MARUPOK 41
Nako naman! Bakit ba kasi kailangan pa ako ilipat ng school e!
Nasa loob ako ng isang village malapit sa school namin, hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Parang ayoko e!
Naiinip ako habang nagdadalawang isip. Hanggang sa may nakita akong babae na naglalakad, naka uniform din. Kumunot ang noo ko.
"Parang nakita ko na 'yun dati.." sabi ko sa sarili ko. Nag isip ako nang maigi habang papalapit siya nang palalapit sa direksyon ko.
Ah! Alam ko na! Siya 'yung babaeng nadulas noon sa covered coury ng St. Jules! Naglakad ako papalit sa kaniya habang nakayuko siya at parang kinikilig pa!
"Aray!" sigaw niya nang sadya ko siyang banggain.
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." malamig na sabi ko hanggang sa inangat niya ang ulo niya para tignan ako.
Ang ganda niya.
"Tabe!" iritado kong sabi.
"Ang sungit mo naman! Sayang ka." narinig kong sigaw niya kaya napalingon ulit ako sa kaniya.
"Anong sayang? Gwapo ako, walang sayang sa'kin." pagyayabang ko at nilagpasan ko na siya.
"Kuya suplado! Saan ka pupunta?" napalingon ulit ako nang marinig ko ang matinis niyang boses.
"Pake mo?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Wag ka naman po masungit, hindi bagay sa kagwapuhan mo." sabi niya, sinabayan niya pa ang paglakad ko! Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta e!
"Sino ka ba?" pagkukunwari ko.
"Ang iretable mo namang tao! Hindi ka ba tinuruan kung paano makipagkilala ng maayos?" inis niyang sabi, parang gusto ko matawa sa itsura niya.
"Hindi kasi ako interesado na makipagkilala sa panget na katulad mo." tinalikuran ko na siya. Sa totoo lang, maganda talaga siya, naaakit ako sa eye ball niyang brownish. Ang ganda.
"Hoy kuya suplado! Akala mo gwapo ka? Hindi! Napakapanget mo!" sigaw niya.
Napahinto ako paglakad ko. Sinusubukan niya ba ako?
"Bawiin mo 'yung sinabi mo." hinila ko ang braso niya.
"Ayoko nga, panget ka naman talaga e." ngumiti ako sa kaniya.
"Oh, wag kang ma-fall. Hindi kita sasaluhin." ngumisi ako nang malansin ko na napatitig siya sa'kin.
"Yak!" tuluyan na siyang tumakbo paalis.
Sinundan ko siya habang naglalakad. Hanggang sa makarating na ako sa school namin.
"You!" sabay naming sabi nung babae na ininsulto ko kanina! Pambihira! Kaklase ko pala!
"Do you know each other?" nagtatakang tanong ni ma'am.
Sinamaan lang ako ng tingin nung babae at may binulong sa kaniya 'yung katabi niya. Napakagat ako sa labi ko dahil gusto ko matawa sa ginawa niya, nilagay niya 'yung bag niya sa isang bakanteng upuan.
"Hi, ako nga pala si Kendmar Richer Gonzales. Sana makasundo ko kayong lahat" pagpapakilala ko.
"Can I seat there?" tinuro ko kay ma'am 'yung upuan na nilagyan niya ng bag.
"Yes. Ms. Malinis, kindly remove your bag." inis niyang inalis ang bag niya na mas lalong nagpangisi sa'kin.
Dahan-dahan akong umupo habang nakalingon sa kaniya.
"It's nice to see you again, Ms. beautiful."
Makalipas ang ilang araw, nagkaroon na ng gawain.
"Uwi ka na?" tanong ko kay Marou.
"Pake mo?" aba ang sungit.
Tinalikuran niya ako at tinulungan si Nietta magligpit ng kalat sa sala. Tapos bigla na lang siya hinila ni Nietta papunta sa kusina.
Lumapit ako sa kusina para marinig ang pag uusapan nila. Pakiramdam ko pag uusapan nila ang kagwapuha ko e.
"Sa'kin ka na lang sumabay." sabat ko.
"No, thanks. Sasama ako kila Liya." mataray na sabi ni Marou.
"Edi sasama rin ako." simpleng sagot ko.
"What do you want ba?" nagpipigil ako ng ngiti habang nakikita ang itsura niyang naiinis.
"Ihahatid na nga kita sa inyo ayaw mo pa." sabi ko, napaka choosy e! aalis na sana ako pero nagsalita siya.
"Saan ba daan mo?"
"Kung saan ang daan mo." sagot ko at umalis na ako sa kusina, kung ayaw niya, edi 'wag!
Nakita kong namewang si Marou. Dami kasing dahilan ni Liya at Thea para lang hindi siya makasama.
"Bakit parang ayaw niyo?"
"Sa'kin ka na nga lang kasi sumama, atleast ako gusto kita kasama." nakangising sabi ko.
Nakita ko na naman ang naiinis na itsura niya! Tuwang-tuwa ako kapag naiinis ko siya! Haha!
"Yiiiiieeeee" asar nilang lahat.
"Okay, gusto rin kita kasama e." nagulat ako sa sagot niya. Ngumiti pa nga sa'kin!
Tumawa ako nang malakas para maiwasan ang kilig na naramdaman ko.
"HAHAHAHAHA naniwala ka naman sa'kin? Ayaw kita kasabay 'no. Asa ka."
napanganga siya sa sinabi ko. "Ayokong may kasabay na panget, baka mamaya nyan isipin pa ng ibang tao na ginayuma mo 'ko" dagdag ko.
Habang naglalakad kami pauwi bigla akong tinawag ni Tomboy, si Zha at pinalapit ako kay Marou!
Kinakabahan ako!
"Marami-rami na, mukha ngang gusto mo pa dagdagan e." inis na sabi niya.
"Arte" bulong ko.
Sinaway kami bigla ni Lou nang muntik na kami mag away hanggang sa iniwan niya na kami.
"Omg! May practice rin yata sila ngayon!!" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Marou.
Napalingon din ako kung saan sila lumilingon, parang lalake 'yung tinitignan nila. Bigla na lang hinatak ni Nietta ang kamay ni Marou.
"Mag pa-papicture ka na!" pilit ni Nietta sa kaniya. Mas lalong kumunot ang noo ko.
Tinutulak-tulak na ni Thea ang likuran ni Maoru.
"Ano meron?" nagtatakang tanong ni Junjun habang may hawak na bola sa kaliwang kamay niya.
"Andyan 'yung crush ni Marou, papa-picture lang siya." umiwas agad ako ng tingin sa sinabi ni Nietta.
"Ha?" rinig ko na sabi ni Paul. "Ayun 'yung crush niya e, saan pa kayo pupunta?" sabi niya habang nakikita ko sa peripheral vision ko na tinuturo niya ako.
Huwag ka naman ganiyan, pre! Baka kiligin ako lalo at ma-fall kay Marou! Napahawak ako sa buhok ko.
Nakita ko na lang nagpapapicture na nga si Marou! Doon sa lalakeng.. hindi naman gwapo! Mukha pa ngang gago e!
Napalingon ulit ako sa kanila, nagkukumpulan sila, may tinitignan sa cellphone. Hanggang sa bumalik na sila dito at lumapit pa sa'kin! Ako naman ang pinagkumpulan, amp!
"What's your problem, Ken? ang quiet mo since yesterday" sabi ni Thea sa'kin. Buti pa 'to concern! Eh si Marou kaya?
"Wala" pinilit ko ngumiti. "Practice na tayo." Tumayo na ako at hindi ko tinig si Marou.
Magpapapicture na nga lang siya sa lalake bakit hindi pa sa'kin? Tsk.
"Hindi ka pa ba aalis?" kunot noo na tanong niya habang hawak-hawak ang cellphone niya na nakaharap sa mukha niya.
"Aalis lang ako kapag gusto ko"
"Tsk. Aalis ka rin naman kapag bumalik na si Nietta" napakasungit talaga!
"Kung hindi ka aalis ako ang aalis." walang pake na sabi niya, tinignan ko lang siya.
Tatayo na sana siya nung hinatak ko ang kaliwang braso ko para umupo ulit.
"Ano ba?" inis na sabi niya.
Hindi niya ba ako maintindihan?! Akala ko ba siya pinakamatalino rito!
"Gusto kita makatabi, hindi mo man lang ba ako pagbibigyan?" seryoso sabi ko. "Hahahahaha!" tumawa ako bigla. "Ano ba namang reaksyon 'yan, Marou?" natatawa sabi ko.
Kinikilig talaga ako pero dinadaan ko lang sa tawa. Mas lalo akong natawa na parang may usok na lumlabas sa ilong niya sa sobrang inis.
"Ano na naman?!" sigaw niya sa'kin.
"Pa-fall ka ha" bulong ko sa kaniya.
"Aray" hinampas niya ang braso ko. Ang bigat ng kamay niya, jusko!
Tumungo ako desk at umaakto ako na sobra akong nasaktan sa hampas niya. Sobrang sakit naman kasi talaga!
"Ang OA mo ha!" sigaw niya na naman.
Napakahilig niya talaga sumigaw!
Kinabukasan, finollow ko si Paul sa instagram. Gusto ko sana tanungin aa kaniya kung meron ba non si Marou pero baka mapaghalataan ako! Hinanap ko na lang sa followers ni Paul, sure naman ako na finofollow nila ang isa't-isa, mag totropa sila e.
"'Yun!" para akong naka jackpot nung nakita ko pangalan niya. Agad kong pinindot ang follow button pero naka private siya, badtrip!
Ilang minuto ang nakalipas inaccept niya agad ang request ko! Kumunot ang noo sa latest post niya.
"Napakapanget naman nito!" sigaw ko sa loob ng kwarto ko.
Marahas kong pinindot ang like sa pinost niyang picture nila nung crush niya?!
Tanginang location pa 'yan, 'sa tabi ni crush' ampota.
Dali-dali akong nag type sa inis.
Ken_rich: @itsmemarou hindi kayo bagay.
Hindi talaga sila bagay! Kasi mas bagay kami.
"Kung ano ang ikinalinis ng surname mo, 'yun naman ang ikinadumi ng first name mo" tumawa ako.
"Sama ng ugali, tinatawanan ang pangalan" bulong niya pero narinig ko naman.
Tumabi ako sa kaniya.
"Ano na naman?!" iritadong sabi niya habang pinaglalaruan ang ballpen niya.
"Bakit? 'diba sabi ko tabi tayo? hindi ako nakatabi sa'yo kahapon e, edi ngayon ako babawi" tinaas-taas ko ang kilay ko.
Pogi points!
Napabuntong hininga na lang siya.
"Ano bang gusto mo?"
"Ikaw" diretsyong sagot ko.
"Ah!" nagulat ako sa sigaw niya habang nakatingin sa kamay niya.
Nataranta ako at agad kong inagaw sa kaniya ang kamay niya. Napalingon pa ako sa mga papel na naglaglagan na sa sahig na hawak ko lang kanina.
Sa sobrang guilty ko na nasaktan ko crush ko, bumili ako ng band aid at palihim na nilagay 'yon sa bag niya. Binalot ko pa sa papel 'yon at nilagyan ko ng sulat.
Kinabukasan akala ko mag papasalamat siya sa band aid pero hindi!
"Sabay tayo uwi mamaya?" sabi ko sa kaniya.
"No!" mabilis na pagtanggi niya.
"Bakit? Wala ka naman kasabay palagi umuwi 'diba?"
"M-may kasabay na ako."
Kumunot ang noo ko.
"Kasabay ko si Kenneth" natahimik kaming lahat.
Napayuko ako at tumayo para bumili ng pagkain. Lintek na Kenneth 'yan! Naunahan pa ako!
"Akala ko ba sabay kayo nung Kenneth mo?" nakita ko si Marou na naglalakad lang mag isa.
"Ken?" kunot noo na sabi niya.
"Kawawa ka naman, mukhang hindi ka sinipot" pang aasar ko.
"Sinipot niya ako, nagkaroon lang siya ng emergency" depensa niya.
Mabuti naman!
"Anong emergency?" nagkunwari pa ako na concern pero sa loob loob ko tuwang tuwa ako.
"Wala ka na doon" napabuntong hininga na lang ako.
"Hayaan mo na siya. Nandito naman ako e" sa totoo lang, kinikilig ako sa sarili kong banat!
Sarili ko na lang kaya jowain ko? Kaso naisip ko si Marou, kawawa naman baka maging matandang dalaga e. Hahaha!
"Tsk, mas gusto ko pa maglakad ng mag isa kaysa sa makasabay ka" binilisan niya lakad niya kaya hinatak ko ang backpack niya palapit sa'kin.
"Ano ba?!" reklamo niya.
Natatawa ako sa kaniya, palagi niya na lang sinasabi sa'kin, 'ano ba?' , 'ano bang problema mo?!' , 'ano ba kase?!' hahahaha! Naririnig ko palagi ang boses niya sa utak ko.
"Akin na nga 'yan" nakikipag agawan siya sa'kin nang agawin ko sa kaniya ang bag niya at ako ang nagbitbit.
Hinampas-hampas niya pa ako pero tumigil din siya nung napagod siya.
"Wala ka bang balak ibalik ang sumbrelo ko? Mahal 'yon" sabi ko kay Marou na buong araw nakabusangot.
Ano bang problema niya?
"Sorry" walang gana na sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko.
"Hmm? Ano? Nag sorry ka?" tumawa ako. "Ngayon lang kita narinig na nag salita ng sorry" hindi niya ako pinansin.
Mukhang may pinagdadaanan 'to.
"Ibabalik ko na bukas, nakakalimutan ko kasi"
"Dapat lang, ang mahal ng bili ko roon 'no" nilabas ko ang notebook ko sa loob ng bag at pinatong ito sa desk ko. "Pero mas mahal kita" banat ko.
Nagulat naman ako nung kinuha niya ang notebook ko at pinukpok sa ulo ko. Grabe, ang brutal niya!
"Aray!" reklamo nung babaeng nabangga ko, hindi ko na siya nilingon dahil nagmamadali ako. Baka nasa classroom na si Marou!
Nagulat na lang ako nang may biglang bumatok sa'kin, amp! Susuntokin ko na sana kaso si Marou ang nambatok!
"Masakit?" tanong niya.
"Oo!" sagot ko. "Pero mas masakit 'yung ginawa niya sa'yo" ngumuso ako sa direksyon nina Kenneth na hindi na siya pinapansin. "Aww" natatawang sabi ko.
Sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Ginagawa mo pa kasi siyang panakip butas e, ayan tuloy, kinakarma ka na, tsk tsk" dismayado na sabi ko.
"Ano bang pinagsasabe mo? Wala akong gusto sayo, si Kenneth ang gusto ko. Bakit mo ba pinagpipilitan ang sarili mo sa'kin?" dire-diretsyo na sabi niya.
Napahinto ako sa paglakad at parang na-frozen sa kinatatayuan ko. Tinitigan ko ang mga mata niya, umaasang mabasa niya ang sinasabi ko sa kaniya.
Ang sakit naman nun. Pinagpipilitan ko ba sarili ko?
"Anong ginagawa niyo dito?" biglang dumating sina Xands.
"Papasok pa la--" umalis na ako.
Tangina, ang sakit magsalita ni Marou. Pati tuloy si Marie nasungitan ko pagkapasok ko sa classroom! May dala-dala pa man din siyang pagkain, sayang 'yun.
Ilang araw ang nakalipas may sinend sa'kin si Rj na picture, stolen picture namin ni Marou, nakatingin siya sa'kin habang nakangiti. Hindi ako nakikita dahil nakatalikod ako. Inasar ko si Marou sa chat lang pero naririnig ko na naman ang boses niya at naiimagine ko ang iritado niyang mukha.
"Bakit ka umiyak kahapon? Hindi ka sumasagot sa gc, tinatanong din kita sa chat natin." sabi ko kay Marou.
"Wala 'yon" sagot niya.
Sus, ayaw pa kasi sabihin na si Kenneth ang dahilan.
"Si Kenneth ba?" paninigurado ko.
Napatingin ako sa strap ng bag ko nung nakita ko siya na tumingin doon.
"Bakit hindi mo suotin ng maayos 'yung bag mo?" tanong niya.
"Bakit mo iniiba usapan?" ngumisi ako.
"Bakit mo tinatanong?" laban niya.
"Bakit ka umiiwas sa usapan?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit ka nakikielam?" natahimik ako, kahit siya natahimik sa sinabi niya.
Parang may kung ano na tumusok sa puso ko, amp!
Nakatingin lang ako kay Marou habang kumakanta ng T.A.N.G.A, feel na feel niya ah.
Kumuha ako ng isang slice ng pizza, kumagat siya at napangiti pa! Sarap na sarap! Napaiwas ako ng tingin nung nahili niya ako na nakatingin sa kaniya.
"Akala mo ah!" gigil na sabi niya sa'kin habang nag eenjoy siya na hampasin ako ng unan.
"Makulit ka ah" hinawakan ko ang kamay niya. Nakipag agawan pa siya sa kamay niya sa'kin habang hawak ang unan hanggang sa may naapakan ako at nalaglag sa sofa.
Hindi ako makahinga nang mapansin ko na nakaibabaw siya sa'kin!
"Oh, sh*t!" narinig ko ang boses ni tomboy!
"Ayieeeeee!!!!" kantyaw nilang lahat. Nagtitili pa sina Rj. Naramdaman ko na parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.
"Ah!" sigaw ni Marou nang bigla ko siyang naitulak at bumagsak sa sahig!
"Marou" natataranta ako at tinulungan ko siya tumayo, nailang siya nung hinawakan ko ang kamay niya.
"Nice one, Ken!" natatawa na sabi ni Paul, hinampas niya pa ako ng unan angwala!
"Unbelieveable" mahinang sabi ni Zha na parang hindi pa rin makarecover sa nakita niya.
Nanonood naman kami ngayon ng horror, sinabihan pa ako ni Xands na ang tapang ko. Hindi naman kasi ako nanood, pinagmamasdan ko kasi si Marou. Nakita ko na pinagtitripan niya si Paul, kumunot ang noo ko. Tawa siya nang tawa, nakakaselos ah! Tumigil siya sa pagtawa nang mahuli niya na naman ako na nakayingin sa kaniya! Lumingon na lang ulit ako sa TV.
"Hindi dapat ako mag sorry, wala naman akong ginawa eh. Ikaw 'tong bigla-bigla na lang nagkalat ng fake news!" sigaw niya sa'kin.
"Ipagsasabi ko ba 'yon kung fake news 'yon?" natigilan siya sa sinabi ko.
"Hindi ako naniniwala sa'yo" aalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya.
Bakit ba ayaw niya maniwala na gusto ko siya?
"Ano?" tanong niya.
Napalunok na lang ako, binatawan ko na ang kamay niya.
"Wala naman pala, tss" umalis na siya.
Marou, kung alam mo lang kung gaano kita kagusto, hindi na ako mahihirapan ng ganito.
"Ang dirty ng kamay mo ididikit mo pa sa bibig ko!" sigaw niya sa'kin.
"Malinis 'to ah, kasi malinis din ang intensyon ko sa'yo."
"Ano ba problema mo?"
"Ikaw"
"Ako?!" inis na sabi niya.
"Hindi ka kasi naniniwala na crush kita" diretysong sabi ko.
Sana naman maniwala ka na.
"Bakit mo iniba pangalan ko, ha?" tanong ko kay Marou na nakakunot pa rin ang noo niya simula nung lumapit sa'kin 'yung Leslie.
"At bakit ko sasabihin ang pangalan mo, ha?" inirapan niya ako.
"Ano naman kung sasabihin ko?" ngiting ngiti na ako, pakiramdam ko eto na 'yun!
"You should not talk to strangers! Delikado!" parang nagagalit pa siya.
"Delikado? Delikado na maagaw ako sa'yo?" tumawa ako.
"Pake ko, bilisan na natin! Ang bagal bagal mo" sabi nita kahit nauuna naman talaga ako maglakad.
Hay, halatang-halata naman na nagseselos siya ayaw pa aminin. Haha!
"Kumain ka na?" tanong ko kay Marou.
"Ano sa tingin mo?" inangat niya 'yung palamig na hawak niya.
Tsk, hindi naman 'yan pagkain.
"It's a drink, not a food." diretsyong sagot ko.
"Basta may laman ang tyan ko, 'yun na 'yon!" sagot niya.
Napailing na lang ako. Umalis ako at pumunta sa labas kasama sina Rj.
Binilhan ko na lang siya ng pagkain, ayoko siyang magutom.
"Eat." nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya habang may hawak na sandwich.
"Ih!" irit ni Nietta nung nakita niya kung sino ang nasa likod ko.
Napalingon siya pero nilagyan ko rin ng isang bote ng tubig ang kabilang side niya.
"Finish your food." utos ko.
Parang lumalambot ang puso ko kapag kaharap ko siya.
"Ano mo anak ko?" diretsyong tanong sa'kin ng tatay ni Marou.
Pinagpapawisan na ako sa kaba!
"Pa, kaklase niya lang 'yan." sumagot ang nanay ni Marou, 'yung nakita ko noon na kasama niya sa walter mart.
"Nagkaroon din ako ng kaklase na babae noon pero hindi ko hinatid sa ganitong oras." tumingin siya sa wall clock namin, 9:05 PM na.
"Ano mo 'to?" kunot noo na tanong ng tatay niya sa kaniya.
"A-ah, a-no p-po.." nauutal na si Marou. "K-kla--"
"Manliligaw niya po ako." inunahan ko na siya.
Eto na ang tamang panahon para kumilos ako, baka maunahan na naman ako ng iba e.
"Pre ano 'yan? Bakit dalawa? Sobra sa budget 'yan ah." tanong sa'kin ni Rj habang hawak ang stuff toy na pusa at monkey.
"'Yung isa para sa nabunot ko, 'yung isa para kay Marou." sabi ko kay Rj.
"Naks, swerte naman sa'yo ni Marou, pre!" natutuwang sabi ni Rj.
Naalala ko 'yung kwintas na tinuro sa'kin ni Marou kanina.
"Samahan mo muna ako saglit Rj" sabi ko habang binabayaran na namin 'yung stuff toy.
"Saan?"
"Doon sa jewelry..ewan ko kung anong store 'yon basta." sabi ko at dumiretsyo doon sa moon necklace.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na bilhin 'yon para kay Marou. Alam kong matutuwa 'yon ng sobra. Makita ko lang siya na masaya, masaya na rin ako.
Tinipid ko talaga sarili ko para makapag ipon at mabilhan siya ng regalo.
"Salamat" hinihimas niya ang moon pendat. Tuwang tuwa siya, hindi ako nagkamali.
"Hindi ko hihilingin na isuot mo 'yan palagi, pero sana maalala mo 'ko sa tuwing makikita mo 'yan." ayoko na kahit dumating ang punto na maghiwalay kami ay kakalimutan niya na ako tapos wala man lang akong iniwan sa kaniya.
Magkikita kami ni Marou ngayon, dadalaw ako sa bahay nila. Hindi rin ako nag online para matapos ko ang regalo ko na ginagawa ko para sa kaniya. Nag padevelop pa ako ng stolen pictures namin. Ang cute cute namin sa mga picture.
"Marou, hindi naman ako gagawa ng dahilan para mawala ka sa'kin e." malumanay na sabi ko sa kaniya.
Hindi ko rin talaga alam kung anong mangyayari sa'kin kapag nawala ko siya. Ayoko muna isipin 'yon ngayon, mas mahalaga pa rin sa'kin na masaya si Marou.
"Babe, I love you." bulong ko kay Marou.
"I love you too." sagot niya.
Sa wakas! Kami na rin! Sinagot niya na ako, may grilfriend na ako! At si Marou pa, pinaghirapan ko talaga siya.
Masaya kami palagi ni Marou hanggang sa pinagselosan niya na si Nietta na pinagmulan ng away namin. Inayos ko 'yon kaagad dahil ayokong masaktan siya.
Mga ilang araw ang lumipas namatay si tita sa panganganak kay Malou. Sobrang lungkot ni Marou, gusto ko siyang tabihan, gusto ko siya samahan pero pinagtatabuyan niya kaming lahat sa sobrang lungkot niya.
"Putangina niyo! Mga manloloko!" umiiyak na si Marou.
Sa pag iyak niya, parang dinudurog ang puso ko.
"Mag eexpla--" sinampal niya si Nietta.
"Tangina mo." mariin na sabi sa kaniya ni Marou.
Tinaas niya ang cellphone ni Paul na nasa message namin ni Nietta.
Putangina, mali ang iniisip niya.
"Paul, alam mo ba 'to ha?" nanghihina na siya sa kakaiyak.
"H-hindi ko alam 'yan." nag aalala na sabi ni Paul.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya.
"Don't touch me! Nakakadiri ka!" sigaw niya. "T-tangina niyong d-dalawa!" hindi na siya makahinga sa pag iyak niya.
Gusto ko na rin umiyak sa ginagawa niya, mali ang iniisip niya. Hindi namin siya niloloko. May dahilan kami kung bakit kami ganoon sa chat.
"B-bakit niyo 'to n-nagawa s-sa'kin ha?" sabi niya habang umiiyak pa rin. "May pagkukulang ba ako sainyo ha?!"
"Ikaw, anong ginawa ko sa'yo para lokohin ako ha?" tinulak-tulak niya ang dibdib ko. "Ah..kaya pala hindi ka na masyadong nag chachat sa'kin? Akala ko ba ayaw mo lang ako maistorbo? 'Yun pala may iba ng nagpapasaya sa'yo!" lumingon siya kay Nietta na umiiyak pa rin.
Kumunot ang noo ko, bakit sinasabi ni Nietta na hindi namin 'yon sinasadya? Lalo tuloy kaming nagmumukhang nag cheat!
"At simula ngayon! Wala na akong boyfriend." tinignan niya ako.
"I'm sorry.." 'yun na lang ang nasabi ko, hindi ito ang tamang oras para magpaliwanag sa kaniya. Masyado siyang nasasaktan, hindi niya kami maiintindihan.
"Pasalamat ka pala sa instagram ah! Ayan na, wala nang ha-had-lang sa inyo.." ngumiti pa siya ng peke sa'kin.
Sinabi ko na lang na mistake lang 'yon pero mas lalo pa siyang nagalit. Nanginginig na ang tuhod ko, gusto ko na lumuhod sa harapan niya. Panay lunok na rin ako para maiwasan ang pag iyak ko.
Lalake ako pero nasasaktan din ako.
"Huwag mo 'ko gawing tanga" nagpipigil na naman si Marou ng luha.
"Marou, please." pagmamakaawa ko, gustong gusto ko na siya balikan.
"Tumigil ka na, Ken"
"Hindi ako titigil hangga't hindi ka naniniwala sa'kin. Maghihintay ako Marou, maghihintay ako." pagpupumilit ko.
Kahit anong sabihin ko sa kaniya hindi siya nakikinig, kahit anong contact ko sa kaniya sa social media wala rin. Gumawa pa ako ng bagong accounts para makausap siya pero bina-block niya lahat. Hindi ko nga alam kung binasa niya man lang e.
"Kuya, ano pong ginagawa mo?" inosente na tanong sa'kin ni Kesha.
"Nagawa ako regalo para kay ate Marou mo." ngumiti ako.
"Bakit po hindi ko na siya nakikita?" tumabi siya sa'kin. "Sabi niya iipitan niya ulit ako sa susunod na pumunta siya riyo e."
Para na namang tinusok ang puso ko, pati si Kesha na-mi-miss si Marou. Nakakatawa naman, akala ko ako lang.
"Hmm, busy siya e." sagot ko habang nag ddrawing ng bulaklak sa short bond paper.
"Kuya, kulayan mo para mas maganda!" masiglang sabi ni Kesha. "Wait, kunin ko colors ko." nagmadali siyang bumaba sa upuan at tumakbo papunta sa kwarto niya.
Natapos ko na ang pag ddrawing ko.
"Ang panget!" inis na sabi ko. "Bakit ba kasi ang hina ko sa arts!" napasabunot ako sa buhok ko.
"Maganda naman kuya" sabi ni Kesha. "Diinan mo kasi 'yung pagkulay mo, mali-mali ka naman ih." parang siya pa ang mas matanda sa'min!
Hinayaan ko si Kesha na siya ang magkulay, buti pa siya marunong! Sana all!
Napatingin ako sa tula na ginawa ko, ewan ko kung magugustuhan 'to ni Marou. First time ko gumawa ng tula para sa babae!
Tinititigan ko lang 'yung tulang sinulat ko para sa kaniya. Pinag isipan ko pang mabuti 'to, ayokong pumalpak.
"Parang may kulang.." sabi ko sa sarili ko, busy pa rin si Kesha magkulay.
Kinuha ko agad ang ballpen nang marealize ko kung ano ang kulang at agad sinulat 'yon.
'Humihingi ng tawad,
Kendmar Richer Gonzales'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro