chapter 7
Come with me.
Uunat unat siyang bumaba sa may hagdan. Anong oras na siyang nakatulog kagabi dahil hindi siya pinapatulog nang isang demonyong namahay sa utak niya buong magdamag. Anong oras na nga ba ? Agad siyang napatingin sa wall clock na naka sabit sa ding ding.
"Ang aga pa pala. " She said and scratch her head. Bago dumiretsyo sa kusina at kumuha nang gatas sa ref.
"Good morning "
Muntik nang mabasag ang basong hawak niya dahil sa biglaang pag sasalita nang lalaki sa kanyang likuran. Sisinghalan na sana niya ito ng makita niya ang gwapong binatang nag kampo sa utak niya buong mag damag.
Almighty Lucifer is standing in front of her. May hawak itong kopita at sumisimsim nang kape. His hazel nut brown eyes twinkled.
Nalukot ang noo niya. Bakit ang isang ito fresh na fresh samantalang siya ay mukhang manananggal ? agad niyang binaba ang baso at gatas sa kitchen counter at tinakpan ang mukha nang marealize niyang wala pa siyang ayos.
"Don't look at me !" Ani niya at todo tago pa sa kanyang mukha."Bakit ba ang aga aga nandito ka !? " Inis niyang sabi at nilagpasan ang binatang tatawa tawa.
"Wait up brat " Sikmat ni Lucifer at hinawakan ang braso niya.
"A-ano ba ! " Ani niya at pilit na kinakalas ang pag kakahawak nito sa braso niya.
Pero imbis na bitawan ay hinaltak pa siya nito papalapit sa katawan ng binata. Lucifer hole her waist tight kayat mag kalapit na mag kalapit ang katawan nilang dalawa.
"Why are you hiding your face ?" Tumatawang sabi nito.
Why does his laugh so attractive ? Baliw na talaga ako !
Napasimangot siya ano ? Siya lang ba ang na bother sa pag mumukha niya ? May malalaking itim sa ilalim nang kanyang mata hindi niya na pansin kung may panis na laway pa siya. Basta pag katapos niyang mag unat unat sa kanyang kama ay lumabas na siya nang kwarto nang walang toothbrush!
Wait !? What !? Hindi pa siya nag totooth brush !
Pa simple siyang huminga at nilanghap ang amoy nang kanyang hininga.
" Don't hide your face brat " Lucifer said.
Agad siyang umiling nang hawakan ni lucifer ang kanyang kamay.
"No !!! Don't do that you scum !" Sigaw niya.
She heard Lucifer laugh kayat mas lalo siyang nainis.
"W-wala akong make up , wala pa akong toothbrush b-baka may muta pa ako kaya wag mong subukan " Gigil niyang sabi.
Napailing iling nalang ang binata. Why do woman care for how they look , is that really necessary ?
" Maganda ka naman kahit wala kang make up. Saka wala kang muta wala ding panis na laway. " Lucifer said
Sandali pa siyang nag isip bago ibinaba ang kamay pero naiwan ang isang kamay nito sa may bibig.
"Maganda naman talaga ako kahit di ako mag ayos " ani niya at humakbang paatras sa binata.
Pero bakit kanina takot kang makita ni Lucifer ang ayos mo ? sabi nang makulit niyang utak
"Bakit nga ba ? " Bulong niya sa sarile.
"What did you say ? " Ani nito at humakbang palapit.
"Wag kang lumapit ! Dyan ka lang samahan mo akong mag shopping " She said and walk away.
Nang maka pasok sa kwarto ay agad siyang napasandal sa pinto nang kanyang silid sabay hawak sa pusong kumakabog.
"Tinmaan na nang lintik !" Sikmat niya at kinaltukan ang sarile. " Dapat na ba akong maligo agad sa umaga ? Bakit ba kasi nandito siya ? " Naiiling na pumasok na siya sa banyo. Wala naman ding magagawa ang pag kausap niya sa sarile niya.
Agad siyang naligo at nag bihis simpleng white high waist short at navy blue V-neck shirt. Nag lagay lang siya nang light make up at naligo nang pabango saka lumabas.
Nang makababa ay agad niyang nakita ang binatang nakaupo sa salas nakapikit ang mata nito.
Lucifer has a long eyelids sharp nose and a perfect jawline , napangiti siya dahil narinig niya pa ang mahinang pag hilik nito.
"Gaano ba ako katagal nag ayos ?" Natatawang sabi niya at naupo sa tabi nang binata. Gigisingin niya ba ito o hindi ? She has a bright idea kinuha niya ang cellphone niya saka pinicturan nang ilang ulit ang binatang natutulog.
"Gwapo talaga ang kumag kahit tulog ." She chuckled " Hey Gising na. " She said and poke his cheeks " Hey jerk wake up. '
Pero hindi natinag ang binata at sumandal pa ang ulo sakanyang balikat .
"H-Hoy gising na " Ani niya nang mag simula nanamang mag huramintado ang mga boarders niyang paro paro sa tiyan niya.
She gulp and tried to wake him up again but she failed.
"You smell good "
Agad siyang napatayo nang marinig niya ang baritonong boses ng binata dilat na ang mga mata nito at nakangisi na sakanya.
"Kanina kapa ba gising ?" She said at nag iwas nang tingin alam kaya nito ang ginawa niya. "Nag tutulog tulugan ka ano ! "
" Hindi no "Ngisi nito. "Kakagising lang bakit may ginawa kaba sa katawan ko ?" He said at yumakap pa ang mga kamay nito sa sarileng katawan " Did you touch my body "
"Asa ka ! Tara na nga !" Ani niya at nag martya na palabas.
Nang makasakay sa kotse ay agad niyang kinabit ang seat belt. Mahirap na baka madisgrasya pa sila , kasunod niyang pumasok si Lucifer.
"So brat where do you want to go ?" Lucifer asked.
Tinaasan naman niya ito nang kilay.
"Bakit makakapag shopping kaba sa park ? Malamang sa mall "
Natawa lang si Lucifer ka kagaspangannang bibig niya saka nito pinaharurot ang sasakyan.
"B-baka namang pwede mong bagalan h-hindi naman ako nag mamadali "
Natatarantang sabi niya dahil ang bilis nang pag papatakbo nito.
"Okay queen of all brat " Lucifer said.
Nang makarating sa mall ay agad silang lumibot sa ibat ibang boutique.
" Hey brat bakit kaba namimili nang damit ? Para saan naman ? " Wika ni lucifer habang nag kakalikot din nang dress " Here it will suit you "
She looks at him flatly. Ang hawak kasing damit nito ay long dress na turtle neck at long sleeve pa.
" Hindi ako mag mamadre Lucifer " Inis niyang wika bago mag patuloy sa pag hahanap nang perfect OOTD para sa araw na iyon.
"Here yah go " She giggled habang nakatingin sa dress na hawak " What do you think ? "
(Tequila's chosen OOTD )
Matiim na tinitigan ni Lucifer ang long sequin champagne sexy dress. Nangunot ang nuo niya nang bigla nalang nitong ibalik sa pinag kuhaan niya ang dress saka siya hinaltak palabas. Pero inis na tinuhod niya ang gulugod nito.
"Ouch ! Hey brat ! Ouch "
Agad niyang binalikan ang dress at saka dinala sa cashier.
" I'll buy it " Walang ganang sabi niya at nag labas nang cash.
" Para saan ba ang lintik na dress na iyan ? Why do you need to wear a fucking sexy dress !? Alam mo ba kung ilang lalaki ang mababalian nang leeg kapag sinuot mo iyan " Galit na wika ni Lucifer.
Napahawak siya sa mukha dahil sa hiya. Ang ibang sales lady naman ay tila kinikilig pa sa kalokohan nang gago niyang kasama.
"Dapat pala hindi na kita sinama !" Inis niyang sabi saka hinablot ang paper bag at lumabas nang boutique na iyon.
" Ano bang occasion iyon at ganyan ang suot mo ? " Ani ni Lucifer na nasa likod na pala niya.
Kahit yata anong laki nang hakbang niya ay mahahabol padin siya nang binata kayat huminto nalang siya.
"It's my ex-fiancee wedding next week at ito ang gagamitin kong damit "
Hindi niya alam kung anong sinabi niyang mali dahil biglang dumilim ang mukha nang lalaking kaharap.
"So you want a show off " Madiing wika nito " Fine ! I'm coming with you !"
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito.
"What!? Hindi na kailanagan kaya ko ang ---"
"Nope ! I'm coming with you Tequila Yossabel and that's final !" Ani nito at hinaltak na siya paalis sa lugar na iyon.
---
Lucifer was sleeping peacefully when he felt someone sat beside him. Madali lang naman siyang magising. Hinayaan lang niya ang dalaga sa ginagawa nito alam din niyang kinuhaan din siya nito nang litrato and he's trying to suppress his smile. Ilang oras ba siyang nag hintay ? Nakatulog na nga siya kakahintay sa dalaga.
"Gwapo talaga ang kumag kahit tulog ! Hey Gising na " She said and poked his cheeks " Hey jerk wake up "
Hindi na niya mapigilan ang pag ngiti kayat sumandal ang ulo niya sa balikat nang dalaga. Kung saan pwede niyang itago ang nakangiting mukha. Now he can smell her perfume. Ang lambot din nang balat nito.
"H-hoy g-gumising kana " Wika nito kayat nag salita na siya. Na siyang kinagulat nang dalagang pulang pula ang mukha.
Caught you red handed .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro