Unang Windang
A/N: May mga salitang hindi pambata, basahin ng may pag-iingat! Salamat bow!
_____________________________
"Ano?!" nanlalaki ang matang sambit ni Alexa habang nakatingin kay Boss Chief Percy, ang huwarang barangay captain ng lugar nila. Lumipad ang tingin niya sa kaharap na lalaki at babae.
Yung lalaki si Lyndon Pascual ang lalaking mukhang kinuyog ng taumbayan ang istura at asal chimpmazee ang pag-uugali. Sa tabi nito ay ang mapang-akit na si Elsa, ang babaeng may tatlong kilong pasan na hinaharap at halos kita na ang kaluluwa kung manamit.
Ang pagsinghot ng katabi niyang babae ang agad na nagpabalik nang nanlalait na braincells niya sa tunay na kaganapan.
"Eh, paano naman po si Jenna, Boss Chief? Hindi pwedeng walang maibalik sa kanya! Pera niya yun eh, inaangkin lang ng mukhang putspang lalaking to eh," tinuro pa niya si Lyndon na relaks na relaks lang at di man lang tinablan ng nerbyos kahit na pina-barangay na niya dahil sa ginawa nito na pagtangay sa pera ni Jenna, na dating nobya nito.
"Pst Ling yang bunganga mo," saway ng Kuya Rollie niya na head tanod ng barangay nila, at kasalukuyan ding kasama nila sa tanggapan ni Boss Chief Percy. Napabuga naman siya ng inis na hininga at di pinansin ang pinantawag sa kanya ng nakatatandang kapatid.
"Ang tanging magagawa lang natin sa ngayon ay bigyan na sapat na palugit itong si Lyndon na bayaran ang nakuha niyang pera kay Jenna. Kung di siya tutupad sa napagkasunduan natin, maari na natin siyang sampahan ng kaso sa police station," paliwanag ni Boss Chief na bahagya pang humalukipkip, nalukot ang gwapong mukha nito.
Oo,bata pa si Boss Chief Percy. Kaedaran lang ito ng panganay na kapatid niya, si Kuya Lui, nasa mga early 30's lang ito at mas mukha itong modelo kaysa sa politiko.
Binalingan niya si Jenna, matanda ito nang dalawang taon sa kanya pero super bff at kapithabay niya. Mahihina ang pagsinghot nito, luging lugi ang itsura. Sino ba naman ang di malulugi, sa mukhang paa na nga ito na-in love, masama pa ang ugali. At ang masaklap ipinagpalit ito sa babaeng suso na tinubuan ng katawan.
Kumibot ang labi niya. Talagang konti na lang nasa critical level na ang inis niya.
"Hoy ikaw babae, baka naman tinago mo diyan sa suso mo yung 50k? Leshe ilabas niyo na kasi nang matapos na to! Tatlong araw? Tatlong araw lang naubos niyo ang singkwenta mil?! Shuta ano bang laman ng boobs mo? Monster na nangangain ng pera?! Tsssss!" inis na inis na sabi niya habang nakatingin kay Elsa.
Agad na namula si Elsa, ang akala niya ay nahiya, yun pala't bumwelo lang nito para magtaray!
"Hoy Alexa na NBSB since birth," pagtataray ni Elsa, nakataas pa ang kilay.
Leshe, dapat may pa-highlight pa sa ganern! Yung confidence meter niya nangalahati agad sa isang birada nito! Wengya!
"Pera yun ni Lyndon. Sa kanya yung kalahati ng shop niyang si Jenna, magkasosyo nga sila di ba? Dapat lang na makuha niya yung kaparte niya sa shop. At saka inaano ka ba nitong suso ko ha?!" bahagya pa nito iyong sinapo at inalog-alog. "Nanahimik sila palibhasa pasas lang yang iyo, pasas na tuyot!"
Singhap na malakas.Nanuyo ang lalamunan. Tumirik ang braincells.Nahiya ng bongga.
Yan ang mga nangyari kay Alexa dahil sa maliwanag pa sa sikat ng araw na paglalarawan ni Elsa sa pinagkaitang future niya!
Pigil naman ang pagbungisngis ni Lyndon sa mga sinabi ni Elsa. Napatingin siya kay Jenna, sumisinghot pa rin ito habang nakayuko at nilalaro ang hawak na bimpo, tila walang narinig. Hindi siya dapat mag-paapi, namayani sa puso ang kagustuhang tulungan ang kaibigan. Tumalim ang tingin niya sa talipandas na alipores ni Adan.
"Hoy Lyndon na itsura pa lang panis na, magbigay ka nga ng araw na nagbantay ka sa pwesto ni Jenna? Sige nga? At kung totoo na magkasosyo kayo ni Jenna magkanong puhunan nagumpisa ang negosyo ninyo?" naniningkit ang mga matang tanong niya.
"20k," puno ng kumpyansiyang sagot nito.
Bumaling siya kay Jenna, iling ang sagot nito.
"Huh? Ummm 15k?" si Lyndon ulit, nakakunot noo.
"Hindi, lower," sagot ni Jenna. Halos umikot na ang eyeballs ni Lyndon sa pagtataka.
"10k?"
Iling ulit ni Jean. "Lower!"
Nanlalaki ang matang napapahimas sa hita nito si Lyndon, kapagkuwan'y napapalakpak.
"Alam ko na! 5k!"
Agad na napabusangot si Jenna. Naisampay sa balikat ang goodmorning towel na pinampupunas nito ng luha nito, pagkatapos ay naglakad palapit kay Lyndon.
"Tarantado ka! Ang lakas ng loob mong sabihin na kasosyo kita tapos di mo alam ang unang naging puhunan ko sa negosyo ko!" singhal ni Jenna, na mukhang alive na alive na at marahas na hinablot ang buhok ng dating nobyo. "Walangya ka! Kasosyo? Humiram lang ako ng singkwenta pesos sayo noong unang bumili ako ng stocks kasosyo na kita! Tarantado kang talaga! Ibalik ko yung pera kong hayop ka!" galit na galit na sabi ni Jenna na panay pa din ang sabunot at pamamalo kay Lyndon.
Kay Lyndon na kinuyog ng taumbayan ang mukha.
Kay Lyndon na pinagkaitan ng height at muscles sa katawan.
Kay Lyndon na mukha na ngang ewan, masama pa ang ugali!
Mabilis naman ang pagdalo ni Elsa kay Lyndon. Sinabunutan din nito si Jenna na agad na napabitaw sa malakawayang si Lyndon. At yun na nga ang umpisa ng UFC sa loob ng barangay hall.
Makalipas ang 10 minuto.
Punit na manggas ng blouse. Pugod ng ibon na buhok. Namumulang pisngi at kalmot sa mga braso.
Parehas na ganyan ang itsura nina Jenna at Elsa matapos ang wrestling match sa ganap. Ang nagpatigil sa gulo? Di sinasadyang madakma ni Boss Chief Percy ang noo'y patalbo-talbog na hinaharap ni Elsa, dahil tinangka nitong paghiwalayin ang nagsasabong na babae.
Napatingin siya sa relong pambisig, ala una na ng hapon. Na-miss na niya ang tutorial nila ni Biboy kaninang 11 at nalipasan na rin sila ng gutom, di pa rin tapos ang paguusap usap ng mga ito.
Nakakatirik ng braincells itong si Lyndon! Yung totoo, pinagaagawan talaga ito ng dalawang babae?! Juskohan talaga!
Umikot ang eyeballs niya at muling bumaling kay Boss Chief Percy na pulang-pula pa rin ang mukha dahil sa di sinasadyang pandadakma.
"Sir Boss Chief Dakma este Percy, pwede po bang kayo na po ang magbigay ng palugit kay Lyndon kung kelan niya dapat makumpleto ang 50k na kinuha niya kay Jenna," mahinahon na sabi niya.
"3 days," si Jean ang nagsalita. Taas baba pa din ang dibdib nito, halata ang pinipigil na inis.
"Anong 3 days?" sa wakas nag salita na rin si Lyndon.
""Bayaran mo yung pera kong kinuha mo sa loob ng 3 araw!"
"Ano! Saan naman ako kukuha ng ipambabayad ko sayo sa loob ng tatlong araw?" di makapaniwalang tutol ni Lyndon.
"Tatlong araw mong inubos ang singkwenta mil na nakadeposito sa joint account natin, pwes ibalik mo din yun sa loob ng tatlong araw," pinal na sabi Jean.
"Shuta! Nagbibiro ka ba? Singkwenta mil yun san ako kukuha ng singkwenta mil! Habaan mo naman ng kaunti ang palugit!"
"Anong-"
"Hep hep! Shadap na pwede? Ako na magsasabi!" matigas na putol ni Boss Chief Percy sa dalaawang nagabbangayan na dating magkasaintahan. "Katapusan ng buwan.Mahigit dalawang linggo din yun Lyndon," baling ni kapitan sa lalaki.
Nailing na lamang si Lyndon, tila walang magawa. Napatingin ito sa dating kasintahan, irap lang ang nakuha nito. Sinulyapan din siya nito pagkatapos, agad na umangat hanggang langit ang kilay niya at minulagatan ito.
Nakakaleshe talaga ang itsura ng lalaki. Sampung buwan ito at Jenna at sa loob ng sampung buwan na yun, nakakalimang beses na cool off na ang mga ito na nauwi na nga sa hiwalayan nitong huli.
Ahhhhh... lesheng pag-ibig kasi yan eh! Sarap pektusan!
Nagpirmahan na ang dalawang dating magkasintahan sa kasunduan nila. Pagkatapos niyon ay agad din silang umalis sa barangay hall.
Naunang umalis ang mukhang paa na si Lyndon at ang nasobrahan sa hinaharap na bagong nobya nito na si Elsa.
Napairap pa siya ng tanawin ni Jenna ang papalayong trisikel na sinakyan ni Lyndon at Elsa.
"O ano sundan natin, gusto mo?" walang gana niyang tanong sa kaibigan, mas tunog insulto.
Agad ang pagbaling ni Jenna sa kanya, nanlalaki ang mga mata bago ngumiti na parang aso at hinawakan ang braso iniya sabay sabi ng; "Pwede?"
Nagoverheat agad ang braincells niya, tuluyang nagshort circuit sa inis dahil juskohan lang talaga naman nang magsabog ng katangahan si Bro salong salong lahat ni Jenna!
"Gusto mo punta tayo sa ospital? Ang lala na niyang katangahan mo bes, lumelevel up araw-araw! Baka iba na yan! Di mo ba nakita? Nagmove on na yung tao oh, suso pa lang malulunod ka na! Kahit na pagpatungin mo pa itong future nating dalawa walang-walang panama dun sa.." napahawak siya sa bandang suso nya ng di oras. "Kaya bes, move on ka na rin, pwede?"
Napahugot ng hininga si Jenna, tumitig ng punum-puno ng sakit sa kanya. Bigla siyang nakonsensya, umarangkada na naman kasi ang pagiging daldalera nya. Gusto na nga niyang magsorry eh kaso bumira ang parehas niyang loka-loka ng:
"Nagmahal ka na ba? Minahal ka na ba?"
Napahilamos sya sa mukha ng wala sa oras. Eto na naman si Jenna na diehard fan ng mga tagalog movies! Sinabi na nga ba't dapat ay di niya ito hinayaang manood ng sine mag-isa. Alam niyang mag-aampalaya lang ito sa mahaba-habang panahon. At heto nga nagumpisa na.
Walang sabi-sabing tinampal nya ang noo ng kaibigan.
"Aray naman!" mabilis na reklamo ni Jenna habang sapo ang noo.
"Sus! Makareklamo 'to! Kanina habang nakakipagrambulan ka dun kay 'let it go" (Elsa) di ka naman umaaray ah!" depensa niya.
"Eh syempre nandun si Lyndon," nakangusong sagot nito.
"Tsss.... Lyndon na naman...Alam mo kung wala ako siguro doon kanina baka kinalimutan mo na lang ang kinuhang pera sa yo ng tukmol na yun! Noh?" aniya na nakamulagat. "Tara na nga umuwi na tayo, lalong lumalakas yang saltik mo pag gutom ka eh," inis na sabi nya habang pumapara ng trisikel.
Nang tumigil sa tapat ng bahay nila Jenna ang trisikel ay bumaba na rin siya. Mayamaya pa ay muling bumaling si Jenna sa kanya.
"Alexa, pwede ka bang magbantay sa shop ngayon? Half-day lang kasi si Miley ngayon eh, di ba nga kasi Sabado. Ako ang tumatao sa shop 'pag weekends ng hapon.Kaso..." nilahad nito ang braso na may galos na natamo nito sa pagkikipagsabong kay "let-it-go"(Elsa).
Sandali syang nag-isip. Yaman din lamang na nasira na ang schedule ng raket niya ngayong araw, might as well accept the job, tutal naman hindi iyon ang unang pagkakataon na tatao siya sa shop nito. Umirap sya kunwari, para hindi halatang gusto niya ng raket na sinasabi ng kaibigan.
"Sige na nga! Kung di lang kita kaibigan hmmmp," aniya na hinaluan pa ng pag-ikot ng mga mata para effective.
"Salamat bes! Ikaw na talaga si Wonder BFF! Dali na sigaw na ng darna!" nakangiting udyok ng kaibigan.
"Anong darna! Hindi yun ang isisigaw ko noh!"
"Eh ano?" nalukot ang magandang mukha nto.
"Ganda! da-da-da!" aniya at itinaas pa sa ere ang isang kamay, nakakuyom ang palad.
"Hoy Ling! Yan ka na naman!" anang Kuya Lui niya na nasa tarangkahan pala ng maliit na bahay na minana nila sa yumaong tiyahn ng nanay niya. "Ganda? Tssss...Tanghaling tapat, nagtotoyo ka diyan! Pumasok ka na, gutom lang yan!"
Napairap siya ng bongga,kumibot-kibot pa ang mga labi. Panira talaga ng buhay ang mga Kuya niya. Mabuti pa si Renz, ang bunso nila, mataas ang respeto sa kanya. Aba dapat lang siya ang nagpapaaral dito eh.
"Kain lang ako tapos larga na ko sa pwesto mo," pahayag nya sa kaibigan bago tuluyang pumasok sa gate nila.
Mabilis siyang kumain, sigurado sya puti na ang mata ni Miley kakahintay sa relyebo nito. Tatakbo na lang siya palabas ng gate nila nang muli siyang tawagin ng Kuya Lui niya.
"Oist Ling, may nakakalimutan ka"
Agad na nalukot ang mukha niya at humarap sa Kuya niya na nakasandal sa hamba ng pinto. Agad niyang tinaas ang kanang kamay niya at binigkas ang mga sumusunod:
Ako si Alexa
Hindi iibig sa mapera
Diringgin ko ang payo nang aking mga Kuya
Laging itatayo ang mithiin ni Gabriela
Hind paaapi sa pakikibaka
Laging ipagtatanggol ang karapatan ng kapwa
At higit sa lahat, tutularan lagi si Maria Clara
"Ayos! Babye Ling!" matamis na nakangiti ang kuya niya pero siya sobrang inis.
Kolehiyo siya nang pinasumpa-sumpa siya ng mga Kuya niya ng imbentuhin ng mga ito ang "Panata ni Alexa" para daw iwas disgrasya. At mula nga noon ay di siya pinapaalis ng bahay nila nang di namamanata. Eh ang kaso bente-tres na siya, siguro naman pwede na niyang tantanan ang pamamanata! Juskohan sa kaistrikohan!
Malakas din ang tagas ng toyo ng mga ito, naipasa lang siguro sa kanya.
Tsss... at siya pa ang tinawag na Ling! Wengya!
Nailing niyang binuksan ang tarangkahan.
Pihado bumubula na ang bibig ni Miley kung di dahil sa gutom, malamang sa to the highest level na inis sa karelyebo nito at sya nga yun.
Madali syang humugot ng mentos sa bulsa. Dapat gaya nang kendi "Stay Fresh" lang siya.
Pumara siya ng traysikel pagkatapos.
###
2166words
Follow me in FB:Jenny Javier
FB Group: Kaharian ni Dazzling Girl
Page: Dazzling Girl WP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro