MARUPOK 35
Halos gusto ko na sabunutan si Thea sa sobrang inis ko sa nakikita ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang sasababog na sa galit.
"Marou, kalma.." bulong sa'kin ni Thea.
Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko simula pa kanina, at hindi man lang ako kinausap o kinamusta ni Kendmar.
Mag uuwian na lang, lugmok na lugmok ako at parang nanghihina na naman ako katawan ko.
"Ken." tawag ko sa kaniya nang maabutan ko siya sa pintuan.
Lumingon siya sa'kin pati si Nietta. Tinapunan ko pa ng tingin si Nietta pero umiwas siya ng tingin.
"Marou..okay ka na?"
"Mag usap tayo sa labas." masungit na sabi ko.
Hindi ko na hinantay ang sagot niya at dumiretsyo na ako sa paglakad, nilagpasan sina Lou.
"Marou, Sorry-"
"Ngayon ka pa talaga mag sosorry?" parang may bumabara na kaagad sa laalmunan ko. "Kung kailan uwian na?"
Nasa labas na kami ng school, ang daming estudyante ang dumadaan sa likuran namin. Nasa gilid lang naman kami ng daan.
"Eh kasi Marou natatakot ako na--"
"Duwag ka." nararamdaman ko na lang na may namumuo na luha sa mata ko. "Hindi mo man lang ako inisip! Hindi mo man lang ako kinamusta!" tuluyan nang pumatak ang luha ko.
Hahawakan niya sana ako pero umiwas agad ako.
"Alam mo kung ano ang mas nakakainis? 'yung ginagawa niyo ni Nietta!" nararamdaman ko na pinagtitinginan na kami ngayon.
Tumakbo ako palayo sa kaniya habang umiiyak.
Naiinis ako sa sarili ko, araw-araw na lang ba ako iiyak?
"Marou! Wait, listen to me!" hinila niya ako. "Mali 'yung iniisip mo--"
"Anong mali?! May pa role play role play pa kayo kahapon tapos magkatabi pa kayo kanina! Hindi niyo ba ako nakikita?!" sigaw ko sa kaniya.
"Marou--"
"Girlfriend mo 'ko.." nag iiba na boses ko sa kakaiyak. "Pero bakit ka ganiyan?"
"Marou, mag eexplain ako. Pakinggan mo muna ako." hinawakan niya ang kamay ko.
Umiiling-iling lang ako habang nakayuko, hindi ako nakatingin sa kaniya.
"Sabi mo mahal mo 'ko." inayos ko ang pagsasalita ko. "Pero bakit hindi ko na maramdaman 'yun ngayon?" magsasalita sana siya pero pinutol ko ulit. "Tatlong araw ako wala at may sakit, hindi mo man lang ako binisita tapos pagbalik ko hindi mo pa ako kinamusta at 'yung pinagseselosan ko pa ang kasama mo. 'Yun ba ang pagmamahal?" sunod sunod na sabi ko.
Natigilan siya, dahan-dahan niya binitawan ang braso ko.
"S-sorry." yumuko siya. "Hindi ko inisip ang nararamdaman mo, sabihan mo na ako ng mga masasakit na salita, tatanggapin ko. Alam kong nagkamali ako na hindi kita binisita pero may rason ako kung bakit." tumingin siya sa'kin ng diretsyo. "Napapansin ko na iniiwasan mo 'ko at galit ka sa'kin, sa tuwing tinatanong kita kung anong problema hindi ka sumasagot maliban lang sa pinagseselosan mo si Nietta. Binigyan lang kita ng space."
"Space?! Humingi ba 'ko sa'yo nun?!" gulat na gulat ako sa sinabi niya.
"Hindi, pero 'yun 'yung pinapakita mo sa'kin!" natigilan ako nung may namumuong luha na sa mata niya. "Nag iintay lang ako sa'yo, Marou. Ayoko na pangunahan ka. Natatakot ako na baka itaboy mo lang ulit ako."
"Ang hina mo.." humagulhol na ako. Wala na akong makita ng maayos dahil sa luha ko.
"Nagiging malakas ako dahil sa'yo pero nanghihina rin ako pagdating sa'yo."
Inayos ko ang itsura ko at tumango-tango na parang naiintindihan sya. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo ko at inalis ang mga buhok na humaharang sa mukha ko.
"Siguro nga, kailangan natin ng space." mariin na sbi ko.
"Marou, 'wag naman--"
"Humihingi ako ngayon ng space." matalim ko siyang tinignan. "Mapagbibigyan mo ba ako? Bigyan mo 'ko ng three days. Three days lang."
Umiwas siya ng tingin sa'kin, tumingin siya sa langit. Hanggang sa huminga siya nang malalim bago ibalik ang tingin sa'kin.
"Sige, kung 'yan ang gusto mo." pagsuko niya. "Three days lang, Marou. Three days lang. Hindi pa tayo break, hindi tayo mag bebreak, pahinga lang."
"Bago matapos 'to, may gusto ako itanong sa'yo." medyo kumunot ang noo niya.
"Ano 'yon?"
"Anong meron sainyo ni Nietta?"
Gusto ko makasigurado para mapag isipan ko ng mabuti ang desisyon ko sa loob ng tatlong araw.
"Magkaibigan lang kami, Marou." lumunok siya.
"Bakit siya tumabi sa'yo kanina?" iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.
Kung hindi ko siya tatanungin tungkol doon, baka hindi ako makatulog.
"Hindi niyo raw kasi siya pinapansin." sabi niya.
"Porke hindi namin pinapansin, sa'yo na lalapit? Ha!" napa-smirked ako. "Bakit, ikaw lang ba ang lalake sa tropa?"
"Si Nietta na lang tanungin mo tungkol diyan. Isa pa, 'yung role play.. role play lang yon. Ikaw pa rin mahal ko." seryoso niyang sabi. "I love you." hinawakan niya ang ulo ko atsaka tinapik ang balikat ko bago siya tumalikod, naglakad palayo sa'kin.
Pinigilan kong umiyak habang naglalakad, inaalala ko na lang yung mga nakakatawang bagay na nangyare sa buhay ko para gumaan ang loob ko. Buti na lang at hindi na namaga ang mga mata ko.
Pagkauwi ko nag online ako saglit. Napapikit ako nang mariin nung nakita ko na may message agad si Kendmar.
Kendmar: Ingat sa pag uwi, babe. Huwag mo kalimutan mag suot ng sumbrelo.
Kendmar: Sorry ulit, Marou. Alam kong hindi mababawi ng sorry ko lang 'yung sakit na nararamdaman mo.
Kendmar: pero sana hayaan mo ako makabawi sa'yo pagkatapos ng three days, please.
Kendmar: Hindi pa tayo break ah, aayusin pa natin 'to. Goodnight, I love you!
Parang nangati bigla ang kamay ko at gusto ko mag reply pero hindi ko ginawa. Nakita ko rin na ang dami niya palang message noong may lagnat ako, nung nag online ulit kasi ako nung nakaraan, hindi ko sini-seen ang messages niya. Ngayon ko lang nalaman lahat ng chats niya. Bawiin ko na ba 'yung space? Huhu.
Kinabukasan, katulad nga ng sinabi ko, humingi ako ng space. Hindi kami nag uusap ngayon.
"Si Nietta naman kausapin mo." sabi sa'kin ni Liya.
"Siya ang dapat kumausap sa'kin, alam niya sa sarili niya na may mali siya." pagmamatigas ko. "Tyaka kayo rin naman hindi ayo nag papansinan ah! Bakit parang ako lang ang may issue rito!"
"Nagpapansinan kami 'no! Hindi mo lang nakikita, konting usap-usap lang pero hindi na katulad nung dati." sabi niya habang iniipitan niya ng buhok si Thea. "Isang linggo na kayo hindi nagpapansinan, masama 'yung ganoon." dagdag niya.
"Anong masama roon?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Kapag daw kasi isang linggo na kayo mag kaaway ng kaibigan mo at kapag hindi pa rin kayo nagbati, forever na kayo hindi magpapansinan!" sabi ni Liya habang nag pupulbo. "Maputi ba?" tanong niya at hinarap niya ng maayos ang mukha niya sa'kin.
"Sakto lang, may namumuong pulbo sa noo mo." tinuro ko ang noo niya, kinaskas niya naman kagaad.
"Marou." narinig ko ang boses ni Nietta. "Pwede ba kita makausap? May sasabihin lang ako."
Nakatinginan lang kami nina Thea. Sumensyas sa'kin si Zha na pumayag na ako.
Edi tumayo ako at sinundan si Nietta, sa CR pa talaga siya ng girls dumiretsyo.
"Look, mag kaibigan lang kami ni Ken. Huwag mo 'ko pagselosan." mahinahon na sabi niya.
"Sinabi niya rin 'yan." walang gana na sagot ko.
"Marou, kaibigan mo 'ko pero pinagseselosan mo 'ko?! Okay ka lang ba, ha?!" parang nagagalit pa siya.
"Oo kaibigan nga kita pero hindi mo ba iniisip 'yung nararamdaman ko? Babae ka rin, Nietta!" tumingin ako sa ibang direksyon, pakiramdam ko mag aaway lang kami. "Kung ikaw 'yung may boyfriend tapos nakikita mo na palagi niyang kasama 'yung kaibigan mo na babae kaysa sa'yo, anong mararamdaman mo?"
"Wala, wala akong mararamdaman. May tiwala naman kasi ako sa kaibigan ko." matalim na sabi niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"So ano gusto mong sabihin? Wala akong tiwala sa'yo? Nietta naman! May tiwala ako sa'yo pero unti-unti 'yon nawala simula nung nagkalapit kayo ni Kendmar!" inis na sabi ko.
Okay lang naman sila nung una na nag uusap-usap lang, pero sobra na e! Parang hindi na magkaibigan lang e.
"Tanginang Kendmar 'yan, mag aaway ba talaga tayo dahil sa kaniya?" pinag krus niya ang braso niya sa harap ng dibdib niya.
"Kung gusto mo na matigil 'to, pag isipan mo ang mga kinikilos mo please. Ayoko na pagbawalan ka makipag kaibigan sa iba, hindi ko hawak ang buhay mo." may tumutulo na pala na luha sa mata ko, ngayon ko lang namalayan.
"Sige, lalayuan ko siya para sa'yo." ngumiti siya sa'kin. "Sorry rin kasi nakipag mataasan pa ako ng pride sa'yo." nahihiyang sabi niya.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko dahil sa sinabi niya at napalitan ng ngiti.
"Ayaw kita masaktan, Marou" hinawakan niya ang braso ko. "Bati na tayo?" ngumiti siya sa'kin.
Lumawak ang ngiti ko at niyakap ko siya. "Na-miss kita bruha ka!" sabi ko at naiiyak ako sa tuwa.
Mas masarap pa rin talaga sa pakiramdam ang magkaayos kayo ng kaibigan mo kaysa sa jowa mo.
Sabay kami naglakad ni Nietta pabalik sa classrooom, magkahawak kamay pa kami at parang ayaw namin bumitaw sa isa't-isa. Nakasalubong namin si Ken, nakita ko na napangiti siya kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.
Ayoko maging marupok sa ngiti niya lang 'no! Hmp!
Buong araw nagdaldalan lang kami ni Nietta, na-miss nga talaga namin ang isa't-isa.
"Ayan, ang aarte kasi, tapos ngayon miss na miss niyo isa't-isa." sabi ni Zha.
Sinamaan ko ng tingin si Nietta nang may naalala ako.
"Bakit pala love story ang ginawa niyo?!"
Gulat siyang lumingon sa'kin, na gets niya rin naman agad ang tinutukoy ko.
"Ah, puro kasi friendship at comedy ginawa ng lahat. Kaya naisip namin ni Kendmar na unique 'yung sa'min, hindi naman ako nakatanggi kasi si Kendmar gustong gusto makakuha ng mataas na grade, ako naman 'tong bobo at pabuhat lang kaya pumayag na lang ako." napakamot siya sa ulo niya.
Tumango na lang, okay sige.
"Bati na kayo?" mapang asar na sabi ni Junjun.
"Hindi ba obvious?!" irita na sabi ni Nietta.
"Oy, Marou, bati na pala kayo ni Nietta e, kayo naman ni Ken magbati. Miss ka na raw niya, pakiss daw isa." natatawang sabi ni Paul.
Hindi ko nilingon si Paul sa sinabi niya, baka bigla akong ngumiti e. Mahirap na!
Papanindigan ko 'yung three days ko!
Nakakaisang araw palang pero parang gusto ko na sumuko huhu, dapat pala two days lang! Ano ba 'yan!
"Huwag sanang magtampo." kumanta bigla si Junjun. "Matitiis mo ba ako? Oh, baby!" natatawa siyang bumirit.
"Sorry, pwede ba?" kumanta na rin si Paul.
Lumingon ako sa kanila at hinampas ko sila ng notebook ko. Hindi nakaupo si Kendmar sa likuran ko ngayon, sineryoso niya talaga 'yung 'space'.
"Bakit ka nanghahampas? Kumakanta lang kami ng baby junjun ko e" inirapan pa ako ni Paul!
"Oo nga! Bad ka talaga, Marou!" pabebe na sabi ni Junjun, nagyakapan pa sila ni Paul!
"Nang iinis kasi kayo!" pinandilatan ko sila.
Bumitas si Paul sa pagkakayakap niya kay Junjun at ngumisi sa'kin.
"Naiinis ka kasi na-ta-ta-ma-an ka!" tumawa sila ni Junjun nang malakas.
"Tigilan niyo si Marou." malamig na sabi ni Ken.
Napatingin ako sa kaniya na nakahawak lang sa cellphone niya. Natahimik si Paul at Junjun, sila naman ang nginisihan ko, ha! Akala niyo ah.
Nag online ako saglit at nagulat ako may message si Ken.
Kendmar: Pwede bang 1 day na lang 'yung 3 days mo?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro