Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MARUPOK 40

"Practice mamayang uwian." sabi ko.




"Practice ulit?" bulong ni Kendmar. "Sige." nakita ko pa siya na naglakad papalapit kay Nietta.




Tumalikod agad ako, araw-araw na lang ba ako makakaramdam ng kirot sa puso ko?




Ilang oras ang lumipas at nag uwian na, nag practice pa kami ng kaunti nung time ng English.




Nagtatawanan kami nina Kristel, sa sobrang likot namin naitulak nila ako. May naramdaman na lang ako na may naapakan ako.




"Aray!" inda ni Ken, napaupo siya sa sahig.




"Omyghad! Sorry!" naapakan ko 'yung daliri ng paa niya! Umupo na rin ako para mapantayan siya.




"Sorry, sorry" natataranta na sabi ko.




Kumunot ang noo ko noong bigla siyang tumingin sa'kin at tumawa! Ano 'yon?! Nag kunwari lang siya na nasaktan?!




Tumayo ako sa inis! sinipa ko pa ang binti niya nang mahina.




Natapos na kami mag practice kaya umalis na sina Kristel, kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa simentong upuan.




"Marou" napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses niya.




"Bakit?" hindi ko siya nililingon habang sinusuot ko ang backpack ko.




"Sorry." seryoso ang boses niya.




Lumingon ako sa kaniya.




"Sorry na naman? Hindi ka ba napapagod mag sorry?" kunot noo na tanong ko.




"Hindi." diretsyong sagot niya.




Napailing na lang ako at tinalikuran ko na siya.




"Hey, Marou" humarang si kutong lupa sa daanan ko.




"Ano na naman?" masungit na sabi ko sa kaniya.




"Pwede ba makinig ka muna sa'kin?" seryosong sabi niya. "Marou naman, hindi ka namin niloko."




"Ha? Ano? Wait, nabingi ata ako" natatawa na sabi ko sa kaniya.




"Marou" hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko 'yun binawi sa kaniya.




"Don't touch me" inis na sabi ko sa kaniya. "Saan ka nakakakuha ng lakas ng loob na kausapin ako matapos niyo ako lokohin, ha?"




"Hindi kita niloko" nakatingin lang siya sa mga mata ko, iniwas ko ang tingin ko. Hindi ako pwede bumigay!




"Huwag mo 'ko gawing tanga" nararamdaman ko na parang may bumabara sa lalamunan ko.




"Marou, please." may namumuong luha sa mga mata ni kutong lupa.




"Tumigil ka na, Ken"




"Hindi ako titigil hangga't hindi ka naniniwala sa'kin. Maghihintay ako Marou, maghihintay ako."




"Wala ka naman mapapala sa paghihintay mo." nararamdaman kong kumikirot na naman ang puso ko.




"Papatunayan ko sa'yo na hindi kita niloko." pagpupumulit niya.




"Marou--"




"Eh ano 'yon? Bakit doon kayo nag uusap?" pinutol ko siya. "Ah, 'sa instagram tayo mag usap para safe' ganoon?" natatawang sabi ko sa kaniya habang tumutulo ang mga luha ko.




"Gusto lang niya makipag kaibigan, maniwala ka."




"Tanginang kaibigan 'yan, Ken! Diyan din tayo nagsimula!" tumaas na ang boses ko, gusto ko siyang sampalin pero nanghihina ako sa pangloloko na ginawa nila sa'kin.




"Pero iba k--"




"Stop! Ayaw na kitang makausap! Ayaw na kitang makita, ayoko na sa presensya mo!"




Tumakbo ako palayo sa kaniya habang patuloy lang ako sa pag iyak. Kung saan-saan na ako dinala ng sarili kong paa, may mga puno naman sa lugar kung saan ako nagpunta kaya sumilong muna ako. Nakatakip lang ang kamay ko sa mata ko habang umiiyak.




Maya-maya lang may naramdaman ako na tumabi sa'kin.




"Please, give me a chance" narinig ko na naman ang boses niya.




"You don't deserve a chance." pagmamatigas ko. "Huwag ka nang bumalik, okay na ako."




Maglalakad na sana ako paalis nang bigla niya akong yakapin patalikod.




"Miss na kita." bulong niya.




Padabog kong inalis ang kamay niya na nakapulupot sa'kin.




"Ang kapal ng mukha mo!" sinampal ko siya. "Magsama kayo ni Nietta! Hiniwalayan na nga kita para maging masaya na kayo e! Tapos ngayon babalik ka sa'kin?!" sigaw ko sa kaniya, hindi ko na siya makita nang maayos dahil sa luha ko.




"Hindi mo pa alam ang totoo, Marou!" depensa niya.




"Alam ko ang totoo! Naglihim kayo sa'kin habang pinaglalamayan ko ang nanay ko." nasisira na ang boses ko sa pag iyak. "Sakit nun! Wala akong kamalay-malay na niloloko na pala ako habang nagluluksa sa nanay ko." tumawa ako na parang nababaliw na. "Double kill!"




"Bakit Ken? Ano bang nagawa ko sa'yo? Saan ako nagkulang? Sa ganda?!" sigaw ko.




"Marou, hindi--"




"Na-bored ka ba? Kaya si Nietta ang kinausap mo? Si Nietta ang ginawa mong libangan habang wala ako?" tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko kahit pilit kong pinupunasan para mawala na. "Pinaglaruan niyo 'ko e!" sobrang sakit na ng puso ko. "H-hindi ko kayo maintindihan! Ang hirap niyong intindihin! Tangina niyong lahat!"




Ngayon ko lang ata nailabas lahat ng hinanakit ko sa kanila.




Hindi sumasagot si Kendmar, nasa ibang direksyon ang tingin niya at panay ang lunok niya.




"Noong P.E last year, naging mag partner kayo, akala ko noon 'yun na 'yung last na pagseselosan ko siya e. Tss, akala ko lang pala." ngumisi ako. "Tapos ngayon sasabihin mo na hindi mo ako niloko? Sus! Kitang-kita na ng mga mata ko kung paano niyo ko ginago."




Tuluyan na akong tumalikod at umuwi. Katulad ng dati, kinomort na naman ako ni ate Lita. Love expert daw siya e. Mabuti na lang nandito siya sa tabi ko, handang makinig sa mga hinaing ko.




Kinabukasan nakapag perform na kami nang maayos, pagkatapos noon hindi na kami nag usap pa ulit ni Kendmar.




"Para akong mababaliw.." bulong ko sa tabi ni Liya.




Paulit-ulit pumapasok sa isip ko 'yung mga sinabi ni Kendmar, walang araw na hindi ko 'yon inisip. Tangina naman, bakit kasi ngayon pa!




"Huwag mo na kasi isipin 'yung sinabi niya, Marou! Last last week pa 'yon, kalimutan mo na, let go na!" sabi ni Liya.




"Ano ba sinabi sa'yo?" kunot noo na tanong ni Zha.




"Marami" sagot ko habang tulala sa isang flower vase.




"Meryenda muna oh" alok ni Xands, palagi na kami sa bahay ni Xands tumatambay, hindi na sa bahay nina Nietta. Ano pang gagawin namin sa bahay nila, tsk.




Good thing, wala ng sama ng loob ang kuya ni Xands sa'min. Nabawi na rin nila ang bahay nila dati, ang dami siguro nilang pinaghirapan.




"Sinasabi kasi ni Ken na hindi niya raw niloko si Marou." umiiling na sabi ni Liya.




"Ha?!" react ni Junjun habang kumukuha ng cookies. "Bobo ba siya." inis na sabi niya at padabog na umupo.




"Siguro." natatawang sagot sa kaniya ni Paul at tumabi siya kay Junjun.




"Ah!!" tinuro ako ni Paul na mapang asar ang ngiti. "Pinagpalit sa best friend." tumawa siya nang malakas.




"Gago!" binatukan siya ni Zha.




Ayan butinga! Muntik niya pa madura 'yung cookies na kinakain niya dahil sa pambabatok sa kaniya ni Zha, natawa tuloy ako.




"Grabe ka Paul!" react ni Liya at niyakap ako. Ang cute lang ni Liya kasi napakalambing niya.




"Kung ikaw kaya ipagpalit sa iba, anong mararamdaman mo?!" sigaw sa kaniya ni Zha.




Natatawa ako, mas galit pa siya sa'kin.




"Wala, syempre!" mayabang na sagot ni Paul at kinuha ang juice. "Wala namang gagawa sa'kin nang ganoon e. Sa gwapo kong 'to, ipagpapalit ako?" tumaas ang isang kilay niya. "Malabo!"




"Ewan ko sa'yo, gago." inirapan siya ni Zha. Tinawanan lang siya ni Paul.




Nag uusap-usap pa rin sila pero hindi ko na maintindihan, lumilipad na anman ang utak ko. Na coconfuse ako sa sinabi ni Kendmar, paanong hindi niya ako niloko?




"Huy! Tulala ka again, girl!" kinalabit ako ni Thea. "Tinatawag ka ni Lou." tumingin siya kay Lou.




"Oh?" sabi ko kay Lou.




"Share mo na kase kung anong mga sinabi." sagot niya.




"Marami siya sinabi pero nakalimutan ko na 'yung iba, basta ang pino-point niya hindi niya raw ako niloko tapos..hindi ko raw alam ang totoong dahilan." kumunot ang noo ko habang nagkukwento.




"So, maniniwala ka na niyan?" inosenteng tanong ni Rj.




Napahinga ako nang malaim.




"Alam ko kasi kapag nagsisinungaling siya o hindi e." napakagat ako sa labi ko.




May part sa'kin na gusto kong maniwala pero ang hirap magtiwala.




"Paano mo naman nasabi 'yan?" sabat ni Lou. "Hindi mo nga namalayan na nagsisinungaling na sila ni Nietta." inabutan niya ako ng juice.




"Salamat" ngumiti ako, napayuko ako at tinitigan ko ang juice. Tama si Lou, hindi ko namalayan na niloloko na pala ako.




Hindi rin naman kasi mukhang nagloloko si Ken, noong kami pa. Mali pala ako!




"Nananahimik ka kasi tapos niligawan ka tapos hindi ka naman pala kaya panindigan." dismayado na sabi ni Junjun.




"Pero, nakaka-curious 'yung binanggit niya sa'yo ah.." napakahawak si Paul sa chin niya, nag iisip. Umayos agad siya ng upo. "Aalamin ko 'yan." bigla niyang ininom 'yung juice niya nang dire-diretsyo!




"Pre, 'wag feeling na alak ang iniinom mo." natatawnag sabi sa kaniya ni Junjun.




"Ha?" tumingin sa kaniya si Paul. "Hahanapin ko ang totoong sagot!" naglalasing-lasingan siya.




"Tamang sagot nga sa exam hindi mo alam, 'yan pa kaya." sabi sa kaniya ni Zha.




Inis na lumingon sa kaniya si Paul.




"Hoy! Below the belt ka ah!" emosyonal na sabi niya. Hindi siya pinansin ni Zha at nagpatuloy lang sa pagkain.




Kinabukasan napaaga ang pasok ko, hindi pa nag sstart ang flag ceremony. Nakapangalumbaba lang ako sa arm desk ko habang iniintay ang iba kong mga kaklase. Tatlo pa lang kasi kami rito! Si Prince, Edwin at ako!




Maya-maya lang paisa-isa na ang nagdadatingan hanggang sa nakita ko si manloloko. Tumungo agad ako para hindi ko siya tignan.




"Gonzales!" rinig kong sigaw ng kaklase namin mula sa labas.




Inangat ko ang ulo ko at nakita ko na nasa corridor na si manloloko. Napatingin ako sa desk ko na biglang nagkaroon ng papel! Nakatupi 'yon at bakat sa papel na may kulay red?




"Ano 'to?" sabi ko sa sarili ko. "Sa'yo ba 'to?" tanong ko kay Edwin nung napadaan siya, umiling lang siya.




Kumunot ang noo ko habang hawak ang papel. Binuklat ko 'yon, nanlaki ang nga mata ko sa nakita ko! May naka drawing na bulaklak, kulay red ang petals, 'yun pala 'yung bumakat kanina.




Mas lalong kumunot ang noo ko at nanlaki ang mga mata ko nang marelize ko na katulad 'to nung gawa ni Kendmar noon, noong sinagot ko siya! Bumibilis tibok ng puso ko!




Bigla akong napatingin sa bintana at nahuli ko si manloloko na nakatingin sa'kin! Tumayo ako, lalapitan ko siya at tatanungin ko siya tungkol dito!




Kakatayo ko lang pero may nakita ulit ako na papel na nakatupi sa paanan ko. Wala naman 'to kanina rito e! Malinis ang classroom namin palagi! Inis kong dinampot 'yon, may bumakat sa papel na 'yon na parang may nakasulat. Nakatalikod na ako sa bintana at nakatayo habang binubuksan ko ang papel. Napataas ang kilay ko nang mabasa ko ang pangalan ko.




Dear Marou,

Pakinggan mo naman ako
Marami pa akong gustong sabihin sa'yo
Nagkamali ako
Pero pinagsisihan ko

Hindi ko alam kung paano ka kakausapin
Hindi ko na rin alam paano ka pa susuyuin
Palagi ka kasing galit,
Natatakot ako sa'yong pagiging masungit

Alam kong nasaktan ka ng sobra
Kaya hindi kita masisisi kung bitter ka
Hindi kita masisisi kung galit ka
Hindi kita masisisi kung ayaw mo na

Mahirap masaktan, naranasan ko na
At sa'yo, ayaw ko na iparanas pa
Mahirap maniwala, mahirap magtiwala
Kaya irerespeto ko ang iyong magiging pasya

Hindi MAsaya ang buhay
Kapag walang MArou sa aking buhay
Sana ito na ang maging tulay
Nang matapos na ang aking paghihintay

Tandaan mo, hindi kita niloko
Hindi ka namin niloko
Malalaman mo ang totoo
Kapag pinakinggan mo na ako


                            Humihingi ng tawad,

Kendmar Richer Gonzales

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro