MARUPOK 43
"Anong nangyare?" napahawak ako sa pader na katabi ko, pagod na pagod ako sa kamamadali papunta rito sa hospital.
Nakaupo si Angel sa waiting chairs, nakasandal ang ulo sa pader.
"Ayun, nahimatay raw kasi kulang sa tulog, stress, iyak nang iyak, malungkot." walang gana na sagot ni Angel sa'kin.
Hindi ako nakaimik, parang na-gui-guilty ako sa nangyare sa kaniya.
"Kumusta na siya ngayon?" umupo ako sa tabi niya.
"Nagpapahinga, ayaw niya na may kasama siya sa kwarto niya kaya nandito ako sa labas." napapailing siya.
"Parents niya?"
"Ayaw niya ipaalam sa parents niya." mabilis na sagot niya.
Walang paalam akong tumayo at pumasok sa kwarto ni Nietta. Nilapag ko kaagad ang bag ko sa side table. Nakita ko siya na nakaupo sa kama.
"Marou.." nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako.
Kumunot ang noo ko, umiyak na naman siya.
Inis akong lumapit sa kaniya.
"Bakit ka ba umiiyak?!" nasa harapan niya na ako. "Tignan mo nangyare sa'yo!" pinapagalitan ko siya.
"Sorry, Marou." nayuko siya at napatakip sa mukha habang umiiyak. "H-hindi ko naman g-ginusto e.." nilapit niya ang kamay niya sa'kin at nilagay sa braso ko.
Namamaga ang mga mata niya.
"Si Angel.." humihikbi siya. "Si Angel nag utos sa'kin." humagulhol na siya.
"H-huh?" hindi ko siya maintindihan, anong sinasabi niya?!
Inangat niya ang ulo niya sa'kin, lumingon siya sa pintuan na parang kinakabahan pa siya.
"Anong inutos?" tinaasan ko siya ng kilay.
"'Yung ginawa--"
"Marou" biglang pumasok si Angel. "Kailangan ng pahinga ni Nietta, huwag mo naman istorbohin, umiiyak na naman oh." tinuro niya si Nietta.
"Angel stop! Ayoko na!" nagulat ako sa sigaw ni Nietta. "H-hindi ko na k-kaya! Sasabihin ko na ang totoo! Wala na akong pake sa pwedeng mangyare!" sigaw niya kay Angel.
Mas lalo akong naguguluhan sa kanilang dalawa. Napatingin ako kay Nietta na galit ang itsura habang si Angel humihinga nang malalim, nagpipigil ng galit.
Tumingin sa'kin si Angel. "Marou, pwede mo muna ba kami iwan? May pag uusapan lang kami." kalmado na sabi niya.
"No, Marou, dito ka lang." pigil ni Nietta habang nakatingin pa rin ng masama kay Angel. "Pinsan ko si Angel."
Napahawak ako sa bibig ko sa gulat. Mag pinsan sila?! Hindi ako nagsalita, iniintay ko lang ang sunod na sasabihin niya.
"Alam din 'to ni Kendmar." tinatapangan ni Nietta ang boses niya.
"Kapag tinuloy mo 'yan, Nietta, alam mo na mangyayare." nakangising sabi ni Angel.
"Hoy?! Anong pinagsasabi mo?!" sigaw ko kay Angel. "'Diba ikaw ang nag udyok sa'kin na kausapin si Nietta?"
Napataas ang kilay ko nang tumawa siya.
"Ginawa ko lang 'yon para malaman ko kung gaano ba talaga kalaki ang galit mo." humakbang siya papalapit. "Tapos noong nalaman ko na nagmatigas ka, edi sure na ako na hindi na talaga kayo magkakaayos. Ayos ba?"
Kumunot ang noo ko. Lumingon ako kay Nietta.
"Baliw ba 'to?" inosenteng tanong ko kay Nietta habang nakatapat ang hintuturo ko kay Angel.
"Oo, baliw 'yan." galit na galit si Nietta.
"Omyghad!" biglang kwinelyuhan ni Angel si Nietta. Inaalis ko ang kamay ni Angel pero tinulak niya ako gamit ang isang kamay niya.
Natumba ako sa sofa. Phew! Buti na lang may sofa rito, kung hindi bumagsak na pwetan ko!
"Wala kang utang na loob!" galit na galit na sabi ni Angel.
Tumayo ako at niyakap ko ang likuran ni Angel at hinatak siya paalis. Siya naman ang natumba sa sahig.
"Bobong stupid!" sigaw ko kay Angel.
Tatayo pa lang si Angel pero may lalaki na pumasok sa kwarto namin.
"Kendmar?" kunot noo na sabi ko. May mga kasama siya na matandang babae na nakusuot ng DSWD shirt.
"Siya po" tinuro ni Kendmar si Angel na nakaupo sa sahig.
"Ikaw ba si Angel Gueverra Sanchez?" tanong sa kaniya nung babae na maikli ang buhok. Tumango lang si Angel. "Sumama ka sa'min, nakatanggap kami ng report tungkol sa'yo." bigla na lang siya dinampot at sapilitan pinalabas sa kwarto.
"'Yan, 'yan! Turuan niyo po 'yan ng tamang asal!" sigaw ni Kendmar at sinara niya na ang pinto.
Bumalik ako sa wisyo ko nang ma-realize ko na kaming tatlo na lang ang nasa loob ng kwarto ngayon!
Hindi ko alam ang gagawin ko, ang awkward! Napatingin sa'min si Kendmar.
"Sakto lang ba dating ko?" ngiting-ngiti na sabi niya.
Napatingin ako kay Nietta na tumatango-tango at maiiyak na sa tuwa.
"Anong--"
"Marou, si Angel talaga ang ka-chat ni Kendmar sa instagram. Tinakot ako ni Angel noon na kapag hindi ako pumayag sa gusto niya, sasabihan niya ang parents niya na tanggalin sa trabaho sina mama." paliwanag ni Nietta.
Humakbang si Kendmar palapit sa'kin.
"Nagsabi sa'kin si Nietta na may gusto raw sa'kin si Angel pero dahil girlfriend kita noon mas gusto niya pagtakpan ang pangalan niya. So, pumayag ako." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ken. "Scripted lang lahat nung chat ko sa kaniya." ngumiti siya sa'kin. "Hindi kita niloko, hindi ka namin niloko."
Hinawakan ni Nietta ang kamay ko.
"Marou, sorry. Hindi agad namin sinabi sa'yo, sobrang busy mo kasi nung nga panahon na 'yon tapos nawalan ka pa ng nanay. Ayaw naman namin na pati 'yon iisipin mo rin." may tumutulo pa rin na luha sa mata ni Nietta. "Dine-delete ko 'yung messages namin ni Kendmar sa instagram, ayaw kasi ni Angel na may makaalam."
"Ah." wala akong masabi.
"Upo ka rito sa tabi ko, ikukwento ko sa'yo." sinenyasan ako ni Nietta na umupo sa tabi niya, umusog pa siya ng kaunti.
"Akala noon ni Liya na ako ang nakikipag chat ng sweet kay Kendmar." napalunok siya. "Noong nasa bahay mo kami, kausap ko noon si Kendmar sa instagram, sabi ko sa kaniya iniba ko na password. Gusto ko na itigil 'yung kagagahan ni Angel, natatakot kasi ako na sa'kin ka magalit kapag may nalaman ka." umiiyak na naman siya. "H-hindi naman ako nagkamali, nagalit ka nga." natatawang sabi niya.
Kumunot ang noo ko at naiiyak na rin ako.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?! Nang mas magaa?!" reklamo ko. "At ikaw!" tinignan ko si Kendmar. "Sana sumulat ka nalang sa'kin na ganito ang nangyayare kay Nietta, edi sana natulungan ko siya." naiinis na sabi ko kay Ken.
"Marou, kapag nga may nakaalam, ipapatanggal niya sina mama sa trabaho." nahihirapan magsalita si Nietta. "Akala ko saglit lang 'yon, saglit lang 'yung gusto niyang mangyare pero mas pinatagal niya pa hanggang sa nalaman mo na." hinawakan niya kamay ko.
"Magsusumbong na sana ako kay mama noon pero tinakot ako ni Angel na magpapakamatay siya kapag ginawa ko 'yon." nasstress na sabi ni Nietta.
Bigla akong naawa sa kaniya, hindi ko alam na may pinag dadaanan pala siya na ganitong klase! Grabe!
"Tapos eto ngayon, set up namin 'to paa kay Angel." ngumisi si Ken. "Hindi na namin 'to nagawa dahil nga natakot kaming dalawa ni Nietta, sisiraan ka kasi ni Angel sa mga teacher kapag pinaalam namin sa'yo. Ang dami niyang pang blockmail." napahawak siya sa ulo niya.
Napatulala na lang ako sa kumot na nakalagay sa paa ni Nietta. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano?
"Putangina kasi ni Angel" napasabunot si Nietta sa ulo niya. "Pati sina Lou idadamay niya kapag sa kanila naman kami nagsabi." lumingon siya sa'kin. "Wala akong ibang mapag sabihan noon kundi si Ken na lang." pinunasan niya luha niya. "Siya naman gusto ni Angel e." tumingin siya kay Ken.
"Anong ginawa sa'yo ni Angel noong pinalitan mo 'yung password?" tanon ko kay Nietta.
"Nagalit siya tapos kinabukasan natanggal na si papa sa trabaho." umiyak na naman siya. "Mabuti na nga lang at hindi niya dinamay si mama e." napakagat siya sa labi niya.
"Nietta." bigla ko siyang niyakap. "Sorry.." umiyak na ako. "Hindi ko alam na ganiyan pala nagyayare sa'yo, sorry hindi ko kaya pinapakinggan noon." humagulhol na ako.
Naalala ko 'yung mga araw na nagmamakaawa sa'kin si Ken at Nietta na gusto magpaliwanag pero pinagtatabuyan ko lang sila. Hindi ko sila binigyan ng pagkakataon na ipaglaban ang sarili nila sa harapan ko.
"Sorry, Nietta." mas humigpit ang yakap ko sa kaniya. "Ang sama sama ko." napapikit na ako sa inis sa sarili ko.
Kumalas si Nietta sa pagkakayakap ko.
"Bati na tayo ah" para siyang bata. "Sinabi ko naman sa'yo na hindi kita sasaktan e, wala kang tiwala sa'kin!" parang nagagalit na sia. "Pumayag lang naman ako sa gusto niya para sa trabaho nila mama, wala naman akong intensyon na saktan ka, 'diba Ken?!"
"A-ah oo! Ang init kasi agad ng ulo nito ni Marou palagi e. Hindi muna nagtanong." napakamot siya sa ulo niya.
Hinampas ko siya sa braso sa inis.
"Anong hindi nagtanong?! Ilang beses ako nag tanong kung bakit 'diba?!" sigaw ko sa kaniya.
"Eh, hindi nga namin pwede sabihin, kapag sinabi namin, mapapahamak ka sa mga teacher." seryosong sabi niya.
"Pahiga nga ako!" tinulak ko nang mahina si Nietta at ako ang humiga sa higaan niya.
Pakiramdam ko, ako na ang mahihimatay ngayon!
"What the-- umalis ka diyan! Nagpapahinga pa ako!" hinila ni Nietta ang buhok ko.
Hindi ako bumangon. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Sabi niyo set up lang 'to? Edi hindi totoo na nahimatay ka!" sagot ko.
"Totoong nahimatay ako! Sabi ko kay Ken kapag nahimatay ako chance niya na 'yon para ipahuli si Angel!" tinutulak niya ako paalis sa kama niya.
Inis akong bumangon. "Okay!" umupo ako. "Bati na tayo." umiwas ako ng tingin. "I love you" ngumiti ako sa kaniya.
"Aww, I love you too, Marou Mae! I missed you so much!" kiniss niya ako sa psingi at agad humiga sa kama niya.
"Aww, I love you, Marou.." yayakap sana sa'kin si Kendmar pero tinulak ko siya at nagsalubong ang kilay ko.
"Two months, ha, two months na bakasyon pero ngayon niyo lang 'to ginawa?" tinignan ko siya ng masama.
"Eh ngayon lang siya nahimatay e." inosenteng sagot ni Ken.
Argh! Myghad!
Narinig ko na tumawa si Nietta sa likod ko. Inis ako lumingon sa kaniya at inirapan siya, mas lalo pang tumawa! Baliw, amp.
Maya-maya lang, nakatulog na si Nietta. Nakaupo ako sa sofa at tumabi sa'kin si Ken.
"Hays, sa loob ng ilang buwan, nag ipon kami ng pruweba laban kay Angel." biglang sabi ni Ken. "Wala kasing maniniwala sa'min kung walang edensiya." tumingin siya sa'kin.
"Huwag na natin pag usapan, tapos na 'yan." pagsusungit ko.
"Marou..hindi ka pa rin ba babalik sa'kin?" kitang-kita ko sa mata niya na malungkot siya. "Alam mo, madalas ako dumadalaw sa puntod ng mama mo, humihiling ako na sana pagsabihan ka niya na huwag na matigas ang ulo."
"What?!" nag init ang ulo ko.
"Shh!" saway niya sa'kin. "Baka magising si Nietta!" inirapan pa ako!
Hinampas ko siya sa braso niya at natawa siya.
"Naging pusong bato ka na yata e." natatawang sabi niya. "Palambutin ko ulit 'yan, gusto mo?" malanding sabi niya.
Naramdaman ko na nag init ang mukha ko kaya umiwas ako ng tingin.
"Tigilan mo nga ako! Ang landi landi mo." napairap ako.
"Sa'yo lang ako lumandi ah, 'yung kay Angel scripted lang 'yon, wala sa puso ko 'yon." hindi ako lumilingon sa kaniya. "Ikaw lang ang nasa puso ko." bulong niya sa tenga ko.
"Ano ba!" inis ko siyang siniko, nakiliti tenga ko!
"Marou..may gusto ako sabihin." sumeryoso bigla ang boses niya, dahilan para lumingon ako sa kaniya.
"Ano?" kunot noo na sabi ko.
"Liligawan ulit kita."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro