MARUPOK 5
Sabado na kaya excited na ako na ipost sa instagram ang picture namin ni Kenneth! Halos apat na araw ako nag ipon ng lakas ng loob para rito.
Dali-dali akong kong binuksan ang instagram ko. Biglang may lumabas na notification.
Ken_rich requested to follow you.
Kumunot ang noo ko at pinindot ko na lang ang 'approve' naka private ang account ko, ayoko ng public, ayoko makita ng buong mundo ang kaharutan ko sa buhay.
Pinost ko na ang photo ko together with kenneth, inedit ko pa 'yon ng konti para maganda tignan at nilagyan ko ng caption na 'hi' tapos nilagyan ko pa ng location na 'sa tabi ni crush' maya-maya may lumabas agad na notif.
Ken_rich liked your post.
Ken_rich mentioned you in a comment.
Ken_rich: @itsmemarou hindi kayo bagay.
Napairap ako, hinayaan ko lang ang comment niya at nagbukas ng facebook. Hindi ko na seenin kagabi 'yung last message ni kutong lupa lero nabasa ko 'yon bago ako kilabutan. Rereplyan ko na siya ngayon, baka masabihan pa ako ng famous e. Kung ano ano pa naman lumalabas sa bibig non! Nag reply na lang ako ng 'ikr' bahala na siya.
Kendmar: Nauna ka pa mag post ng pic niyo nung panakip butas mo bago ka nagreply sakin.
Aba, demanding.
Marou: pake mo
Ang aga aga pinag iinit niya ulo ko.
Kendmar: typing..
Kendmar: sungit!
Marou: pagdating sayo!
Hindi ko na binuksan ang chat box namin kahit may minessage pa siya. Masyado siyang papansin!
Kinahapunan nagpasama lang sa'kin si mama mag grocecy and unfortunately nakasalubong namin si kutong lupa sa counter!
"Uy, mars!" sabi sa'kin ni kutong lupa at ngiting-ngiti.
Napatingin sa'kin si mama at kay kutong lupa.
"Hello po!" bati ni Ken kay mama.
"Hello" bati sa kaniya ni mama pabalik.
Hindi ko alam kung ipapakilala ko ba siya o sasabihin ko na stranger lang siya, ewan ko!
"Mama, siya nga pala si kut-- Ken. Ken, kaklase ko po." sabi ko kay mama. Kinakabahan pa ako.
"Bakit parang hindi ko naman siya nakikita dati?" nagtatakang tanong ni mama sa'kin.
"Transferee po ako" sabat ni kutong lupa, grabe kahit kay mama pabida siya.
"Ah, punta ka sa bahay namin minsan ha" malambing na sabi ni mama kay kutong lupa. Nanlalaki ang mga mata ko at gulat na napatingin kay mama.
"Sure, no problem po. Sige po, mauuna na po ako. Mars, bye" ngiti ngiti pa siya sa'kin at tinapat niya pa sa'kin ang kanang palad niya, nakikipag apir.
Umirap ako bago nakipag apir sa kaniya ng labag sa loob ko. Gosh! Nahawakan ko palad niya! Panigurado ako na iissuehan na naman niya ako!
Kinabukasan, tahimik lang ang social media ko. Nag review lang ako pagkatapos namin magsimba ni mama at nagbasa basa sa mga previous topics, baka magpa-surprise quiz e, mahirap na.
Matapos ko mag review natulog na lang ako maghapon, umulan kasi kaya masarap matulog. Kinabukasan may pasok na naman.
"Good afternoon, mars!" bati sa'kin ni kutong lupa pagkarating ko.
"Goods na kayo? hahahaha!" tawang tawa na sabi ni Junjun.
"Sino kausap mo?"
"Oooww" tumawa nang malakas si Junjun habang hinahampas hampas ang kanang balikat ni Kendmar.
"Ikaw"
"Ako? Hindi naman mars ang pangalan ko, Marou." pagtatama ko sa kaniya at dire-diretsyo akong pumunta sa upuan ko.
"Gusto ko Mars e" sabi niya. Napalingon ako sa kaniya, nakatayo siya habang nakapa-mulsa.
"Pwes ako, ayoko." tumaas ang dalawa kong kilay nung lumapit siya.
"I told you, wag mo 'kong uutusan kasi hindi naman kita susundin"
"Inuutusan ba kita? Ang sabi ko lang ayoko, opinyon ko lang 'yon. Wala naman akong sinabi na 'wag mo akong tawagin na Mars" ngumisi ako sa kaniya.
Narinig ko na tumawa si Paul.
"Unang bagsak sa tanghaling tapat!" tinatawanan niya si kutong lupa na hindi na nakasagot pa sa'kin.
'yan kase, papansin.
Napatingin naman ako sa isang kong classmate na si Marie na lumapit kay Kendmar na may dalang one box of cookies. Kumunot ang noo ko sa nakita ko.
"Hi, ginawa ko 'to for you. Sana magustuhan mo" nahihiyang sabi ni Marie habang inaabot 'yung cookies, nakatungo pa siya at kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya.
Tumingin lang ako kay Kendmar na nakatingin sa'kin ngayon, tinaasan ko siya kilay.
Lumingon siya kay Marie at tinanggap niya 'yon.
"Salamat" nginitian niya si Marie, ngiting-nhiti naman siya at nagtutulakan ang mga kaibigan niya sa kilig na mga supportive.
Hindi pa umaalis si Marize sa pwesto namin nang biglang lumapit sa'kin si kutong lupa at binigay 'yung cookies sa'kin!
Pinandilatan ko siya at lumingon ako kay Marie na guĺat sa ginawa ni Kendmar.
"Hindi ako kumakain niyan" sabi ko na lang kahit sa totoo lang, paborito ko 'yun huhu.
"Anong hindi? Paborito mo nga raw 'to e." inosenteng sabi niya. Hindi niya ba alam na nandito pa rin si Marie!
"Sino nagsabe sa'yo? Sinungaling 'yon" iniwasan ko siya kasi nakita ko si Marie na parang iiyak na sabay nag walk out!
Binuksan ni kutong lupa 'yung box, naamoy ko kaagad 'yung bango ng cookies. Hindi ko tinitignan 'yon kasi ayoko kumuha!
"Eat" alok niya.
"Busog pa ako" sabi ko.
"Ang dami mong dahilan" umiiling na sabi niya.
Lumingon ako sa kaniya, nainis ako. Hindi niya ba iniisip 'yung nararamdaman ni Marie.
"Bigay kasi sa'yo 'yan ni Marie, para sa'yo 'yan." mariin na sabi ko. Magkakaroon pa ata ako ng kaaway dito sa room nang dahil sa kaniya e!
"Wag ka na mag selos" natatawang sabi niya.
"Hindi ako nakikipagbiruan." tumigil siya sa pagtawa niya.
"Kung ikaw 'yung nasa kalagayan ni Marie, nag effort ka para gumawa ng cookies para sa taong gusto mo tapos makikita mo 'yung taong gusto mo na ibinigay sa ibang babae 'yung cookies na ginawa mo, matutuwa ka ba?" nakatingin lang siya sa'kin ngayon na para bang nag iisip.
"She's right, Ken. Nakita namin na nag walk out si Marie coz you gave the cookies to other girl in front of her. Kung ako 'yon, masasaktan din ako." comment ni Thea.
Tumawa bigla si kutong lupa.
"Luh?" react ko.
"Sa tingin niyo ba ibibigay ko talaga 'to kay Marou? Hindi ah, sinusubukan ko lang kung gaano siya karupok" tumawa ulit siya. Gago.
"Pinagtitripan mo na naman ba ako?" napipikon na ako sa kaniya.
"Ano sa tingin mo?"
"Hoy, kung wala kang girlfriend na mapagtripan humanap ka ng liligawan. Hindi 'yung si Marou palagi ang pinagtitripan mo, oo marupok siya pero 'wag mo pag laruan. Hindi mo ikakagwapo 'yan, nagmumukha ka lang gago." biglang sabi ni Zha. Huhu thanks sa pagtatanggol sa'kin mother Zha, hart-hart.
Natahimik naman sina Paul, kapag talaga si Zha na ang nang rerealtalk natatahimik na ang lahat.
Nagsimula na ang klase namin. Sobrang enjoy ng araw na 'to puro kami tawa sa bawat subject, hindi ko alam kung anong meron sa mga teacher ngayon bakit ang funny nilang lahat. Nagkausap pa kami kanina ni Marie na parang walang nangyare.
Kinabukasan wala ang teacher namin sa filipino pero may iniwan na gawain. Mag babasa ng maikling kwento tapos sasagutan 'yung sampung tanong after nung story, ganun. Tapos si kutong lupa ang nangolekta ng mga papel na tapos na.
"Marou Mae Malinis.." binanggit niya ang buong pangalan ko na binasa niya mula sa papel ko.
"Bakit?"
"Kung ano ang ikinalinis ng surname mo, 'yun naman ang ikinadumi ng first name mo" tumawa siya.
"Sama ng ugali, tinatawanan ang pangalan" bulong ko pero sapat na para marinig niya.
Porke may 'richer' sa pangalan niya ay feeling mataas na siya, sarap niya talaga ilublob sa drum na may laman na tubig.
Nagulat naman ako nung tumabi siya sa'kin.
"Ano na naman?!" iritadong sabi ko habang pinaglalaruan ko ang ballpen ko.
Nasa kaliwang kamay ko 'yung takip, nasa kanang kamay ko 'yung pen tapos pabalik-balik lang na sinasara ko ang ballpen at bubuksan ulit.
"Bakit? 'diba sabi ko tabi tayo? hindi ako nakatabi sa'yo kahapon e, edi ngayon ako babawi" tinaas-taas niya ang kilay niya.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Ano bang gusto mo?"
"Ikaw"
"Ah!" natusok ng ballpen ang kamay ko! Hindi ko naipasok sa takip sa gulat sa sinabi ni kutong lupa!
Nakita kong nataranta si kutong lupa at agad tinignan ang kamay ko. Nabitawan niya pa 'yung mga papel na hawak-hawak niya, 'yung iba nasa desk pa pero 'yung ilan nagkalaglagan na sa sahig.
"Ano nangyare?" natatarantang tanong ni Nietta. Galing siya sa pinakadulo ng room. Ganoon ba kalakas ang sigaw ko kaya narinig niya hanggang doon?
"W-wala." sabi ko.
Binuksan ko ang palad ko at nakita ko na may mahabang sulat doon gawa ng pagkatusok, buti na lang at hindi nasugat, medyo namumula lang pero mahapdi.
"Ano ba, gusto mo ba magpa tattoo?" walang kwenta na tanong ni Nietta. Mukha kasing tinattoo-an ang palad ko, may ink na black tapos namumula 'yung gilid.
"S-sorry" mahinang sabi sa'kin ni kutong lupa, kitang-kita ko sa mata niya na nag aalala siya.
"Nyare pre?" tanong ni Rj.
Sinara ko na ang palad ko, pinag pipyestahan na nila e.
Kinagabihan panay sorry si kutong lupa sa chat. Hindi niya talaga ako tinantanan.
Marou: Bakit ka ba nag ssorry? Wala ka namang kasalanan e.
Kendmar: typing..
Kendmar: Napansin ko kasi na nagulat ka nung sinabi ko 'yun.
Marou: Alin?
Tignan ko lang kung gaano ka kalakas.
Kendmar: typing..
Kendmar: na ano
Marou: ano?
Kendmar: typing..
Kendmar: alam mo na yun!
Marou: hindi ko alam, matutulog na lang ako. Ang dami mo na namang sinasabi.
Umalis na ako sa chatbox namin, pumunta naman ako sa chat namin ni Kenneth hikhik.
Hindi naging ganon kahaba ang chat namin ni Kenneth pero ang sabi niya sabay kami uuwi bukas! Omg!!!!!
Nirefresh ko ulit ang facebook ko, pagkabalik ko sa messages, nakita ko na naman na may chat si kutong lupa. Konti na lang talaga iisipin ko na na may gusto sa'kin 'to. Ang dami niyang message, natabunan na 'yung chat namin kani-kanina lang. Nag backread ako.
Kendmar: diba tinanong mo kung ano gusto ko?
Kendmar: sagot ko ikaw.
Kinabahan ako bigla!
Kendmar: pero joke lang yun.
Kendmar: hindi yon totoo ha? gusto kita as a friend.
Kendmar: huy!
Kendmar: reply
Kendmar: hoy ano na
Kendmar: may kachat ka ng iba? Si Kenneth na naman ba? :(
Kendmar: kaya lang naman kita kinakausap at iniinis kasi gusto kita maging kaibigan.
Eh? So, ganoon ang way ng pakikipag kaibigan niya? Ang panget! Hindi siya pasado sa'kin.
Kendmar: hope we can be friends soon.
'yun na 'yung last chat niya.
Hindi ko na 'yon nireplyan. Grabe naman siya makipag kaibigan, bubwisitin niya muna? Tf? Ngayon lang ako nakakita ng isang katulad niya. Ang weird niya makipag friends.
Pero bakit kina Paul hindi niya naman iniinis pero naging kaibigan niya? Oh diba? Nag reply na ako.
Marou: Ah, baka naman gusto mo 'ko maging ka-i-bigan?
Ako naman ngayon.
Marou: okay lang naman sa'kin, kaso may Kenneth na ako ngayon e. 'Wag mo na lang masyadong ipahalata na gusto mo 'ko, okay? Goods ba tayo dyan? HAHAHAHA
Offline siya kaya ang lakas ng loob ko mag chat ng ganito. Sana lang ay hindi ko pagsisihan.
Tignan natin ngayon.
Ang ma-fall, talo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro