MARUPOK 7
Malungkot ako na naglalakad ngayon mag isa. Hindi naman ako pwede mag tampo kasi importante 'yung pupuntahan ni Kenneth tyaka sino ba naman ako para mag tampo.
"Akala ko ba sabay kayo nung Kenneth mo?" nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko.
Napahinto ako sa paglakad at lumingon.
"Ken?" si Kendmar, hawak niya ang isang shoulder strap ng backpack niya na nakasabit sa isang balikat niya. May suot pa siya na black na sumbrelo na may check na nakalagay, Nike.
"Kawawa ka naman, mukhang hindi ka sinipot" nagsimula na ulit siya maglakad.
"Sinipot niya ako, nagkaroon lang siya ng emergency" pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Anong emergency?"
"Wala ka na doon" napabuntong hininga siya sa sinabi ko.
"Hayaan mo na siya. Nandito naman ako e"
"Tsk, mas gusto ko pa maglakad ng mag isa kaysa sa makasabay ka" binilisan ko ang lakad ko.
Halos ma-out of balance ako nung naramdaman ko na hinatak niya ang bag ko pabalik sa kaniya.
"Ano ba?!" iritang sabi ko.
Nagulat naman ako nung mabilis niyang naitanggal sa dalawang balikat ko ang bag ko. Grabe, galawang snatcher!
Napaawang ang bibig ko nung binitbit niya 'yung bag ko sa kaliwang balikat niya.
"Akin na nga 'yan" nakikipag agawan ako sa kaniya. Hinampas hampas ko pa ang kaliwang braso niya para bitawan ang bag ko pero ayaw talaga.
"No" hinila niya ang kanang braso ko para ilipat ang pwesto ko sa kabilang side niya.
Siya na ang nasa side kung saan may dumadaan na mga sasakyan.
"Ano na naman 'to, ha?" inis na sabi ko. Tumingin lang siya sa'kin pero hindi niya ako sinagot.
"Saan ka ba pupunta?" hindi pa rin siya sumagot.
"Huy!" parang hangin ang kausap ko.
"Ah, sabi ko na crush mo 'ko e" nakangising sabi ko sa kaniya. Napahinto siya bigla at parang nataranta.
"Ha? HAHAHA assumera ka pala" umiiling-iling na sabi niya na parang hindi siya affected sa sinabi ko!
Medyo napahiya ako roon ah.
"Eh, ano 'yan? Bakit buhat mo bag ko? Bakit ka palaging nagchachat sa'kin? Crush mo 'ko 'no?" pang aasar ko ulit, ayokong maramdaman niya na napahiya ako sa sinabi niya.
"Kaya ako sumabay sa'yo kasi may pupuntahan ako na malapit lang din sa dinadaanan mo, nakita kita na mag isa na parang naglalakad sa buwan kaya kita nilapitan dahil baka masagasaan ka pa. Shoshonga-shonga ka pa naman minsan" umiiling pa siya. Ang layo ng sagot niya sa tanong ko ah?
Pinandilatan ko siya sa mga sinabi niya, nakaisip naman ako ng butas hihi.
"So, concern ka sa'kin?" kinurap-kurap ko ang mga mata ko nang mabilis.
"Never." matalim na sagot niya. "Tumahimik ka na nga" iritadong sabi niya at galit na tinanggal ang sumbrelo sa ulo niya at marahas na sinalpak sa ulo ko 'yon.
"Galit ka ba?!" sigaw ko sa kaniya. Napairap pa ako.
"Hindi" huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. "May kapatid akong babae" biglang sabi niya.
Napataas ang kilay ko, ano naman ngayon? Bakit niya sinasabi sa'kin?
"Oh, tapos?"
"Nasanay ako noon na kapag sinusundo ko kapatid ko galing sa school, ako ang nagbibitbit ng bag niya." sabi niya.
So, iniisip niya ba na ako ang kapatid niya ngayon?
"Ano ngayon?"
"Wala" naglakad na ulit siya.
Ano 'yon? Magkukuwento siya tapos kapag na-curious na 'yung tao hindi niya na itutuloy?
"Anong grade ng kapatid mo?" tanong ko.
"Three" diretsyo lang siya na nakatingin sa daanan. Ang seryoso rin ng itsura niya ngayon, parang ngayon ko lang siya nakita na ganito kaseryoso.
Madalas niya kasi ako bwisitin gamit ang nakakaasar niyang ngiti!
"Siya nga pala, sa pagkakaalam ko, ikaw ang may crush sa'kin ah? Bakit mo binabaliktad?" nakangising sabi niya.
Ayan na naman siya! Bumalik na siya sa dati!
"Excuse me! Hindi kita crush 'no! Wag ka ngang feeling, hindi kita type." inirapan ko siya.
"Ang dami mong sinabi. Ngayon lang 'yan" natatawa na sabi niya.
"Anong ngayon lang?!" inis na sabi ko. "Kahit gamitan mo pa ako ng gayuma, hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo!"
"Uy! Binigyan mo 'ko ng idea ah!" tumawa siya. Nilapit niya ang bibig niya tenga ko kaya napahinto ako sa paglakad. "Sige, hahanap ako ng gayuma bukas" bulong niya.
Naitulak ko siya, nakakakilabot.
"Ano ba! Tumataas balahibo ko sa'yo! Akin na nga 'yan!" inagaw ko sa kaniya 'yung bag ko. Hindi naman na siya nagmatigas.
Sakto naman na liliko na ako. Kunot noo kong sinuot ang backpack ko habang nakatingin sa kaniya ng masama.
"Nandito na ba bahay niyo?" lumingon-lumingon siya at nilagay sa bulsa ng pants niya ang isang kamay niya habang ang isa naman nahawak sa shoulder strap ng bag niya.
"Secret"
"Liliko ka na ba?" tanong niya nang mapansin niya na papaliko ang direksyon ng katawan ko. "Sige, ingat ka ah, baka madapa ka. Wala ako diyan para saluhin ka" tumawa siya nang malakas.
Luh, baliw.
Inirapan ko lang siya, dire-diretsyo akong lumiko, hindi ko na siya nilingon.
"Ma" lumapit ako kay mama para magmano pero nung nakuha ko na ang kamay niya at itinapat sa noo ko, may nakaharang sa ulunan ko kaya hindi ako makapag mano.
Doon ko lang napansin na suot ko pa rin ang sumbrelo ni kutong lupa!
"Kaninong sumbrelo 'yan?" nagtatakang tanong ni mama.
"K-kay, Nietta po." nagsinungaling pa ako.
Ay! Bakit ba ako nagsinungaling? Argh! Ayoko malaman ni mama na galing 'to roon kay kutong lupa, mang aasar lang siya.
Kumain muna kami ng dinner ni mommy bago ako magpahingasa kwarto ko. Hindi na ako nag online at natulog na lang ako.
Makalipas ang isang araw hindi na nagchat sa'kin si Kenneth. Sabi niya ichachat niya ako. Bakit wala na siyang paramdam ngayon?
"Wala ka bang balak ibalik na isauli ang sumbrelo ko? Mahal 'yon" sabi ni kutong lupa sa tabi ko.
"Sorry"
"Hmm? Ano? Nag sorry ka?" tumawa siya. "Ngayon lang kita narinig na nag salita ng sorry"
Hindi ko siya pinansin, masyado kong dinadamdam ang hindi pagpaparamdam sa'kin ni Kenneth.
"Ibabalik ko na bukas, nakakalimutan ko kasi" totoo naman, palagi kong nakakalimutan kasi nilagay ko 'yon sa loob ng cabinet ko.
Baka kasi biglang pumasok si mama sa kwarto ko at maamoy niya na panlalake ang amoy nung sumbrelo na 'yon, amoy Kendmar.
"Dapat lang, ang mahal ng bili ko roon 'no" nilabas niya ang notebook niya sa loob ng bag at pinatong ito sa desk niya. "Pero mas mahal kita" banat niya.
Napalingon agad ako sa gulat, kinuha ko ang notebook niya at hinampas 'yun nang mahina sa ulo niya.
"Bakit? Ikaw na nga 'tong minamahal ikaw pa may gana manakit" umiiling-iling siya.
"Ano ba problema mo?" irita na sabi ko. Sinisira niya ang pag eemote ko rito sa tabi ng bintana e!
"Wala pero ikaw.." sumeryoso ang mukha niya. "Ikaw ang may problema" hawak niya na ngayon ang ballpen niya na panda ang brand.
"Wala akong problema" lumingon uli ako sa bintana, baka makita ko na dumaan si Kenneth.
Naramdam ko na lang na umalis na si kutong lupa sa tabi ko.
"Marou! Sali ka na kasi sa'min!" pangungulit ni Nietta.
Kanina pa sila naglalaro ng piring-piringan sa gitna ng classroom namin, kaya nakapa-letter U ang mga upuan.
Umiling lang ako sa kaniya, wala talaga akong gana makipag laro o daldalan ngayon.
"Wag mo na kasi isipin si Kenneth, ako na lang ang isipin mo." napaangat ang ulo ko para tignan si kutong lupa.
Nagulat ako sa lapit ng mukha niya sa'kin kaya nauntog ang likod ng ulo ko sa bintana.
"Tigilan mo nga ako! Ang sakit" sabi ko habang nakahawak sa ulo ko. Tumungo na lang ako para hindi niya na ako makausap.
Ang sakit,
Ang sakit ng ginagawa sa'kin ni Kenneth. Sabi niya ichachat niya ako at next time na lang kami magsasabay pero hindi niya naman tinupad!
Kinabukasan papasok pa lang ako sa gate ng school nang makasalubong ko si Kenneth na kasama ang basketball team niya.
Para akong sinampal ng hangin nung tinignan niya lang ako at tumingin na ulit sa ibang direksyon na parang hindi niya ako kilala.
"Aray!" may bumangga sa'kin mula sa likod ko.
"Sorry, paharang-harang ka kase" sabi nung lalake na na bumangga sa'kin at dire-diretsyo lang na naglalakad, hindi ako nilingon pero alam kong si kutong lupa 'yon!
Hinabol ko siya at binatukan ko.
"Aray!" reklamo niya.
"Masakit?"
"Oo!" tumaas ang boses niya. "Pero mas masakit 'yung ginawa niya sa'yo" ngumuso siya sa kinaroroonan nina Kenneth. "Aww" natatawang sabi niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ginagawa mo pa kasi siyang panakip butas e, ayan tuloy, kinakarma ka na, tsk tsk" dismayado na sabi niya.
"Ano bang pinagsasabe mo? Wala akong gusto sayo, si Kenneth ang gusto ko. Bakit mo ba pinagpipilitan ang sarili mo sa'kin?" dire-diretsyo na sabi ko sa kaniya.
Napahinto siya sa paglakad at parang na-frozen sa kinatatayuan niya, hindi na gumalaw e. Nakatingin lang siya sa'kin na parang nakikipag usap sa'kin ang mga mata niya.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Xands kasama niya sina Rj. Wala silang bitbit na bag, nalagay na siguro nila sa classroom namin.
"Papasok pa la--" napahinto ako sa pagsasalita ko nung biglang maglakad si kutong lupa paalis.
Sinundan ng tingin ni Rj si Kendmar na naglalakad na palayo.
"Anong nangyare doon?" tanong ni Rj.
Hindi ako makasagot, bakit pakiramdam ko may nagawa akong mali. Nakakaramdam ako ng guilt.
"H-hindi ko alam. Saan kayo pupunta?" pag iiba ko sa usapan.
"Bibili kami bondpaper, kailangan daw mamaya e."
"Pasabay ako ng akin" sabi ko, dali-dali kong hinubad ang isang strap ng bag ko para kuhanin ang wallet ko.
"Wag na, kami na lang. Piso lang 'yon" sabi ni Xands. Wow, sabagay rich kid siya.
"Salamat" sabi ko na lang.
Naglakad na ako paalis sa quadrangle, papunta na ako sa classroom namin. Habang papalapit ako nang papalapit sa classroom, mas lalong kumakabog ang dibdib ko! Hindi ko alam kung bakit.
Pagkapasok ko narinig ko na agad ang boses nina Liya.
"Yeah, kawawa naman si Marie." narinig ko na sabi ni Thea.
"Ewan ko ba kay Kendmar, maganda naman si Marie e. Pinaglulutuan pa nga siya ng kung ano-ano" sabi ni Nietta.
"Sayang lang effort ni Marie" comment ni Liya.
Nakabilog sila at nagchichikahan.
"Ano meron?" singit ko at saka ko binaba ang bag ko sa tabi ng upuan ni Nietta.
Nagkatinginan pa silang tatlo at nag aalinlangan magsalita. Tuluyan pa rin sila na nagtitinginan na parang hindi alam kung sino sa kanila ang dapat na mauna magsalita.
"Si Kendmar kasi.." sabi ni Nietta habang may hawak na suklay na color violet.
"Ano?"
"Hindi niya na naman tinanggap 'yung luto sa kaniya ni Marie."
"Bakit daw?"
"Ewan, kanina kasi pagkapasok niya, sinalubong agad siya ni Marie, inaabutan siya ng maliit na cake tapos dinedma lang siya ni Kendmar"
Lumingon ako sa paligid, hindi ko makita si kutong lupa.
"Nasaan siya?"
"Lumabas, pagkalagay niya palang ng bag niya sa upuan niya lumabas na agad siya. Mukhang badtrip nga e" sabi ni Liya habang may hawak na maliit na salamin, pinagmamasdan ang mukha niya.
"Look at Marie" sabi ni Thea. Tumingin naman ako.
Nakatungo siya ngayon at cinocomfort siya nung dalawa niyang kaibigan na si Alliyah at Arianne.
"Alam mo may napapansin kami kay Kendmar" sabi ni Nietta habang nagsusuklay.
Hinayaan ko lang siya magsalita.
"Parang ano.."
"Parang may mali"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro