Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MARUPOK 36

Marou: gusto mo ba tapusin ko na 'tong space na 'to.




Kendmar: oo :( miss na kita.




Uwian na kaya nilapitan ko si Kendmar, sobrang saya niya pa. Tahimik lang kami na naglalakad hanggang sa kinausap niya na ako, pinag usapan namin ang problema ko kay Nietta at nagdaldalan na kami na parang walang nangyare.




"Babe, saan mo gusto?" tanong sa'kin ni Ken.




Okay na ulit kami. Ginawa ko na ngang 1 day 'yung 3 days dapat. Sorry, marupok.




"Kahit saan, kung gusto mo mag swimming tayo." natawa ako ng kaunti.




"Oo nga 'no, pero madami pa tayong ginagawa." sabi niya, inakbayan niya ako. "Pagkatapos na pagkatapos na lang ng school year." lumingon siya sa'kin at ngumiti.




Naglalakad kami ngayon pauwi, naka jacket siya na black, hindi rin naka wax ang buhok niya ngayon pero ang gwapo niya pa rin!




"Na-miss kita." yumakap ako sa kaniya at sunubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Pinulupot naman niya ang braso niya sa leeg ko.




"Mas na-miss kita, hindi mo ako ni-replyan nung may sakit ka e." may hinanakit pa rin siya.




"Syempre, ikaw ba naman magselos" para akong bata na nagtatampo sa kaniya.




"Kapag ako nagselos, susuntukin ko 'yung lalakeng pinagseselosan ko." umangat ang tingin ko sa kaniya, magkayakap pa rin kami.




Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, nakita ko na napatingin siya sa labi ko. Umiwas ako ng tingin, naramdaman ko na lang na nakalapat na ang labi niya sa noo ko.




Pinikit ko ang mata ko, ang sarap sa feeling na kini-kiss ka ng crush mo sa noo haha!




"Magkikita tayo bukas kahit sabado ha." bulong niya sa'kin.




Tumango-tango ako, magkayakap pa rin kami. Hanggang sa bumitaw na kami.




"Saan tayo bukas?" tanong ko, pinulupot ko ang kanang braso ko sa kaliwang baraso niya.




"Gagala kahit saan. Kung saan tayo dalhin ng mga paa natin, doon tayo." sagot niya, nakikita ko sa mga mata niya na excited siya.




Sasagot pa lang sana ako pero nag vibrate 'yung phone niya. Huminto siya saglit at kinuha ang phone sa bulsa ng pants niya.




Isang kamay niya lang ang ginamit niya, tumingkayad pa ako para masilip kung ano 'yon.




"Sino 'yan?" tanong ko, hindi ko makita ng maayos pero naaninag ko na nasa facebook app siya.




"Nagchat si Nietta." sabi niya.




Bumitaw ako sa braso niya.




"Ah, replyan mo." iniwas ko ang tingin ko sa cellphone niya.




"Oh" nilahad niya sa harapan ko ang cellphone niya.




"Anong gagawin ko dyan?" kunot noo na sabi ko.




"Ikaw mag reply."




"Bakit ako ang mag rereply? Ikaw ang chinat e." umirap ako.




Hindi ko man alam kung ano 'yung chat ni Nietta pero nakaramdam ako ng kaunting selos, ayoko na lang sabihin.




"Ikaw hanap niya e, basahin mo kasi." parang pinapagalitan niya pa ako!




Padabog kong kinuha ang cellphone niya sa kamay niya, ako nga ang hanap ni Nietta! Argh! Ano ba 'yan!




Antonietta: nasaan si Marou? Kasama mo pa ba? Pakisabi naiwan ko kamo sa kaniya 'yung notebook ko! 'Wag niya iiwan bukas, dalhin niya.




Kendmar: okay -Marou




Nakita ko na may ibang messages pa sila, puro may 'hahaha' sa bawat sentence.




"Ang saya niyo ah" bulong ko.




"Ha?" nilapit niya pa ang tenga niya sa'kin.




"Na-replyan ko na kako." binalik ko na sa kaniya ang phone niya. "Bakit mo iniiwan na nakabukas data mo?" pagsusungit ko.




"Naiwan ko lang, excited kasi ako kanina na makasabay ka ulit umuwi kaya hindi ko na na-off." nahihiyang sabi niya, nakapakamot pa siya sa sentido niya.




Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko! Napangiti na lang ako bigla, ako lang pala 'tong naghahanap ng ikasasama ng puso ko.




"Mali palang pagduduhan ka 'no?" natatawa ako.




Kinuha niya ang kamay ko, nag holding hands.




"Bakit? Pinagdududahan mo pa rin ba ako? Kami?" inosenteng tanong niya.




Umiling lang ako.




"Salamat.." sabi ko. "Akala ko iiwan mo na ako e." ngumiti ako habang nakatingin sa sahig.




"Hindi naman kasama sa pangako ko na iwan ka ah?" natatawang sabi niya. "Kaya hindi ko gagawin." sumeryoso siya.




"Sure ka?"




Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.




"Mas sure pa sa sure."




Kinabukasan lumabas nga kami ni Ken. Hapon na kami umalis para hindi mainit. Nasa jeep palang kami nung biglang tumawag sa'kin si ate Lita.




"Bakit po ate?"




"Si mommy mo, manganganak na!"




"Po?!"




Napatingin sa'kin 'yung mga kasama namin sa jeep pati si Kendmar gulat na napalingon sa'kin sa sigaw ko. Tinakpan ko tuloy bibig ko. Naririnig ko ang pagkataranta sa boses ni ate Lita kaya pati ako nataranta sa kinauupuan ko.




"Ahh!!"




Rinig kong sigaw ni mama sa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko. Kumunot ang noo ni Kendmar habang nakatingin sa'kin, nag aabang ng sasabihin ko.




"Hello, Marou! Dadalhin na namin mama sa hospital, sumunod ka na lang daw sabi ng papa mo--opo sir! Kinakausap ko na po!"




Narinig kong sumigaw si daddy sa kabilang linya at may sinasabi. Binaba na ni ate Lita ang phone call.




Kinakabahan ako, hindi ko alam gagawin ko! Na-eexcite ako na kinakabahan, lalabas na si Malou!




Mabilis akong humarap ako kay Ken. Medyo naluluha pa ako hindi ko alam kung bakit.




"Manganganak na si mama! Kailangan kong pumunta sa hospiyal now na!" nakatitig lang siya sa'kin at gulat din siya.




"Para po!" biglang pumara si Ken, tama lang 'yon dahil hindi dadaan ang jeep na 'to sa hospital.




Inalalayan ako bumaba ni Kendmar sa jeep.




"Tara na! Tara na!" excited na sabi ko.




Hindi siya umiimik, parang nagulat din siya. Nakasakay na kami sa jeep papuntang hospital nang ma-reliaze ko na may date nga pala kami!




"Shaks.." pinatong ko ang siko ko sa hita ko, yumuko ako at hinawakan ko ang noo ko. "Ken." tumuwid ako ng upo. "S-siguro hindi m-muna tayo matutuloy ngayon, sorry! Babawi ako sa susunod! Sorry-" mabilis na sabi ko.




"Okay lang." ngumiti siya sa'kin. "Isipin mo na eto 'yung date natin ngayon, ang hintayin ang paglabas ni Malou." napangiti ako sa sinabi niya.




Gusto ko sana siya yakapin pero siksikan sa jeep, argh!




Nang makarating kami sa hospital, hindi ako mapakali! Palakad-lakad ako!




"Marou, umupo ka nga." sabi ni ate Lita.




"Lika nga rito." hinila ako ni Kendmar at pinaupo ako, hinawakan niya pa ang kamay ko para hindi na ako tumayo ulit.




Kasama ni daddy si mommy ngayon. Maya-maya lang lumabas na si daddy.




"Kumusta, Sir?"




"Nasaan si Malou?" excited na tanong ko kay daddy.




"N-nasa loob pa." lumunok si daddy na parang nahihirapan siya.




"Si mama po?" napilitan ng pag aalala ang boses ko.




"Nasa loob pa rin, chine-check ng mga doctor." ngumiti siya sa'kin. "Uwi ka muna, Nak. Matagal pa 'to e." sabi ni daddy.




"Po? Ayoko po hintayin ko sila." umupo ako.




"Makikita mo rin sila mamaya, Nak. Sige na." ngumiti ulit sa'kin si daddy.




May nararamdaman ako na parang may mali sa kinikilos niya. Or baka ganiyan talaga feeling ng mga tatay kapag may bagong baby sila? Hihi.




Sa pangungulit sa'kin ni daddy na umuwi na ako, edi umuwi ako! Nag paiwan si ate Lita para raw may asistant si daddy.




"Ken, pasok ka muna." sabi ko.




Nasa tapat na ako ng bahay namin ngayon.




"Ha?!" akala mo nakakita ng multo e! "S-sigurado ka?" kunot noo na tanong niya.




"Oo." inosenteng sagot ko. "Ayaw mo ba? Gagawa pa naman sana ako meryenda natin."




Tumingin siya sahig, nag iisip. Nakita ko na lang na bigla na siyang pinag pawisan.




"Tara na!" hinatak ko siya papasok sa loob ng bahay namin, wala na siyang nagawa dahil sinarado ko na ang gate!




Nag handa ako ng juice, toasted bread at tubig para sa meryenda namin. Nakaupo siya sa sofa, nanonood ng TV.




"Kain na." nilapag ko sa maliit na lamesa sa harapan ng sofa 'yung mga pagkain.




Pagkaupo ko sa tabi niya bigla na lang siya umusod palayo sa'kin! Kunot noo akong lumingon sa kaniya pero hindi naman niya ako tinitignan.




"Ken, kain na." pag uulit ko.




Kumuha siya ng toast bread at agad kinagad 'yon, ni-hindi niya man lang ako kinakausap!




"Okay ka lang ba?" nagtatakang tanong ko, umusod ako palapit sa kaniya pero nagulat ako nung tumayo siya bigla at naglakad.




"Saan ka pupunta?" naguguluhan ako sa kinikilos niya.




"K-kukuha ako ng b-baso." sabi niya, hindi pa rin siya makatingin sa'kin.




"Eto na 'yung baso oh." tinuro ko 'yung baso na nilapag ko rin sa maliit na lamesa.




"Ay! Oo nga! Hindi ko nakita." emosyonal na sabi niya at umupo siya sa kabilang sofa!




"Iniiwasan mo ba ako?!" tinaasan ko siya ng kilay.




Lumingon siya sa'kin at iniwas agad ang tingin. "Hindi ah." sagot niya habang may hawak na juice.




Padabog akong tumayo at lumipat sa tabi niya. Bago pa siya umusod palayo, hinila ko siya.




"Bakut ka lumalayo?" ngumisi ako.




"M-marou, matatapon 'yung juice." hindi niya pa rin ako tinitignan, hawak ko ang braso niya na may hawak na juice.




"Bakit hindi mo sinasagot tanong ko?" kinuha ko sa kamay niya 'yung juice at nilapag sa mesa.




Pinagkrus ko ang braso ko sa harap ng dibdib ko.




"Sabi ng daddy mo 6 pa sila darating 'diba?" lumingon siya sa'kin. "Alis na ako ng 5 o'clock." pag iiba niya sa usapan.




Napatingin ako sa orasan, 4:50 na e!




"Ang aga naman!" reklamo ko. "5:30 ka na umalis." kinuha ko ang baso ng juive ko at uminom ako.




Lumunok siya, iniwas na naman ang tingin sa'kin.




"Hindi na, baka mapaaga ang uwi nila." tumayos siya. "Uwi na ako."




"What?!" sinuntok ko ang braso niya. "Aalis ka na agad?!"




"Marou, please." pinagpapawisan siya.




"Bakit ka ba ninenerbyos?!" sigaw ko sa kaniya.




"Hay! Wala! Sige na, 5:30 na ako uuwi!" umupo siya ulit.




"Good." ngumiti ako.




Niyaya ko siya maglaro ng scrabble word, palagi siyang nananalo! Mas marami siyang word na alam kaysa sa'kin!




"Talo ka, kiss mo 'ko sa cheeks." natatawang sabi niya.




"Luh, wala sa usapan 'yan!" ang daya!




"Okay sige, uwi na ako." tumayo siya at dire-diretsyo na naglakad papunta sa garage namin.




Tumakbo ako palabas ng living room para mahabol siya.




"Ken!" tawag ko. Lumingon siya sa'kin, nasa tapat na agad siya ng gate.




Binilisan ko ang lakad ko, tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi. Tumalikod ako at tatakbo sana palayo pero hinila niya ako.




"'Diba sabi ko huwag ka tatakbo sa susunod para makabawi ako?" nakangiting sabi niya.




Nagulat na lang ako nung nilapat niya ang labi niya sa pisngi ko, mga 5 seconds pa!




"I love you, bye." sabi niya bago ako hinalikan sa noo. Binuksan niya na ang gate at tuluyan ng lumabas ng bahay namin.




Naistatwa na lang ako sa kinatatayuan ko at napahawak sa pisngi ko. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at nagtitili! Natigilan lang ako ng narinig ko na may tao sa labas, sila daddy na ata 'yon!




"Daddy!" masayang sabi ko. Napanganga ako nang makita ko na may hawak siyang baby. "Malou!" excited ako na lumapit sa kaniya.




Sa sobrang pagkaaliw ko kay Malou, hindi ko napansin na umiiyak na pala si daddy.




"Daddy bakit po?" nag aalalang tanong ko.




Napatingin ako kay ate Lita na nakayuko ngayon, kumunot ang noo ko.




"Si mommy po? Nasaan?" ngayon ko lang na-realize na hindi nila kasama si mama.




"Wala na." humikbi si daddy. "Wala na mommy mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro