MARUPOK 6
Hindi agad ako nakatulog kagabi sa sobrang excited. Sabay kami uuwi ni Kenneth mamaya! Ano kaya gagawin namin? Bubuhatin niya kaya bag ko? O kaya naman ipapaheram niya sa'kin 'yung jacket niya kasi baka mahamugan ako? O ililibre niya ako ng fishball sabay tatanungin kung pwede ako ligawan?
"Ihhhhh" tili ko sa ilalim ng unan ko habang nakadapa at salit-salitan na inaangat at binababa ang mga paa sa sobrang kilig.
Alas-nuwebe pa lang ng umaaga pero bumangon na agad ako.
"Good morning, Mommy!" masayang bati ko.
"Oh, good morning, ganda. Masaya ka ata?" sabi ni mommy habang inilalabas ang tinapay at palaman na cheeze whiz.
"Wala naman po"
"Kumusta ang school mo?"
"Okay na okay po, top 1 po ulit ako nung 2nd quarter"
"Very good!" tuwang tuwa na sabi ni mama, hinalikan niya pa ako sa noo.
Inabot niya sa'kin ang isang tinapay na may palaman na cheese whiz.
"Nak, ano nga ulit pangalan nung transferee mong kaklase na nakasalubong natin sa walter?" hinila niya ang upuan na nasa tabi ko para makaupo rin siya.
"Ah, si Ken po" sabi ko habang kumakain. Hindi naman puno ang laman ng bibig ko kaya ayos lang sumagot.
"Ang gwapo nun" nalunok ko bigla ang tinapay na kinagat ko nang hindi ko pa nangunguya dahil sa sinabi ni mama!
Umubo-ubo ako, ang sakit sa dibdib makalunok ng tinapay na hindi pa nanguya. Nataranta naman si mama at agad akong inabutan ng isang baso ng tubig.
Hinihimas niya ang likod ko habang umiinom ako.
"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni mama. Parang nastress siya bigla.
Tumango lang ako. Grabe naman kasi 'yung lumabas sa bibig ni mama.
"Dahan-dahan ka lang kasi sa pagkain" pangaral ni mama.
"Dahan-dahan ka rin po" sa mga salita.
"Huh?"
"Wala po hahahaha"
Tumahimik na si mama habang kumakain, maya-maya nagsalita ulit siya.
"Yung Ken, papuntahin mo rito ha" buti na lang tapos na ako kumain!
"Bakit po?" kumunot ang noo ko.
"Syempre para makilala ko siya, halos lahat na ng kaklase mo kilala ko na dahil nakapunta na rito. Siya na lang ang hindi, kasi diba baguhan" sabi niya habang nililigpit ko na ang mga pinagkainan namin.
"W-wag na, ma! Baka hindi rin siya tatagal sa school." inilapag ko na sa sink ang mga kutsara at baso.
"Hmm? Bakit naman?" parang nalungkot pa siya.
"Wala feel ko lang" binuksan ko na ang gripo at nagsimulang maghugas.
"Alam mo nak, gwapong-gwapo talaga ako sa batang 'yun." muntik ko na mabitawan 'yung hinuhugas ko na baso! mabuti na lang at cup 'yon, may hawakan.
Hindi na lang ako sumagot, oo gwapo siya pero..basta!
Binabanlawan ko na ang mga hinugasan ko na may sabon, si mama ayaw tumigil sa kakatalak sa tabi ko.
"Ano pala pangalan non sa fb? Add ko" nanlaki ang mga mata ko.
"M-ma, 'wag na." dismayado na sabi ko.
Lumingon siya sa'kin na parang nagdududa na.
Umiwas ako ng tingin dahil pinupunasan ko na ng tuyong towel ang mga hinugasan ko.
"Boyfriend mo 'yun 'no?" nalaglag 'yung kutsara na pinupunasan ko.
"Ma, hindi po" iritang sabi ko at pinulot ko 'yung kutsara.
"Sus, eh bakit parang ayaw mo siya ipakilala sa'kin kanina pa? Akala mo hindi ko napapansin?" tinaasan niya ako ng kilay.
Minsan talaga hindi ako makapaniwala na 38 na siya, kung umasta siya madalas parang teen ager lang din na katulad ko. Pero masaya ako kasi nagkakasundo kami hehe.
"Hindi po kami okay" pag amin ko. Kumunot ang noo niya.
"Okay naman kayo nung nakaraan ah? Nag away ba kayo?"
"Pinagtitripan niya kasi ako ma! Napaka papansin!" inis na sabi ko habang naglalakad-lakad na nililigpit sa mga lagayan ang mga napunasan kong utensils.
Tumawa bigla si mama na mas lalong ikinainis ko.
"Baka may gusto sa'yo kaya nagpapapansin?" natatawang sabi ni mama.
"No way!"
"Minsan kaya pinagtitripan ka ng isang lalake ay hindi dahil trip niya, ang totoo gusto lang makuha ang atensyon mo."
Napahinto ako sa sinabi ni mama. Nag isip ako. Hindi kaya may gusto talaga sa'kin 'yon-- ay imposible!
"Hindi rin ma, trip niya lang talaga ako asarin." sabi ko at naglakad papunta sa kwarto ko.
Sumunod naman si mama! Hindi talaga ako titigilan. Ganito talaga kapag walang kapatid, ikaw palagi ang kukulitin ng mama.
Naglakad ako papunta sa study table ko para ayusin ang mga gamit ko sa bag.
"Pakiramdam ko naman na mabait siya e" pang aasar ni mama. Lumingon ako sa kaniya, nakasandal siya sa pintuan.
"Ma, hindi" sabi ko habang nilalabas ang mga notebook ko.
"Ay ganon? Hindi siya mabait? Hmm, okay" sinara niya na ang pintuan, narinig ko naman ang yapak ng paa ni mama na umalis na.
Hay sa wakas! Dali-dali ko kinuha ang phone ko na nakapatong sa maliit na cabinet na nasa tabi ng kama at kapantay lang ang tanggkad ng kama ko. Iniwan ko na nakakalat ang mga gamit ko na nasa study table.
Nag online agad ako, tinignan kung may chat si Kenneth, sumimangot ako nung nakita kong wala. Nadismaya lalo nang makita ang chat ni Kendmar.
Kendmar: ok, deal.
Kendmar: sabi na, gusto mo rin ako e. Panakip butas mo lang talaga yung isang Ken HAHAHAHA.
Argh! Mali yata na nagchat pa ako sa kaniya kagabi ng ganoon! Huhu, pinagsisisihan ko na agad.
Marou: Assuming ka?
Kendmar: typing..
Kendmar: hindi ako assuming, nagbibigay ka lang ng motibo.
Tf! eto na nga ba ang sinasabi ko.
Marou: Anong motibo pinagsasabi mo?
Kendmar: sent a photo.
Tinignan ko 'yon, screenshot ng last chat ko sa kaniya kagabi na ang nakalagay ay 'Ah, baka naman gusto mo 'ko maging ka-i-bigan? okay lang naman sa'kin, kaso may Kenneth na ako ngayon e. 'Wag mo na lang masyadong ipahalata na gusto mo 'ko, okay? Goods ba tayo dyan? HAHAHAHA' bwiset!
Kendmar: ^_^ can't wait.
Hindi ko na lang siya nireplyan. Hindi pa nga ako pumapasok sa school pero nasira na agad ang araw ko!
Binitawan ko na ang cellphone ko at pinagpatuloy ang pag aayos sa bag ko, napansin kong may kakaibang papel na nakatupi.
Hindi naman ako makalat pagdating sa gamit ko, bakit may papel dito?
Kinuha ko 'yon at binuklat. May nalaglag na tatlong band aid sa harap ko na galing sa nakatuping papel, napatingin ako sa papel at may nakasulat doon na 'sorry, use these if you need' kumunot ang noo ko.
Wala naman akong sugat tyaka bakit nag sosorry-- si kutong lupa! siya lang naman ang nag sosorry sa'kin kasi nga natusok ang kamay ko ng ballpen dahil sa kaniya.
Hawak-hawak ko 'yung band aid, napatingin ako sa pader na may nakadikit na maliit na salamin, nakita ko ang ang sarili ko hanggang sa namalayan ko na lang na nakangiti na pala ako.
Binawi ko kaagad ang ngiti ko. Tf! Anong nginingiti-ngiti ko?! nabitawan ko 'yung band aid na parang nandidiri.
Dumiretsyo na lang ako sa banyo, gusto ko na maligo para mahimasmasan! Nakakaloka 'yung pag ngiti ko kanina!
"Aba, nag papaganda ata ang baby girl ko" sabi ni mama na nasa likuran ko. Nakita ko siya sa salamin na nakatingin sa'kin habang pinaplantsya ko ang buhay ko.
"Nag dadalaga lang po" natatawang sagot ko. Sa totoo lang, excited na talaga ako mamayang uwian! Parang gusto ko na lang i-adjust ang oras.
"Ako na" sabi ni mama, kinuha niya ang hair-staraightener mula sa kamay ko at pinagpatuloy niya ang pagplantsya.
Wala talagang magawa si mama hahaha.
"Ma, bakit hindi niyo po ako sundan ng kapatid?" curious na sabi ko.
"Huwag mo na isipin mo 'yun, nak" sabi niya habang pinaplanstya pa rin ang buhok ko.
Nang matapos magplantsya, nagbihis na ako at kumain ng tanghalian.
"Ang ganda ganda naman ng anak ko, kamukhang-kamukha ko" proud na sabi niya.
Napangiti ako, pareho kasi kami na brown ang eyeball at masasabi ko talaga na magkamukha nga kami. Mas maganda nga lang ako haha!
Pumasok na ako sa school at sobrang energetic ko.
"Saan punta natin?" salubong sa'kin ni Nietta.
"Ha?"
"Anong meron? Ba't ka nakaayos?" kunot noo na tanong ni Rj.
"Masama na ba mag ayos?"
"May date ka ba?" natatawang tanong ni Paul.
"Wow! Marou, blooming ka ngayon!" puri sa'kin ni Liya. Buti pa si Liya pinuri ako. "Bagay sa'yo ganiyan, araw-araw ka na mag ayos ha?" dagdag pa ni Liya.
Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa nag recess na!
"Nag ayos ka pa talaga ah, para sa'kin ba?" sabi ng nasa likuran ko. Kilala ko na agad kung sino.
"Hindi" mataray na sabi ko.
Humarap ako sa kaniya, ngiting-ngiti si kutong lupa.
"Sabay tayo uwi mamaya?" natigilan ako sa sinabi niya.
"No!" mabilis na sabi ko.
"Bakit? Wala ka naman kasabay palagi umuwi 'diba?"
"M-may kasabay na ako."
"Update! Magkaka-hatiran na nga po" nang aasar na sabi ni Junjun at tumawa nang malakas.
Bwisit, bakit pa kasi tumabi sa'kin 'to.
"Kasabay ko si Kenneth" bigla silang natahimik.
Pati sina Nietta hindi makapaniwala.
"Ano?" nagtatakang sabi ko sa kanila.
Biglang umalis si kutong lupa at pumunta sa mga tinda, pumila at bumili. Napansin ko na nagtitinginan sina Lou at Xands na parang nag uusap ang mga mata.
Bigla ulit umingay nung nagsalita si Nietta.
"Level up ka, girl!" masayang sabi ni Nietta. "Congrats!" tumawa siya.
Hindi makapagsalita sina Zha, hinayaan ko na lang sila. Kung ayaw naman nila ako suportahan kay Kenneth, okay lang. Ang mahalaga, masaya ako.
Uwian na kaya naiihi na ako sa sobrang excited, kaba at kilig hahaha! Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang free data.
Chinat ko si Kenneth.
Marou: Saan ka? Nandito na ako sa gate ng school.
Nag iwan lang ako ng message, hindi siya online e.
"Marou.." tawag sa'kin ng isang lalake.
Automatic na umayos ang tayo ko at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba! Eto na 'yon, sis!
"U-uy, hi!" napahawak ako nang mahigpit sa palda ko.
"Tara na" sabi niya, ngumiti siya sa'kin na parang hindi siya naiilang! Huhu, my heart, my soul.
"T-ara" sabi ko, nauutal pa ako.
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko, parang eto na ata ang pinakamasayang uwian experience ko! Hahaha!
"Kumusta ka?" tanong niya.
"H-ha" para naman akong tanga. "Okay lang! Ikaw ba?" kinakabahan ako.
"Okay lang din, gusto mo ba--"
"Reyes!" pareho kami napalingon ni Kenneth sa tumawag sa kaniya sa malayo.
Tumatakbo 'yung lalake papalapit sa'min. Nang makalapit siya sa'min, napahawak siya sa tuhod niya at hingal na hingal.
"Bakit?" diretsyong tanong ni Kenneth, may halong pag aalala pa dahil sa itusra nung lalake na tumawag sa kaniya.
Huminga nang malalim 'yung lalaki bago nagsalita.
"May emergency meeting" naghahabol pa rin siya ng hininga niya.
Napatigin sa'kin si Kenneth, hindi alam ang gagawin.
"Ngayon na? Urgent ba?"
"Oo, pre, kanina ka pa pinapatawag ni coach." napatingin sa'kin 'yung lalake at medyo nagulat pa siya.
"Uhm, Marou--"
"Okay lang, next time na lang" inunahan ko na siya.
"Sigurado ka?"
"Oo"
"Pero nangako ako sa'yo" kinilig ako, para kaming mag jowa haha!
"Okay lang, mas importante 'yung laro mo. Marami pang next time, sige na" ngumit ako para hindi na siya mag worry.
Ngumiti siya sa'kin at ngumiti rin 'yung lalakeng tumawag sa kaniya.
"Chat nalang kita mamaya, salamat. See you tomorrow" nagmamadali niyang sabi at tuluyan na silang tumakbo palayo nung kasama niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro