Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MARUPOK 4

"Congratulations Group 2" sabi ni sir Jules.




Nagpalakpakan kaming lahat.




Naging maayos ang performance namin sa MAPEH, kami ang nakakuha ng perfect score. Kami ang group 2.




"Congrats mga pre" nakipag apir-apir si Paul sa'min.




Hindi naging madali ang pag papractice namin, palagi kasing wala si Zha e may role pa naman siya. Muntik pa sila magkasagutan ni Lou kahapon ng umaga.




"Zha, congrats, ang galing mo kanina." sabi ni Lou sa kaniya.




"Uy, bati na sila!" pang aasar ni Junjun.




Ngumiti si Lou at tumango-tango naman si Zha.




"Kayo ba Ken, bati na kayo ni Marou?" pambabasag ni Paul.




Gusto ko siyang sabunutan! kaso ang sarap ng kalagayan ng pagkakaupo ko ngayon, kainis.




"Hi, Marou" lumapit sa'kin si kutong lupa at umupo sa tabi ko. Sakto naman kasi na wala si Nietta sa tabi ko, nag CR kasi sila ni Thea.




"Ano?" nakakaasar 'yung ngiti niya! 'Yung ngiting pa-fall niya!




"Mamaya ka na mag cellphone, kinakausap pa kita." sermon niya.




Kung maka sermon akala mo naman kung sino.




"Ano naman kung nag ccellphone ako? Iniintay ko kasi chat ng bebe ko!" nagchachat na kami ni Kenneth simula nung nagpapicture ako sa kaniya hihi.




"Sus" umirap siya at tumingon sa kabilang side, iniiwas niya ang mukha niya.




"Bati na nga talaga sila." sabi ni Rj na nasa likuran ko, nakaupo pa talaga siya sa arm chair.




Kinalabit ko si Liya na nasa harapan ko.




"Liya, si Rj oh nakaupo sa arm chair, pagalitan mo nga." Lumingon si Liya sa likuran ko at sinilip si Rj. Napangisi naman ako.




"Rj, baba ka diyan, hindi 'yan upuan." mahinhin na sabi ni Liya sa kaniya.




Agad naman sumunod si Rj sa kaniya, lumingon ako kay Rj at pinakita ko sa kaniya ang tagumpay na ngiti ko.




"Bleh"




Patuloy lang ako na nag scroll sa facebook. Napansin ko naman na hindi pa rin siya naalis sa tabi ko! Ang tagal naman kasi nina Nietta!




Napahinga ako ng malalim bago ako lumingon sa kaliwa ko.




"Hindi ka pa ba aalis?" kunot noo na tanong ko habang hawak-hawak ang cellphone ko na nakaharap sa mukha ko.




"Aalis lang ako kapag gusto ko"




"Tsk. Aalis ka rin naman kapag bumalik na si Nietta" simula nung isang araw naging okay na siya ulit.




Nakikipag usap na, nakikipag laro na siya kina Paul at higit sa lahat nagpapapansin na naman sa'kin. Crush siguro ako nito?




"Ow!" napatingin ako kay Nietta na nakatakip na ang bibig ngayon habang pinag mamasdan kaming dalawa ni kutong lupa na magkatabi.




Akala ko ay sasagipin na ako ni Nietta pero nagkamali ako.




"Doon muna ako uupo sa upuan mo, Ken. Enjoy kayo diyan ni Marou hahahaha!" kinindatan niya pa ako at saka umupo sa likuran namin, katabi ni Rj.




"Kung hindi ka aalis ako ang aalis." walang pake na sabi ko kay kutong lupa, tinignan niya lang ako.




Balak ko tumabi kay Thea sa kaliwa niya na katabi ni Liya. Tatayo na sana ako nung hinatak niya ang kaliwang braso ko para mapaupo ulit sa upuan ko.




"Ano ba?" inis na sabi ko.




"Gusto kita makatabi, hindi mo man lang ba ako pagbibigyan?" seryoso niyang sabi habang diretsyo lang na nakatingin sa mga mata ko.




Naka wax ang buhok niya, ang kinis ng mukha niya. Plantyadong-platyado ang school uniform na suot niya. In short, ang linis niya tignan.




Hindi agad ako nakasagot sa kaniya, napatitig lang ako.




"Hahahahaha!" tumawa siya nang malakas. "Ano ba namang reaksyon 'yan, Marou?" natatawa niyang sabi.




Bumalik ang pagkainis ko sa kaniya. Pinag titripan niya na naman ako.




"Ano na naman?!"




"Pa-fall ka ha" bulong niya.




Ano? Ako? Pa-fall? Siya nga 'tong pa-fall diyan e!




Hinampas ko siya sa braso niya, napaaray naman siya. Sorry siya, mabigat kamay ko e.




Tumungo siya sa desk at umaakto na sobra siyang nasaktan sa hampas ko.




"Ang OA mo ha!" sigaw ko sa kaniya.




Buti na lang dumating na ang next teacher namin kaya bago na naman ang seating arrangement.




Hay salamat! Makakaalis na rin ako sa tabi nitong kutong lupa na 'to.




Habang nag dididscuss ang teacher namin, nauhaw ako. Humarap ako sa bag ko na nasa likuran ko lang para kunin ang tumbler ko. Napatingin naman ako ng diretsyo kung saan ako nakalingon.




Nakita kong nakatingin sa'kin si kutong lupa kaya napahinto ako sa pagkuha ng tumbler ko. Ngumiti agad siya at kumaway pa, tinaasan ko siya ng kilay. Nagulat naman ako nung umakto siyang nasasaktan na naman sa hampas ko sa braso niya, napa 'tsk' ako at tuluyan ko nang kinuha ang tumbler ko. Patuloy pa rin si kutong lupa na umaaktong nasasaktan, tinalikuran ko na siya, mukha siyang tanga.




Kinagabihan, nag online ako. Wlang assignment ngayon kaya nakahilata lang ako sa higaan ko. Light pink ang wallpaper ng kwarto ko, nasa kaliwang side ang pintuan ng kwarto ko, sa tabi non may maliit na cabinet at sa tabi nun ay itong kama na hinihigaan ko. Sa kanang side ko naman ay ang study table ko pero hindi ko naman 'yan ginagamit, pinapatong ko lang ang bag ko diyan. Harapan naman ng kama ko ay may isang mahabang cabinet, dingding to dingding, kung saan nakalagay lahat ng damit ko. Sa ibabaw nung cabinet ay mga stuff toys ko na may plastic cover pa.




Binuksan ko ang snapchat application ko, feel ko lang mag selfie ngayon. Nag selfie lang ako ng nagselfie hanggang sa pumili na ako ng iiistory ko, nung nakapili na ako, nilagyan ko 'yon ng text na 'Highest among the rest' bilang pag cecelebrate dahil kami ang nakakuha ng highest score sa MAPEH.




Nalagay ko na sa story ko sa snapchat 'yung picture ko, napatingin naman ako story nina Thea. Friends kaming lahat sa snapchat, inisa-isa ko 'yung stories nila hanggang sa nagulat ako sa sunod na nakita ko! Nataranta ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang phone ko at nalaglag sa mukha ko!




"Araaaaay" sinubsob ko ang mukha ko sa unan sa sobrang sakit, ilong ko ang tinamaan ng bongga.




Kahit masakit ang ilong ko, pilit kong inabot ang phone ko para tignan ulit 'yung nakakasukang story ni Nietta na nakita ko!




Inayos ko na ang higa ko para matignan ko ng maigi, napa-face palm ako. Stolen picture namin ni Kenneth na nakatalikod ang nandoon, nakahawak si Kenneth sa kaliwang braso ko habang ako naman ay parang matutumba na. Nag init ang ulo ko ng makita ko pa 'yung text na nakalagay doon na 'may paghawak na sa braso' sa sunod naman na story niya, stolen picture pa rin namin. Mas malala! Nakatingin kami ni Kenneth sa isa't - isa na seryoso ang mga itsura! Eto yata 'yung tinititigan ko siya kanina! Nanlamig ang mga kamay ko sa nakita kong text doon na 'ay lumevel up! eye to eye naman HAHAHAHA'




Agad kong inexit ang snapchat at pumunta sa facebook app para mag message kay Nietta. Gusto kong magsalita ng masasamang words!




Marou: Hoy punyeta! Idelete mo 'yung story mo sa snapchat!




Antonietta: typing..




Antonietta: HAHAHAHAHAHA ayoko nga.




Nag iinit ang ulo ko.




Marou: Baka makita 'yon ni Kenneth, tanga!




Antonietta: 'wag ka ngang praning! Hindi naman ako finofollow ni Kenneth doon. Chill.




Seenin ko na lang siya, baka kung ano pa masabi ko sa kaniya e. Nakita ko 'yung gc namin na ang daming message. Binuksan ko 'yon at backread ako.




Thea: Look oh




Thea: Seat a photo.




Anak ng tinapa! Iniscreenshot pa nga 'yung story ni Nietta at sinend pa rito!




Rj: Wow! Wow! HAHAHAHAHA ANG SWEET!!




Paul: Nasaan ako nyan?




Rj: Nambababae ka niyan.




Liya: Stay strong po! HAHAHA JOKE LANG MAROU, LABYU.




Papa Lou: Aww, kelan yan? Bakit hindi ko nakita yan hahahaha.




Zha: nayswan




Xands: hahahhhhhaaha Marou hiwalayan mo na si Kenneth




Paul: Oo nga dito kana lang sa Ken natin HAHAHAHA




Mga siraulO. Buti na lang hindi pa 'to nakikita ni kutong lupa! Kung hindi, magpapansin na naman 'yon!




AntoNyeta: HAHAHAHAHAHA




Junjun: Gud evening, ano meron?




Paul: Scandal




Rj: Gago hahahahhaah




Lou: backread ka Rick hahaha




Junjun: ikaw Marou ah mahilig ka pala sa manok.




Manok?




Liya: Manok?




Junjun: Oo




Lou: ????




Junjun: siken.




Liya: Ha??




Paul: HAHAHAHAHHA ANG CORNY MO TANGA




Junjun: Eh bakit ka tumatawa?




Liya: Ay gets ko na HAHAHAHAHA




Kendmar: typing..




Shet! Nasa dulo na pala ako at nakita niya na rin!




Kendmar: May lihim na pag tingin talaga sa'kin si Marou




Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.




Kendmar: typing..




Kendmar: Panakip butas niya lang yung isang Ken HAHAHAHAHA ayaw niya kasi ipaalam na ako talaga yung crush niya kaya gumagamit ng ibang "ken"




Marou: wow! Ang kapal mo ah.




Kendmar: typing..



Kendmar: Wala namang manipis na tao.




Paul: typing..




Paul: Ayan na po ang bagong love team HAHAHAHHA




Junjun: typing..




Junjun: oh, wag na dito mag away, uso pm.




Junjun: typing..




Junjun: tularan niyo si Liya at Rj, sa private message nag uusap hahahahhha.




Napahawak ako sa sakit ng ulo ko sa pinagsasabi nila.




Inexit ko na ang gc namin at pumunta sa chat namin ni Kenneth. Siya na lang ang kakausapin ko para mabawan ang stress ko!




Marou: Hi




Seenin niya agad hihi.




Kenneth: typing..




Kenneth: Hello




Bilis mag reply!




Marou: Kumain ka na po? ^_^




Kenneth: typing..




Kenneth: Opo :)




Kenneth: typing..




Kenneth: ikaw?




Concern din siya sa'kin, kakilig!




Marou: Oo naman ^_^




Kenneth: typing..




Kenneth: ok, goodnight po :)




Marou: matutulog ka na agad? Ang aga pa ah.




Kenneth: typing..




Kenneth: napagod sa training namin kanina sa basketball eh hehe.




Oo nga pala, basketball player siya ng school namin.




Marou: ay, ok po hehe. Rest ka na po, sige po goodnight <3  sleepwell ^_^




Seenin niya na lang, hindi ko na lang chinat para makapagpahinga na siya. Ganito kami buong linggo, ganito chats namin. Kamustahan, ganun. Boring para kina Nietta pero nakakakilig para sa'kin! Sa tinagal-tagal ko siyang crush, ngayon lang kami nag chat! Kaya sobrang saya ko kahit ganito lang.





Matutulog na rin ako ng biglang magchat naman si kutong lupa!




Kendmar: Di ka makatulog sa kakaisip mo sakin noh?




Kendmar: Cute natin doon sa picture




Kendmar: parang bagay tayo l




Wow! Grabe! Ang kapal talaga ng mukha!




Marou: ako lang ang cute




Marou: Ang kapal kapal mo alam mo ba yon? Feeling masyado.




Kendmar: typing..




Kendmar: ouch..




Marou: ano na naman?




Kendmar: typing..




Kendmar: ang sakit ng hampas mo sakin kanina. :/




Luh, hindi maka move on?




Marou: You deserve it.




Kendmar: typing..




Kendmar: no one deserves to be hurt..




Marou: Dami mong alam!




Kendmar: typing..




Kendmar: kaya nga nag aaral eh :)




Marou: Edi wow po :P




Marou: wag mo na ako ichat.




Kendmar: typing..




Kendmar: huwag moko utusan




Kendmar: typing..




Kendmar: titigil lang ako kapag gusto ko.




Marou: ok




Marou: bahala ka sa buhay mo.




Marou: 👍




Kendmar: typing..




Aba hindi pa rin talaga tumitigil!




Kendmar: Tabi tayo sa monday, alam ko naman na miss mo na ako eh.




Marou: tf?




Kendmar: typing..




Kendmar: wag ka na pakipot!




Kendmar: typing..




Kendmar: hindi bagay sayo




Marou: hindi ako pakipot, ayoko lang talaga sayo.




Kendmar: typing..




Kendmar: the more you hate, the more you love.




Kadiri, ampotek.




Kendmar: typing..




Kendmar: wag ka na masungit, hindi rin bagay sayo




Marou: hinihingi ko ba opinyon mo?




Kendmar: typing..




Kendmar: mas bagay sayo ngumiti




Marou: tsk




Kendmar: typing..




Kendmar: ang ganda mo kapag nakangiti.




Biglang nagtaasan ang balahibo ko! Pinatay ko ang wifi sa phone ko para hindi ko na siya makachat pa! Kinikilabutan ako sa kaniya huhu.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro