Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MARUPOK 32

Buong araw ako nastress sa sobrang selos. Ewan ko ba! Pinipigilan ko naman sarili ko pero ayaw magpapigil ng traydor kong puso!




"Babe, ano bang problema? Kanina ka pa ganiyan? Nireregla ka ba?" sunod-sunod na sabi sa'kin ni Kendmar.




Binibilisan ko ang lakad ko. Pagkatapos namin kanina mag P.E hindi ako umupo sa side namin, umupo ako sa tabi nina Thea. Tinanong pa ako ni Nietta kung bakit doon ako nakaupo, sinabi ko na lang na gusto ko mag pahangin, mabuti na lang at sa side talaga nina Liya nakapwesto 'yung wall fan!




"No, kakatapos ko lang last week" sagot ko.




"Hindi mo naman sinasagot tanong ko e" parang iiyak na siya. Nahahabol niya ang paglakad ko dahil mahaba ang biyas niya!




"Tinanong mo 'ko kung nireregla ako diba? Sumagot naman ako ah."




Hinila niya ang palapulsuhan at hinarap ako sa kaniya.




"'Diba sabi ko kung may problema, pag usapan natin." ang lungkot nf itsura niya.




"Wala naman akong problema kaya wala tayong pag uusapa--"




"Meron" seryoso na siya. Binitawan niya ang kamay ko at sinuksok sa pants niya, nag iintay ng sasabihin ko.




"Fine, pakiramdam ko kasi nagseselos ako--"




"Huli ka!" tumawa siya nang malakas, tinuro niya pa ang pagmumukha ko.




Mas lalo siyang tumawa nung hinampas ko siya. "Bahala ka nga dyan!" padabog akong naglakad palayo sa kaniya.




Napatingin pa ako sa ilang tao na napatingin sa'min sa pag sigaw ko, napayuko ako sa kahihiyan.




"Marou! Babe!" naririnig ko ang yapak ng paa niya sa likod ko. "Sorry! Sino ba kasi pinagseselosan mo?" napahinto ako sa paglalakad.




Kumunot ang noo ko. Seryoso?! Hindi niya alam?! Pinagkrus ko ang braso ko sa harap ng dibdib ko at lumingon ako sa kaniya.




"Hindi mo alam?" tinaasan ko siya ng kilay.




"H-ha? Hindi naman ako mag t-tanong kung alam ko." napakamot siya sa ulo niya.




Hinubad ko 'yung sumbrelo na suot ko na binigay niya at hinampas sa dibdib niya.




"Ayan! Ibalik mo sa'kin 'yan kapag alam mo na!" tinalikuran ko siya at naglakad na ulit.




"Si Nietta" sabi niya at sinuot ulit sa ulo ko ang sumbrelo.




"Alam mo naman pala." bulong ko.




"Gusto ko kasi na sa'yo mismo manggagaling, paano na lang kung mali pala 'yung iniisip ko." paliwanag niya.




"Tsk. Okay, okay!" pagsuko ko. "Nagseselos ako sa kaniya kanina, simula nung first subject na naglinis tayo hanggang sa last subject natin na P.E" naningkit ang mga mata ko.




"Babe, 'wag ka na magselos. Nagkataon lang naman na magkapartner kami sa sayaw e. 'Yung nalaglag siya tapos nasalo ko siya, aksidente lang 'yon." hinawakan ni Kendmar ang kamay ko, hindi ako tumitingin sa kaniya. "Ikaw pa rin ang mahal ko."




Napangiti ako bigla, ano ba 'yan! Gusto ko pa nga magpasuyo e, hmp!




"Talaga?" I sounded happy! Ang rupok ko! "Kahit mas malambot kamay niya kaysa sa'kin?" tinaasan ko siya ng kilay.




Kumunot ang noo niya.




"What?!" hindi siya makapaniwala sa naging tanong ko. "Anong pake ko kung magaspang kamay mo kung kamay ko naman ang hawak mo." ngumiti siya.




Pinalobo ko ang pisngi ko para pigilan ang pag ngiti. "Okay"




"Huwag mo pagselosan ang kaibigan mo, bad 'yun!" natatawa na sabi niya. "Tyaka hindi naman kami close ni Nietta"




"Eh paano kung close kayo?!" tumaas na naman boses ko. "Edi namatay na ako selos ganon?"




Hinampas ko siya nung tumawa na naman siya.




"Babe, ang cute mo magselos." natatawa siya. "Para kang maliit na dragon."




"Huh?!" inis ko siyang hinampas ulit. "Habang tumatagal tayo mas nagiging mapang asar ka." pinandilatan ko siya ng mata.




"Joke lang e!" tumatawa siya habang nakahawak ang isang kamay niya braso niya na hinampas ko.




Maya-maya lang inakbayan niya ako, nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.




Halos makuryente ako nung naramdaman ko na dumikit ng kaunti 'yung labi niya sa panga ko.




"I love you." he whispered. "Kahit gaano ka pa kasungit, kahit ganoon pa kagaspang ang kamay mo, kahit dumami man ang tigyawat mo at maglaho ang kagandahan mo, hindi ako mawawala sa piling mo." hinalikan niya ang sentido ko.




At dahil marupok ako, ngumiti na ako sa sobrang kilig.




"Mahal na mahal din kita, Ginoong Kendmar." nakaangat ang ulo ko para makita siya.




Nang magtama ang mata namin ngumiti kami pareho at agad umiwas ng tingin, para kaming mga elementary na kinikilig sa crush nila! Myghad!




Nakayakap lang ako sa katawan ko habang nakaakbay pa rin siya sa'kin. Palagi niyang hinahalikan ang noo ko kapag naiihatid niya na ako sa tapat ng bahay namin. Pagtapos non, natulog na rin ako kaagad, hindi ko na masyadong inisip 'yung selo na naramdaman ko. Naging kampante naman na ako na hindi ako sasaktan ni Kendmar at.. hindi ako sasaktan ni Nietta.




Ilang araw ang lumipas naging okay na ulit ang lahat, medyo nagseselos pa rin ako ng kaunti kapag P.E time! Konti lang naman. Mabuti na lang at isang beses lang sa isang linggo ang P.E namin, kung hindi baka naipon na ang selos ko at sumabog na naman ako.




"Marou! Bili tayo coke, saglit lang." hinila ako ni Nietta, nagpahila naman ako. "Nakakainis kapartner 'yung jowa mo! Ayaw kumilos ng maayos!" inis na sabi ni Nietta.




Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa sinabi niya kaya hindi na lang ako sumagot.




"Magkakaroon daw tayo ng open forum." sabi ni Nietta na ikinagulat ko. Inaabot niya 'yung bayad niya sa tindero.




"Ha? Buong section?" lumingon siya sa'kin saglit, inabot na kasi sa kaniya nung tindero 'yung coke niya.




"Hindi, tayong tropa." sumipsip siya agad siya straw, umiinom na ng coke.




Medyo kinabahan ako bigla.




"Bakit daw?" naglakad na kami pabalik sa open court.




"Anong bakit? Ginawa naman natin 'to last year ah, 'diba ang usapan dati mag oopen forum kapag malapit na magbakasyon." paliwanag niya.




"Oo nga pala." pinunasan ko ang noo ko gamit ang kamay ko.




Nag open forum kami dati na mag totropa, iyak pa noon si Zha kasi palagi silang nagkakainitan ni Lou. Pero naayos din kaagad 'yon kaya importante sa'min ang open forum.




Pagkabalik namin sa open court, nakatipon sina Thea sa isang side, lahat ng tropa nandoon kaya roon kami dumiretsyo ni Nietta.




Sakto naman na open forum ang pinag uusapan nila!




"Siguro last day ng march." sabi ni Lou.




"April na! May isang linggo pa naman tayo na pasok sa april e." comment ni Paul.




"Depende pa raw 'yon, hindi pa raw 'yon sure." sabi ni Zha.




Kumunot ang noo ko, bakit parang hindi ko alam 'yun?




"February pa lang ngayon pero pinag uusapan niyo na kaagad 'yan." natatawa na sabi ko.




"Mabilis na kasi ang oras ngayon, 'yung tipong hindi mo mamamalayan na March na pala bukas." sabi sa'kin ni Junjun, parang sinasabi ng mga mata niya na ang tanga ko!




"Oo nga, tignan mo paglabas mo mamaya ng classroom March na." sabi sa'kin ni Nietta.




Kumunot ang noo ko at napatingin ako sa kalendaryo sa cellphone ko.




Nagulat na lang ako tinawanan na ako ni Kendmar.




"Bakit mo chine-check?" natatawa na sabi niya.




"Hindi ko kasi alam date ngayon." nahihiya na sabi ko. "Baka nga magkatotoo na paglabas ko sa classroom natin mamaya ay March na." natawa na ako.




Sa totoo lang, sa dami ng ginagawa sa school hindi ko na alam kung anong date na.




"Dapat kompleto na ngayon ah!" sabi ni Rj.




Last year kasi hindi kami kumpleto, wala si Xands, Thea, Junjun at wala pa noon si Kendmar.




Pinabalik na kaming lahat sa classroom para makapagpahinga saglit bago umuwi.




"Gago, next week na agad?!" reklamo ni Rudolf. Ang lakas ng boses niya kaya naagaw ang atensyon namin.




Kausap niya president namin.




"Guys, uhm, hays, alam kong marami tayong ginagawa pero kasi sabi ni sir next week na raw ang performance natin sa kaniya ng chacha." nasstress na sabi ni president.




Napanganga ako, grabe! Wala pa nga kami sa kalahati tapos ang gulo gulo pa ng steps namin s auna tapos next week friday na agad?!




"Ang bilis, amp." react ko.




"So, hindi ko alam kung paano natin isisingit 'yung pag practice ng chacha kasi 'diba nag papractice rin tayo ng sabayang pagbigkas." napahawak siya sa ulo niya. "Next week na rin 'yon."




Umingay ang classroom namin, lahat kami nastress bigla! Ang dami dami na ngang outputs tapos may kinakabisado pa na mahabang lines sa sabayang pagbigkas tapos sisingit pa 'tong chacha na 'to!




"Pwede ba tayo makiusap kay sir na next next week monday na lang tayo mag perform? 'Wag sa friday, girl! Ang hectic na ng schedule natin." sabi ni Prince. Este, Princess, gabi na e.




Napagkasunduan namin na buong section kami magpapaalam kay sir para pumayag at kapag hindi pumayag, edi pipilitin namin.




Lalabas pa lang ako ng classroom pero bigla hinili ni Kendmar ang kamay ko at pinag intertwined ang kamay namin.




"Nasa loob pa tayo ng school." bulong ko sa kaniya, dumikit pa ako sa kaniya para matakpan ang kamay namin.




Ang daming estudyante at teachers na naglalabasan 'no! Paano kung may makakita!




"Madilim na, hindi na nila 'yan mapapansin." tumawa siya.




Myghad! Parang ang landi landi namin! Hindi ako mapakali at tingin ako nang tingin sa paligid namin!




Akala ko lalabas na kami ng school pero lumiko siya at dumiretsyo sa bilihan ng school supplies.




"Anong gagawin natin dito?" kinakabahan ako.




"May bibilhin lang ako." hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko.




Wala ng tao sa tapat ng bilihan ng school supplies kaya lumayo na ako kay Kendmar pero magkahawak pa rin kamay namin. May kinuha si Kendmar sa bulsa niya at binayad 'yon kay ate.




Habang iniintay namin 'yung binili ni Ken, may nagsalita sa likod namin.




"Holding hands inside the school is not allowed."




Dahan-dahan kami napalingon sa teacher, siya 'yung matandang teacher na matagal na raw nagtuturo rito! Nataranta ako at bibitaw na sana sa kamay ni Kendmar pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.




Nakita ko na nakuha na ni Kendmar 'yung binili niya at humarap skya kay sir, nakayuko na ako sa sobrang hiya kay sir!




"Sorry po, sir. Highschool e" tumawa siya, nagulat na lang ako nung tumakbo siya dala-dala ang kamay ko kaya napatakbo rin ako.




Narinig ko pa na sumigaw si sir!




Imbis na matakot ako dahil tinakbuhan namin si sir parang nag enjoy pa ako! Tumatakbo kami ni Ken habang magkahawak ang kamay, pareho kaming tumatawa hindi namin alam kung bakit. Hanggang sa nakalabas na kami ng school.




"Wait lang" hingal na hingal na sabi ko. Huminto kami sa waiting shed.




Bumitaw ako sa kamay niya, nilagay ko ang dalawang kamay ko sa tuhod ko sa pagod sa pagtakbo. Umangat ang tingin ko kay Kendmar na nakapamewang at hinihingal din, tumawa ulit kami nung nagkatinginan kami. Umayos na ako ng tayo at ready na umalis.




Nanlaki na lang ang mga mata ko nung bigla niya akong niyakap. Nasubsob ang mukha ko sa dibdib niya, napangiti ako nung naritinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya!




"Alam mo ba kung ano sinasabi ng puso ko?" sabi sa'kin ni Kendmar habang nakayakap sa leeg ko.




"Ano?" sagot ko habang nakangiti pa rin, mas nilapat ko pa ang tenga ko sa dibdib niya.




"Ma-Rou, Ma-Rou, Ma-Rou"




Natawa ako sa sinabi niya.




"Ang corny mo." natatawa na sabi ko.




"Babe, ang saya ko na ikaw palagi ang kasama ko. Sana ikaw na talaga."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro