Gabriela vs. Diego
Kinabukasan...
Inirapan niya muna ang mataas na gate na nasa harapan niya bago atubiling nag-door bell. Nag-stretching pa sya habang hinihintay ang pagbukas ng gate. Kailangan maging handa ang mga inbisibol na mga muscles niya sa anumang eksena sa pakikibaka.
Ilang sandali pa at binuksan ng guard ang gate. Mabilis niyang sinabi ang sadya niya. Awtomatiko ang paglukot ng mukha niya ng sabihin nitong: "Wrong address po siguro kayo. Wala pong nakatirang Tony dito." Iyon lang at pinagsarhan na siya ulit ng gate.
Agad ang pag-usok ng bunbunan niya napatirik pa nga ang mga mata niya eh, sure na sure sya, binilin ni Tony ang mga guard. Papanong magkakamali ang home address nito sa opisina? Nakuha niya ang address ng lalaki sa sekretarya ni Tony na si Cherrie. Ka-close nila ito ni Maia at kasama din nilang lumalabas paminsan-minsan sa mga parteh-parteh.
Talipandas talaga!
Plano talaga nitong takasan ang responsibilidad nito kay Maia. Natigilan siya ng may maisip. Paano kung umalis na ito ng bansa at wala na itong planong bumalik pa?
Juskohan! Malayo-layong languyan ang Pacific Ocean kung sakali!
MArahas siyang napailing. Di siya papayag.
Muli siyang nagbuzzer. Inulit ulit pa niya iyon ng ilang beses, ngunit nanatiling sarado ang gate.
Ayaw niyo akong pagbuksan ha!
"Tony! Tony!" sigaw niya habang patuloy na kinakalampag ang gate. "Alam ko nandyan kang talipandas ka! Kausapin mo ako! Hindi uubra sa akin yang patago-tago mo! Ano porke't mayaman kayo pwede mo nang takasan ang responsibilidad mo sa kaibigan ko? Aba ano ka sinuswerte? Lumabas ka riyan at ako ang harapin mo!"
Noon lumabas ang dalawang guard ng mansyon at pilit siyang pinapatigil sa pagsigaw. Akma na sana siyang dadamputin ng dalawang sekyu upang ilayo sa lugar ngunit mabilis siyang umilag ng to the left at to the right na ikinawindang ng mga manong guard kaya yun nakapasok siya ng tuluyan sa nakabukas na gate, dumiretso sa portico at nagtuloy sa salas.
Nataranta ang mga gulat na maids sa loob ng bahay. Hinablot ng isang guard ang kamay niya nang maabutan siya, pinilipit iyon sa likod niya. Ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pagsigaw sa pangalan ni Tony.
"What the fuck are you screaming at woman!?" may bahid ng inis ang awtorisadong tinig nito. Napatingala siya sa ikalawang palapag ng bahay kung saan nagmumula ang tinig..
"Kailangan kong kausapin si Tony!" pasigaw niyang sagot habang pilit na pumapalag sa pagkakahawak ng guard sa kamay niya.
Nagsimulang maglakad pababa ng grand staircase ang lalaki. Tila pamilyar ito sa kanya. Malaki ang pagkakahawig nito kay Tony eh. Marahil ay kapatid o pinsan niya ito. Namilog ang mata niya nang mapagsino ang lalaki. Ito ang lalaki na iniwan ng babae, na sa tingin niya ay girlfriend nito, sa harapan ng French resto kahapon!
Tingnan mo nga naman! Kumpirmado! Magkakamag-anak talaga ang mga palikero!
"Im sorry miss. But there's no Tony here," anito nang tuluyan na itong makababa sa hagdan at humarap sa kanya. "You're probably mistaken. So, before I press any charges against you, it's best for you to leave my house."
Shuta English! Nakalimutan niya, mayaman nga pala ang pamilya ni Tony malamang english spokening ang mga ito.
Pero bukod sa nakakanosebleed na accent nito,hindi alam ni Alexa kung bakit pati ang tinig nito ay pamilyar sa kanya, maging ang nakakahipnotismong mata nito ay tila nakita na niya.
Imposible!
Malamang kulang siyang talaga sa tulog, hindi pa siya kasi umuuwi at sa ospital siya natulog kung kaya sigurado siya nagsu-swimming sa toyo ang mga braincells at senses niya.
Nakita niya ang marahang pagsensyas ng lalaki sa guard na pakawalan siya. Nang makatayo ng tuwid ay agad niyang minasahe ang braso, namumula na ang balat niya sa mahigpit na pagkakahawak ng mga sekyu kanina. Nag-angat siya ng paningin sa lalaki, tila may gusto itong sabihin pero may pumipigil rito.
Na-conscious siya mga titig nito o mas tamang sabihing nalulusaw siya sa mga titig nito.
Oh well papel, gwapo naman talaga kasi ito at ang mga mata niya minsan mahilig ding mag-hunting ng pogi at kapag nangyayari yun, yung mga hormones niya nagwawala, nag-aaklas at nawiwindang!
Napatuwid siya ng tayo. Hindi pagha-hunting ng gwapo ang pinunta niya doon, may pinaglalaban siya!
"Gusto ko lang kausapin si Tony. I mean no harm," saad niya may halong irap.
"Miss, walang nakatirang Tony dito. Inuulit ko, baka nagkamali ka nang address na pinuntahan."
Inilabas niya sa bulsa niya ang piraso ng papel na pinagsulatan niya nang address ni Tony at iniabot sa lalaki. Matapos ang ilang segundo, tumango-tango ito. "Yes this is our address but no one with a name of Tony lives here. Di ba?" baling nito sa mga katulong at sekyu na nakapalibot sa kanila sa salas.
Nagsitanguan lamang ang mga ito.
Nakiramdam siya, sinurii ng maiigi ang mukha ng mga pipol na gulat pa ring nakatitig sa kanya. Epic Fail ba talaga ang pakikibaka niya?
Namula si Alexa, pinangunahan ng hiya at taranta ang sistema. Lumunok sya at kumurap, hiniling na lamunin na siya ng lupa. Mukhang wa char, epic fail nga ang pagsugod niya.
"If you don't mind me asking, ano bang ginawa sayo ng Tony na hinahanap mo Miss?" tanong ng lalaki, humalukipkip ito at tumingin sa kanya.
Ibinaling niya sa iba ang tingin, nahihiya siya kasi at naiilang. "N-nagkemerlu s-sila nung bff ko..."mahina niyang sagot, halos siya na lang ang nakakarinig.
"What? I can't hear you," yung lalaki ulit, may bahid ng iristasyon ang tinig.
Tumikhim siya kasabay ng lalong pangangamatis ng mukha niya. Juskohan naman kasi di niya mabanggit, NBSB siya at idolo si Maria Clara!
"Nagkemerlu sila ng bff ko," mahina at mahinahon niyang sagot.
"What?"
Tumirik na ang braincells ni Alexa sa sobrang inis,tumagas na rin ng tuluyan ang toyo niya at segundo na lang ang bibilangin ay magtsu-tsunami na ng toyo.
3,2,1.
That's it!
"Nagkemerlu sila! Chukchak Chenes! Give-it-to-me! at may sound effect na "ooh yah ohh yeh" ganern! Juskohan di mo pa rin ba magets ha?! Matalino naman ang itsura mo!" inis na sambit ni Alexa na may halong irap at taas kilay.
Napamaang si Mr. Pogi. Mayamaya ay napangiti, at ang puso ni Alexa lumundag ng bongga at di lang yun kumabog-kabog pa.
Wengya! Ano ba nangyayari sa kanya?
"You mean,sex?" amused na tanong nito sa kanya.
Napatanga siya ng mga 3 seconds. "Y-yun na nga..." napalunok muna siya bago nagpatuloy. "Tapos ngayon buntis na yung kaibigan ko at tinakasan ng alagad ng hudas na si Tony!"nangigigil na naikuyom niya ang kanyang mga kamay.
Marahang natawa si Mr. Pogi, na lalo lamang naging pamilyar ang itsura para sa kanya. Pero wala sa isip niya ang pag-alala kung sino si Mr. Pogi kundi nasa paghahanap kay Tony.
Muli syang napairap sa naalala at inis siyang nagbuga ng hangin. Kung wala si Tony doon dapat um-exit na siya, bago pa mawindang ng tuluyan ang buong sistema nya dahil sa byutipol smile ni Mr. Pogi.
"I'm sorry," umpisa niya. "Mukhang wala nga si Tony dito. Aalis na ko, pasensya na sa abala," mababa ang tinig na paalam niya.
Akma na sana siyang tatalikod nang may pupunags-pungas na pigurang nagsalita mula sa likuran ng lalaki.
"What the hell is-," nabitin sa ere ang sasabihin nito nang mapagsino si Alexa. Naitulos ito sa kinatatayuan na parang natuklaw ng ahas. "Alexa?" gulat na sambit nito.
Sa naniningkit na mga mata ay marahas niyang binalingan si Mr. Pogi na napaangat pa ang mga kilay. "Siya si Tony."
"NO, that's my cousin James," naguguluhang sagot nito bago natigilin. Natawa ito pagkatapos na lalong ikinainis ni Alexa. "Now I get it, James Anthony," naiiling na sabi nito sabay lingon sa sindak pa ring si Jed.
"A-alexa anong ginagawa mo dito?" si Jed/Tony na tila naguguluhan pa din sa namulatan niyang tagpo.
"Nandito ako para pag-usapan ang tungkol kay Maia," matigas na sabi niya bago tuluyang lumapit kay Jed/Tony, hindi niya napansin ang pagkunot noo ng unang lalaking kausap niya kanina. Nakita niya ang pagtakas ng dugo sa mukha ni James/Tony.
Shoot sa banga! Guilty! Naisip ni Alexa.
"Ang kapal din ng mukha mo ano-"
"Alexa?" Marahas na nilingon ng dalaga ang lalaking kausap niya kanina.
"What?"
"Lexie?"
Napakunot siya, agad tumirik ang braincells. Wengya, bakit feeling close si Mr. Pogi? Iisang tao lamang ang tumatawag sa kanya niyon si....
"Don't you remember me? It's me Json."
"J-Json."
___________________
TAHIMIK na nakaupo si Json sa mahabang sofa habang pinagmamasdan ang katabi niyang si Alexa na humihigop ng kape. Napangiti siya ng lumitaw ang dimples nito habang ibinababa sa coffee table ang tasa ng kape.
Its been a long time since he'd last seen those cute dimples. Noong first yr highschool sila ay palagi niya itong pinapangiti upang masilayan lamang ang dimples nito. The dimples did make her cute then, but it definitely made her a lot gorgeous now he had to admit, like a perfect imperfection. She still wear her silky straight black hair long, just like the old times.
Muli siyang napangiti. Who would ever thought that after 10 years they'll meet again in his own house!
Noong araw na umalis sila ng pamilya niya patungong Amerika ay hindi man lamang siya nakapagpaalam dito. Instead he left her a birthday card with his home address in the States to keep her intouch. Too bad she didn't write at all.
"Kailangan mong puntahan ang kaibigan ko," sabi ni Alexa mayamaya kay Jed na nasa pangisahang sofa sa tapat nila. "Hindi ka man lang ba naaawa sa mag-ina mo? Kahit h'wag na si Maia ang isipin mo, yung bata ang importante. Gusto mo bang lumaki na walang kinikilalang ama ang-"
"Hindi ko gusto ang ginagawa ko Alexa. Maniwala ka. Mahal ko si Maia pero-" halos hindi mabigkas ni Jed ang susunod na sasabihin sa halip ay nanghihinang sinuklay ng mga kamay ang buhok nito. Tila gulong-gulo ito.
"Tony.. err.. James is engaged," salo niya. Marahas naman ang paglingon ni Alexa sa kanya bago umirap.
"Ikakasal ka na?" galit na tanong ni Alexa kay James. Tumango lamang ito. "And yet-" nanghihinang napasandal ito sa sofa.
"Believe me, Alexa, mahal ko si Maia. Pero hindi ko pwedeng talikuran ang responsibilidad ko sa pamilya ko," sabi ni James na nanatiling nakayuko. Napadiretso naman ng upo si Alexa.
"Anong sinasabi mo? Hindi ba't responsibilidad mo rin ang mag-ina mo?" naiiritang tanong ni Alex
"Arranged marriage, iyon ang sinasabi ni James," siya ulit na hindi inaalis ang mga mata kay Alexa. "Jed had been engaged since college to a daughter of a long-time family friend. Hindi pa sila nagkikita, pero ang sabi ng lola namin kailangan na raw magkita si Jed at ang fiancee nito one of these days. Probably next week, next month, we don't know. But one thing we know for sure, ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng lola namin ay batas na kailangan naming sundin. Kundi-"
"Aalisan niya kayo ng mana?" Natawa ito, nanguuyam. "Tsss...No offense meant ha, pero ano yang lola niyo fanatic ng teleserye?" may halong insulto ang tinig nito. "Malalaki na kayo, bakit di kayo magdesisyon ng sarili ninyo!
"Well technically, Gran is the chairman of the dela Vega Conglomerate. So she has the last say in everything," paliwanang niya sabay higop sa tasa ng kape pagkatapos.
Nanatiling walang kibo si Alexa. Ngunit pana'y ang buga nito ng mararahas na hininga. Halatang ang pinipigil nitong galit. Kung siya rin ang nasa sitwasyon nito, tiyak na magagalit din siya. Minsan, naisip na rin niyang suwayin ang lola niya lalo na sa pagpipilit nitong pakasalan si Jamie, kung hindi lamang mahalaga sa kanya ang pagod at sakripisyo ng mga magulang niya upang itayo ang dlV Devt. Corp, matagal na siyang nagpakalayo-layo at namuhay malayo sa anino ng matandang matriyarka.
"So gan'on na lang yun? Papabayaan mo na lang si Maia at ang magiging anak niyo?" baling nito kay Jed. "Ha! Bilib din ako sa inyong dalawa. No doubt magpinsan nga kayo, parehas kayong manloloko!" galit na sabi nito habang pinaglilipat lipat ang tingin sa dalawang lalaki bago tumayo.Napatayo na rin ang magpinsan.
"Wag namang ganyan Lexie. Wag mo kaming husgahan," siya ulit, pilit pinapakalma ang naggagalit na dalaga.
"Eh pa'no mag-thank you pa ako ganon ha? At saka bakit ba ikaw ang sagot ng sagot! Wala bang dila itong si.. James/ Tony! Wengya! Pati pangalan mo paiba-iba! Buset!" singhal nito na maahas pang nasuklay ang kamay sa buhok, halatang pikon na pikon na ito.
"Alexa...." si James na marahang nagbuga ng hininga pagkatapos.
"Naalala mo noong gabing pinakilala ka sa akin ni Maia?" umpisa ng dalaga, tumango naman si Jed. "Alam mong di ako boto sa'yo kasi nga mayaman ka, mapera, elitista. But you said you'll prove me wrong, that you'll never hurt my friend, that you are different amongst your circle. Anong nangyari Tony?"nangiinsulto ang tinig ng dalaga, bago humakbang palapit kay Jed at tiningla ito. "You were no different Tony. You're just one of those rich lying bastards I knew," she said it full of hatred and candour.
Sandali pa itong nakipagtitigan kay Jed bago napayuko na sapo ang tyan. Agad naman niya itong dinaluhan. Kagat-labi itong tumingin sa kanya.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong niya.
Nakangiwi na itong tumingin sa kanya bago nahihiyang sanabi ang: "Naiihi ako. Sa'n ang C. R.?"
Pinigilan nya ang matawa.Sa itsura nito, mula pa ng pumasok ito ng walang paaalam sa bahay niya, ay kayang-kayang nitong manuntok.
"Grace," baling niya sa isa sa mga katulong. "Pakisamahan si Lexie sa CR," agad namang tumalima ang katulong, sumunod din si Alexa. Nakakailang hakbang pa lamang ito nang muli itong bumaling sa kanya.
"Wag mo na akong tatawaging Lexie," matigas na sabi nito.
"Bakit naman?I used to call you-"
"Basta!" pinal na sabi nito bago umiling at saka sinundan si Grace.
What happened to you, Lexie?, he thought.
Mayamayapa ay may dumating na sasakyan. Napalunok siya, mukhang alam na niya kung sino ang bisita niya.
____________________
Wagas ang pag-irap ni Alexa sa repleksyon nya sa salamin habang naghuhugas ng kamay matapos niyang pakawalan ang sama ng loob ng pantog niya.
Leshe! Ang ganda na ng eksena kanina eh! Um-english na siya, nagdrama, nangunsensiya kaso ang pantog niya walang pakisama.
Nyeta talaga yang pantog niya na yan eh, walang pakisama!
Muli siyang napatingin sa repleksyon niya. Humigit at nagbuga ng hininga ng makailang ulit, bago sinuklay ang malagong buhok gamit ang kamay.
'Dont you remember me? It's me, Json."
Tsss... mukhang may memory gap na ata siya,bakit di niya maalala ang itsura ng mortal enemy #1 niya? At tinawag pa niya itong Mr. Pogi! Tsk! Ang masaklap no'n, totoo kasi ang paglevel up ng kapogian nito!
Muli niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib. Kailangan na niyang umuwi, ayaw niya ng posibilidad na parehas na hangin ang nilalanghap nilang dalawa ni Json. Marahan niyang pinihit pabukas ang pintuan ng CR. Malayo palang ay dinig na niya ang malalakas na boses mula sa salas, pero mas nangingibabaw ang boses.... matanda.
Kahit naguguluhan ay pilit pa rin siyang naglakad palabas ng pasilyong pinanggalingan niya. Napahinto pa siya ng makita ang isang matandang babae na nakasuot ng mamahaling damit, may kaputian na ang buhok, ngunit sa tindig at aura ay halata pa rin ang sopistikasyon.
Agad na lumipad ang tingin nito sa kanya. Ipinilig nito ang ulo at binigyan siya ng nanunuring tingin, mula ulo hanggang paa at pabalik.
Napalunok siya. Nahiyang bigla ang kagandahan niya, paano naman kasi simpleng blouse, skinny jeans, at sneakers lang ang suot niya di bagay sa aura ng buong kabahayan.
"And who are you?" tanong ng matandang babae. Agad naman ang paglingon ng magpinsa sa direksyon niya.
Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas, bagkus ay inunahan siya ni Json.
"Hi luv there you are!" masiglang bati ni Json sa kanya.
Tuluyan nang naghang ang braincells niya, at parang ewan pa lumingon sa likod niya. Pero mukhang confirmed siya nga ang tinawag ni Json na luv. Lumakad ito palapit sa kanya, kumindat at bumulong ng: "Relax. I'll do the talking," bago siya inakbayan.
"Gran, this is Alexa, my girlfriend," kalmadong sabi ni Json.
Ano daw sabaw? Siya? Girlfriend nito?! At ito pala si lola na fan ng mga teleserye!
Napapantaskikuhang tinignan niya si Json na mas lalo pa atang humigpit ang hawak sa balikat niya. Niyuko sya nito, ngumiti at mabils na hinalikan sa pinsgi.
Juskohan! Hinalikan siya nito! Pag nalaman ng mga Kuya niya, yun na, walang halong eklavu, simula na ng panibagong rebolusyon!
###
2723words
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro