Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prolouge

10 years ago

TAHIMIK na kinuha ng labintatlong taong gulang na batang babae ang card na nakapatong sa desk niya. Isang bear na may hawak na maraming bulaklak ang nakaguhit sa pabalat niyon. Napangiti ito nang mabasa ang mensahe sa loob niyon.


                                                                           Happy Birthday Alexa!

                                                                                             Json

Sinulyapan niya ang bakanteng upuan sa tabi niya. Wala pa doon si Json, ang seatmate at bestfriend niya. Inilibot niya ang paningin sa classroom ngunit wala rin ito doon.

"Hindi kaya papasok si Json?" tanong niya kay Jamie na nakaupo sa harapan niya. Masungit ito at mayabang palibhasa'y anak ng principal ng school na pinapasukan niya.

"Hindi na papasok 'yun, pupunta na sa States ang pamilya niya. Nandito siya kanina kasama ang Mommy at Daddy niya, kinausap nila si Mommy sa office. Nilagay niya yang card sa desk mo bago sila umalis," tila naiinis na sagot nito. Kung sa ibang pagkakataon sana ay tatanungin niya kung bakit ito naiinis sa kanya ngunit labis siyang nabigla sa ipinaalam nitong balita.

Maninirahan na sa States si JSon at hindi man lamang niya nagawang magpaalam o di kaya'y magpasalamat sa kabutihan nito sa kanya. Mabait at mapagpakumbaba si Json, hindi gaya ng ibang mayayaman na classmates niya na lagi siyang nilalait. Kung hindi nga lamang dahil sa scholarship ay hindi siya makakapasok sa eskwelahang iyon kung saan nagta-trabaho ang tatay niyang si Mr. Teofilo Reyes , bilang janitor. Si Json lamang ang matatawag niyang tunay na kaibigan sa eskwelahang iyon, at ngayon ay iniwan na siya nito ng tuluyan.

Bumalatay ang matinding lungkot sa kanyang mukha. Heto at birthday na birthday niya pero isang masamang balita ang sumalubong sa kanya. Mukhang napansin ni Jamie ang panghihinayang niya at muli siyang binalingan.

"We even said our goodbyes to Json, at dahil late ka na naman hindi mo naabutan," inis na pinaikot pa nito ang mga mata.

"A-ano kasi nasiraan yung... yung.. sinakyan kong tricycle," atubili niyang sagot.

"Tricycle?" amused na sabi nito. "No doubt, you're really poor," anito sabay talikod sa kanya.

Nakagat na lamang ni Alexa ang kanyang bibig upang huwag maiyak. Kung sana ay naroon si Json, ipagtatanggol siya nito sa panghahamak ni Jamie. Ngunit wala na si Json, umalis na ito at nagiisa na lamang siya.

Bumaba ang tingin niya sa birthday card na iniwan nito para sa kanya. Pinilit niyang ngumiti, dahil alam niya magagalit si Json kung nakikita siya nitong malungkot sa araw ng kaarawan niya. Nahiling niya na sana pahihinntulutan ng Diyos na muli silang magkita balang araw.

###

416words


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro