Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MARUPOK 38

'Sweet messages'




"Sigurado ka ba sa nakita mo?" tanong ko.




Sobrang bilis na ng heart beat ko.




"Oo sigurado ako pero hindi ako sigurado kung account ba 'yon ni Nietta o account mo, kaya kita tinanong kanina kung kayo pa rin ba."




"Sige, salamat." napalunok ako. "Wag mo na lang ipag sabi sa iba ang nakita mo."




"Hala!" react niya. "S-sorry, nabanggit ko kasi k-kay Liya." nahihiyang sabi niya.




"Okay lang, si Liya naman 'yon." nginitian ko siya.




Ayoko maniwala hangga't hindi mismo ang mga mata ko ang nakakakita. Hindi ako mapakali kaya hineram ko ang phone ni Nietta.




"Ha? Bakit? Ano gagawin mo?" kunot noo na tanong niya.




"Mag seselife lang ako sa ig mo, sige na!" pangungulit ko.




Nakita ko na napatingin sa'min si Liya.




"Bakit sa ig ko pa? May ig ka naman ah?" iniiwas niya ang cellphone niya sa'kin.




"Tsk..'wag na nga!" padabog ko siyang iniwan.




Hindi naman talaga ako mag seselfie, titignan ko lang 'yung messages.




"Oh, eto na!" sigaw ni Nietta.




Agad akong napatingin sa kaniya at dali-dali kinuha ang phone niya at lumabas ako ng classroom. Nag selfie pa rin ako para kunware ayun talaga ang pakay ko. Naglagay pa ako ng caption na 'Na-miss ko si @itsmemarou' lumingon ako sa classroom bago ko binuksan ang messages sa instagram niya.




Kumunot ang noo ko, wala namang mga messages e. Dismayado ako na bumalik sa upuan ko.




Pagkadating ni Kendmar, hinila ko kaagad siya.




"Pahiram phone!" masayang sabi ko.




"Bakit?" napanganga ako, dati kapag hineheram ko phone niya binibigay niya kaagad!




"Seselfie lang ako." nag pacute pa ako.




"Wag na.." sabi niya. "Hoy Paul, paheramin mo nga si Marou ng cellphone, low battery ako e." napakamot siya sa ulo niya.




"Hindi ka ba nag chacharge?" kunot noo na tanong ko.




"Nakalimutan ko." bigla siyang pumasok sa loob ng classroom.




"Oh Marou!" inabot sa'kin ni Paul ang cellphone niya. Tinanggap ko na lang.




Nang matapos ako mag selfie binuksan ko ang data ng phone niya at nagpunta ako sa facebook.




Nagulat ako nang makita ko na facebook ni Ken ang naka online! Hindi ko maiwasan na pumunta sa messages dahil sa sinabi ni Alliyah. Nanginginig ang kamay ko habang nagbabasa.




Kendmar: Sa ig na lang tayo mag usap.




Antonietta: Bakit?




Kendmar: Baka makita ni Marou.




Antonietta: Delete mo kasi messages natin.




Kendmar: nag dedelete naman ako.




Seen.




Napahawak ako nang mahigpit sa cellphone ni Paul, parang gusto ko maiyak. Sinubukan ko mag backread sa chat box nila pero wala 'yun lang 'yung natitirang messages at last week pa 'yung date na nakalagay.




Tumakbo ako papunta sa banyo para hindi mahingi ni Paul ang cellphone niya. Nagpunta agad ako sa settings ng account ni Kendmar, hinanap ko ang connected to instagram. Hindi naman ako nagkamali dahil naka-connect nga.




Huminga muna ako nang malalim bago ko 'yun pinindot at nalipat sa instagram. Ni-log out ko muna 'yung kay Paul, bahala na.




Unti-unting tumulo ang luha ko nang makita ko na tama nga si Alliyah.




Ken_rich: Sige po, goodnight po! <3




Itsmenietta: goodnight din! Kita tayo tomorrow! Huwag mag papalipas ng kain, okay?




Ken_rich: okay po, ikaw rin! <3




"Putangina??" bulong ko sa sarili ko, parang konti nalang mabibitawan ko na ang cellphone ni Paul.




Mas lalong nanginig ang kamay ko, mas lalong bumuhos ang luha ko. Pinupunasan ko rin agad dahil nag backread pa ako.




Putangina. Niloloko nila ako.




Ang tagal na pala nila nag uusap, bago pa ipanganak si Malou nagchachat na sila pero hindi pa sila sweet doon. Pero ngayon, putangina ano 'to?!




Inayos ko ang itsura ko bago bumalik sa classroom. Nakita na walang teacher.




"Saan ka galing kanina ko pa hinahanap cellphone ko-- umiiyak ka?!" nilagpasan ko si Paul.




Napatingin sa'kin si Ken at nagulat din siya sa itsura ko. Mabilis akong naglakad papunta sa kaniya.




"Marou--" I slapped him.




"Putangina niyo! Mga manloloko!" umiiyak na ako. Naririnig ko na nagbubulungan na ang mga kaklase ko.




Tinignan ko ng masama si Nietta, nilapitan ko siya.




"Mag eexpla--" I slapped her too.




"Tangina mo." mariin na sabi ko.




"Marou!" sigaw ni Lou.




Napatingin ako sa paligid, lahat na pala sila nakatingin sa'kin. Pati si Liya nag aalala.




"Alam niyo ba 'to?" tinitigan ko sila isa-isa. Walang sumasagot. "Alam niyo ba ba 'to?!!! Sumagot kayo!"




Tinaas ko ang cellphone ni Paul na nasa messages ng mga putinanginang manloloko.




"Paul, alam mo ba 'to ha?" nanghihina na ako sa kakaiyak. Ang blurred na ng paningin ko dahil sa luha.




"Bakit hindi ka sumasagot?" pinanghihinanan ako ng loob.




"H-hindi ko alam 'yan." nag aalala na sabi ni Paul.




Napatingin siya kay Nietta at Ken. Napalingon ako kay Nietta na umiiyak na ngayon.




"Wow, bakit ka umiiyak? Ikaw ba 'yung niloko?" natatawang sabi ko kay Nietta.




"Marou.. sorry--"




"Tanginang sorry 'yan! Wala 'yang magagawa!" humagulhol na ako.




Ayoko maging ganito, ayokong inaaway ko si Nietta pero bakit kami umabot sa ganito.




Lumapit sa'kin si Kendmar at hinawakan ako.




"Don't touch me! Nakakadiri ka!" sigaw ko. "T-tangina niyong d-dalawa!" hindi na ako makahinga sa pag iyak ko.




"Marou.." hinawakan na ni Zha ang balikat ko.




"B-bakit niyo 'to n-nagawa s-sa'kin ha?" hindi na ako makasigaw. "May pagkukulang ba ako sainyo ha?!"




Pag iyak ko na lang ang naririnig sa buong classroom namin.




"Ikaw, anong ginawa ko sa'yo para lokohin ako ha?" tinulak-tulak ko ang dibdib ni Kendmar. "Ah..kaya pala hindi ka na masyadong nag chachat sa'kin? Akala ko ba ayaw mo lang ako maistorbo? 'Yun pala may iba ng nagpapasaya sa'yo!" lumingon ako kay Nietta na umiiyak pa rin.




"At ikaw! Akala ko ba kaibigan kita? Ay! Hahaha! Hindi nga pala ako nakikipag kaibigan sa mga MANG AAGAW." napalitan ng galit 'yung sakit na nararamdaman ko.




"Marou hindi naman sinasadya--"




"What?! HAHAHA patawa ka ba? Hindi sinasadya?" lumapit ako kay Kendmar, sinasamaan siya ng tingin habang natulo ang luha ko. "Pero tinuloy niyo pa rin kahit alam niyong mali? Tanga pala kayo e!" sigaw ko.




"Oh, Nietta. Ano pang iniiyak-iyak mo diyan? 'Wag ka umiyak, hindi naman ikaw 'yung niloko e. Akala ko ba ayaw mo ako saktan? Tsk. Puro ka lang pala salita." umiling ako.




Napatingin ako kina Rj na gulat na gulat at parang naguguluhan sa nangyare, mukhang wala nga talaga silang kaalam-alam dito.




"Sinabi ko na sa'yo 'diba, itigil mo!" biglang sigaw ni Liya kay Nietta.




"Liya, 'wag ka na dumagdag!" sigaw sa kaniya ni Zha.




"Alam ko 'to, Zha! Alam ko 'yung panlolokong ginawa nila pero hindi ako nagsalita dahil binigyan ko pa ng chance si Nietta na umatras!" depensa niya, hindi na ako nagulat, nabanggit naman na sa'kin ni Alliyah kanina may alam siya. Lumingon ulit siya kay Nietta. "Pero anong ginawa mo? Tinuloy mo pa rin." parang iiyak na si Liya.




Mas lalong humagulhol si Nietta.




"Oh ghad!" react ni Thea.




"Tigil na, tigil na." sabi ni Junjun. "Mamaya na natin--"




"Wala nang mamaya." pagputol ko sa kaniya. "Ngayon pa lang tapusin na natin. Para naman tuluyan na silang maging malaya." tinignan ko ng masama si Nietta.




"Simula ngayon, wala na akong kaibigan na nag ngangalang Nietta--"




"Marou, No! Please 'wag sa ganiyang paraan." pagpigil sa'kin ni Thea.




"Desisyon ko 'to, Thea. Sana respetuhin niyo." sagot ko.




"At simula ngayon! Wala na akong boyfriend." tinignan ko isa-isa ang mga kaklase ko.




Nakita ko si Alliyah na kinakabahan. Ngumiti ako sa kaniya. Napatingin ako kay Xands na nakahawak na sa noo niya, si Junjun umiiling-umiling habang nakatingin kay Nietta. Si Rj naman humihinga nang malalim, si Paul nagkakamot ng ulo tapos si Lou nag aalalang nakatingin sa'min.




"I'm sorry.." sabi ni Kendmar.




Hindi ko siya pinansin. Lumingon ako kay Nietta.




"Pasalamat ka pala sa instagram ah! Ayan na, wala nang ha-had-lang sa inyo.." ngumiti pa ako ng peke sa kaniya.




"Marou, mistake lang 'yon." sabi ni Kendmar.




"Mistake mo mukha mo!" sigaw ko. "Cheating is not a mistake, it's a CHOICE." inirapan ko siya.




Natuyo na ang luha ko sa pisngi ko.




"Wag na kayo lalapit sa'kin, kung kinakailangan na may umalis sa tropa natin, ako na lang." sabi ko, gulat na napatingin sa'kin sina Rj. "Naawa ako sainyo e, baka mas lalo pa kayong mawalan ng kaibigan." ngumiti ako. "Baka need niyo rin ng comfort. Lalo ka na Nietta, tignan mo, iyak ka nang iyak ngayon." tumalikod na ako lumabas ako ng classroom.




Tumakbo ako papunta sa CR, narinig ko pa na tinawag ako ni Zha. Padabog kong sinarado ang pinto ng CR.




Napaupo ako at binuhos ko na lahat ang luha ko. Napasabunot ako sa buhok ko at pinaghahampas ko ang pader.




"B-bakit.." matapos mamatay ni mommy eto pa ang sasalubong sa'kin? Napakasakit naman! Sobrang sakit.




"Marou!" biglang bumukas 'yung pintuan, nakalimutan ko i-lock.




Agad pumasok si Zha, Thea at Liya. Narinig ko pa ang boses nina Lou na nasa labas.




Pinunasan ko ang luha ko bago ako magsalita.




"Oh, anong ginagawa niyo rito? Umiiyak doon si Nietta, i-comfort niyo 'yon! Baka may masabi pa 'yon sainyo e."




"Marou.." lumuhod si Liya sa harapan ko. "Hindi mo kami kailangan ipagtabuyan, okay? Hindi ka namin iiwan." niyakap niya ako habang nakayakap ako sa tuhod ko.




"Omyghad.. you don't deserve this! Parang ewan naman 'yung dalawa!" inis na sabi ni Thea. "Bakit ba kasi.. hay nako! Marou, hayaan mo na sila ha? Marami pang iba diyan." ngumiti siya sa'kin


.

Mas lalo akong naiiyak sa tuwing kinocomfort ako.




"T-tangina n-naman.." mas lalo akong umiyak hanggang sa nahihirapan na ako huminga.




"Tubig ni Marou oh" rinig ko na sabi ni Paul mula sa labas, inabot 'yon ni Zha.




"Salamat" sabi niya kay Paul. "Inom ka muna tubig. Hindi ka na makahinga." sabi sa'kin ni Zha.




Uminom naman ako.




"Nasaan sina Lou?" tanong ko, halata sa boses ko na kakagaling ko lang sa pag iyak.




"Nandiyan sila lahat sa tapat ng pinto." sagot ni Liya.




"Uuwi muna ako, please?" hindi ko kaya makita 'yung dalawang manloloko. Ayoko sila makita.




"Ha? Paano mga subj--"




"Hindi rin ako makakapag focus ngayon." bigla na lang may tumulo na luha sa mata ko. "Punyeta naman 'tong luha na 'to, ayaw tumigil!" inis na sabi ko at mas lalo akong naiyak.




Inayos ko muna ang itsura ko kahut gustong gusto ko pa umiyak saka kami lumabas sa CR. Sila Rj agad ang bumungad sa'kin.




"Uwi raw muna siya." malungkot na sabi ni Thea.




"Hatid ko na." sabi ni Junjun.




Napangiti ako kahit papaano, kahit gaanon kalakas mang asar si Junjun, mabait pa rin siya at maalaga sa'min.




Bumalik na silang lahat sa classroom maliban lang kay Liya at Rj. Hinihintay lang namin si Junjun bumalik dito dala na ang bag ko.




"Putek, nagulat talaga ako." sabi ni Rj. "Hindi ko alam na kayang gawin 'yon ni Nietta." umiling-iling siya.




Dumating na si Junjun, dala-dala ang gamit ko. Ayoko na bumalik sa classroom, ayaw ko sila makita. Sina Liya na raw ang bahala magdahilan tapos kami na ni Junjun ang bahala magdahilan para makalabas ako.





"Makakalabas ka kagaad, close ko 'yung guard e." tumawa siya. "Huwag ka na umiyak, tangina nila." buhat niya ang bag ko.




Nagpasalamat ako sa kaniya bago ako lumabas. Naglakad lang ako pauwi.




Sana pagbalik ko bukas, okay na ako. Pagod na pagod na akong masaktan at umiyak, nakakasawa na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro