa salas ang mga pamangkin niya na nanonood ng TV. Unang sumalubong at nagmano sa kanay si Adrian, sampung taong gulang. Sunod na humalik sa kanya si Karen, apat na taong gulang at bunso ng kuya niya.

"Tita, pabili ka naman ng pagkain. Nagugutom na kasi kami," sabi ni Adrian mayamaya.

"Hindi pa kayo kumakain? Sinong kasama ninyo?" tanong ni Alexa sa bata.

Umiling lamang ito.

Nanlumo si Alexa. Mukhang natulog ang mga bata na walang kasamang matanda. Tiyak niya si Paula-ang hipag niya at si Renz ang nagbabantay sa ospital.

"Sige Adrian, bantayan mong mabuti si Karen, bibili lang ako ng pagkain sa karinderya," bilin niya.

"Opo Tita," sagot ng bata na muling itinuon ang mata sa TV.

Matapos kumain ay tinawagan niya si Renz sa CP nito. Mangiyak-ngyak  ito ng makausap niya at pinapapunta siya sa ospital ora mismo. Agad niyang pinutol ang tawag at inihabilin kay Jenna ang mga pamangkin niya. Nag-iwan na rin siya ng konting pera para sana sa pagkain ng mga bata ngunit tinanggihan ni Jenna. Idagdag na lamang daw niya iyon sa kakailanganin ng nanay at mga kapatid niya sa ospital.

Nang makarating siya ng ospital, sinalubong siya ng yakap ni Renz at nang naluluha ring si Paula. Hindi na rin niya napigil pa ang sariling mapaiyak. Parehong nakaratay sa mag kakaibang kama ang nanay at mga kuya niya. NAtutulog ang nakaoxygen mask na nanay niya habang ang si Kuya Lui, halos hindi maigalaw ang uloat katawan dahil sa neck brace at benda sa braso nito, at si Kuya Rollie naman may cast ang isang binti. Puro pasa at sugat ang mukha ng kuya niya, mukhang totoo nga nagkpagrebolusyon angmga katapd niya.

"Kuya, anong nangyari?" pabulong na tanong ni Alexa mayamaya.

"Alexa, p-pasensiya ka na, napagtripan kasi ako ng grupo ni Boy Todas habang pauwi ako galing sa inuman k-kagabi," hirap na paliwanag nito. Si Boy Todas ay ang lider ng mga siga sa lugar nila, wala itong sinasanto kahit na sino, babae man o lalaki. Gayun pa man, nagpapasalamat na rin siya dahil buhay ang mga kuya niya.

"Alexa, ang daming babayaran-" alanganing sabi ni Rollie habang napapangiwi marahil iniinda nito ang nanakit na binti.

"Shhh," saway niya sa kapatid at hinawakan ang kamay nito at maramahang pinisil. "Hwag mong iisipin ang mga bayarin kuya, isipin mo ang paggaling ninyo nila nanay."

Tinapunan niya ng tingin ang nanay niya na tulog na tulog pa din. Saglit siyang nagpaalam sa mga kapatid at hipag at hinanap ang doctor na tumitingin sa nanay niya. Lalo lamang siyang nanlumo sa sinabi ng doctor tungkol sa kalusugan ng kanyang ina.

Ayon sa doctor ay kailngan nang by-pass operation ang nanay niya. Pilit niyang inintindi ang eksplanasyon ng doctor ngunti wala roon ang isip niya. Kundi sa nanay niya na may sakit pala sa puso.

Matapos makausap ang doctor, nanghihinang napasandal siya sa dingding. Iyon na ang puntong napagtanto ni Alexa na bumingo na ng tuluyan ang kamalasan ng araw na 'yon!

Napahilamos siya sa mukha. Magulo ang isip at pinipiga ang puso niya.  Ayon sa doktor ay kailangan niyang makalikom ng halos 1M para operasyon ng nanay niya sa lalong madaling panahon.

Saan naman niya kukunin ang ganoong kalaking halaga? Kakarampot lamang ang sweldo niya at halos di pa magkasaya para sa kanilang mag-anak.  Kahit pa siguro ilang raket ang tanggapin niya, hindi niyo mapupunuan ang isang milyon na kailangan niyang likumin sa lalong madaling panahon.

Napatingala si Alexa sa kisame at lihim na umusal ng dasal.

Bro please! Padalhan niyo ako ng anghel na tutulong sa akin.

____________

Nagbuga nang inis na hininga si Json habang titig na titig pa din sa telepono na kababa lang niya. Katatawag lang ng lola niya tungkol sa dalawang importanteng bagay. Una, ang pagbisita niya sa isa sa mga beneficiaries ng Helping Hands- ang foundation ng Lola Carmela niya na tumutulong sa mga batang may sakit, at pangalawa, upang kausapin siya tungkol sa nalalapit niyang pagpapakasal.

Tama! Ikakasal na siya, pero di pa siya sigurado kung sino ang bride.

Sinubukan niyang kumbinsihin ang abuela na huwag nang ipilit si Jamie sa kanya dahil sa hindi niya masakyan ang ugali nito. Besides, pinanindigan na rin niya ang pagkakaroon nila ng  relasyon ni Alexa.  Akala pa man din niya ay lusot na siya ng sabihin nito ang "OK, fine", ngunit lalong bumigat ang problema niya sa mga sumunod na sinabi nito.

"Marry your girlfriend in two weeks time, or else Jamie will walk down the aisle, at the end of the month, as your bride. Do as you were told and you'll get full control of dlV Devt. Corp., just like what you've always dreamed of."

Napangiti siya sa reward na maari niyang makuha. Upang muli lang napamura nang maalala ang kundisyon ng Lola niya. Ni makipag-usap nga sa kanya ayaw ni Alexa, magpakasal pa kaya sa kanya. Baka sakalin na siya nitong tuluyan kapag inalok niya tong kasal.

Good luck! Pahabol pa ng lola nya sa kanya bago nagpaalam.

He really needed more luck he could get for the next two weeks of his single life.

___________

"HINDI KO KAILANGAN ng operasyon Alexa. Maayos ako," sabi Cion Reyes ang nanay niya. Iyon ang ikatlong araw nila sa ospital. Siya ang nakatokang magbantay ng araw na iyon.

"Kita mo na Alexa, sino naman kasi ang maniniwala na may sakit ang nanay? Sa lusog niyang iyan.." sabad naman ng Kuya Lui niya sa kabilang kama, ngiting-ngiti ito habang sinusubuan ng pagkain ni Paulo.

"Ku--! Kung wala lang akong dextrose, tatampalin ko iyang bibig mo Luisito," iniangat pa nito ang matatabang braso nito.

"Nay naman..." si Louie ulit.

"Nay naman," sarkastikong pag-uulit ng nanay niya sa sinabi ng kuya niya. "Kung nagpakatino-tino ka sana, e di wala sana tayo dito at hindi namumrublema itong kapatid mo. Pati itong si Rollie nadamay sa rambol ninyo! Naku-u! Talagang ikaw na Luisito ka! " Tila parang asong napagilitan ang kuya niya at nanahimik. Sanay na siya sa ganoong eksena, mahusay lamang manermon ang nanay niya ngunit mabait ito at mahal silang magkakapaitd.

Binalingan siya ng ina. "Maniwala ka Alexa, wala akong sakit." Hinagod nito ang dibdib na tila may masakit. Inalalayan ito ni Alexa sa paghiga.

"'Nay alam ko na po ang kundisyon niyo, sinabi po sa akin mismo ng doktor." Napabuntong hininga na si Alexa sa puntong iyon. "Sundin na lang po natin ang sinabi ng doktor 'nay."

"Saan tayo kukuha ng pera sa operasyon ko Alexa tiyak na-"

"Hindi po problema ang pera 'nay, basta po ang importante gumaling kayo. Gagawa po ako ng paraan, pangako" paninigurado ni Alexa sa ina.

"Siguruhin mo lang na hindi ka hihingi ng pera sa kanya. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang sampu ng mga kuya mo  kesa humingi ng tulong sa kanya," matigas na biilin ng kanya ng iina.

"Nay naman, nandamay ka pa talaga sa pagkamatay, di ba pwedeng ikaw na lang mauna kung nagamamadali  ka," si Lui ulit.

Agad namang bumangon ng kama si Aling Cion, hinablot mula sa side table ang walang laman na bote ng 500ml na mineral water. Wala pang isang segundo ay umangaal na sapo ni Lui ang noo nito, mukhang pinanagflying saucer ng nanay niya ang bote ng mineral water at naglanding 'yon sa noo  ng Kuya Lui niya.

"Humirit ka pa ng ia Luisito! Snasabi ko sa 'yo, ipapatapon kita sa Pluto!!" gigil na sambit ng nanay niya.

"Nay tama na po, magpahinga na po kayo, masama sa inyo ang magalit" awat ng Kuya Rollie niya na napapagitnaan ng dawalang magkaaway na kaanak.

"Nay, pahinga na po kayo," segunda niya.

Matagal bago sumagot si Cion, tinitigan lamang siya. Ginagap nito ang kamay niya. "Salamat anak." Pinilit na lamang niyang ngumiti bilang tugon.

___________

NAKAPANGALUMBABA si Alexa habang nakaupo sa isa sa mga bench sa ospital. Isang linggo nang nakaconfine sa pagamutan ang mga kaanak. Kanina ay sumaglit siya sa opisina upang magextend nang leave at kausapin na rin ang boss kung maari siyang magloan. Maari naman siyang magloan, ngunit sa liit ng sweldo niya, halos singkwenta mil lang ang kaya nilang ibigay sa kanya. Lahat ng kaibigan at malalayong kamag-anak ay nilapitan na niya, ngunit bigo siya.

Isang milyon! Hindi pa kasama ang bayarin ng mga kuya niya.

Napayuko na siya ng puntong iyon, at tahimik na umiyak.

Mukhang naniniwala na siya sa kasabihang: When it rains. It pours.

Subalit hindi lang basta ulan ang nararanasan niya. Delubyo ang humahagupit sa kanya at halos wala siyang makapitan.

Marahan niyang pinahid ng likod ng kamay ang kanyang luhaang pisngi. Hindi iyon ang dapat niyang ginagawa. Kailangang gumawa na siya ng paraan upang makalikom ng pera. Dapat globe lang sya, go ang ng go!

Agad siyang tumayo at inayos ang damit. Nasa ganoon siyang ayos ng may tumawag mula sa kanyang likuran. Agad niya itong nilingon.

"Ayos ka lang ba? Are you crying? Namumutla ka," komento ni Json na tuluyan nang makalapit s akanya.

Matik na magkasabay na nawindang ang mga braincells at hormones niya.

Anong ginagawa nito doon? Sinusundan ba siya nito? Bakit?

Gustong matawa ni Alexa sa sarili. Bakit naman siya susundan ni Json?

"May pasyente ba kayo dito?" muling tanong ni Json.

"Meron.. este wala.. sige mauna na ako,nagmamadali kasi ako," aniya,at nagsimulang lumakad. Inagapan nang lalaki ang kamay niya. "Bitawan mo ako Mr.dela Vega"

"Mr. dela vega?" nakakalokong ngumiti ang binata. "Ok I'll let you go if you call me by my first name."

Aba matinde talaga itong boylet na to! Muhang sinusundan siya upang makpag-flirt. Lalong humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa kamay niya. Ayaw niyang magalit sana pero mukhang doon talaga ang tumbok ng eksena.

"Json! Json! Json! O masaya ka na? Siguro naman ngayon pwede mo nang bitawan ang kamay ko," inis na sabi ni Alexa.

"That's better," Pinakawalan ng binata ang kamay niya. Agad siyang tumalikod nang hindi nagpapaalam sa binata. Nagulat pa siya ng muli itong magsalita sa tabi niya. Sumunod pala ito sa kanya.

"Can't you slow down? Para kang hinahabol nang isang libong aso sa bilis mong maglakad ah."

Hindi niya ito pinansin, tumuloy siya ng lakad sa halip.

"C'mon Lexie, what is it that I did to deserve all this.... this... cold treatment from you? As far as I recall, magkaibigan tayo noon."

Huminto siya sa paglalakad

The nerve!

Tama ito, magkaibigan sila noon. A friendship he himself ended 10 years ago.

Sandali siyang napapikit at nagmulat din pagkatapos, pinuno ng hangin ang dibdib. Ayaw na niyang maalala pa ang nakaraan. O mas tamang sabihing, hindi na niya aalalahanin pa ang nakaraan. Napagdaanan na niya ang mapapait ng sandaling iyon ng kanyang buhay at ayaw na niya iyong balikan pa.

Inis na hinarap niya ang binata.

"Noon. That's the operative word. Hindi na tayo magkaibigan ngayon," aniya, then started to walk again.

"Bakit?"

Ano ito may amnesia o alzheimer's?

"Anong bakit? Alam nating pareho kung bakit hindi pwede." Pumara nang jeep si Alexa, nang marating ang sakayan ng jeep, ngunit punuan lahat nang dumaraang jeep dahil rush hour.

"Hindi kita maintindihan."

Tuluyan nang tumirik ang brancells niya, snusumpong na naman ng pagiging shungaers. "

"Ano ba Json, ang dami kong iniisp ngayon wala ako sa mood magkweto!  Gets mo?" pinandilatan niya ito.

"Look, I don't want to upset you, but I can see that I'm doing just that," anito, in a resigned tone. " Gusto lang naman sana kitang makausap. Magkamustahan. So can we at least have dinner together for old time's sake?"

Ang kulit shet! Naisip ni Alexa.

Gusto niyang tumanggi. Ngunit alam niyang, magi-strike na ang tiyan niya kung hindi pa siya kakain, almusal pa an huli niyang kain.

"Sige, payag na akong mag-dinner tayo. Pero hwag mo akong dalhin sa mga sosyal na lugar dahil lalayasan talaga kita hindi ako nagbibiro," banta niya sa binata na napatango na lamang bilan tugon. Sinipat niya ang kanyang wrist watch. Mag-aalas syete palamang ng gabi. Mamayang alas nueve pa ang pasok ni Grace- ang call center agent na kaibigan niya. Sasadyain na lamang niya ito sa opisina mamaya. But for now, kakain muna siya. Kasama si Json.

______________

"SO TELL me, nagkikita pa rin ba kayo ng classmates natin dati?" tanong ni Json kay Alexa na noo'y kumakain ng french fries. Dahil na rin sa suhestyon ng dalaga, nagdrive thru na lamang sila sa Mcdo at umorder ng burger, fries at softdrinks bago tumuloy sa isang park at doon kumain. Noon lamang iyon ginawa ng binata, at mukhang enjoyable naman kaya ayos na rin sa kanya.

"Hindi na at wala na akong balak pang makita sila," seryosong sagot nito na labis niyang ikinabigla. Kanina pa niya napapansin na tila galit na galit ito kung nababanggit ang nakaraan. Lalong lalo na pagdating sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na magtaka.

"Bilisan mo na lang kumain," pagiiba nito sa usapan. "May pupuntahan pa kasi ako, kailangan kong makausap yung taong uutangan ko-" bigla itong napatigil at natutop ang bibig.

"Bakit ka mangungutang?" kunot ang noong tanong ni Json.

"Wala yun, basta bilisan mo na lang kumain," anito at muling kinagatan ang hawak nitong burger.

"H'wag mo nang puntahan ang kaibigan mo, magkano ba ang kailangan-"

"Oh no mister you wont!" tutol nito na napatayo pa at pinameywangan siya. "Keep your money, I don't need it."

"Why do I have this feeling that I'm being sentenced without a proper trial? Tell me Alexa, ano bang nagawa ko sa 'yo at tila galit na galit ka sa akin?"

"Yan ka nanaman sa shunga-shungaers mo! Hindi mo alam?" umirap na ito

"I won't ask if I knew."

Saglit itong natigilan. Muling umupo sa tabi niya at binasa ang mukha niya. Sinalubong niya ang mga mata nito. Ilang sandali rin sila sa ganoong ayaos. Ang dalaga din ang unang nakabawi.

Tumikhim ito at tumuwid ng upo. "Kalimutan.... mo na lang yun," sabi nito bago ipinagpatuloy ang pagkain. Ganoon din ang ginawa niya.

"Bakit ka nga pala nasa ospital kanina?" mayamaya ay tanong ni Alexa sa binata.

"Im visiting a friend."

"'Sus kunwari ka pa, girlfriend kamo," tukso nito.

Napangiti siya. "10 years old pa lang siya."

Napamulagat si Alexa. "Pedophile ka?"

"Shhh.. ang lakas ng boses mo, Hindi no!" saway ni Json sa dalaga na biglang kinabig ang dalaga at tinakpan nang kamay ang bibig nito.

Gulat itong tumingin sa kanya. Those dark brown eyes were incomparable to the blue-eyed blonds he dated in the US. Hindi niya alam kung bakit tila ayaw niyang bumitaw sa pagkakalapit nilang iyon ng dalaga. She felt so soft and warm. So with a great effort, he released her.

She mouthed the word sorry while stooping her head low as if their hiding from an enemy. And he doesn't know why she looked so cute even in such weird situations.

"So anone?" untag nito sa kanya mayamaya.

"Oh yeah, binisita ko si Krizia, isa sa mga beneficiary Helping Hands foundation ng Lola ko. Bagong transplant lang ng liver niya, I dropped by to check on her progress. So far so good naman sabi ng doktor. Ikaw anong ginagawa mo sa ospital?"

"Naospital ang mga kuya ko."

"I see. So anong-"

"At ang nanay ko."

Napayuko si Alexa sa parteng iyon ng kanilang paguusap. Nang tanungin ni Json kung ano ang nangyari sa mga kaanak, hindi na pinigilan pa ng dalaga ang magkwento. Nakinig naman ang lalaki.

"Wala ka bang alam na raket.. este..pwedeng part-time job?" lakas-loob na tanong ni Alexa mayamaya.

Katahimikan.

Mayamaya pa ay..

"Meron. At malaki ang kita. May advance payment pa, kayang kayang bayaran ang bill at operasyon ng nanay mo sa ospital, kahit na bukas na bukas din kung gusto mo," seryosong sabi niya.

Nabuhayan ng loob si Alexa, nangintab ang mga mata.

"Talaga! Anong trabaho ba yan? Ano ang kailangan kong gawin?"

"Marry me."

Nalaglag ang panga ni Alexa.

###

3549words


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro